8 Chapter 7- The Date

AMELIA HOMES... 

Nakarating ng bahay si Gian at humiga sa kama ng inuupahang apartment.

Ito ang isa sa prebilihiyo bilang nasa mataas na posisyon sa kanyang trabaho.

Bilang isang Captain, mayroon siyang sasakyan at apartment.

Ang sabi ni Ellah umuwi siya upang maghanda.

Ano ang paghahandaan kung hindi naman niya ito date?

"He's the President of a sardine company." Ang kalmadong boses ni Ellah ay umalingawngaw sa kanyang pandinig.

"Gusto talaga niyang pumunta sa date na 'yon. Kung sana'y naging mayaman lang ako!"

Pagkuwan ay natigilan siya.

Alam niyang attracted siya sa babaeng amo, ngunit isa lamang iyong paghanga.

Hinahangaan niya ang ganda, ang husay nito sa pagdadala ng negosyo.

Maya-maya ay natigilan ang binata.

"Why am I acting like this?" Napakamot ng ulo si Gian.

Nandito siya upang maging gwardya, taga protekta at hindi para maging kasintahan o manliligaw man lang.

Tumunog ang kanyang cellphone dahil sa tawag ni Vince.

"Bakit? May problema sa opisina?"

"Wala naman, gusto ko lang malaman kung in love ka na?"

"What?" Napatayo ang binata upang maghanda.

"Oh! Bro, with the tone of your voice, tell me you're in love, aren't you?" nasa tono ni Vince ang pangangantiyaw.

"Baliw!" aniya at ngumiti habang napapailing.

"Aminin mo na."

Tumawa lamang siya.

"Bro, huwag mo na 'yang pakawalan, kapag nanalo ka sa kanya, para ka na ring nanalo sa lotto kahit hindi tumataya."

"Bastard, " tawa niya ulit. "Gwardya lang ako, wala ng iba.

My job is to protect her at all costs." 

"Is blackmailing someone, a part of that job?"

Napahigit ng hininga ang binata.

"Nandito na naman tayo, ginagawa mo na naman 'yong own version of interrogation."

Natawa ng bahagya si Vince. "You know brother, I'm an expert on this so there's no sense of denying."

Alam naman niya 'yon. Ngayon iniisip na niya ang sasabihin.

Kapag sinabi niyang oo, parte ng kanyang trabaho 'yon bilang gwardya. Bakit daw?

Kapag sinabi niyang hindi parte, kung gano'n bakit niya ginawa?

Ano ang rason sa likod ng kanyang intensyon?

Hindi ito titigil sa pag-iimbestiga hanggang sa mahuli siya mismo sa kanyang mga pahayag.

Ang lalaking nasa kabilang linya ang siyang tumulong sa kanya sa pagbabanta sa supplier.

Sa kasamaang palad, ang lalaking ito ay kaibigan niya!

Malalalim ang paghinga ni Gian habang si Vince ay nakangiti sa loob ng opisina nito, naghihintay ng totoong sagot mula sa kaibigan. Pipigain niya ito hanggang sa mapaamin. Pahusayan na lang sa pagdakip.

"Look, what I did was to minimalize crimes, and permit circulation was illegal."

"Yeah brother, explain further," tawa ni Vince. "Just tell me, you're in love with that woman. " 

Napabuga ng hangin sa buhok na nasa kanyang noo si Gian upang kumalma.

"No."

"That's right. Siguraduhin mo pare. Falling inlove with that kind of woman is dangerous.

They are the kind of people who are good at playing games.

At ayaw kong maging parte ka ng larong 'yon."

Kumunot ang noo ni Gian. "Sandali, ang sabi mo kanina, hindi ko siya papakawalan, ngayon sasabihin mo 'yan? Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?"

"Winning her is like winning a lottery without betting. Pero paano kung matalo ka?

Hindi lang kabiguan ng puso ang mararanasan mo pare.  

Alam kong magaling kang kumilatis ng mga kriminal pero hindi sa ganitong klaseng tao."

"Salamat sa payo pare. Huwag kang mag-alala, hindi ako in love okay? Sige na busy pa ako." Akmang ibababa na niya nang magsalita si Vince.

"Tandaan mo lang, gwardya ka lang ng tagapagmana at wala ng iba. Ikaw ang Captain ng Alpha Team."

"Yes, I'll keep that in mind."

"All right pare, keep up the good the work. "

Nakahanda na si Gian kahit wala siyang gana.

Sa loob ng dalawang linggong paninilbihan ay ito ang unang pagkakataong masaksihan niya ang pakikipagtagpo ng amo sa ibang lalake.

Hinarap niya ang salamin habang nakatingin sa kanyang suot.

T-shirt at jeans, rubber shoes na may leather black jacket.

Perpektong kasuutan bilang isang gwardya.

"Gwapo ka nga, wala ka namang panama!"

Ang babaeng hinahangaan niya ay lumilipad samantalang siya ay gumagapang.

---

LOPEZ MANSION...

Kunot-noo si Ellah ng dumating si Gian.

Malapit na silang mahuli!

Suot pa naman niya ang isa sa paboritong damit na black silk dress tube above the knee with a slit at the side. Kumurba ng husto ang kanyang beywang.

Inilugay niya lang ang wavy hair niya.

Habang pababa ng hagdan napansin niya ang matiim na titig ng gwardya.

Muntik na siyang ngumisi kung hindi lang naalalang late na sila.

"My dear, you are so beautiful!" malawak ang ngiting turan ng abuelo pagkakita sa kanya.

"I have to go, Grandpa," tugon niya at hinalikan sa pisngi ang matanda.

"Alis na ho kami sir."

"All right, baka naghihintay na ang anak ng kaibigan ko ingat kayo.

Gian, take care of my gorgeous baby, huh?"

"Yes, sir."

"Lolo?" saway niya rito.

"Yes, sir, I'll take care of your beautiful granddaughter."

"Thank you, Gian," saad ng don.

Pagdating sa kotse ay sinipat niya ito. "I told you not to compliment."

"I didn't."

"Ang sabi mo, I am beautiful!"

Natawa ng bahagya ang binata.

"I never told you that, you just heard."

Itinikom ni Ellah ang bibig. Iritado na siya dahil sa pagiging late.

"Saan tayo Ms.?"

"HG hotel. Can you drive faster? Aabot tayo roon ng isang oras pa, can you do it for thirty minutes?"

"It's just a date, he can wait." malamig nitong tugon.

"Alam ko. Pero late nga tayo! I hate being late!"

"Sa susunod sabihin mong magpahuli siya para mauna ka."

"WHAT THE HELL! ANG SABI KO BILISAN MO!" Sigaw ni Ellah.

Tumiim ang bagang ni Gian, tumalim ang titig sa daan at humawak ng mahigpit sa manibela.

Walang salitang inapakan niya ang gas hanggang sa umabot sa limit ang speedometer at hinaltak ang gear.

Wala pang ilang segundo lumilipad na sila.

Sanay siya sa paghahabol kay kamatayan dahil iyon ang trabaho niya, hindi nga lang niya alam sa kasamang nasa likuran.

"Shit!"

Kumapit ng husto si Ellah sa likurang upuan dahil ang salitang "bilisan" para sa gwardya ay kamatayan!

"Stop!" sigaw ni Ellah at sinapak siya sa balikat.

Subalit nagkunwaring walang narinig si Gian.

Ito ang gusto ng babae, ibinigay lang niya ang nararapat.

Hindi na malaman ni Ellah kung saan kakapit dahil natatangay siya sa tulin ng takbo.

Ni hindi ito bumagal kahit maraming naeengkwentrong sasakyan ni hindi tumigil sa traffic lights.

Mabuti na lang walang traffic enforcer sa lugar.

Ang ginawa nito ay mag-overtake nang mag-overtake!

Akmang mag-overtake na naman ang binata nang biglang may papasulubong na sasakyan deretso sa kanila!

"TIGIIIILLL!" Halos maubusan ng hininga sa pagsigaw ang dalaga at ipinikit ang mga mata na tila naghihintay ng kapalaran.

Mabuti na lang mahusay sa pagmamaneho ang gwardya.

Hanggang sa dumating na sila sa destinasyon sa loob lamang ng labing-limang minuto.

---

HG HOTEL...

Iminulat ni Ellah ang mga mata nang maramdamang huminto ang sasakyan.

Nagpasalamat siya sa langit na buhay pa ngunit nang bumuka ang kanyang bibig ay nakahanda siyang bumuga ng apoy mula sa impyerno.

"Fuck you!" sinipa niya ang kinauupuan ng gwardya dahil sa matinding takot.

"Yeah, fuck me," malamig namang tugon ni Gian.

"Muntik na akong mamatay asshole!"

"But you're not."

Binuksan niya ang pinto at handa ng bumaba nang magsalita si Gian.

"Nagmamadali? Ayusin mo muna ang sarili mo pangit ka na."

Hinarap niya ang salamin at ang pagkatulala ay isang understatement.

Nagmukha siyang nagahasa ng sampung demonyo sa kanyang itsura!

Mabilis niyang hinanap ang makeup at nag retouched.

Sinuklay niya lang ng kamay ang buhok at handa na siya.

"Saasamahan pa ba kita?"

"No!"

Binilisan niya ang hakbang upang makalayo lang agad sa lalaki.

'That bastard almost killed me! At anong sabi niya? Pangit daw ako? Huh! Really? Ako?'  

"This way please madam," anang waiter at iginiya siya patungo sa VIP room. 

Dumating siya sa silid kung saan may lakaking kalmanteng nakaupo sa mesang pandalawahan.

"Hi!" ngumiti ito at pinaghila siya ng upuan.

"Thanks," tugon niya at umupo.

May itsura ang naturang lalaki at mukhang kagalang-galang.

"Anyway, I'm Mark Leandro and you are?"

"Are you sure you don't know me?"

"Of course, I know you, anyway can we eat first?"

"Are you hungry?"

"Ha? Ah, I just came from a meeting, and then I went straight here. I just don't want to come late."

Matapos marinig ang salitang late ay kinalma niya ang sarili.

"Kumain na tayo," tugon niya at nagsimulang kumain.

Pagkuwan ay busog na siya, habang nasa kalagitnaan pa lang ang kausap kaya binilisan nito ang pagkilos.

"It's all right, just eat, " utos niya.

"I'm full."

Habang kumakain ay inoobserbahan ni Mark ang ka date.

Nagpapasalamat ito na kahit abala ang babae ay dumating pa rin.

Ang salitang "maganda" ay hindi sapat para ilarawan ang babaeng nasa harapan ngayon.

Nagbukas ng usapan si Mark.

"What's your passion?"

"Work."

Ngumiti si Mark.

"How about hobbies?"

"Work."

Natawa na siya ng bahagya.

Nakukuha na ng babaeng ito ang kanyang atensyon.

"You should read good books because I do, you can learn a lot from reading, I love it."

"Ikaw 'yon."

"Ha?"

"Then, you are knowledgeable enough right?"

"No, kunti lang."

Biglang tumigil si Ellah sa pagkain.

"Ang sabi mo, marami kang matutunan sa pagbabasa at ngayon sasabihin mong hindi masyadong marami ang natutunan mo ibig sabihin nagsisinungaling ka!"

"Sandali nga, calm down."

"You're talking nonsense, ni hindi ka naghanda sa date na 'to. Magtrabaho ka na lang tutal nakapang opisina ka pa!"

Napatango si Mark at nagpipigil na lamang.

'This woman is getting into my nerves.' sa loob-loob niya.

"Mukhang ikaw lang naman ang napipilitan sa date na ito. Remember that I am not just the one who wants this but also Don Jaime, so don't act like that!" Tumaas na rin ang boses niya.

Mas lalo namang tumaas ang boses ni Ellah.

Ang tapang ng hiya ng lalaking ito para sigawan siya!

"That's my point! Takot ka kay lolo pero hindi ka man lang nag-effort!"

"I explained, didn't I?"

"I don't care! Tell that to my lolo!" sigaw niya at lumabas.

"Wait!"

Hindi siya tumigil at deretso ang hakbang palabas, hinabol siya nito sa pasilyo.

"You don't need to do this! No woman has ever done this to me!" Hinila ni Mark ang kanyang braso.

"Bitiwan mo ako ! Gago ka!"

Tinangka niyang kumawala sa pagkakahawak nito.

"No way! Masyado mo akong pinahiya!"

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Sinisipa na niya ito ngunit sa kanyang pagkadismaya ay hindi man lang ito natinag.

Hinila nito ang magkabila niyang kamay at sapilitang ipinasok ulit sa silid.

Nagsimulang umiyak ang dalaga sa galit.

"Let me go, you Neanderthal!"

Biglang tumigil ang lalaki at pinanlisikan siya ng mga mata.

"What did you say!"

"Fucker!"

Biglang itinaas ng lalaki ang kamay upang sampalin siya nang may malakas na boses ang umalingawngaw sa pasilyong kinaroroonan.

"LET. HER. GO!"

avataravatar
Next chapter