webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · Urban
Not enough ratings
107 Chs

Chapter 63 - The Unwanted

Gumanti ang lalaki at nagpambuno sila.

Naghiyawan ang mga nakakitang kasambahay sa takot subalit walang may kayang umawat sa dalawa.

Nagkagulo sa mansyon ng mga Villareal.

Nagtulungan ang mga tauhan ng don upang paghiwalayin ang magpinsan subalit matindi ang kanyang poot na nararamdaman kaya hindi siya nagpapigil sa kahit kanino man.

Walang tao ang makakapigil sa kanyang galit at hinanakit sa buong angkan.

Gano'n din si Hendrix na may alam sa depensa kaya't hindi agad napupuruhan.

Subalit mas malakas at mas magaling si Gian kaya napatumba niya si Hendrix at sinakyan.

Ibinuhos ng binata ang lahat ng kinikimkim na galit poot at hinanakit sa buong angkan habang ginugulpi ito.

"Kayo ang dahilan kaya nawalan ako ng magulang! Kayo mga putang ina niyo!" panay ang sigaw ng binata habang pinagsusuntok ito sa mukha.

Nagdidilim ang kanyang paningin at hindi na inalintana ang magiging resulta ng ginawa.

"Kulang pa diyan ang ginawa ninyo sa akin!" hiniklas niya ang kwelyo ng suot nito kaya bahagyang umangat.

"KULANG PA!"

"TUMIGIL KAYO!"

Natigil si Gian nang dumagundong ang isang tinig sa apat na sulok ng mansyon.

Tila nagbalik sa kanya ang lahat at natauhan ang binata nang makilala kung sino ang sumigaw.

Hinihingal na umayos siya ng tayo.

Umangat siya ng tingin at nakasalubong ang mga mata ni don Manolo na nakaderekta sa kanya.

Ngayon pa lang siya nakaramdam ng hiya sa agwelo.

Naramdaman niya ang dugo sa mga labi.

Bumaling ang kanyang tingin sa nakasagupang pinsan na hindi na halos makadilat sa dami ng natamong suntok.

Kung maglalaho ang pangarap niya ngayon ay hindi niya pagsisihan makaganti lang!

Kung ganitong hindi siya tanggap noon kahit hanggang ngayon ay mas mabuti na ngang walang pamilya, kakalimutan niya ang mga ito hanggang sa huling hininga.

"Anong nangyari?"

Walang nakasagot sa tanong ni don Manolo.

Hindi siya makatingin dito ng deretso kaya't ibinaling niya sa ibang dereksyon ang mga mata at natoon sa isa pang larawan.

Kumunot ang kanyang noo dahil naroon na naman ang mukha ni don Manolo kasama ang isang babaeng kaedaran nito at may dalawang lalaki sa harap ng mga ito.

Binatilyo ang mga ito subalit kilala niya kung sino.

"That fucking bastard hit me grandpa!"

Nabaling ang tingin niya kay Hendrix na nangangalaiti sa galit at dinuduro siya.

Nasa likuran nila ang mga tauhan ng don.

"Hendrix!"

"Oh come on! Ako pa ba ang masama rito?" turo nito sa sarili na parang hindi makapaniwala sa pagsita ng don.

Naglakad palapit si don Manolo at hindi alam ni Gian kung kanino ito patungo gayong magkaharap sila ni Hendrix.

Sinundan niya ito ng tingin na patungo sa pinsan.

Tumiim ang kanyang bagang. Oo nga naman ito ang apo at siya ay bago lang dito pero nakipag-amok na.

Hindi niya mapigilan ang kaunting kirot sa dibdib dahil sa nakita.

Napayuko siya sa naisip.

Kung palalayasin siya ng don ay susunod siya ng walang imik.

"Hendrix, ano bang ginawa mo at nagkagulo kayo?"

"What?" bakas sa tono ni Hendrix ang sakit at hinanakit sa narinig na maging siya ay nagulat.

"I don't want to reason out just to get your side grandpa. I'm used to it.

But I want you to know that I just want to talk to him but he bit me to death."

Sa pagkakataong ito ay sa kanya tumingin ang don.

Tikom ang kanyang bibig kahit pa naghihintay ng paliwanag si don Manolo.

Walang karapatan ang mga ito na marinig ang paliwanag niya.

Na malaman ng mga ito ang hinanakit niya sa buong angkan dahil sa pagkawasak ng pamilya at sa hindi pagtanggap ng mga ito sa kanya.

Walang karapatan ang mga ito na malaman ang kanyang panig.

"Gian I want to know everything," anang don na nanatili pa rin sa tabi ni Hendrix.

Lumipat ang tingin niya sa pinsang madilim na nakatitig sa kanya.

"You don't need my explanation don Manolo."

Natahimik ang lahat.

"See grandpa? What a fucking bastard!" sigaw ni Hendrix.

"You are unwanted here get lost and go to hell!" dinuro siya nito.

Inaasahan niyang suwayin ulit ng don ang pinsan subalit nanatili itong nakatingin sa kanya.

Nagpasya siyang humakbang paalis.

"Magkita na lang tayo kapag nakuha ko na ang gusto ko," aniya at mabilis na humakbang paalis.

"Gian!" tawag ng don subalit binalewala niya 'yon.

Sanay naman siyang walang kakampi.

Sa trabaho man ay gano' n din.

Kapag pumalpak ang grupo nila ay nasa kanya ang sisi. Siya ang may kasalanan.

Pagdating kay don Jaime ay siya pa rin ang may kasalanan.

Gano'n din pala pagdating sa pamilya niya.

Tama nga si Hendrix unwanted siya.

Walang may gusto sa kanya kahit pa sariling pamilya.

Mariing napailing ang binata at mas binilisan ang paglalakad palabas ng mansyon.

Ayaw na niyang magtagal pa sa lugar na ito.

Sa oras na mapasakanya na ang mana ay aalis na siya at hindi na babalik pa.

Pagdating sa malaking gate ay hinarangan siya ng dalawang gwardya.

"Saan ka pupunta?" tanong ng isa sa mga ito subalit hindi niya pinansin at nagpatuloy sa paghakbang patungo sa nakasaradong gate.

"Buksan niyo," matigas niyang utos habang nakatitig ng matalim sa gate na bakal.

Nagkatinginan ang mga ito at sumunod.

Bumukas ang gate at mabilis siyang lumabas.

Wala naman siyang dala at naiwan ang backpack niya sa mansyon.

Pagkalabas ng gate ay saka niya narinig ang pagbulong ng isa sa mga ito.

"Baka pinalayas ng don?"

"Mukha nga?"

Sabay na nagtawanan ang dalawang lalaki.

Pinikit niya ang mga mata sa pagpipigil na balikan ang dalawa.

Nang idilat ang mga mata ay huminga siya ng malalim.

'Ngayon lang 'to Gian. Ngayon lang.'

Naglakad siya palayo kahit madilim na.

Mabuti na lang at may taxi na dumaan.

Sumakay siya rito.

"Saan po tayo sir?" tanong ng tsuper.

"Sa pinakamalapit na hotel."

Wala ng imik ang tsuper at mabuti na rin 'yon para makapag-isip siya.

Wala siyang kagamit-gamit ngayon na maging ang pitaka niyang may kakaunting laman ay naiwan pa sa mansyon ng mga Villareal.

Kinapa niya ang cellphone at nakahinga ng maluwag nang malamang naroon sa kanyang bulsa.

Mabuti na lang at hindi nalaglag kanina.

"Dito na po ba sir?"

Pinagmasdan niya ang naturang gusali na may nakalagay na 'D Morvie Suit.

Tumango siya. "Oo."

Kinapa niya ang secret pocket sa pantalon at nagpapasalamat na may isang libo pa siya roon.

Nagbayad siya ng taxi at nagulat na one hudred fifty ang binayaran niya.

Nabawasan agad ng malaki.

Bumaba ang binata at napailing.

Pumasok siya ng suit at hinarap ang isang babae na nakangiti pagkakita sa kanya.

"Good evening sir."

"May bakante ba?" deretsong tanong niyang walang kangiti-ngiti.

"Yes sir, sa third floor, aircon or fan?"

Napatingin siya sa iba pang naroong tila mga staff.

Tumikhim siya at muling nagsalita.

"Fan lang."

"Okay sir," anang receptionist.

Narinig niya ang pagsinghapan ng mga naroon na para bang nadismaya sa kanyang sinabi.

"Unsay pangalan ang ibutang sa resibo sir?"

"Gian Villareal," aniya na muling ikinagulat ng mga ito.

"Villareal?" ulit ng babae na tila kilala nito ang apeyidong 'yon.

Bahagya siyang natigilan. "Ah, no Marasigan. Just Marasigan."

"Oh okay sir."

Nakahinga siya ng maluwag nang matapos ang usapan at umalis na siya kasama ang crew na maghahatid sa kanya patungo sa silid.

Subalit hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang pag-uusap ng dalawang babae na mga bisaya.

"I heard it. Villareal daw. Gahh pagka gwapo!"

"And super yaman dzai! Madatong ni! Unsa'y numero be daliiii!"

Napailing siya sa narinig.

Mayaman ang mga Villareal subalit hindi naman siya tanggap, apelyido lang ng mga ito ang dala niya wala ng iba.

Binuksan ng lalaking crew ang kwarto.

"Di ara sir."

Pagkapasok niya ay inilibot niya ang tingin sa buong silid.

May maliit na kama, maliit na banyo at halos wala ng pagitan sa mga ito sa, sobrang liit.

Subalit wala siyang magagawa dahil ito lang ang kasya sa pera niya.

Hindi niya napigilang maawa sa sarili.

Sa Zamboanga ay nagigipit din naman siya ngunit hindi kagaya rito sa Cagayan.

Naisip niya ang kasintahan.

Kung alam lang nito ang nangyayari sa kanya ay baka padalhan siya ng chopper at ibalik doon.

'Kung naging mayaman lang ako.'

Umupo siya sa kama nang magpaalam ang crew.

Ma naipon naman siya sa bangko ang kaso ay hindi siya makakapag withdraw dahil naiwan sa apartment niya ang passbook.

Wala na rin siyang lakas ng loob na bumalik sa mansyon para kuhanin ang gamit.

Napailing siya at minabuting hanapin ang numero ng isa pang babae.

Nang makita ay tinawagan niya ito.

"Gian kumusta? Nasaan ka?" bakas sa tono ng babae ang pag-aalala.

"I'm fine, kayo diyan kumusta? Anong update?"

"Heto kumikilos na si don Jaime para mapalayas na ang hepe na si Cordova, mabuti na lang talaga at mapagkatiwalaan ang kaibigan mong si Vince-"

"Do you mean mapapatalsik na siya? Paano na si don Jaime? Nanganganib ba siya? Si Ellah?"

Kumabog ang dibdib niya nang maisip ang kasintahan.

Kamag-anak ni Delavega si Cordova siguradong hindi mananahimik ang mga ito.

"Sa ngayon wala pa akong nalalaman sa ikinikilos ni Delavega, o baka naman natatakot lang sumabit dahil nadidiin na sa patong-patong na kaso ang pamangkin niya."

"Wala bang aksyon?"

"Wala pa naman, pero huwag kang mag-alala talagang hindi na umaatras si don Jaime sa laban. Malapit ng matapos ang paghahari ng mga demonyong Delavega na 'yan."

Tumahimik siya at naalala ang isa pang tao sa buhay niya.

"Kumusta si Vince? Bantayan niyo siya please? Siguradong babalingan siya ng mga 'yon kapag sumabit ang pangalan niya."

"Oo hindi namin siya pinababayaan dito, napakabait niya."

Lumunok siya at huminga ng malalim.

"Si Ellah kumusta?"

"Well hayun, papagaling na, actually sabi ni Mang Roger ay makakalabas na siya ng ospital bukas."

"Mabuti, mabuti naman."

"Eh ikaw kumusta na?"

Natigilan siya sa narinig.

Hindi mabuti, iyon ang totoo.

"I'm fine."

"Nasaan ka ba ngayon?"

"Diyan lang sa tabi-tabi."

Tumahimik sa kabilang linya.

"Isabel? Are you still there?"

"Gian kami rito nagsasabi ng totoo lahat sa'yo pero ikaw ramdam kong hindi, wala ka bang tiwala sa amin? Sa akin?"

Naalarma siya sa hinanakit ng boses nito.

"Hindi sa gano'n. But I'm going home maybe next day mag-uusap tayo. "

"Talaga? Magkita naman tayo, na miss kita ah?" kababakasan ng tuwa ang tono ng babae.

"Yeah sure. Ingat kayo ha?"

"Sure!" masiglang wika ng babae.

"Pwede ko bang makausap ang tatay mo?"

"Ha? Bakit? Okay sige sandali lang."

Huminga ng malalim ang binata.

Ayaw niyang humingi ng tulong subalit kailangan.

"Gian gusto mo raw akong makausap?" si mang Isko na nasa kabilang linya na.

Tumikhim siya.

"Oo sana mang Isko, pwede bang... pwede bang," huminga siya ng malalim upang makakuha ng lakas ng loob.

"Ano 'yon?" tanong nito kaya bumuga siya ng hangin.

"Nasaan ka ba? Hindi ka na dumadalaw dito?"

"Mang Isko alam niyo naman ho ang sitwasyon ko. Pero babalik na ho ako diyan sa susunod na araw."

"Kumusta ka na? Ayos ka lang ba? Ang mga sugat mo ba magaling na?"

Wala sa loob na nahaplos ng binata ang labing tinamaan ng suntok ni Hendrix kanina.

"Ayos lang ho ako."

"O mabuti naman, ano nga palang kailangan mo?"

"Mang Isko huwag niyong sabihin sa anak ninyo to ha, kung pwede sa atin lang muna."

Si mang Isko naman ang tumikhim.

"Ano ba' yon? Usapang lalaki ba? May gusto ka ba sa anak ko manliligaw ka ba?"

Nabilaukan si Gian sa sariling laway nang marinig ang sinabi ng ama ni Isabel.

"No, hindi po, I mean gusto ko sanang manghiram muna ng, ng kunting pera kasi walang-wala na ako mang Isko."

Kinagat niya ang ibabang labi sa tindi ng hiya at tila ba nanindig ang kanyang mga balahibo sa batok.

"Walang problema magkano ba? Saka nasaan ka ba ngayon?"

"Nasa malapit lang ho."

"Ipil ba? Magkita na lang tayo?"

Napailing siya. "Hindi ho mang Isko. Nasa Cagayan de Oro ako."

"Cagayan? Anong ginagawa mo diyan?"

"Mahabang kwento ho, pagbalik ko sasabihin ko lahat."

"O sige ba magkano ba kailangan mo?"

"Limang libo ho sana kung pwede, ibabalik ko agad pag-uwi ko."

"Sige walang problema Gian, ipapadala ko. Ako mismo ngayon din."

"Salamat ho, maraming salamat mang Isko."

"Sus walang problema akala ko kung ano na ang sasabihin mo. Mag-iingat ka diyan ha?"

"Oho, salamat ho talaga."

"Basta ikaw Gian, lahat ibibigay namin."

Muling nagpasalamat ang binata bago nagpaalam.

Pasalamat na rin siya at may kagaya nina mang Isko na magagawa niyang lapitan sa oras ng kagipitan.

Nakaramdam siya ng gutom pagkatapos ng usapan.

Nagpasya siyang bumaba at naghanap ng makakainan.

Naglakad siya palabas ng suit.

Muli na naman niyang narinig ang impit na tili ng mga babaeng staff.

Hindi rin nakaligtas sa kanya ang malagkit na tingin ng mga babaeng nag check in din.

"Grabe is this love?"

Dinig niyang tanong ng isa sa mga staff doon kaya napalingon siya rito at nagtagpo ang tingin nila.

Malawak ang ngiti nito at hindi naman niya planong balewalain lang.

Ngumiti rin siya ng tipid bago bumaling ang tingin sa dinadaanan.

Nagtilian ang mga ito at napailing lang siya.

Naglakad ang binata sa labas ng suit at naghanap ng makakainan.

Napakaraming tao at abala ang lahat sa gabing ito. Kanya-kanya ng ginagawa, may kumakain at ang iba ay nagtitinda.

Hanggang sa mapadpad siya sa nagtitinda ng barbecue.

Amoy pa lang ay ginanahan na siya kaya agad siyang nagtungo roon.

Agad pumili ang binata ng pira-pirasong karne doon.

"Ah, miss pwede ito sa akin?" tanong niyang nakatingin sa mga napiling barbecue.

Hinintay niya ang sagot subalit wala siyang nakuha kaya umangat ang kanyang tingin.

Eksaktong pag-angat ng kanyang mukha ay sumalubong ang isang kislap ng camera.

Bahagya siyang nasilaw at nagtakip ng braso sa mukha.

Saka lang niya napansin na marami na ang nakatingin sa kanya.

Nagkislapan ulit ang mga kamera at saka niya napagtanto ang isang bagay.

Wanted nga pala siya!

Pinaghahanap ng batas at ng sindikato!

"Stop it!" singhal niya sa mga babaeng gumagawa.

Natigagal ang mga ito, mabilis na lang siyang umalis doon nang hindi nagsasalita o nagpapaliwanag.

Kabado si Gian sa nangyari paano kung makita ng kalaban ang mukha niya?

Sa halip na kumain ay mabilis siyang nagtungo pabalik ng hotel at namili sa pinakamalapit na karenderya.

Umalis siya roon sa barbecue at hindi na nagtagal pa.

Mahirap na kung makipagmatigasan pa siya baka puntahan sila ng pulis.

Dati siya ang alagad ng batas ngayon siya ang pinaghahanap ng batas.

Kumuyom ang kamay ng binata.

Nagulo ang buhay niya dahil sa isang Delavega!

---

"Anong sinabi mo?"

Napatayo si senior Roman habang kausap ang tauhan.

"Tinanggal na po si sir Danilo sa pagka hepe don Roman."

Sa tindi ng galit niya ay naibato ni senior Roman ang hawak na kopitang may lamang alak.

"Walang hiya talaga ang Jaime Lopez na 'yan! Sinasagad niya ang pasensiya ko!"

"Hindi ito magagawa ni Jaime kung walang tumulong sa kanya dad."

Nilingon niya ang anak niyang si Xander na naglalakad patungo sa kanila.

"What do you mean? Sinong tumulong?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Si Maravilla, ang traydor na 'yon!"

Kumunot ang noo ng senior. "Maravilla?"

"The one who saved you last time dad."

Uminit ang kanyang ulo sa narinig.

Ang nangyaring pagtatanggol sa kanya noon ng isang lalaki ay isang malaking patibong.

Ginawa nito ang gano' n upang makapasok sa kanyang grupo ngunit hindi nagtagal nalaman niya agad.

Salamat kay Alex noon.

Kung hindi pinatay si Alex ay sana matagal ng bumagsak ang Jaime Lopez na 'yon!

Masyado siyang nakatuon kay Gian Villareal hanggang sa nakalimutan niya ang tungkol sa pagtatraydor ni Maravilla.

"Talaga palang penepeste ako ng tarantadong 'yon!"

Hindi kumibo si Xander.

Saka naman siya may napagtanto.

" Sandali paano mo nalaman?"

"Through my reliable resources dad."

"Sino ba ' yan at mukhang nagagamit mo talaga?"

Tumawa si Xander.

"No one can resist money dad. Lahat may katapat na halaga."

"Kung sino man 'yan malaki ang papel niya bilang espiya."

"Ofcourse."

"Hanapin ang Maravilla na' yan at dalhin sa akin patay man o buhay!"

"Yes dad."

Masyadong sinasagad ni Jaime Lopez ang kanyang pasensiya na akala mo ito lang ang makapangyarihan.

Huminga ng malalim ang matanda.

Tubong Cavite siya at nakapag-asawa lang noon ng taga Zamboanga kaya dito na nanirahan.

Tumakbo pa siya bilang kapitan pagkalipas ng tatlong taon at nanalo.

Subalit maliit ang kita sa pagiging kapitan.

Kaya tumakbo siyang Mayor at nanalo.

Dito na na niya nabawi ang pagod at hirap bilang kapitan noon.

Lalo na ng manalo siya bilang congressman.

Malaki ang utang na loob niya sa mga Lopez subalit unti-unti na niya itong nababayaran lalo pa't alam na niya noon pa man kung sino ang nagtangkang magpapatay sa kanya kay lang ang asawa niya ang nabiktima.

Ang masakit ay hindi ito inamin ng dating kaibigan na ngayon ay mortal niyang kaaway.

Tumalim ang kanyang tingin sa kawalan.

'Ang akala siguro ng Jaime na 'yon ay hindi ko pa alam ang ginawa niyang kademonyohan!'

Kaya pigil siyang galawin ang mga Lopez noon dahil sa utang na loob ngunit hindi na mula nang malaman niyang ito ang pumatay sa asawa niya.

Nalaman niya rin ito limang taon na ang nakakaraan.

Salamat sa pamangkin niyang naging hepe. Ito ang nakatuklas sa katotohanang 'yon.

Malinaw pa sa kanyang isipan ang sinabi ni Danilo noon sa kanya pagkatapos nitong maging hepe ng pulisya.

"Tito, hindi pulitika ang dahilan ng pagkamatay ni tita."

"Anong ibig mong sabihin?"

"May malaking tao sa likod no'n."

Napatayo siya sa narinig.

"Sino?"

Tumigil ito sa pagsasalita kaya hinablot niya ang suot nitong uniporme.

"Ang kaibigan mong si Jaime Lopez."

Unti-unti niyang nabitiwan ang damit ng pamangkin at nanghina.

"Hindi totoo 'yan!"

"May ebidensiyang nakuha roon na nagpapatunay tito."

"Anong ebidensiya?"

"Black box ng kotse. Mga tauhan ni Lopez ang gumawa!"

"HAYOP! PAPATAYIN KO ANG DEMONYONG 'YON!"

Tumayo siya ngunit biglang nanginig ang tuhod at natumba.

"Dad!"

Ipinilig ng matanda ang ulo upang kalimutan ang nangyari noon.

Gusto nitong maningil subalit bayad na siya rito at gano'n din ito sa kanya nang dahil sa kanyang ginawa.

Tatablahin niya ang laban.

Walang pag-alinlangan ay gumawa siya ng paraan upang makaganti kay Jaime Lopez.

Ito ang dahilan ng kanyang pagbagsak noon.

Siya naman ang magiging dahilan ng pagbagsak nito ngayon!

"Senior Roman."

Nilingon niya ang kanang kamay.

"Nakita niyo na ang Villareal na 'yon?"

Umiling ang kausap na siyang nagpainit lalo ng kanyang ulo.

"Wala pa rin? Talaga bang ginagawa ninyo ang inyong trabaho ha!" bulyaw niya.

"O-opo senior Roman."

"Pwes hanapin ninyo ang hayop na  'yon at dalhin sa akin!"

Hindi sumagot ang mga ito.

"Senior, inisa-isa na po namin ang mga bahay subalit walang bakas ni Villareal doon."

"Sunugin niyo ang buong lugar ng Tungawan! Tingnan natin kung hindi lalabas ang hinayupak na' yon!"

"Opo senior Roman!"

Mabilis na umalis ang tauhan.

'Hindi ako makakapayag na mananatiling buhay ang Villareal na 'yon! Lalong-lalo na ang mga Lopez!'

---

"Wala akong kasalanan!" sigaw ng dating hepe na si Danilo Cordova.

Paulit-ulit na pinanood ni Ellah ang balitang 'yon sa internet hanggang sa tinapos niya.

"Si Jaime Lopez ang may gawa nito nadamay lang ako! Wala akong kasalanan!"

Tumalim ang tingin niya sa lalaking nakaposas at binitbit ng mga awtoridad.

"Gago!" ibinagsak niya pasara ang laptop sa loob ng silid.

Tumayo siya at nagtungo sa bintana saka tumingin sa kawalan.

Naka labas na siya ng ospital subalit wala pa ring Gian na nagpapakita sa kanya.

Ayaw niya sanang lumabas ng ospital subalit kailangan siya ng agwelo dahil ito naman ang nanghihina ngayon.

Lumabas siya ng silid at tinungo ang matandang don sa hardin nito.

"Lolo, ano ng mangyayari ngayon?"

"Siguradong kikilos si Roman. Ididiin niya ako pero hindi na ako natatakot ngayon. Lalabanan ko siya sa abot ng aking makakaya."

"Gano'n din ako lolo, hindi po kayo nag-iisa."

Huminga ito ng malalim.

"Salamat apo ko."

"Wala pa ring balita kay Gian. Saan na kaya siya? Ayokong isipin na wala na siya lolo."

"Kung nasa Tungawan pa siya dapat nakita na."

Napatingin siya sa agwelo.

"Paano kung... kung nagka amnesia siya lolo? Kaya hindi niya matandaan ang-"

"Hija, kahit pa gano'n kung talagang naroon siya ay matagal na nating nakita o hindi kaya ay ng mga Delavega na 'yon."

Umiling siya. Pilit iwinawaksi sa isipan ang isang madilim na parte na kinahihitnatnan ng kasintahan.

"P-paano kung..." yumuko ang dalaga hindi niya matingnan ang agwelo na ngayon ay nakatingin sa kanya.

"Paano kung wala na siya? Lolo hindi ko kaya 'yon!"

Nangilid ang mga luha niya na mabilis niyang pinahid.

"Kung wala na siya, dapat nakita na ang katawan niya."

May punto ang kanyang lolo subalit hindi pa rin niya maiwasang matakot.

"Don Jaime!" Humahangos na tumatakbo palapit sa kanila si mang Roger.

"Bakit?"

Kinabahan ang dalaga sa nakikitang takot sa anyo ng lalaki.

"Don Jaime nasusunog ang Tungawan!"

"ANO!"

Nagimbal ang mga Lopez sa narinig at agad nanood sa telebisyon.

May isang babae roon na nagbabalita at sa likod nito ay ang naglalagablab na apoy at tumutupok ng mga gusali at kabahayan.

"Kasalukuyang nasusunog ang parte ng Barangay Langon ng munisipalidad ng Tungawan sa hindi pa malamang kadahilanan.

Ayon sa mga residente ay bigla na lang sumiklab ang apoy na nagmula sa kagubatan hanggang sa umabot sa mga kabahayan.

Umabot na sa halos isang daang ari-arian ang nilamon ng apoy at may dalawampung nasawi na sa naturang sunog.

Inaalam pa sa ngayon kung ito ba ay sinadya o hindi-"

" DELAVEGA! " sigaw ni don Jaime sa tindi ng galit.

Nanghina si Ellah sa nasaksihan.

Paano kung naroon ang kasintahan at kasalukuyang nagpapagaling?

Tumalim ang kanyang tingin sa screen.

" Walang iba lolo! Siguradong sila ang may pakana nito dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakikita si Gian! "

" Magbabayad ang demonyong 'yon! "

"Gian Diyos ko saan ka na ba?" naiiyak na daing ng dalaga.

---

Pagod at puyat si Gian kaya pagkahiga niya sa papag na may manipis na foam ay nakaramdam siya ng kaginhawaan.

Katatapos lang niyang kumain.

Maya-maya ay lalabas siya ulit upang mamili ng damit at gamit.

Ipinikit niya ang mga mata at inisip ang kasintahan.

Sabik na sabik na siya rito at gustong-gusto na niyang umuwi sa piling ng pinakamamahal subalit hindi pa niya magagawa dahil sa nangyayari.

'Kumusta na kaya ang mga ito?'

Iba pa rin kung makakausap niya man lang sana si Ellah.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata ngunit napaigtad ang binata nang biglang may sunod-sunod na katok ang siyang nagpabalikwas sa kanya.

Sumagi sa isipan niya ang nangyari kanina kaya umalerto siya.

Paano kung mga pulis ito at natunton na siya?

"Sino 'yan?" kabadong tanong ng binata.

"Sir, crew po ito ng hotel," boses- lalaki 'yon na siyang nsghatid sa kanya kanina, nakahinga siya ng maluwag.

Huminga siya ng malalim at binuksan ang pinto.

Subalit gano' n na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata sa nakita!

Hi po sa sumusubaybay pa rin ng Wanted Husband. Thank you for waiting po sa update.

Thank you rin po sa vote, sa comment at sa review ninyo.

Nakakatuwa po at nakaka inspire.

Enjoy reading.

Salamat po.

Phinexxxcreators' thoughts