webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · Urban
Not enough ratings
107 Chs

Chapter 73 - The Business

Lumabas ang isang lalake.

Na ikinadismaya ng halos lahat ng kababaihan.

Naghintay pa silang lahat sa isa pang lalaking bababa ngunit mas lalong nadismaya ang lahat ng isarado ng driver ang pinto ng naturang sasakyan.

"Yuck? Akala ko ba 'young billionaire?' "

"Like the heck? Kabit ba ng babae 'yan?"

"Iyan na ba' yong Rage Acuesta?"

Parang gustong umiling ni Ellah sa nakita.

Ito na ba ang sinasabing young billionaire?

Bagama't hindi pa ito katandaan ay talaga namang hindi na ito young.

Aaminin niyang na disappoint siya sa nakita.

Taas noo namang naglakad ang babae papasok kasama ang may edad ng lalake na inalalayan ni Chairman Kim.

Nang bigla namang may humalakhak na lalake sa gilid.

Lumipad ang tingin ng lahat dito.

Kilala niya ito at agad sumigid sa kanyang puso ang poot.

"Ayan na ang sinasabing bilyonaryo? Akala ko ba amoy pera bakit amoy lupa yata?" halakhak ni Xander Delavega.

Sinundan ito ng isa pang halakhak ng isa ring lalake.

Mas lalong tumindi ang poot na nararamdaman ng dalaga nang makita si Roman Delavega.

Lumapit ang babaeng nagngangalang Isabel sa mag-amang Delavega at tinuro si Xander.

"Excuse Mr. Delavega, hindi nga kami amoy pera pero amoy tao naman kami hindi kagaya ninyo amoy hayop!"

Napahalakhak si Ellah.

'Palaban ang fiancée nitong si Acuesta!'

Napatingin ang lahat sa kanya ngunit naagaw ni Xander nang akmang susugurin nito si Isabel.

"Fuck! What did you say woman?" akmang sasapakin ito ng nagngingitngit na si Xander.

Mabilis namang pumagitna ang mga staff ng hotel.

"Ms. Alvar please go inside," wika ng chairman.

Sumunod ang babae maging ang lalaking kasama nito sa tingin niya ay ama, iginiya ito ng staff ng hotel.

Nilapitan ni chairman Kim ang mag-ama.

"Excuse me Mr. Delavega sir, pero hindi ho si Rage Acuesta ang dumating."

Naglaho ang ngisi ng matandang demonyo at parang gusto niyang humalakhak.

"Ano? Eh sino ang hinayupak na 'yan?"

"Hindi ho siya miyembro ng club, representative lang po sila."

Natahimik ang lahat.

Hindi na maipinta ang anyo ng matandang Delavega.

"Ginagago ba tayo?" malakas na singhal ni senior Delavega na ikinaalarma ng lahat.

Maliban sa kanya.

"Hindi ho sir, talagang hindi si Rage Acuesta ang taong 'yon."

"Kung gano' n bakit 'yang unggoy na 'yan ang lumabas sa impormasyon! Hindi ba Xander?"

"Dad, hindi ang club ang may gawa no' n kundi ang hayop na Acuesta talaga."

Tumikwas ang kilay ni Ellah habang nagdidilim ang anyo ni Roman Delavega.

Walang paalam na pumasok ang mga ito sa loob.

Sununod ang iba pa.

Naiwan si Ellah na nakatingin pa rin sa mga ito.

Gusto niyang humalakhak dahil napahiya ang demonyo!

"Madam."

Nilingon niya ang nagsalita.

Si Chairman Kim na akala niya hinatid ang inaakala nilang Rage Acuesta.

"Chairman Kim? Akala ko kayo ang naghatid sa kanila?"

"No madam, hindi naman sila si Rage Acuesta. Shall we go inside now?"

Napangiti ang dalaga.

"Thank you for the kindness Mr. Kim but I'm okay here."

"Madam, you should not be here. Dapat ang mga special guests ay sa loob naghihintay."

Huminga ng malalim ang dalaga.

"Alright Mr. Kim, thank you but I am not special si lolo po siguro? "

"Ikaw na rin 'yon madam dahil ikaw ang papalit sa susunod na panahon."

Inihatid nga siya ng naturang lalaki patungo sa kanyang kinauupuan.

Lahat ng mga naroon ay napalingon sa kanya.

Sanay naman siyang pinagmamasdan, tinitingnan, sinusulyapan at tinititigan.

Walang bago roon.

Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad kasama ang chairman ng organisasyon.

Bawat hakbang niya ay lumilitaw ang kanyang kanang binti dahil sa slit ng gown.

Walang stocking o kung ano pa mang suot ang binti niya hindi na niya kailangan 'yon dahil makinis at maputi ito.

Lahat ng mata nakasunod sa kanya.

Bilang nag-iisang tagapagmana ng nag-iisang don Jaime Lopez ay normal lamang ang sundan siya ng tingin ng lahat.

Hanggang sa makaupo siya sa tabi ng don.

Silang nabibilang sa sampung rango ay nasa harapan nakaupo.

Dalawampu ang lahat ng naroong upuan sa harap dahil ang bawat isa noon ay para sa kasama ng pang sampung miyembro at isa siya roon.

Ang iba pang kasama ng miyembro ay sa likuran na umuupo hanggang dalawa lang ang pwedeng isama ng miyembro.

May mahabang mesa roon upang paglagyan ng sampung laptop na gagamitin nila mamaya sa pagpili.

May mesa rin ang hindi kabilang sa sampung rango at may laptop ang bawat upuan ng mga miyembro ang kaibahan lang ng sampung nasa rango ay sa harapan nakaupo ang mga ito.

Nakahilera ang mga magagarang upuan at may daan tao lang sa gitna at bawat gilid.

Sa bawat mesa ay kasya ang dalawampung tao.

Napakaliwanag ng buong bulwagan dahil sa mga naglalakihang ilaw at mga chandelier.

"Saan ka galing?" bulong ni don Jaime sa apo.

"Sa labas, akala ko makikita ko na ang Acuesta na 'yon, hindi pala, " hindi maitago ang pait sa kanyang tinig.

"Hindi dumating?" tanong ng don.

"Hindi lolo, representative lang niya."

Natahimik ang don maging siya.

Nagsidatingan pa ang iba na inaanunsyo naman ng emcee.

"Acknowledging the arrival of Mr. John Mondragon and his son Jeric! "

Napalingon ang lahat kabilang sina don Jaime at Ellah.

Walang pumalakpak.

Hindi uso sa kanila ang pumapalakpak sa kapwa.

Nakataas ang isang kamay ng isang may edad ng lalaki sa pagkaway habang pormal ang mukha ng anak nito.

Natatandaan niya noon na isa ito sa naging misyon ni Gian at nakakulong bakit nakalabas?

Dumeretso ito sa kaibigang si Delavega.

Napailing siya.

Nagkasama na ang mga hari ng kasamaan.

"Bakit nakalaya 'yan?" bulong ng abuelo.

"Impluwensiya lolo, ngayon lang' yan babalik na 'yan mamaya sa kulungan."

Dumating na rin ang iba pa hanggang sa makumpleto ang lahat ngunit wala ang isang Rage Acuesta. Ang tanging naroon sa upuan ay si Isabel.

Iniwas niya ang tingin sa babaeng abala sa cellphone nito.

Nag-abot ang tingin nila ni Raven Tan na katabi ni Roman Delavega.

Hindi ito ngumingiti ngunit hindi rin naman galit ang anyo.

Ayaw niya sanang paupuin ang abuelo sa tabi ng kalaban ngunit iyon ang patakaran.

Bahagya niyang hinila palayo ang upuan ng abuelo sa kalaban.

Pinigil naman siya ng don.

Lumipas ang ilang minuto na hindi pa rin nagsisimula.

Tila ba hinihintay ang pagdating ng nasa ikaanim na pwesto.

Lumipas ang sampung minuto at nagsimula ng magkaroon ng bulungan.

"What are they waiting for?" dinig niyang tanong ng isang babae sa gilid.

"Maybe the rank 6?"

Ilang sandali pa ay pumailanlang ang tunog ng isang recorded na doxology prayer.

Ito na ang simula ng selebrasyon.

Tahimik ang lahat hanggang sa matapos at sinundan ulit ng pambansang awit na recorded din.

At lahat sila ay nagbigay pugay sa pambansang watawat na nasa tabi sa gilid.

Nang matapos ay

ay pumunta na ang isang lalaki sa mesa na nasa gilid na may mikropono sa harapan.

Ito ang itinalagang master of cermony roon.

"Good evening, ladies and gentlemen! Tonight, we will celebrate the fifty-fifth anniversary of our beloved club.

We have some announcement later. But for now let us start the celebration by an opening remarks of Mayor Zabala."

Tumayo ang isang may edad ng lalaki at pumunta sa entablado.

" Good evening ZBC's! "

Sumagot ang lahat maliban sa kanya.

" I, as a mayor of Zamboanga City and a member of this club is so greatful that we celebrate the fifty-fifth anniversary of this organization... "

Hindi na nasundan pa ng dalaga ang sinasabi ng mayor, wala na roon ang atensiyon niya kundi sa nakabakanteng upuan sa harapan dahil sa hindi pagdating ni Acuesta.

Paano na lang ang plano niyang kunin itong investor kung wala pala ito?

Pwede ba niyang kausapin ang proxy lang?

Mabait ba si Isabel?

Napakislot ang dalaga nang magpalakpakan ang lahat hudyat na tila tapos na ang mayor.

"Now let us start the usual part, the stock market monitoring," pahayag ng emcee.

Mula sa isang malaking white wall ay lumabas ang imahe ng stock market.

Nakatingin na ang lahat dito.

" Let us all start with the members excluded the top ten. "

Nagsimulang maglabasan ang kumpanya ng mga miyembro ng nasa ibabang rango.

Mamaya pa ang top ten.

Sari-sari ang kumpanyang naroon.

May mall, may restaurant, may hotel, may resort at kung anu-anu pa.

Sa sobrang dami ng mga ito ay nawawalan na siya ng gana.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad palabas.

Plano niyang mag retouch sa rest room ngunit naagaw ang kanyang atensyon sa maliwanag na hardin sa likuran ng hotel.

Humakbang ang kanyang mga paa patungo roon upang magpahangin.

Sumalubong ang malamig na simoy ng hangin habang papalapit siya sa labas.

Ngunit kinabahan siya nang mapansing tila may tao roon.

Nagpasya siyang bumalik sa loob at dumeretso ng banyo.

---

Dinig sa labas ang boses ng emcee mula sa loob na nagsasalita ng nangyayari sa stock market.

Kaya binilisan ni Gian ang paghakbang papasok.

Sa likod siya dumaan upang hindi makaagaw ng atensyon.

Kanina pa text at tawag si Isabel sa kanya at minamadali na siya.

Sinadya niyang hindi sumabay kanina kina Isabel at mang Isko dahil ayaw niyang makakuha ng atensyon.

Ngunit dahil sa kanyang ginawang pagpapahuli ay hindi niya rin nakikita pa si Ellah na ayon kay don Jaime ay kasama nito.

Inayos niya ang suot na eyeglass, maging ang suot na damit bago humakbang papasok.

Nag text siya kay Isabel na dumating na siya at sa likuran lang dumaan.

Pagkatapos mag text ay binilisan niya ang hakbang, ngunit bumagal nang may mapansin siyang kakaiba sa labas ng pambabaeng banyo.

Madadaanan niya ito dahil sa likod siya dumaan bago patungo sa conference hall.

Kumunot ang kanyang noo at sinilip ang nahagip ng tingin.

Nanlaki ang mga mata ng binata nang makita ang isang lalaking naka maskara at may hawak na kwarenta y singkong baril na nakatutok sa pinto ng banyo!

Nagkukubli ito sa isang poste at hindi niya maaring lapitan dahil siguradong mapapansin siya nito.

Dehado siya kapag nagkataon.

Umalerto ang binata at mabilis naghanap ng paraan upang iligtas ang kung sino mang nasa loob.

Umikot siya sa kabilang panig upang ang nasa loob ng banyo ang protektahan sa halip na atakehin ang kalaban.

---

Ilang sandali pang nakatingin si Ellah sa salamin upang pakalmahin ang sarili.

Kung talagang hindi darating ang Acuesta na 'yon ay mapipilitan siyang lapitan si Raven Tan.

Huminga ng malalim ang dalaga at inilabas ang mouth spray saka nag spray ng dalawang beses sa bibig.

Presko na ulit ang kanyang pakiramdam.

Dumura siya sa lababo at pinatuluan ng tubig mula sa gripo saka nagpunas ng tissue sa bibig.

Kahit saan pa siya magpunta palagi siyang may tissue na dala.

Hindi naman niya ito pinanglilinis ng pagkakababae niya kundi pinangsasapin sa bowl kapag hindi sa bahay nila.

Napansin niyang napakatahimik ng paligid.

Bumuga siya ng hangin bago binuksan ang pinto.

Nang bigla na lang may humablot sa kanyang braso at tinakpan ng husto ang kanyang bibig kasabay ng pagkaladkad sa kanya patungo sa gilid ng banyo.

Natigagal ang dalaga sa takot.

"Hmmmmp!" nagpupumiglas siya at pilit tinatanggal ang kamay nito sa kanyang bibig ngunit malakas ang naturang lalaki.

Nasa likuran niya ang naturang lalaki at nakasandal siya rito habang nakatalikod.

Hindi siya makawala sa kung sino man ito!

Nagpanic ang dalaga at naninipa na ngunit ni hindi niya magawang humarap dito sa tindi ng pagkakayapos ng braso nito sa kanyang leeg kasabay ng mahigpit nitong pagtatakip ng palad sa kanyang bibig.

Ni hindi niya man lang malingon.

"Hmmmpppp!"

Napatingin siya sa brasong may hawak sa kanya at nanlaki ang mga mata.

Naka suot ng kulay pulang coat ang lalaki at may gold pin sa kaliwang dibdib!

Kumabog ang dibdib niya sa naiisip.

'Rage Acuesta!'

Nagpumiglas siya.

"Shhh, ako 'to," bulong nito sa kanyang tainga.

Kinilabutan ang dalaga nang tumama ang labi nito sa kanyang tainga dahil sa pagbulong.

Natahimik siya nang tila may marinig na yabag.

Papalayo ba o papalapit?

Kinabahan siya ng husto sa naririnig na mga yabag papalakas ang tunog ng sapatos.

Papalapit!

Napigil niya ang paghinga at humigpit ang pagtakip ng palad ng lalaki sa kanyang bibig.

Narinig niya ring bumukas ang pinto ng pambabaeng banyo.

Nanginig siya sa takot.

Marahan naman siyang tinangay ng lalaking may hawak sa kanya papasok sa isa pang banyo saka nito dahan-dahang isinara ang pinto at ini lock.

Sa kahit ganitong sitwasyon ay hindi maiwasan ng dalaga ang maramdaman ang mainit at mabangong katawan ng nakayapos sa kanya na siguradong si Rage Acuesta.

Parang gusto niyang batukan ang sarili dahil kinilig pa siya sa gitna ng panganib.

Gusto niya ring iuntog ang ulo sa pader dahil sa pagtatraydor ng damdamin niya na para kay Gian lamang.

Ilang sandali ang makalipas ay nawala na ang tunog ngunit hindi pa rin siya pinapakawalan ng lalaki.

Akmang aalma siya nang biglang may malakas na kumalabog sa pinto ng kinaroroonan nila na para bang sinipa ito.

Napasigaw siya ngunit hindi narinig dahil sa nakatakip na palad sa kanyang bibig.

Naulit pa ang tila pagtadyak sa pinto.

Tumahimik siya ng husto sa tindi ng takot.

Lumipas ang ilang sandali na wala ng ingay ngunit hindi pa rin naiibsan ang takot ng dalaga.

Lumuwang ang pagkakatakip ng kamay nito sa kanyang bibig maging ang pagyapos nito sa kanyang leeg ngunit hindi na alintana kay Ellah 'yon.

Naiiyak na siya sa takot.

Nang alisin nito ang kamay sa kanyang bibig ay kumawala ang pinipigilan niyang hikbi. 

"Hush..."

Naramdaman niya ang muling pagyapos ng lalaki sa kanyang dibdib maging sa kanyang beywang.

Doon pa lang kumalma ang dalaga.

Nanatili ang ganoon nilang posisyon ng ilang sandali.

Hanggang sa may narinig ulit na yabag ngunit sa pagkakataong ito ay tila takong ng sapatos. 

"He's gone," bulong ng lalaki at pinakawalan siya sabay talikod.

"Rage?" ang malambing na boses ni Isabel mula sa labas ang nagpabalik sa kanya sa katinuan.

"Sandali lang!" tawag niya sa lalaki.

Ngunit hindi ito huminto.

"Mr. Rage Acuesta!"

Tumigil ang naturang lalaki ngunit hindi lumingon.

"Huwag kang bastos, I am talking to you lumingon ka," utos niya.

Ngunit hindi ito lumingon saka binuksan ang pinto at lumabas.

"Sa susunod mag-iingat ka, huwag tanga."

Naglaho ang takot ng dalaga sa narinig at napalitan ng pagkairita.

Sinundan niya ito.

"Anong sinabi mo?" pakiramdam niya ay umalsa ang kanyang dugo patungo sa ulo.

Napakabastos nito at bigla na lang siyang tinalikuran at ininsulto pa!

"Hoy mister! Kahit ikaw pa ang pinaka importanteng tao ngayong gabi wala kang karapatang tawagin akong tanga!" duro niya rito.

"Narinig mo naman pala."

"Ano!"

"Can't you say thank you atleast?"

Unawang ang bibig ng dalaga hindi dahil sa narinig kundi dahil sa boses nito.

Ngayon niya lang napagtanto may ka boses ito!

Dumagundong ang kanyang dibdib sa kaba.

'Gian?'

"Gian?"

Tumigil ito sa paghakbang.

"Gian ikaw ba 'yan?" tila nagraragasang tambol ang pintig ng kanyang puso sa tindi ng antisipasyon.

"No, I am Rage Acuesta," matigas nitong tugon.

"Hindi! Gian ikaw 'yan!"

Tumakbo siya palapit dito ngunit natigil nang lumitaw si Isabel.

"Rage babe! You' re here lang pala!"

Sa pagkakataong ito nilingon na siya ng naturang lalaki.

Napanganga ang dalaga at nanlalaki ang mga mata.

Nilukob siya ng matinding kasiyahan nang makita ang mukha nito.

Parang mahihimatay siya sa saya!

GIAN!

"Oh, let's go honey?" anyaya ni Isabel at humawak sa braso ng tinatawag nitong Rage.

Tinalikuran siya ng lalaki, habang nakangiti namang nakatingin sa kanya ang babae.

Naiwan si Ellah na hindi lang ang puso ang nalaglag kundi maging ang luha sa mga mata.

"Gian..." usal niya sa lalaking palayo at nakaakbay sa babaeng kasama nito.

Naglaho ang takot na naramdaman ng dalaga kanina lang at napalitan ng hindi matatawarang hinanakit.

Tumakbo siya pabalik ng banyo at nagkulong.

Napasandal siya sa pinto at nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Nanghihina siya hanggang sa unti-unting napaupo sa sahig.

Hanggang sa humagulgol na siya sa tindi ng sakit na nararamdaman.

Walang kasing sakit ang nararamdaman niya dahil sa nangyari.

Kamukhang-kamukha ito ni Gian kahit pa iba ang anyo nito.

'Anong nangyari bakit hindi na niya ako naaalala?'

Humagulgol ng husto ang dalaga.

Tumunog ang kanyang cellphone na siyang dahilan ng pagtigil niya sa paghagulgol.

Si don Jaime ang tumatawag.

Inayos niya ang sarili bago sinagot ang tawag ng abuelo.

Wala siyang panahong mag emote ngayon.

Kailangan siya ng abuelo.

"Ellah hija, nasaan ka na? Hindi ka na bumalik?"

"Pa-pabalik na po lolo."

"Are you okay hija? Saan ka ba?"

Tinakpan niya ang bibig upang hindi mapahikbi.

"I'm fine lolo, babalik na ako."

"Sige bilisan mo na."

Pinatay nito ang tawag at mariin siyang napapikit.

Naghilamos siya at muling naglagay ng make up saka inayos ang sarili bago lumabas.

Hindi pwedeng makitaan siya ng kahinaan ng mga naririto ngayon.

Ang dapat makita ng mga ito ay ang matapang at matatag niyang personalidad.

Maaari kasing makaapekto 'yon sa plano nila ng abuelo.

Siya na lang ang inaasahan nito.

Walang lugar ang lungkot at sakit sa kanya sa panahong ito.

Nang masiguro na maayos na ang sarili ay muli siyang bumalik sa conference room nang nakataas ang noo.

Naglalakad siya mula sa banyo nang marinig ang sinabi ng emcee.

"Acknowledging the arrival of Mr. Rage Acuesta!"

Nakita niya ang lalaking nakatayo sa pinto sa harapan bago humakbang papasok.

Lahat ay napatingin sa lalaki.

Umugong ang usapan.

"Kaanu-ano 'yan ng wanted na si Villareal dati? Mag kamukhang-magkamukha!"

Lumipad ang tingin niya kay Delavega.

Nanlalaki ang mga mata ng mag-ama habang titig sa isang Rage Acuesta.

Tila nakakita ng multo ang mga ito at walang salita kahit isang namutawi sa bibig ng mag-ama!

Kahit sino ang tanungin siguradong si Gian ang nakikita ng mga ito.

Kung hindi ito si Gian ay siguradong kamag-anak nito o hindi kaya ay kapatid o kambal pa nga.

Pero wala namang kapatid si Gian.

Kahit sino pa ito sigurado siyang may alam ito tungkol sa kanyang kasintahan!

Kilala na rin sa lipunan si Gian lalo pa at naging wanted ito.

Nakakalungkot na naalala lang ang nobyo niya dahil naging masama ito.

Hindi naalala ang kabutihan ng tao.

Iginala niya ang paningin sa lahat.

Ang mga babae ay tila nangangarap ng gising kakatitig sa bilyonaryong lalaki.

At siya ay hindi na humiwalay ng titig dito hanggang sa makaupo ito sa puwesto tabi ni Isabel na malawak ang ngiti.

Nang tila maiiyak na naman ay ibinaling niya ang tingin sa iba.

Hindi ito si Gian.

Dahil kung si Gian pa ito nagkakandarapa na ito sa pagtakbo patungo sa kanya.

Ngunit ang lalaking ito ay tinalikuran siya.

Subalit naalala niya ang mga pagyakap nito sa kanya kanina lang.

Parang mga yakap ni Gian.

Mariin siyang umiling.

'No time for this Ellah, wake up!' kastigo niya sa sarili bago tuluyang humakbang patungo sa kinauupuan.

"Ayos ka lang hija?" tanong ng abuelo pagkaupo niya sa tabi nito.

Si don Jaime ang katabi ni Roman Delavega ngunit hindi naman magkadikit ang mga ito.

Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang maluha.

Parang isang kalabit na lang sa kanya ay hahagulgol na lang siya bigla.

"Opo, lolo ayos lang ako. " Ngumiti siya rito.

Huminga ng malalim ang don.

" Let us start for the top ten, " anang emcee.

Lumabas sa screen ang sampung pangalan kasama ang mga kumpanyang pag-aari ng mga ito.

Pinakatitigan niya ang pangalang Jaime Lopez doon kasama ng kumpanya nitong minahan.

At ang iba pa nilang negosyo.

Kalaban nila ang minahan ng gobyerno na PNOC o Philippine National Oil Company.

Sila ang hari ng mina!

Pagkuwan ay yumuko siya.

Wala na siyang gustong makita pa.

"Ladies and gentlemen, with in thirty minutes you can choose the company you want to invest."

Umugong ang bulungan.

Napakalaki ng timer sa screen.

30:00

"Let the business begin!" anunsiyo ng emcee.

Pumatak ang orasan at

lahat ng miyembro ay nakatingin sa laptop at nag-umpisang mamili.

Magkasama silang nakatingin ng don.

Ang mga miyembro sa mababang rango ay may karapatang mamili sa nasa sampung pwesto ngunit ang sampung naka pwesto ay hindi maaaring pumili sa mababang rango na hindi kasali sa sampu.

Wala kasing negosyante na gustong mag invest sa maliit na kumpanya lang.

Lahat ang gusto ay sa malaking kumpanya.

Kaya ang nasa rank ten ay maaaring pumili sa kapwa rank ten lang din.

Doon sa malaking screen ay naglabasan ang mga personalidad na nais mamuhunan o bumili ng stock sa isang kumpanya.

Mabilis kay Delavega na cargo-shipment ang negosyo. Wala pang sampung minuto ay may labing limang investor na kabilang si Mondragon na nasa pang walong posisyon.

Humahabol naman si Raven Tan na chain of hotel and restaurant ang kumpanya, may sampung investor na ito.

Sa pagkakataong ito ay mabagal kay don Jaime.

Nasa anim pa lang at ang iba ay dalawa lang.

Inisa-isa niyang tingnan ang pangalan ng nag-invest sa abuelo.

Lihim na lihim ang hiling niyang pipiliin sila ng isang Acuesta.

Ngunit sa kanyang pagkadismaya ay wala ito roon.

Si Raven Tan lang at si Valdemor ang kilala niya.

"Raven Tan at Valdemor lolo," aniya.

"Sige."

Hanggang sampung beses lang pwedeng pumili ng kumpanya ibig sabihin kahit ubusin lahat ng kasama sa rank ten ay pwede.

Lumipad muli ang tingin niya sa pangalan ni Delavega na may dalawampung investor na at nanlaki ang kanyang mga mata dahil isa roon si Acuesta!

Bakit doon ito nagpunta?

Magkasabwat ba ang mga ito?

Isa na naman bang demonyo?

Napailing ang dalaga.

Sa tuwing pagmasdan niya ang mukha ng Acuesta na 'yon ay nakikita niya ang kasintahang si Gian kaya hindi niya maiwasang isiping hindi ito masama, dahil si Gian ay isang mabuting tao.

"Looks like we can say we have the candidate for rank 1 huh? Meron na ba?" tanong ng emcee.

Sinagot naman ng karamihan na meron na nga.

At si Delavega 'yon!

"But that is not the final score."

Umugong muli ang usapan.

"Pipili tayo ng limang papasok sa top 5 at pagkatapos ay malalaman ninyo ang sunod na mangyayari.

And that is the main event of this celebration."

Umugong ang usapan at iisa ang tanong.

'Ano 'yon?'

"Pero ang natitirang limang rango ay hindi na 'yon magbabago ibig sabihin sa sampung miyembro ay may lima ng nakapasok."

Muling bumalik ang tingin niya sa pangalang Acuesta at sa ikinagulat ng dalaga ay  nag-invest doon ang kanyang lolo! 

' Anong kalokohan ito?

Bakit doon si lolo nag invest sa taong hindi naman nag invest sa kanya!

Higit sa lahat bakit doon sa kakampi ng kalaban?'

Bakit!

Nalilito na ang dalaga sa nangyayari.

"Lolo, bakit sa kanya?"

"Hayaan mo na hija, magaling 'yan."

Sumama ang kanyang loob dahil hindi naman nag invest sa kanila ang Acuesta na 'yon bukod pa sa ininsulto siya nito.

Tinulungan nga siya pero ni hindi niya alam kung bakit.

Natigilan ang dalaga sa napagtanto.

Ibig sabihin may nagtangka na naman sa kanya!

Salamat sa isang Rage Acuesta na nagkataong tumulong.

Pero hindi niya yata kayang makipag-usap dito nang hindi umiiyak.

Sabik na sabik na siya kay Gian tapos may lilitaw na kamukhang-kamukha nito pero ibang tao naman?

"Please stop."

Nabalik sa huwesyo ang dalaga nang marinig ang sinabi ng emcee.

Tatlo ang napiling kumpanya ng kanyang lolo.

THRC o Tan Hotel and Restaurant Company na pagmamay-ari ni Raven Tan, VGC o V. Group of Companies na pagmamay-ari ni Rage

Acuesta at VGI o Valdemor Gasoline Incorporated na pagmamay-ari  ng judge, may negosyo itong gasoline station na nagkalat sa buong Zamboanga City.

Napatitig siya sa VGC.

'Anong ibig sabihin ng V?'

"Alright, we have top five here.

Mr. Delavega, Mr. Lopez, Mr. Tan, Mr. Mondragon and Mr. Acuesta."

Umatikabo ang palakpakan ng lahat.

Palakpak dahil may napili na sa panglima ang kasunod ay ang para sa mangunguna sa pwesto na kasalukuyang hawak ng kanyang abuelo.

Umugong ang bulungan.

"Galing ng Acuesta na 'yan 'no? Nasali pa kahit bagong pasok lang?"

Marami ang namuhunan sa beach resort nito at sa rubber plantation.

"This time, let us here the final instruction of our chairman Mr. Ronald Kim!"

Pumalakpak ang lahat.

Lumapit si chairman Kim sa emcee at pinalitan ito.

"Good evening ladies and gentlemen, please listen to me carefully.

The top five here are the finalist for the rank one.

Pero hindi sapat na ito lang ang basehan sa pagpili.

May bago tayong gagawin, at ito ay ang pagpapakita ng kakayahan."

Muling umugong ang usapan.

" Pero bago ang lahat ay mag dinner muna tayo."

Natuwa ang lahat.

Nagsilapitan ang mga waiter at waitress ng hotel upang i serve ang mga pagkain nila.

Nagugutom na nga siya dahil pasado alas otso na.

Ang lolo naman niya ay pinakain na niya sa bahay pa lang dahil hindi pwedeng magtiis ito ng gutom sa pagdiriwang.

Natakam siya sa mga inihaing pagkain.

Umuusok pa ang mga ito at nalalanghap niya ang bango.

Sa hindi malamang dahilan ay napasulyap siya sa kinaroroonan ni Rage Acuesta.

At nanlaki ang mga mata niya nang makitang sa kanya ito nakatingin!

Kumalabog ang kanyang dibdib sa kaba.

Mabilis niyang binawi ang tingin at biglang napaayos ng upo.

Kahit pa katabi nito ang fiancée sigurado siyang sa kanya nakaderetso ang mga mata nito!

Nagsimula silang kumain.

Pinilit niyang mag focus sa pagkain at hindi na muling tumingin sa lalaki.

'Hindi ito si Gian.' isiniksik niya 'yon sa isipan.

Makalipas ang sampung minuto ay umiinom na lang siya ng wine at muling  sinulyapan ang kinaroroonan ni Rage Acuesta.

Hindi na ito nakatingin sa kanya.

Nakasandal ang isang braso nito sa inuupuan ni Isabel habang umiinom ng red wine.

Ang babae naman ay panay ang ngiti rito.

Tumikwas ang kilay niya nang tila may isinubo itong kung ano sa bibig ng Acuesta na 'yon na mabilis iniwasan ng lalaki.

Natawa siya sa pag-iwas nito.

Napaka sweet ng babae! At sa sobrang sweet ay naging malandi na.

Nang tumingin siya ulit ay nagtagpo ang kanilang tingin huling-huli siya nito sa akto.

Nasamid ang dalaga sa iniinom at inubo.

"Are you okay hija?" tanong ng abuelo sabay haplos sa kanyang likuran.

"Yes po," tugon niyang pinunasan ang dibdib na natalsikan ng alak.

Parang gusto niyang batukan ang sarili.

'Geez! Tingin pa Ellah! Tingin pa!'

Nahihiya man ay muli nga siyang sumulyap sa kinaroroonan ng lalaki.

Hindi na ito nakatingin sa kanya pero nangingiti naman habang napapailing.

"Alright, ladies and gentlemen after we eat, let's start the main event, " anunsiyo ng emcee.

Maging siya ay nasasabik na ring malaman kung ano 'yon.

Pinagmasdan niya ang lalaking nagsalita, pormal ang anyo nito at seryoso ang mukha.

"This event, is the final business' game."

Hello po!

Thank you for waiting sa update.

Sorry kung hindi daily but I hope this is worth waiting for.

Sa mga galit kay Isabel malapit na kayong makaganti hahaha.

Thank you sa mga magagandang review at mga comment pati sa vote ninyo.

Salamat sa patuloy ninyong pagsubaybay sa nobelang ito.

I hope you enjoy reading.

Thank you po.

Road to 300K!

Yehey!

Phinexxxcreators' thoughts