webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless.

Phinexxx · Urban
Not enough ratings
107 Chs

Chapter 62 - The Resentment

Tumiim ang tingin niya sa lahat na matalim na nakatingin sa kanya. 

Naroon pa rin sila sa hapagkainan subalit wala ng kumakain kahit isa at ang lahat ay nakatayo na. 

Napakataas ng tensyon sa buong paligid.

Lahat ay naghihintay sa kanyang magiging pasya na para bang sa kanya nakasalalay ang lahat ngayon. 

Ganito ba kabigat ang kanyang presensiya sa buong Villareal? 

Binalingan niya ang abuabueloelo.

"Yes, don Manolo." 

Nagsinghapan ang lahat na tila ba hindi na makahinga. 

"Kukunin ko ang mana ng ama ko 'yon lang, hindi ko pakikialaman ang tungkol sa kumpanya."

Tila nakahinga ng maluwag ang mga asawa ng anak ni don Manolo sa kanyang sinabi ngunit hindi ang anak nitong si Leonardo.

"Iyon lang? Na para bang nag-ani ka lang ng produkto ng walang kahirap-hirap?

Ngayon ka lang nagpakita tapos kukunin mo lang ang mana mo ng gano'n-gano'n lang? Sino ka ba?"

Umigting ang kanyang bagang sa narinig.

"Leonardo tama na!"

"No papa! He doesn't know what's he saying!"

"Karapatan niya 'yon! Bilang nag-iisang anak ni Gerardo, ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng ito!"

Umalma ang lahat sa narinig.

"Apo niyo rin kami grandpa!" angal ni Hendrix.

Bumaling ang tingin ni don Manolo sa lahat lalo na kina Arturo at Leonardo. 

"Alam ninyong pangalawa ang inyong ina, nauna kong minahal ang ina ni Gerardo at siya ang orihinal. Si Gerardo ang nauna sa inyong lahat!

Ngayong naririto ang kaisa-isa niyang anak lahat ng ito ay pagmamay-ari niya!" 

Iminuwestra ng don ang dalawang kamay sa hangin na para bang sinasabing siya ang tunay na tagapagmana!

" Papa! You can't say that! " si Arturo na bakas ang hinanakit sa tinig.

"Hindi ko minahal ang inyong ina. Bunga lang kayo ng kagipitan ko! Kaya wala kayong karapatang bastusin ang tunay kong apo!"

"Papa!" si Leonardo 'yon na nakakuyom ang kamao.

"Ayaw ko sanang malaman ninyo ito dahil pamilya ko kayo pero panahon na siguro para malaman ninyo ang katotohanan."

Natahimik ang lahat at maging si Gian ay napatingin sa don.

Hindi niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib sa malalaman. 

"Anong katotohanan papa?" si Leonardo na nagtatagis ang bagang.

Bumaling si don Manolo sa anak.

Lahat sila ay hinihintay ang sasabihin ng don. 

"Leonardo..." huminga ito ng malalim. 

Hindi makapaniwala ang binata na may masasaksihang ganitong eksena sa pamilya Villareal. 

Sa hindi malamang kadahilanan ay sumagi sa kanyang isipan ang tatlong taong mahahalaga sa buhay niya. 

---

Umawang ang bibig ni Ellah habang nanonood ng telebisyon sa loob ng ospital. 

Kitang-kita niyang pinosasan sa likod ng mga kamay ang taong kinasusuklaman niya. 

Panay ang pagpupumiglas nito habang sumisigaw. 

"Wala akong kasalanan!"

Kumilos na si don Jaime kaya ito na ang resulta ngayon. 

Nakatitig pa rin siya sa babaeng newscaster. 

"Tinanggal sa posisyon ng Zamboanga Police Station ang dating hepe na si Danilo Cordova dahil sa umanoy pagkasangkot nito sa ilegal na droga.

Sinasabing ito raw ang nagsilbing protektor-" 

Bumukas ang pinto at bumungad si don Jaime kasunod si Vince. 

"Sa wakas! Nabunutan na tayo ng tinik lolo!" nakangiting wika ng dalaga at niyakap ang abueloabuelo. 

"Tama ka apo ko," niyakap siya ni don Jaime. 

Bumaling ang tingin niya kay Vince. 

"Thank you Vince," taus-pusong wika ng dalaga.

Kung nasaan man si Gian sana ay nakikita niya ito. 

'Para sa' yo to mahal ko. '

Napapikit ang dalaga. 

Inalagaan na niya ang sarili at malapit na siyang makalabas ng ospital para sa kasintahan. 

Hindi siya dapat magpadaig sa lungkot at hayaang malugmok habang ang mga kaaway ay nagsasaya sa tagumpay! 

' Sana paglabas ko rito ay makikita ko na si Gian.'

"Don Jaime," si Vince na pormal ang anyong nakatingin sa don. 

"Ngayong binangga natin ang protektor ni Delavega ay dapat mas mag-iingat ho kayo." 

Umiling ang don. 

"Ikaw dapat ang mag-ingat Vince. Tiyak pag-iinitan ka ni Delavega sa nangyari."

"Nakahanda ho akong labanan ang mga demonyong 'yon at nakahanda rin akong lumaban alang-alang sa kaibigan ko."

"Kung nasaan man si Gian ngayon sana ay makabalik na siya sa atin, " tugon niyang umaasa pa rin at buo ang loob na isang araw babalik sa kanya ang kasintahan. 

"Pangako na gagawin ko ang lahat para kay Gian," ani Vince. 

"Iisa-isahin natin ang mga sinasandalan ni Delavega hanggang sa malumpo at gumapang patungong bilangguan, " matatag na wika nito. 

Nagpapasalamat ng husto ang dalaga dahil may katulad ni Vince na kaibigan ang lalaking pinakamamahal niya. 

Lumapit si don Jaime kay Vince at kinabig ito saka niyakap. 

Napakislot si Vince sa inakto ni don Jaime. 

Marahil dahil hindi ito sanay na niyakakap ng isang don Jaime Lopez na maging siya ay nagulat. 

" Maraming salamat Vince, maraming salamat," tinapik-tapik nito ang balikat ni Vince. 

"Walang anuman ho don Jaime, maraming salamat din sa pagpapahalaga sa kaibigan ko." 

"Mag-iingat ka, Vince mag-iingat ka," mariing wika ng don. 

Kinabahan ang dalaga sa nababanaag na pangamba sa anyo ng abuelo na tila ba natatakot ito para sa matalik na kaibigan ni Gian. 

---

Kumunot ang noo ni Gian nang tumahimik si don Manolo. 

"Leonardo, you are not my son."

"W-What?"

Umugong ang matinding usapan na maging siya ay hindi makapaniwala sa narinig.

"A-anong sinasabi mo papa?" nagugulimihanang tanong ni Leonardo.

Nilapitan na ito ng anak at asawa. 

"Anak ka ni Claudia sa ibang lalaki noong nagpakasal kami. Buntis siya noon at kinailangan niya ng ama sa magiging anak niya." 

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at nanghina naman si Leonardo na agad inalalayan ng anak nitong si Gabriel. 

"Nang mga panahong 'yon ay papalugi ang kumpanya at ang tanging paraan upang isalba ang isat-isa ay ang pagpapakasal. 

Iniwan ko ang tunay kong minamahal kapalit ng karangalan at pangalan!"

"P-papa..." tanging nasambit ni Leonardo habang umiiling. 

"Are you saying grandpa I'm not your real grandson!" Napamulagat na singhal ni Gabriel. 

Tumahimik ang don. 

"How about Hendrix?" bumaling ito sa pinsan.

"Arturo is..." 

Tumingin silang lahat sa isa pang anak ng don. 

"My son to Claudia. "

"Fuck all this shit!" tumakbo palayo si Gabriel. 

Hinabol ito ng tingin ng inang si Sylvia na napahikbi sa gilid. 

"N-no! Hindi ito totoo." 

Napatingin siya sa tila matutumba ng si Leonardo. 

Mabilis itong dinaluhan ng asawa at tahimik na umalis ang mga ito. 

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ng awa si Gian sa tiyuhin. 

May edad na rin ito at kababakasan ng pagod dahil sa pagtatrabaho sa kumpanya ng mga ito subalit sa isang iglap sasabihin ni don Manolo na wala itong karapatan dahil hindi ito tunay na anak. 

"Papa, all this time you lied?" 

Nabaling ang tingin ng lahat sa nagsalitang si Arturo. 

"Kung ako ang tunay ninyong anak bakit hindi si Hendrix ang humahawak sa kumpanya?" ani Arturo na ikinagalit ng don. 

"Iyan ang isa sa rason Arturo, you are so greedy. Hindi mo kayang ipagkatiwala sa iba ang kumpanya kung ikaw ang hahawak.

To tell you all, you are nothing compare to Gerardo." 

Napalunok si Gian. 

Natahimik ang buong angkan. 

Hindi siya makapaniwalang maririnig ang mga ganitong bagay ngayon na para bang hindi totoo. 

Subalit hindi magsisinungaling ang don para lang sa kanya. 

" Papa Gerardo is dead. "

Napapikit ang binata sa mapait na, katotohanang na sinabi ng kanyang tiyuhin na si Arturo. 

"And that is my... my fault," binalingan siya ng don na bakas ang kalungkutan at pagsisisi sa anyo nito. "I'm sorry Gian." 

"It's his fault!" giit ni Arturo. "He left and never came back."

Pumikit ng mariin ang don bago umiling. 

"Now we have his only son. I can give everything to him."

Walang umimik habang nakatingin ang lahat sa kanya. 

Ayaw ni Gian ng atensyon subalit hindi yata maiiwasan sa mga panahong ito na siya ang sentro ng pag-uusap. 

Siya ang orihinal sa lahat dahil ang ama niya ang orihinal na anak ni don Manolo.

Pagdating sa pamana ang orihinal ang mas may karapatan kahit pa nagpakasal sa iba ang magbibigay ng mana.

Ngunit hindi siya gano'n kaganid at kagahaman sa kayamanan. 

Naiintindihan niya ang nararamdaman at sitwasyon ng iba pang Villareal. 

Tama na sa kanya na ibigay ang mana ng kanyang ama hindi na siya naghahangad ng iba pa. 

Natapos ang usapan na walang masaya maliban sa kanya. 

Masaya siya ngunit tinamaan din ng kunsensiya. 

Gano'n pa man mas masidhi ang pagnanais niyang makuha ang mana. 

Dumating ang abogado upang ayusin ang kanyang mamanahin. 

Nasa loob naman siya ng silid na ibinigay ng katiwala sa kanya sa utos ng don. 

Iyon nga lang at hindi ito basta guestroom dahil ayun sa katiwala ay ito ang silid ng kanyang ama noon. 

"Senyorito Gian, dito ko lang po ba ilalagay ang mga gamit ninyo?" 

Senyorito?

Nilingon niya ang may edad ng katulong at nanindig ang balahibo. 

Ni sa hinagap ay walang tumawag sa kanya ng gano'n ngayon lang. 

"Sige lang manang, ako na ho diyan." 

"Sige po senyorito," anito at lumabas. 

"Gian na lang ho." 

"Hindi maaari senyorito, ang bilin ng don ay iyon ang itawag namin sa'yo kagaya ng mga apo niya." 

"Kinikilabutan ako manang," pag-amin niya sa totoong nararamdaman. 

Napangiti ang babae. 

"Kung gano'n ay tawagin na lang po namin kayong sir. Ayos na ho ba 'yon sir Gian?" 

Tumango siya. 

Sanay siya sa tawag na gano' n.

Tuluyan ng lumabas ang katulong. 

Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng malawak na silid. 

May malaking kama, may sofa, TV at ref, may banyo pa. 

Kulay gray ang pintura ng dingding. 

Sino ang natutulog dito? 

Wala namang maraming dekorasyon dito bukod sa isang family portrait. 

Tatlo ang naroon. Isang lalaki, isang babae at isang batang lalaki. 

'Kamukha ni don Manolo ang lalaki o baka si don Manolo lang din ito? Sino ang babae? Mas bata ito kumpara sa mga nakita ko?'

Nakangiti ang tila mag-asawa habang nakatingin sa camera, ang bata naman ay tila nakasimangot at nakakunot pa ang noo habang nakatingin sa camera. 

Naka formal attire ang mga ito, naka sleeveless white dress ang babae hanggang tuhod habang ang lalaki ay naka white americana nakayapos ang isang kamay nito sa beywang ng babae, ang batang lalaki ay naka black tuxedo na parang hinihila nito. 

Medyo may kalayuan kaya nilapitan niya ang larawan. 

Bahagya niyang tiningala ang larawang iyon at pinagmasdang mabuti.

Napakurap siya at kumalabog ang dibdib nang mapagtanto kung sino ang mga ito. 

Ang mga matang 'yon na tila palaging malungkot kahit nakangiti at ang mga labi ay kilalang-kilala niya.

Marahan niyang hinaplos ang naturang larawan na para bang sa pamamagitan no'n ay maramdaman niyang may pamilya siya. 

Subalit, hanggang tingin na lang siya sa mga ito at kahit kailan ay hindi na mahahawakan pa. 

Bumigat ang kanyang damdamin at tila nanghina. 

Naiinggit siya kapag may mga nakikitang kamag-anak na kumpleto pa ang mga magulang samantalang siya ay hindi man lang niya masilayan ang itsura ng mga magulang, hanggang larawan lang ang nakikita niya sa mga ito. 

Wala siyang ala-ala sa mga magulang dahil tatlong taon pa lang siya noon. 

Masakit.

Sobrang sakit.

"Papa..." mariin siyang pumikit nang nag-init ang kanyang mga mata at nanakit ang lalamunan. 

Pumanaw ang kanyang ama nang may/ sama ng loob kay don Manolo at sa bagong pamilya nito.

Dapat nga nandito siya para maghiganti sa mga nangyari noon subalit hindi niya 'yon naisip kahit isang beses man lang.

Marahil ay dahil hindi iyon ang pinaramdam ng kanyang lola noong nabubuhay pa ito.

Naalala niya noon ang sinabi nito nang makita niya ang larawan at ang sulat nito sa likod.

Pitong taong gulang siya noon. 

Doon niya nalaman ang kwento ng kanyang mga magulang. 

Umalis ang kanyang ama sa tahanan ng mga ito dahil ipinagpalit ni don Manolo ang ina ng kanyang ama sa iba. 

Dahil doon ay nakaramdam siya ng pagkasuklam at poot sa ama ng kanyang ama. 

"Nasaan ba si Manolo Villareal lola?" 

"Gian apo, huwag kang magalit sa lolo mo matindi lang din ang sitwasyong pinagdaanan nila kaya nila ito nagawa sa mga magulang mo. Nagipit lang din siya at iyon ang hiningi ng pagkakataon. "

Mariin siyang umiling. "Kung hindi dahil sa kanyang ginawa buo pa sana ang pamilya ko. Kasalanan niya ito lola! Kasalanan ni Manolo!"

Nagsisigaw na siya at naglumpasay ng iyak. Nahahabag na dinaluhan siya at niyakap ng kanyang lola.

Naiiyak ito subalit mas matindi ang kanyang paghihinagpis.

Ni wala siyang maalala ng yumao ang mga magulang subalit habang nagkakaisip at lumalaki doon niya napagtanto ang lahat, na kung hindi dahil kay Manolo ay hindi siya mawawalan ng ama at ina.

May kumakalinga sana sa kanya noon, ang mga ito sana ang nagpalaki sa kanya. 

Napakahirap ang walang magulang at sa kamag-anak ka lang umasa. 

Mabuting tao ang kanyang abuela ngunit iba pa rin ang tunay na magulang. 

Tuluyang nalaglag ang mga luha sa kanyang pisngi dahilan kaya idinilat niya ang mga mata at deretsong tumingin sa larawang nasa harapan.

Mariin niyang tinitigan ang batang lalaki roon.

Siya 'yon walang duda.

Kumuyom ang kanyang kamay at tila nagbalik ang poot at hinanakit kay Manolo Villareal dahil sa masakit na ala-ala sa pagkawala ng mga magulang. 

"Gian hijo?" 

Napakurap siya nang marinig ang boses ng don sa kanyang likuran subalit hindi siya humarap at mabilis na pinahid ang nabasang pisngi. 

"Maayos na ba itong silid mo?" 

Marin siyang pumikit at pinigilang huminga upang kumalma. 

Paulit-ulit niyang sinabi sa isipan ang mga salitang 'yon at pilit isinaksak sa utak na hindi ito ang may kasalanan.

'Wala siyang kasalanan Gian, wala. Biktima lang din siya ng pagkakataon.' 

Narinig niya ang mga yabag nitong papalapit sa kanyang likuran. 

Idinilat niya ang mga mata. 

"Gian, are you staring it?" 

Dinig niya ang masiglang tinig ng don. 

"Alam mo bang nakakatawa ang itsura mo diyan kaya ka malungkot?"

Tumiim ang kanyang bagang at hindi kumibo, ni hindi siya lumingon.

"Naaalala ko pa ayaw mo kasi ng tuxedo noong bata ka pa kaya gusto mong hubarin ayaw lang ng mga magulang mo kaya nakabusangot ka," bahagya itong tumawa ngunit nanatili siyang walang emosyon.

"Gian, hijo is something wrong?"

Mariin siyang pumikit. 

Kayamanan ang hinangad ng don kaya iniwan sila nito at ipinagpalit sa mas mayaman.

Mayaman na ang mga Villareal subalit tutol ang buong angkan nito na hindi kagaya nito ang magiging asawa. 

"Gaano ka kayaman don Manolo?"

"H-ha?" 

Idinilat niya ang mga mata at nilingon ang don. 

"Gaano ka kayaman ngayon?" 

Umilap ang tingin nito at tila nangapa ng salita. 

Humigpit ang pagkakahawak nito sa tungkod at naalala niya si don Jaime. 

"T-tayo ang isa sa pinakamay malaking plantasyon ng saging at pinya. 

Tayo rin ang isa sa pinakamalaking suppplier ng Dole at Delmonte. 

Bukod doon tayo ang nagmamay-ari ng halos kalahati ng lupain sa Malaybalay City. 

May malalaking kumpanya rin tayo ng Construction at Real estate gaya ng condominium, hotel at iba pa. 

Bukod doon ay may sarili tayong bangko, nasa Bukidnon, dito sa CDO at sa Davao. "

Natahimik ang binata at muling tumingin sa larawan. 

" Halos lahat ditong mga malalaking establishment ay may share tayo." 

"Madali na lang pala sa'yo ang maghanap ng tao?" 

"Ah, yeah we have private investigators and private army too." 

Natawa ng mapakla ang binata. 

"Kayang-kaya mo palang magpahanap. 

Pero ni hindi mo man lang naisipang dalawin ako? O ipahanap ako?" 

Natahimik ang don kaya nilingon niya ito. 

Nakayuko ang matanda at nag-iisa. 

Alam niyang wala siya sa posisyon upang manumbat dahil nandito siya upang kuhanin ang mana ng ama na hindi naman nila pinaghirapan. 

"Ayaw ng lola mo na kuhanin kita. When I, I heard your father died, I went to Manila to get you, pero hindi pumayag ang lola mo. Ang sabi niya ay hindi raw kita ititira kasama ang isang madrasta. 

I-isa pa hindi ka rin matatanggap ni Eloiza kaya hindi na ako nagpumilit pa. And I know you're in good hands so-"

"So you forget me, right?" nakatiim ang bagang na wika niya. 

Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sa tuwing naiisip niyang wala siyang kinagisnang mga magulang ay napopoot siya sa taong naging dahilan. 

"N-no!" 

"Reasons don Manolo!" Tumaas ang boses ng binata. 

Hinarap niya ang don at nag-abot ang tingin nila. 

"G-Gian-" 

"Kung talagang gusto mo akong makita sana noon pa. Kung natatakot ka noong bata pa ako, bakit hindi ka nagpakita noong malaki na ako at nagkaisip na? Makakapagdesisyon na ako bakit hindi ka nagpakita?" 

Ayaw niyang manumbat pero para siyang sasabog kapag hindi nailabas ang galit at hinanakit. 

"Dahil..." tila nangapa ito ng sasabihin at umilap ang tingin. 

"Dahil ayaw ng pangalawa mong pamilya, kaya ayaw mo rin! Sila lang ang tinuring mong pamilya at kinalimutan mo ako! Sa totoo lang hindi kita maaalala kung hindi ako gipit sa pera-" 

"Gian-" 

"At sa totoo lang kaya kita nilapitan dahil mayaman ka. Kayamanan na naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya ko! Ngayon sabihin niyo kaya niyo bang bayaran ng kayamanan ninyo ang pagkawala ng mga magulang ko?" 

"Gian please..." Hindi na malaman ng don kung ano ang gagawin at tila nanghihina na ito. 

Ngunit puno ng poot ang binata na hindi na niya nakikita ang kalagayan nito ngayon. 

"Namatay si papa sa sakit na problemang inyong ginawa! Namatay si mama sa lungkot dahil sa inyong ginawa! Ngayon don Manolo, maibabalik ba ng pera ninyo ang buhay nila!" 

Nanginig ang binata habang kuyom na kuyom ang kamao. 

"Gian patawarin mo sana ako. " 

Tumalim ang tingin niya sa nakayukong matanda. 

"Ibigay ninyo ang kailangan ko at asahan ninyong hindi na ako babalik dito. Iyon lang ang kailangan ko hindi kayo. Hindi ako tanggap ng inyong pamilya mula pa noon hanggang ngayon." Nanakit ang kanyang lalamunan kaya ibinaling niya ang tingin sa kawalan. 

"Huwag kayong mag-aalala dahil kahit kailan ay hindi ko rin matatanggap ang pamilya ninyo don Manolo," matatag niyang wika na, siyang nagpahina ng husto sa matanda. 

Akmang iiwan niya ito nang bigla nitong bitiwan ang tungkod na hawak. 

"Gian patawad." 

Napakurap siya at napaatras ng unti-unti nitong itinukod ang mga tuhod sa malamig na sahig. 

Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. 

Ang isang Don Manolo Villareal ay lumuhod sa kanya!

Lumarawan sa kanyang isipan ang isa pang don na niluhuran din siya. 

Subalit magkaiba ang kasalanan ng dalawa sa kanya. 

Kung si don Jaime ay dinaluhong niya upang tumayo kay don Manolo ay nanatili siyang nakatitig dito. 

"I'm sorry Gian, I beg you please forgive me. 

Patawarin mo sana a-ako," pumiyok ang tinig ng matanda habang nakayuko. 

"Buong buhay ko ay pinagsisihan kong nawalay kayo sa akin. Kung maibabalik ko lang ang panahon ay hinding-hindi ko susundin ang mga magulang ko. 

Patawad kung naging mahina ako at natakot sa responsibilidad. 

Wala akong paninindigan noon at sunod-sunuran lang. Iyon ang...isa sa pinakamasakit na nangyaring pagkakamali sa buhay ko. Hanggang sa hindi ko na alam..." napaluha ang don at tila nahihirapang huminga. 

" Hindi ko na... hindi ko na alam kung paano itama ang pagkakamaling 'yon. 

K-kaya hindi kita kinuha noon dahil ayaw kong makita mo ang pagkakamali ko. 

G-gusto kong mamuhay ka at mamulat na walang ibang iniisip na pagkakamali. 

I' m sorry if I made you feel like this. Alam kong napakalaki ng pagkukulang ko sa'yo. 

Please I'm begging you, forgive me please, " tuluyan ng nalaglag ang mga luha ng don. 

Natahimik ang binata at pinigilang maluha. 

Puno siya ng poot, ng galit at hinanakit sa buong angkan at higit sa lahat sa matandang kaharap ngayon. 

Unti-unting lumuhod ang binata habang nakaharap sa abuelo at yumuko rito. 

Hindi niya alam kung paano pagaanin ang nararamdaman nito dahil maging siya ay mabigat ang damdamin dito. 

"Don Manolo-" 

"ANONG GINAWA MO!" 

Biglang natumba si Gian nang biglang may tumulak sa kanya na hindi niya napansin. 

"Fuck!" napamura siya sa pagkagulat. 

Mabuti na lang at naitukod niya ang dalawang kamay sa likuran kaya hindi siya natihaya, kung nagkataon ay kahihiyan 'yon sa harap ng don. 

Mabilis siyang tumayo at agad uminit ang kanyang dugo nang makita kung sino ang nagtulak sa kanya. 

"Rafael!" humarang ang don sa pagitan nila ng alalay nito. 

"Ayos lang ho ba kayo don Manolo?" nagtatagis ang mga bagang na tanong ng lalake sa amo. 

Sa halip na sumagot ay binalingan siya ng don. 

"Are you okay Gian?" 

Hindi siya kumibo at nanatiling matalim ang titig sa alalay nito.

Kumuyom ang kanyang kamao sa tindi ng pagpipigil ng galit. 

Kung wala lang sa harapan nila ang abuelo ay baka lumipad na ito sa bintana. 

Binalingan nito ang alalay.

"Say sorry to my grandson Rafael!" matigas na utos ng don. 

"Hindi ko pa kayo nakitang lumuhod sa kahit kanino don Manolo. Hindi ko matanggap na lumuhod kayo sa kahit sino." 

"Hindi sa kung sino lang ang sinasabi mo Rafael! Apo ko ang tinutukoy mo!" singhal ng don. 

"Apo lang don Manolo wala siyang karapatang gawin ito sa inyo. Pumunta lang siya rito para kunin ang mana at wala ng iba." 

"Sembergwensa!" lumipad ang likod ng kamay ng don sa pisngi ng alalay nito. 

Natigilan ang lalaki at kitang-kita ang pagkabigla maging ang hinanakit sa mga mata ng naturang lalaki. 

"At ikaw tauhan lang kita! Wala kang karapatang makialam sa amin ng pamilya ko!" dinuro ito ng don. 

"Don Manolo..." 

Muli siyang binalingan ng don. 

"Pasensiya ka na Gian, hindi ko sinasadyang mangyari ang gano'n sa'yo." 

Tumiim ang kanyang bagang.

"Ipaalam niyo na lang sa akin kapag napasaakin na ang mana don Manolo," aniya at tuluyang lumabas ng silid. 

Deretso siya palabas ng mansyon. 

Mabilis ang kanyang paglalakad at lahat ng katulong doon ay mabilis ding gumilid.

Pagdating niya sa pinto ay sinalubong siya ng pinsang si Hendrix. 

" Can we talk?"

Deretso siya sa paglalakad at nilagpasan ito. 

"Fuck bastos ka ah!" Hinablot nito balikat niya. 

Humulagpos ang pagtitimpi ng binata at iyong lingon niya na 'yon ay kasabay ng paglipad ng kamao deretso sa mukha nito. 

"Fuck!" Natumba si Hendrix.

Hi po sa lahat ng naghihintay ng update.

Thank you for waiting po.

Pasensiya na po kung natatagalan.

Salamat din po sa mga sumusuporta pa rin nito, sa mga nag ko comment at mga nag rereview maraming salamat po.

I hope you enjoy reading po.

Thank you.

Phinexxxcreators' thoughts