webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · Urban
Not enough ratings
107 Chs

Chapter 58 - The Condition

Natigagal si Gian sa narinig.

Marahan siyang umupo na kaagad namang napangiwi sa tindi ng sakit sa balikat.

Maagap namang hinawakan ng babae ang likuran niya bilang suporta.

Ang pinakaunang pumasok sa kanyang isipan ay si Ellah.

Paano na ang kasintahan?

Alam na kaya nito?

Kumusta na si don Jaime?

Binalingan niya ang babae. "Paano mo nalaman?"

"Ibinalita kanina lang sa TV na nanlaban ka raw sa mga pulis kaya ka nakatakas.

Napilitan daw silang barilin ka dahil sa ginawa mo."

"Hindi totoo 'yan!" napasinghal siya tindi ng poot.

Huminga ng malalim ang babae at hinarap siya.

"Alam ko. Alam kong binaligtad ka lang nila."

Napatingin siya rito at umigting ang bagang.

"Diyan magaling si Delavega. Ang magbaligtad ng sitwasyon."

Tinitigan niya ang babae.

Mukhang may alam ito tungkol sa kalaban.

"Kilala mo ba si Roman Delavega?"

Napansin niya ang pagdilim ng anyo ng naturang babae.

"Hindi namin siya lubusang kilala noom kaya hindi namin inakalang magagawa niya ang ginawa sa amin noon ng tatay ko. Ngayon kilalang-kilala ko na ang pagka demonyo niya!"

Natigilan ang binata.

Alam niyang may inililihim ang mga ito at nagdadalawang isip siya kung tatanungin ito sa dahilan.

"Matagal na namin siyang kalaban. At ngayon pinapapatay na niya ako."

"Bakit?"

Umarko ang kilay niya.

"I mean hindi ba si don Jaime lang naman ang kalaban niya?"

"Boyfriend ako ng apo niya, pero hindi ko pinagsisihan na nadamay ako dahil noon pa man kalaban ko na talaga ang taong 'yon?"

"Boyfriend? Hindi asawa." Ngumiti ang babae.

"Paano ka nasangkot kay Delavega? Ah dahil dati kang PDEA gano'n?"

Nanliit ang mga mata ng binata sa kaharap.

Marami itong alam at nakakapagduda 'yon.

"Oh don't look at me like that Mr. Villareal. Hindi naman lihim ang nangyari noon I have connections."

Napatango-tango siya.

May koneksyon daw ito pero hindi niya alam kung kanino gano' n pa man wala itong maitutulong pagdating kay Delavega.

"But you can't do anything when it comes to your enemy. Tama ba ako?"

Binantayan niya ang mga aksyon at reaksyon ng babae.

"Oh, don't worry about that. Malapit na."

Napatango siya.

"Kilala mo ako, pero hindi kita kilala at hindi pa ako nakapagpasalamat man lang sa'yo."

"Oh, sorry I am Isabel, Isay for short."

Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Marahan niyang pinagdaop ang palad nila dahil sa sakit ng balikat.

"Isabel?" tanong niyang naghihintay ng apelyido nito.

"Alvar. Isabel Alvar."

Tumango siya kahit hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo, pagkuwa ay bumitiw sila sa isat-isa.

"Tatay mo ba 'yong kasama mo?" tanong niya kahit alam niya 'yon alam din niyang Isay ang palayaw nito.

"Oo, tatay ko."

"Salamat nga pala Isabel ha? Ni hindi ko maisip na mabubuhay pa ako. Utang ko sa' yo ang buhay ko."

"Huwag kang mag-alala dahil may pambayad ka."

Kumunot ang kanyang noo sa narinig.

"Anong ibig mong-"

"Magtulungan tayo. Wala akong kapit laban kay Delavega pero nandiyan ka at marami akong ebidensiya laban sa kanya."

Pumaling ang ulo niya at tinantiya ang kausap.

"Ebidensiya sa ano?"

Sa pagkakataong ito mapipilitan na itong sabihin sa kanya ang dahilan ng galit nito kay Delavega. "

" Sa pagkamkam niya sa lupa namin. "

Napaawang ang bibig ng binata.

Naalala niya ang sinabi ni don Jaime noong land grabbing na pinagagawa ng Congressman.

" Isa ba kayo sa mga nakatira sa lupa ng gobyerno na walang titulo? "

" Oo, isa kami doon ng tatay ko. Wala pa akong kamuwang-muwang noon dahil high school pa lang ako. Gano'n pa man malinaw na pinalayas niya kami sa lupa namin at binigyan lang ng kakarampot na halaga. Napilitan kaming umalis ng Zamboanga City. "

" Hindi niyo na ba mababawi ang lupa ninyo? "

Mapait na umiling ang babae.

" Ang lupa namin ay isa nang malaking kumpanya na pagmamay-ari niya. Kaya niya inangkin ang lupa namin dahil malapit sa centro.

Wala man lang siyang relocation na binigay sa amin. "

Napailing siya.

" Hindi lang 'yon. Nagkakaisa kami sa bayang ito laban kay Delavega.

Marami kaming taga Zamboanga na lumipat dito sa pangunguna ng tatay ko. "

Umupo siya ng maayos.

Malakas ang laban ng mga ito kung marami nga.

Tutulong siya. Pero bago 'yon dapat malaman muna ng pamilya niyang buhay pa siya.

' Hindi pwedeng mag-alala si Ellah baka mapaano si don Jaime matanda na 'yon.'

Tumikhim si Gian.

" Pwede bang makahiram ng phone? "

Napansin niya ang pagkaalarma ni Isabel.

" Aanhin mo? "

"Tatawagan ko ang girlfriend ko, ipapaalam kong buhay pa ako." Pamilya na ang turing niya kina don Jaime at Ellah.

"That you should not do Gian, " kontra ng babae, pinitik pa nito ang daliri sa hangin.

Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka.

"Kapag nalaman nilang buhay ka pa mas manganganib ang buhay nila.

Alam ng kalaban na buhay ka pa kaya siguradong naghihintay lang sila ng impormasyon tungkol sa'yo.

Kapag ipinaalam mong buhay ka pa nga delikado sila."

"Pero dapat nilang malaman 'yon!" naiinis na siya rito.

Kumirot ang sugat ng kanyang braso sa pagpwersa ngunit hindi niya 'yon ininda.

"Mas delikado rin' yon sa'yo. Pinakamaigi ng magpanggap ka muna."

"NO!" singhal na niya na ikinaigtad ng babae.

"Alam kong nag-aalala na sila ngayon ayaw ko ng palalain pa. Lalaban ako ng harapan sa kalaban," matigas niyang wika.

"Kung ipapaalam mong buhay ka pa hindi ka na dapat pang magtagal sa lugar namin lalo na sa pamamahay ko."

Hindi siya natinag sa sinabi ng babae.

Dahan-dahan siyang tumayo at sa pagkakataong ito hindi siya tinulungan ni Isabel.

Subalit desidido siya.

Nang iniwan niya ang dating trabaho ay tinigilan na rin niya ang pagpapanggap.

Tuluyan siyang lumabas sa kubo ng mga Alvar.

Ngunit natigil nang may nagsalita.

" Saan ka pupunta? "

Hinarap niya ang ama ng babae.

Matanda na rin ito at mukhang sakitin pa.

"Magaling ka na ba hijo?"

Tumango siya at tumalikod.

"Mag-iingat ka. Dahil baka hindi ka makarating ng Pagadian ay matuluyan ka na."

Kumunot ang noo ng binata.

Paano nalaman ng mga ito na papunta siyang Pagadian?

Kumabog ang kanyang dibdib.

Walang ibang nakakaalam ng paglipat niya kundi ang mga pulis, si don Jaime at si Ellah.

'Sino ang koneksyon ng mga ito?'

Nilingon niya ang ama ni Isabel.

"Kung mananatili ka rito matutulungan ka namin laban kay Delavega, matutulungan mo rin kami. Marami kaming ebidensiya laban sa kanya wala lang kaming laban, ikaw ang magiging sandigan namin iyon ay kung hindi ka aalis at hindi mo kami iiwan."

"Ayaw ko ng magpanggap," deretsong saad ng binata.

"Magpanggap? Maglilihim ka Gian."

Gano'n pa rin 'yon.

"Hahayaan nating iisipin ng lahat na nasawi ka na. Iyon ang isa sa paraan upang makagalaw tayo ng maayos.

Hanggat walang nakakaalam na buhay ka pa walang problema, mananatiling hinala lang ang magagawa nila.

Gusto mo ng matapos ito hindi ba? Ito na ang isa sa paraan."

Nagtagis ang bagang ng binata.

"Magagawa ko mag-isa ang lumaban-"

"Wala kang patunay at walang maniniwala sa'yo."

Napalingon siya kay Isabel na lumabas ng silid.

"Mabubulok ka sa bilangguan ngayong wanted ka na. Wala ring magagawa si don Jaime dahil hindi na niya sakop ang batas."

Napapikit ang binata.

Base pa lang sa pakikipag-usap niya sa dalawa ay mukhang may maitutulong nga ang mga ito.

"Bakit marami kang alam?" tumiim ang titig niya sa babae.

"Graduate ako ng Law 'yon nga lang hindi nakapag bar. Kaya kahit papaano ay may alam kami tungkol sa batas."

Tumiim ang tingin niya sa mag-ama.

"Papayag ako sa dalawang kundisyon, iyon ay kung papayag din kayo."

"Ano 'yon?" magkapanabayang turan ng mag-ama.

Halatang gusto ng mga ito na tulungan niya.

"Una, gusto kong makita ang mga ebidensiya. Kapag nakita ko na saka ako magdedesisyon."

"Walang problema," tumalima ang babae at naiwan sila ng ama nito.

"Ako si Isko, sana matulungan mo kami sir."

Bumaling ang tingin niya sa silid kung saan pumasok ang anak nito upang ipakita ang ebidensiya.

Sugal ang kanyang gagawin kung sakali.

At siguradong masasaktan si Ellah.

Ngayon pa lang tila hindi na siya makahinga.

Nais niyang tumulong subalit alam niyang sa kaibuturan ng kanyang puso ay nais niyang umalis at bumalik sa mga minamahal.

"Nandito ang mga ebidensiya."

Inilahad ng babae ang hawak nitong isang malaking kahon.

"Lahat ito original pero ipapaubaya ko sa'yo kung sasang-ayon ka sa gusto namin."

"Gusto ko munang makita."

"Walang problema."

Naglakad sila patungo sa mesa.

Inalalayan siya ng ama ng babae, kahit ayaw niya ay ayaw naman niyang maging bastos.

Nang makaupo na sila ay tumabi si Isabel sa kanyang kaliwa at ang ama naman nito ay nagtungo sa kusina.

Tahimik nitong binuksan ang kahon at tumambad sa kanya ang maraming dokumento.

Dinampot niya ang may kalumaang Tax Declaration at binasa kung sino ang may-ari.

"Francisco Alvar."

"Tatay ko," pormal na saad ni Isabel.

Hindi nga siya niloloko ng mag-ama.

Marami pang mga papeles.

"May kopya din kami ng iba pang TD ng kapit-bahay namin noon."

Binilang niya at umabot ng sampu. Ibig sabihin sampung may-ari ang inagawan ni Delavega.

"Ilang ektarya ito?"

"Sampung ektarya lahat."

Humigpit ang pagkakapit niya sa papeles bago nagsalita.

"Ang pagkakaalam ko ang sampung ektaryang lupain ay ginawang subdivision na pagmamay-ari ng mga Delavega."

"Amin 'yon!" singhal ng babae.

"Kami ang may-ari noon wala lang titulo dahil hindi pa marunong ang mga magulang namin."

Kung minsan kung sino pa ang may-ari ay siya pang magiging squatter sa sariling lupa dahil walang muwang sa patakaran.

"Kumikilos kami ngayon bilang isang organisasyon, nagkakaisa kami laban sa mga Delavega."

Napaupo siya ng tuwid.

Mula sa kusina ay lumabas ang ama ng babae.

May dala itong pitsel at tinapay sa plato.

"Magkape muna kayo. May tinapay dito baka gusto ninyong kumain.

Malapit naman na ang tanghalian."

"Sige ho tay, salamat. Gian kain ka muna."

"Sige lang."

Tiningnan niya ang orasang nakakabit sa dingding.

Alas dyes.

Iyon din ang oras nang tinangka siyang patayin, gabi lang noon umaga ngayon.

"Gian sige na, kumain ka na para lumakas ka agad."

Bumaba ang tingin niya sa tinapay na hawak ng babae bago sa nakangiti nitong mukha.

Hindi maitatangging maganda ito.

Ngunit wala ng mas gaganda pa sa Ellah niya.

"Salamat," kinuha niya sa kamay ng babae ang tinapay at kinagatan.

Napansin niyang mas lumawak ang ngiti nito bago bumaling sa papeles.

"Ang organisasyon namin, naglalayon na maibalik sa amin ang lupa namin noon. O kung hindi man, tumbasan na lang ng tamang halaga."

"Nasaan ang mga kasama mo?"

"Makikita mo sila kapag sumang-ayon ka na."

Lahat ng kilos at sinasabi ng babae laging may kapalit.

Tinapos niya ang pagkain at muling itinuon ang tingin sa mga papeles.

Habang tumatagal nakakaramdam siya ng panghihinayang na hindi naipaglaban ng mga ito ang karapatan dahil lang ang kalaban ay maimpluwensiya at makapangyarihan.

"Ngayong nakita mo na lahat ng ebidensiya, pwede na ba naming malaman kung ano ang pasya mo?"

Humugot ng malaim na paghinga ang binata.

"May isa pa akong kundisyon, kapag sinabi ninyo ang totoo ay saka ako magdedesisyon."

Nagkatinginan ang mag-ama.

Iniligpit ng babae ang mga dokumento at ibinalik sa kahon na karton.

"Ano 'yon?" ani Isabel.

"Gusto kong malaman kung sino ang koneksyon ninyo. Kanino kayo konektado?"

"Bakit gusto mong malaman?" ang ama nito ang nagtanong.

"Mas makakatulong ako kung alam ko kung sino ang pinagkakatiwalaan ninyo."

"Sinasabi mo bang tutulong ka na?" umarko ang kilay ng babae.

"Sabihin niyo muna kung sino," matigas niyang wika.

"Alam kong kakilala ko ang konesyon ninyo kaya bakit kayo natatakot magsalita?"

Tumikhim ang ama ni Isabel.

"Puro tayo kundisyon, higit ka naming kailangan sir kaya sasabihin namin kung sino."

"Sino?"

"Ang driver ni don Jaime."

Kumunot ang kanyang noo at bigla na lang kumabog ang dibdib sa naisip.

Narinig niya minsan na may kausap sa cellphone ang driver ni don Jaime at kahina-hinala 'yon, ito na ba ang tinutukoy nila?

"Si Mang Roger ba ang tinutukoy ninyo?"

"Oo, siya nga."

Napailing si Gian.

Hindi niya inakalang espiya ito.

Ano ang ibig nitong sabihin?

Kalaban ba ang mag-ama o hindi?

"Magkakampi tayo rito Gian. Siya ang nagbibigay ng impormasyon sa amin sa lahat ng galaw ni don Jaime," ani Isabel.

"Bakit siya? Bakit hindi si Delavega?"

"Hindi kami makakalapit kay Delavega. Pero dating magkaibigan sina don Jaime at Delavega at kahit kalaban pa sila nakakakuha pa rin kami ng impormasyon.

Impormasyong malamang ay hindi mo alam."

Tumiim ang kanyang tingin sa dalawa.

"Kung kalaban ninyo si Delavega ibig sabihin panig kayo kay don Jaime. Maliban na lang kung nagsisinungaling kayo sa akin."

"Kasamahan namin siya. Isa si Mang Roger sa nawalan ng lupa noon kaya nag-applay siya kay don Jaime."

Nilimi niya ng husto ang mga sinabi ng babae.

"May nakukuha kayong impormasyon gaya ng ano?"

"Sasabihin namin sa'yo kung papayag kang maging kaanib namin."

Umigting ang bagang ng binata.

Malaki ang maitutulong ng mga ito kung papayag siya.

Nagsusukatan sila ng tingin ng babae nang biglang kumalabog ang pinto at pumasok ang ama ni Isabel.

"Gian magtago ka bilis!"

Nataranta ang babae at siya naman ay kinabahan.

"Dito!"

Hila-hila siya ni Isabel sa braso patungo sa bodega ng mga ito na nasa gilid ng kusina.

Pumasok siya roon nang wala ng tanong-tanong.

Narinig niyang tila may nagkandado sa kanya roon.

Ni lock ang pinto? Sino ang dumating?

Natigilan ang binata nang tahimik pa rin ang paligid habang siya ay nakakulong.

Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata.

Naisahan ba siya at naloko lang ng mag-ama?

Kung gano'n naloko nga siya!

Napamura si Gian.

Lumapit siya sa pinto at akmang tatadyakan na ito nang makarinig ng tila mga yabag.

"Wala hong ibang tao rito mga sir. Kami lang ng anak ko."

"Sigurado ho kayo?"

Umawang ang bibig ng binata nang marinig ang kilalang-kilala niyang tinig.

Awtomatiko siyang sumilip sa siwang ng tabla na pinagdikit-dikit bilang dingding.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kaibigan kasama ang limang tauhan nito.

"Vince!" hindi napigilang usal ng binata.

Hindi niya itatangging nasasabik siya sa kaibigan at ang pagnanais na muling bumalik sa piling ng babaeng minamahal.

"Ang bahay ninyo ang pinakahuli naming tiningnan mang Isko. Lahat kayo rito ay sinasabing walang nakitang ibang tao.

Hindi ko alam kung sino sa inyo ang nagsisinungaling."

Mariin siyang napalunok sa tinuran ng kaibigan.

"Kapag nalaman kong nagsisinungaling kayo mananagot kayo sa amin," pagbabanta ni Vince.

"Wanted ang tinutukoy niyo mga sir, bakit naman kami magtatago ng takas mula bilangguan?" matigas na tugon ni Isabel.

Napansin niya ang pagkalma ni Vince.

Hati ang kanyang nararamdaman gusto niyang magpakita ngunit hindi niya magawang iwan ang mag-ama.

" Let's go men! " ani Vince na siyang nangunguna sa lahat palabas.

Walang nagawa ang binata kundi ang pumikit nang mariin.

'Ngayon lang 'to. Matatapos din 'to.'

---

Bawat oras ay sinisilip ni Ellah ang nakabukas na pinto ng kanyang pribadong silid sa ospital.

Ngunit lagi ng palaging nangyayari, walang Gian na bumungad.

Wala si don Jaime at may nilakad daw ito kaya ang naiwan sa kanya ang ay dalawang katulong.

Gano'n pa man ay umaasa pa rin siyang isang araw ay babalik ito sa kanya.

Isa pang silip ang kanyang ginawa nang may nakitang porma ng isang lalaking nakatagilid na tila ang kasintahan na.

Lumukso ang puso ng dalaga kasabay ng kanyang pagtakbo palabas.

Nang makita ng buo ang naturang lalaki ay nadismaya siya.

"Ms. Ellah."

"Vince ikaw pala, nakita niyo na ba si Gian? Nasaan na siya?"

Umiling ito na mas lalo niyang ikinadismaya.

"Walang nakakita ni isa man sa mga tahanang malapit sa lugar. Dalawa lang ang ibig sabihin no'n."

"Ano?" kabado niyang tanong.

"Posibleng buhay pa siya at napadpad sa ibang lugar o pumanaw na at hindi pa lang nakikita ang katawan."

"Hindi!" napasigaw siya sa takot kasabay ng pag-iinit ng mga mata.

"Mas gugustuhin ko na lang na napadpad siya, hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaibigan mo Vince."

"Naniniwala akong matagal mamatay ang isang 'yon."

"Buhay siya, malakas ang pakiramdam kong buhay pa siya," nanghihinang turan ng dalaga.

"Kung gano' n bakit hindi pa siya nagpapakita?"

Iyon din ang naiisip niya.

"Hindi kaya nagkaroon ng amnesia? God! Hindi!" natampal niya ang noo sa takot.

"Amnesia? Posible nga. Wala akong maisip na dahilan kung bakit hindi pa siya bumabalik kung buhay siya?"

"Hindi rin matawagan ang cellphone niya."

"Nasa custody ng mga pulis. Ipinagbabawal ang mga ganitong bagay."

Mula ng iniwan nito ang trabaho para sa kanya ay nagpalit si Gian ng cellphone at bagong simcard.

"Sana bumalik na siya. Hindi ko na alam ang gagawin kung hindi na makakabalik si Gian."

"Huwag kang mag-alala hindi ko bibitiwan ang kasong ito hanggang sa huli."

"Salamat Vince."

Umaasa pa rin si Ellah na buhay ang kanyang minamahal at hindi ito nawalan ng alaala gaya ng sabi ng kaibigan.

Babalik sa kanya si Gian.