3 Chapter 2 - The Bodyguards

LOPEZ MANSION...

Pagdating ni Ellah sa bahay ay nakita niyang nanonood sa telebisyon ng panghapong balita ang kanyang abuelo tungkol sa limampung milyong halaga ng ilegal na droga at mga de kalibreng armas na nasakote ng PDEA sa ginawang Sting Operation.

"Tinatayang nasa dalawampu't lima ang patay sa naturang pagsabog ng isang lumang bodega kagabi bandang alas otso. Nasabat din ng kapulisan ang iba't-ibang klase ng armas at umano'y ipinagbabawal na gamot na-"

"Lolo," lumapit siya rito at umupo sa tabi.

Nilingon siya ng don at pinatay nito ang telebisyon.

"Nasaan ang lalaki mo?"

"Huh?" Kurap-matang tugon niya.

"Nag pa-audition ka para maghanap ng asawa hindi ba? "

"Opo, para mabilis."

"Nakakita ka?"

"Wala po."

"Nagsasayang ng panahon! Mabuti na lang napigilan ko ang medya sa ginawa mong kalokohan."

Ibinalik nito ang tingin sa pinapanood.

Hindi rin naman niya gusto na umabot pa sa medya ang kanyang ginawa kahit pa mag viral 'yon sa social media ayos lang huwag lang sa balita.

Sinundan niya ng tingin ang tila pag dakip sa matandang lalaki kasama ang tauhan nitong nakaitim na damit at maong na pantalong nakalingon sa likod.

Tila nasa labas ito ng kulungan.

Natuon ang kanyang atensyon sa lalaking nakaharap sa isang mamamahayag na nasa tagiliran nito.

Sa pamamagitan ng paghawak nito ng shades ay nagmumukhang respetado, kahit pa nakasuot lamang ito ng itim na damit at maong na pantalon.

Bagaman at hindi niya nabistahang mabuti ang mukha ng naturang lalake dahil nakatagilid ito ay alam niyang may itsura at maawtoridad ang porma.

Ibinalik niya ang tingin sa abuelong nakaupo sa wheel chair nito matapos maaksidente ang sinasakyan nitong kotse noong nakaraang taon.

Kahit nakaupo na lang ito at kailangan ng tulong ng ibang tao kapag tatayo ay makikita pa rin ang tikas at awtoridad sa anyo ng don.

Marahil, dito siya nagmana ng ilang katangian kagaya ng may awtoridad ang dating.

Sa edad na biyente-otso masasabi ng dalaga na kuntento na siya, siya na kasi ngayon ang General Manager ng kanilang kumpanya.

Mayaman siya, matalino at maganda, nasa kanya na ang lahat maliban sa lalaki.

Para sa kanya ay sagabal lang sa trabaho at sa buhay.

'Hindi ko itataya ang isang lalaki para sa isang libong trabahante!'

Ngunit wala naman siyang magagawa kapag ang abuelo na ang magdededisyon tungkol sa pag-aasawa.

"Pahangin lang ako lolo."

"Sige."

Humugot siya ng malalim na paghinga at tinungo ang terasa at nagpahangin.

Nakakalma ang kanyang isipan dahil sa lamig ng hanging dumadampi sa kanyang balat.

Naalala niya ang nangyaring audition kanina.

Sa sobrang daming dumalo wala man lang nakapasa sa panlasa niya.

Lahat kulang sa utak, pumasa na sana sa itsura at estado, bagsak naman sa utak.

Ngunit, may isa talaga siyang mabigat na pinoproblema sa ngayon.

Naalala niya kung paano matakot ang mga kliyente sa apat niyang gwardya.

"Ms. Lopez, I am so thankful that we finally signed the contract as your supplier but, seeing your guards like goons might affect your career as a business woman." Wika ng lalaking kausap niya noon sa isang coffee shop, isa ito sa bagong kliyente nila.

Minsan naman sa opisina niya.

"Nakakatakot ang mga gwardya mo, ang lalaki at naku hija mukhang mga goons eh? Iyon bang nakikita kong mga kontrabida sa pelikula. May mga tattoo pa parang adik."

"Mabait naman po sila," nakangiti pa ring sagot niya.

"Ah gano'n ba? Hindi halata."

Humugot ang dalaga ng malalim na paghinga.

Nahihirapan siya kung paano papagwapuhin ang kanyang mga gwardya!

Bumalik ang dalaga sa tabi ng abuelo.

"May problema po tayo sa mga gwardya ko lolo."

"Ano 'yon?" kunot-noong nilingon siya nito.

"Gusto kong palitan sila."

"Ano! Hindi pwede, sila na ang pinakamagaling!"

"Kesa naman matatakot ang makakakita? Nangingilag ang mga oa na kliyente."

"Hayaan mo sila!" tumaas ang boses ng matanda.

Natahimik siya at halos bumulong na lang ng muling magsalita.

"Nawawalan na tayo ng kliyente kaiisip nila na ang mga gwardya ko ay goons ng isang sindikato.

Nagmumukha tayong drug lord sa paningin nila, ang hahaba pa ng mga armas."

"Talaga?"

Dahil sa reaksyon ng abuelo ay kumalma ang dalaga.

"Nagdududa ang ibang kliyente dahil sa kanila, dito na lang sila sa bahay o 'di kaya sa'yo na lang sila lolo."

"Pagwapuhin mo na lang," suhestyon ng abuelo.

"Iyan nga ang pinoproblema ko!"

Dahil doon ay natahimik ang don at huminga ng malalim.

"Mahirap nga 'yan. O sige na maghahanap ako."

"I need it tomorrow lolo."

"What? Ellah, isang linggo akong naghanap para sa apat na 'yan!"

"Isa lang pero katumbas ng apat na 'yon!"

"Ano? Hindi gano'n kadaling makahanap ng..."

"Kapag nakakita kayo bukas, pag-iisipan ko ang pakikipag date sa mga nirereto mo." Tumayo siya at umakyat ng hagdan patungo sa silid.

"Alex come here!" tinawag nito ang kanang kamay.

Napangiti si Ellah.

"Bakit po don Jaime?"

"Nakikita mo ang taong 'yan?" itinuro nito ang isang lalaki sa screen.

Hindi naman niya nakita ng malinaw ang mukha nito dahil nasa malayo siya, bagamat napansin niyang may kasama itong matanda na mukhang mayaman.

"Opo"

Napailing siya.

Pinanood lang sa tv kukunin na.

Hindi naman siya interasado kung sino man 'yon ang mahalaga mukhang tao ang bodyguard niya.

"Sir anong masasabi ninyo sa pagkahuli ng isa sa pinakamalaking sindikato ng bansa?" tanong ng mamahayag.

"Ginagawa lang natin ang ating tungkulin. Kailangang masugpo ang mga malalaking ulo na nasa likod ng maliliit na mga galamay."

Hinarap nito camera at tumitig sa screen na tila ang kinakausap ay ang mga pinupuntirya.

"Hindi tayo titira ng maliliit na galamay, dahil maging sila ay biktima ng malalaking ulo."

"Ang taong 'yan..." turo ng don sa telebisyon habang nakangiti.

"... ang magiging gwardya ng apo ko," deklara ni don Jaime Lopez.

---

CITY JAIL ZAMBOANGA CITY...

Sa labas ng naturang establisyemento ay nagkikislapan ang mga kamera habang pinalilibutan ng mga mamamahayag ang buong entrada.

Sabay-sabay ang mga tanong at napakaingay ngunit may isang nakakuha sa kanyang atensyon.

"Sir bakit hindi ninyo kinumpiska ang mga produkto at sa halip ay pinasabog niyo?"

Natigilan ang binata at napatingin sa lalaking reporter. Derekta ang tanong ng nasabing mamamahayag.

"Kailangang baguhin kung ano ang nakasanayan," tugon niya at hindi na ito pinansin.

Bumaling ito sa matandang kasama niya, nakaposas ang mga kamay nito sa likuran.

Matapos magamot ay pormal na nilang hinuli ang matandang Mondragon na iniwan nila sa opisina ng Phoenix Agency.

Habang dinidinig ng korte ang kaso nito ay hindi ito maaaring magpiyansa, iyon ang sinigurado niya sa dami ng ebidensiyang hawak niya laban dito.

Bumaling ang kanyang tingin sa mamamahayag.

Hindi niya derektang sinagot ang tanong nito bagama't ang totoong dahilan kaya hindi nila kinukumpiska dahil may ibang ahensiya ng PDEA na pinapakinabangan ang mga produkto at ibebenta ulit sa mga sindikato.

Ang ganyang gawain ay isang malaking kagaguhan sa gobyerno at sa bansa!

Kaya sinigurado niyang bawat produktong masasabat apoy ang katapat!

Sinisigurado niya rin na lahat ng ilegal na gawaing may kinalaman sa droga ay lilinisin niya kahit pa ang nasa likod nito ay makapangyarihan at maimpluwensiya!

---

MINE SITE...

Araw ng sabado at pauwi na galing sa mine site ang nag-iisang tagapagmana ni don Jaime Lopez.

Madalas talaga siyang ginagabi lalo na kung may mga aberya sa field office.

Alas syete ng gabi ay masayang nagkukwentuhan ang driver at mga gwardya niyang mukhang goons sa loob ng kanilang sinasakyan habang nagbabyahe.

Ayaw na niyang gumamit pa ng ibang sasakyan para lang sa mga gwardya dahil kahit sila pa ang pinakamakapangyarihan sa lugar ay ayaw niyang ipangalandakan 'yon sa iba.

"Malapit na tayong mag-isang taon ah? Wala pa ba tayong increase?" anang isa sa mga gwardya niya.

Tumaas ang kilay niya sa narinig.

"Tumahimik ka nga Lando," saway ng leader.

"Totoo naman ah? Sa yaman ni don Jaime dapat buwan-buwan ang increase ng sahod natin."

"Ms. Ellah, pagpasensiyahan niyo na po ang kabulastugan nitong si Lando."

"Gusto ko sanang gawin 'yon ang kaso natatakot ang mga kliyente ko sa inyo."

"Ha? Bakit Ms.?" gulat na tanong ni Claudio.

" Eh kasi, mukha raw kayong goons dahil sa mga itsura ninyo."

"Iyon lang po ba? Mag-aahit kami ng balbas, " masiglang tugon ni Waldo.

" Magpapapayat kami!" sagot ng leader na si Homer.

Nagkatawanan sila.

" Mabuti pa itong si Mang Jude payat siguro ang laki ng sahod mo Mang Jude ano? " si Lando.

"Hindi naman masyado," nangingiting tugon ng tsuper.

Malapit na ngang mag-isang taon ang mga ito at kahit papaano ay natutuwa naman siya sa serbisyo, lalo na kay Homer na talagang seryoso at pinakamatino sa lahat.

Ngunit ngayon ay nais ng mga ito na tumaas ang sahod.

"Kaya magpapayat lang tayo ayos na ang buto-buto!" hiyaw ni Lando.

Binatukan ito ni Homer.

"Aray ko po!" busangot si Lando habang hinihimas ang ulo.

" Dadamihan ko ang almusal at hindi  kakain sa tanghali," si Claudio.

"Mag-eexercise ako para pumayat!" ani Waldo na siyang may pinakamalaking katawan.

"Ang kaso Waldo mas lumalaki ka kapag nag-ehersisyo!" ani Homer.

Nagkatawanan ang mga ito.

Ngayon niya napagdesisyunan ang isang bagay.

'I'll keep this goons of mine forever...'

Hindi na niya ito ipagpapalit pa.

"Magpa pogi na lang kayo boys?"

"Iyan ang pinaka magandang solusyon Ms!" masiglang tugon ni Lando.

"Kaya lang may problema..."

"Ano 'yon?" si Waldo.

"Hindi ko alam paano kay pa gwapuhin!"

"Iyon lang!"

Nanghagalpakan ng tawa ang lahat

subalit biglang natahimik ang mga ito at naging seryoso.

"Bakit?" nagtataka niyang tanong.

Ngunit ang kanyang pagtataka ay biglang napalitan ng takot nang sabay-sabay

magkasahan ng mga mahahabang armas ang apat na gwardya.

Kumabog ng husto ang dibdib ng dalaga sa takot.

Walang kabahayan ang paligid at walang halos dumadaang sasakyan.

"Ms. Ellah," ang driver ang sumagot na patingin-tingin sa likuran.

"Parang may sumusunod sa atin!" May kalakip ng pangamba sa boses ng tsuper.

"Ano!"

Hindi nakasagot ang tsuper nang biglang magpreno kaya muntik na silang mapasubsob dahil sa humarang na sasakyan.

"Ms. Kahit anong mangyari huwag kayong bababa!" matigas na utos ni Homer.

Naglabasan ang limang kalalakihang nakatakip ng itim na maskara at tinutukan sila ng mga mga mahahabang armas.

"BABA!"

Malakas na singhal ng tila pinakapinuno habang nakatutok ang baril nito sa kanila.

Nanginig ang dalaga sa takot.

"Ms. Kapag sinabi kong dapa, dumapa ka lang naiintindihan niyo?" muling utos ni Homer.

"O-oo, oo!"

Tila mawawalan ng ulirat ang dalaga sa tindi ng takot ngunit pinilit niyang magpakatatag.

"ILABAS NIYO ANG BABAE AT WALANG MANGYAYARING MASAMA SA INYO!"

Namutla ang dalaga sa sigaw ng isa sa mga lalaki.

Nagkatinginan ang apat na gwardya saka nag senyasan na buksan ang pinto at sabay na nagsilabasan.

Pigil-hiningang hinintay ni Ellah ang mangyayari.

Esaktong paglabas ng mga gwardya ay ang mabilis na pagdampot ng mga ito sa mga armas sabay sigaw ni Homer.

"DAPA!"

Kasabay ng kanyang pagdapa ay ang sunod-sunod na nakakarinding putukan.

Ang mga bala ay naglilipana mula sa dalawang grupong naglalaban ng harapan.

Walang nakakatakas at walang umaatras!

avataravatar
Next chapter