webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · Urban
Not enough ratings
107 Chs

Chapter 6 - The Responsibility

MEDC SITE...

Nakikita ni Gian kung gaano ka pursigido ang kanyang amo.

Palakad-lakad ang dalaga at tinitingnan ang mga gumagawa, maging siya ay tumulong na rin para lang maibyahe ang produkto sa tamang oras.

Maya-maya tagaktak na ang pawis niya sa buong mukha.

Nilapitan siya ni Ellah.

"Tama na 'yan, hindi mo 'yan obligasyon, baka mapagod ka."

"Don't worry kaya ko 'to, pero sige para hindi ka na mag-alala pa."

Lumakad ito pabalik sa opisina ng site at sumunod siya.

"Sobra ang pawis mo, magpunas ka nga!"

Binigyan siya nito ng towel.

'Wow mukhang may himala!'

"Since ikaw naman ang tumulong, ang magiging target sales dito ay tatlong milyon...o bakit?"

Muntik na kasi siyang mabulunan sa narinig.

"T-tatlong milyon sa sampung truck na 'yan?"

"Yes, pero siyempre may expenses 'yan. Dito ka muna at babalikan ko ang mga tao."

"Sige."

Ngayon niya nakita ang iba pang parte ng katauhan ng dalaga at unti-unting napapahanga siya rito.

Pero dahil sinabi nito ang isang confidential na bagay ibig bang sabihin ay pinagkakatiwalaan na siya ng dalaga?

Napangiti ang binata nang nag-iisa.

---

MEDC OFFICE...

" Ladies and gentlemen, our overall sales for this month is thirty million, less expenses we have twenty -five million five hundred thirty thousand three hundred and fifty-two cents, " paliwanag ng financial manager.

Nagpalakpakan silang lahat.

Kasama ni Ellah ang mga opisyal na nakaupo sa isang mahabang pabilog na mesa. Tuwing katapusan ng buwan ay nag titipon sila para magbigay ng update ang bawat opisyal.

Habang nagpapaliwanag ang tauhan ay nag-iisip naman siya ng sasabihin.

Sabagay, kampante siya sa pagtitipon na ito dahil silang lahat ay tauhan niya. Nasa ilalim niya ang mga ito.

Sinundan ng marketing manager ang Financial manager na naunang magpahayag at ipinaalam na nakuha nila ang anim na buwang kontrata ng GMC plant.

Sinundan ito ng production manager at nagpahayag na magkakaroon na sila ng sapat na produksyon sa araw-araw.

"At iyan ay dahil sa ating matalino at magandang GM kaya niyang ibaba ang kontrata ng BMG hanggang three percent!"

Nakikita ni Ellah ang tuwa at ligaya sa mukha ng mga ito.

"WOW!" 

"That's amazing!" 

"How did she do that?" 

Lahat ay nagpalakpakan.

Bahagya siyang ngumiti bago tumango.

Hanggang sa matapos ang lahat ng opisyal sa pagpapaliwanag at ngayon ay siya naman.

"Now, let us hear from our lady boss Ms. Ellah." 

Tumayo ang dalaga sa harapan ng lahat saka inilibot ang tingin.

"I am very thankful for your cooperation, for the efforts and determination, ofcourse kung hindi tayo nagtulong-tulong o kung hinayaan niyo akong mag-isang gumawa ng lahat baka bumigay na ako.

Walang imposible sa atin, lahat kaya natin dahil sa ating pagmamahal sa kumpanya, at dahil diyan pinasasalamatan ko kayo ng husto, alam kong sa susunod na darating na pagsubok kung sakali man alam kong kaya nating lampasan ito. Kaya maraming salamat sa inyong ginawa, ladies and gentlemen,... without you I am nothing!"

Masigabong palakpakan ang sumunod.

"At dahil diyan, I will treat you to dinner tonight. Are you okay with that, guys? "

"Yes Ms.!"

---

ALAVAR SEAFOOD RESTAURANT...

Kinagabihan lahat ng staff ng kumpanya at maging ang ibang opisyal ay nasa isang restaurant at masayang nagkainan habang magaang nag-uusap.

Ang mga taong ito ang rason kung bakit hanggang ngayon ay nananatili siya sa mababang posisyon.

Ang mataas na posisyon ay kakambal ng malaking responsibilidad.

Kung mayroon man siyang kinatatakutan... iyon ay ang mabigo.

Sa mundo niya kung saan ang dahilan ay hindi sapat, ang pagkabigo ay hindi nararapat.

'Dito ako nararapat.'

Masaya ang dalaga sa kanilang naabot at napagtagumpayan.

Ipinagmamalaki niyang kahit babae siya ay kaya niyang hawakan ang panlalaking negosyo.

Speaking of a man.

Sinulyapan niya ang katabing lalake na tahimik at tila mahiyain.

Ngunit napansin niya ring madalas itong tinitingnan ng mga kababaihan saka magbungisngisan ng palihim.

"Guys, listen." Pumalakpak siya para kumuha ng atensyon.

Lahat ng mga ito ay napatingin sa kanya.

"Guys, I forgot to tell you na may tumulong sa atin para makuha ang three percent."

Napalunok si Gian at kinabahan ng matindi dahil sa patutunguhan ng usapan.

Umangat ang tingin niya sa katabing amo.

Isa sa mga bagay na pinakaayaw ng binata ay ang makakuha ng atensyon.

At nagsimula na nga.

"Oo nga Ms. Sino ba siya?" si Jen na nasa tabi ng amo sa kaliwang banda ang sekretarya nito.

Lumawak ang ngiti ng dalaga. "You won't believe it, but none other than..."

Kinalabit ng binata ang braso ng amo kaya napalingon ito sa kanya.

Mabilis siyang umiling bilang pahiwatig na tumahimik na ito.

Sa kanyang pagkadismaya ay hindi nakuha ni Ellah ang kanyang senyales.

 "Gian!" malawak ang ngiting nilingon siya ng amo.

Ngayon nasa kanya na buhos ang atensyon.

Pinuri siya ng lahat at humanga pa ang mga ito.

Natawa si Ellah. "Oh, nakalimutan kong ipakilala, si Gian Villareal ang bago kong bodyguard."

Binati naman siya ng lahat.

"Oy, Gian ikaw ha, may itinatago ka palang galing ha?" wika naman ng isang babaeng nagngangalang Myra katabi ng sekretarya ng amo.

"Hindi naman."

Napapansin ni Ellah na panay lang ang yuko ni Gian, minsan ay ngingiti kasabay ng pag-iling.

Napangiti siya, marahil ay hindi rin ito sanay na pinupuri ng iba kagaya niya.

"Bagong bodyguard mo, Ms. pero bakit iisa?"

Napatingin siya sa gwardya na nakatingin din pala sa kanya.

"Nakaka miss 'yong sina Homer at mga kakulitan ng kasama niya."

Siniko ni Jen si Myra hudyat upang tumahimik.

Bumaling ang tingin niya kay Myra. Bagamat gumuhit ang lungkot, sakit at tinamaan ng konsensiya ay nagpilit siyang ngumiti.

" Tama ka Myra. Nakaka miss sila."

Unti-unti ng naghihilom ang pait sa kanyang dibdib bagama't inuusig pa rin siya ng konsensiya, alam niyang hindi niya kasalanan ang nangyari.

Maya-maya ay tumayo siya hawak ang isang basong may inumin.

"Guys, alam kong stress kayo at pagod kaya mag-inuman tayo cheers!"

"Cheers!"

Sabay nagpingkian ang mga baso at sabay-sabay silang uminom.

Matagal bago natapos ang kasiyahan.

Tumayo lang ang dalaga nang maramdaman niyang nahihilo na siya.

"Paano 'yan kanya-kanya muna tayo. Mag-iingat kayo sa pag-uwi. Gentlemen, pakihatid ang mga ladies."

" Yes Ms. "

"Kayo rin Ms. Ingat kayo!"

"Ah, si Mr. James Valdez, ang production manager. " pagpapakilala ng dalaga.

"Gian Villareal, sir."

"Hindi na kami magtatagal ha, maraming salamat," wika ni Ellah.

Inalalayan siya ni Gian dahil pakiramdam niya nahihilo na siya.

Habang papalabas pakiramdam ng dalaga umiikot ang paligid niya kaya napasandal siya sa balikat ng binata habang naglalakad sila patungo sa parking lot.

"Ms. Kaya mo bang maglakad?"

"Kaya ko pero 'wag mo akong bibitiwan."

"Hindi 'yon mangyayari."

Hinahawakan siya nito sa magkabilang balikat para hindi siya matumba, hanggang sa nakarating sila sa kotse.

Kinakagat ni Ellah ang kanyang labi bagay na napansin ni Gian.

"Stop that please?"

Napalingon siya. "Huh?"

"Stop biting your lip."

Namumungay ang mga matang tumingin siya sa gwardya.

"And why?"

"Para kang nang-aaya."

"Ha? Teka nasusuka ako."

Bahagyang natawa ang binata. "Outside please?"

Katahimikan.

Nang kumalma ang dalaga ay hindi na siya nasusuka.

"Madam?"

"Hmm?"

"Anong nangyari sa mga bodyguard mo dati?"

Natahimik siya at humugot ng malalim na paghinga bago tumingin sa kawalan.

"It's okay, you don't have to tell me."

"Pinatay sila."

Napalingon sa kanya ang gwardya.

"Tinambangan kami para lang sa lintik na kidnap for ransom na 'yan. Pwede namang kidnapin na lang ako at manghingi ng pera bakit kailangan pang pumatay?"

"Nauunawaan ko, pero hindi mo dapat sinasabing ayos lang sa'yong makidnap. Tama lang ang ginawa ng mga gwardya mong protektahan ka, kapalit man ang buhay nila."

Nilingon niya ang kausap na nakatitig sa daan habang nagmamaneho.

"Kung gano'n itataya mo rin ang buhay mo para sa akin? Handa kang mamatay para protektahan ako?"

Hindi ito sumagot.

"Mr. Villareal."

Nilingon siya ni Gian saglit at muling tumingin sa daan.

"Kung sakaling gusto mong magtrabaho sa kumpanya sabihin mo lang."

"Ipinagkatiwala ka sa akin ng lolo mo."

"Ipangako mong hindi ka mamatay para lang sa akin. Hindi ko na 'yon kakayanin. Mamamatay na ako sa konsensiya."

Ipinikit ng dalaga ang mga mata at hindi na narinig ang huling katagang tinugon ng gwardya.

"My job is enough. Enough to protect you."

---

MEDC OFFICE...

Lumipas ang ilang linggo, ginawa lahat ni Gian ang kanyang responsibilidad.

Naalala niya ang nangyari sa restaurant.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag siya nito sa kanyang pangalan at nagustuhan niya 'yon.

Kaya siguro ito naging General Manager hindi lamang sa apo ito ng presidente ng kumpanya o bilang tagapagmana kundi dahil nararapat sa kanya ang posisyon.

Nakikita niya ngayon si Ellah bilang mahusay na negosyante!

"Good morning, Ms." bati ng sekretarya.

"Good morning, Jen."

"Ms. sa labas lang ako," putol niya sa usapan.

Nilingon siya ni Ellah, "Don't you want to come in?"

"Why not?"

Ngumiti ang dalaga na napansin niya.

Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng pribadong opisina.

Elegante! 

Umupo siya sa naroong sofa kaharap ng lady boss at pinagmasdan ito sa pagiging abala sa ginagawa.

Pinagmasdan niya sa glass wall ang mga dumaraan ang mga motorista.

Binalingan niya ang amo.

"Alis na ako Ms."

"Alright." Ngumiti si Ellah saka tumango.

Tinungo ni Gian ang rooftop gamit ang hagdan. Tanging matataas na opisyal lamang ang nakakagamit ng elevator kapag patungo na sa mataas na bahagi ng palapag.

Pagdating sa rooftop ay sinlubong siya ng mabining ihip ng hangin.

Dito lang nangyaring kumakalma ang kanyang isipan, at nakakapag-isip ng walang inaalala.

Hindi tulad ng dati niyang trabaho bilang agent kahit saan siya magtungo hindi maaari ang tinatawag na relaxation.

Matapos maghintay ng ilang oras habang pinapanood ang mga ibong nagliliparan, mga sasakyang dumaraan ay tumunog ang tiyan niya at saka siya nag text sa amo.

To: LADY BOSS

Ma'am, lunch time.

Matapos mag send ay saka niya napagtanto ang isang bagay na nagpailing sa kanya, nabigla siya na sa kauna-unahang pagkakataon ay nag text siya sa babaeng hindi naman niya kaanu-ano.

Bilang protektor o gwardya ay hindi na niya obligasyon na ipaalala sa boss na oras ng kain.

Ngunit ginawa niya.

Abala si Ellah sa pagpirma ng mga papeles na nasa mesa habang nakaupo.

Nang tumunog ang cellphone ay inabot niya sa ibabaw ng mesa at binasa ang mensahe.

From My Bodyguard:

Ma'am, lunch time.

Akmang magrereply na siya nang tumawag ang abuelo.

"Yes, Mr. Chairman?"

"Hija, wala naman ako sa opisina. Busy ka ba mamayang gabi?"

"Uhm... hindi naman po lolo, walang meeting bakit?"

"Tamang-tama gusto kang makita ng anak ng kaibigan ko."

Umismid ang dalaga. "Lolo, busy po pala ako-"

"Huwag mo akong bigyan ng ganyang rason Ellah..."

Napairap sa kawalan ang dalaga. Matapos ang mahabang litanya ng abuelo ay nagpasya siyang replayan ang mensahe ng gwardya.

Pahinamad na nakasandal si Gian sa upuan ngunit nang mabasa ang isang mensahe sa cellphone ay napatayo siya.

From LADY BOSS:

Thank you. I have something to tell you, please come to my office. 

Nagmadaling humakbang si Gian.

Tinakbo niya ang bawat baitang mula sampung palapag patungo sa ikalimang palapag na tila may emergency, pagdating sa ikalimang palapag kung nasaan ang opsina ng amo ay hiningal lamang siya ng bahagya saka dumeretso na sa pribadong opisina ng dalaga.

Nang nasa labas na ng pinto ay natigilan siya.

"Sandali? Bakit ako nagmadali?"

Naiiling na napakamot siya sa batok.

Tuluyan na siyang pumasok.

"Hi!" nakangiting bati niya na ikinagulat ni Ellah.

"H-hi! That was... fast? Nasa labas ka lang ba?"

"Sa roof top ako galing."

"Talaga? Bilis naman! "

"Hmm," tugon niya dahil kinuha lang naman niya sa loob ng limang minuto na kung lakarin ay aabot ng labin-limang minuto.

 

"Oh, okay..."

"Bakit mo nga pala ako pinatawag?" Alanganin man ay nilakasan ni Gian ang loob.

"Ahm, kumain ka na ba?"

"Oh, hindi pa. Ngayong gabi mga seven o'clock, can you still work for me?"

"Sure madam, may meeting ka?" Masigla niyang tugon.

"No, actually it's a date."

Napalis ang ngiti niya.

"D-date?"

"Utos ni lolo. Wala akong magagawa. This is my responsibility."

Muntik na niyang makalimutan na ang babaeng ito ay naghahanap nga pala ng mapapangasawa!

"S-sige, darating ako." Tumalikod siya.

"How about the lunch?"

"Busog pala ako," tugon niya bago lumabas at bumulong. "Kumain ka mag-isa."