webnovel

My Beautiful ... Me

Autor: trimshake
Adolescente
En Curso · 1.3M Visitas
  • 444 Caps
    Contenido
  • 4.9
    32 valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

Ang sabi nila, ang totoong kagandahan daw ay nakikita sa kabutihan ng puso ng isang nilalang. Ganyan ko tingnan ang mundo kahit na ang nasa paligid ko ay puno ng pangungutya at balatkayo at ang tanging mahalaga lang ay ang sasabihin ng ibang tao. Bakit kasi may pamantayan ang ganda sa paningin ng karamihan. Sabi nila mataba daw ako Sabi nila hindi daw maganda ang kulay ko dahil hindi ako gaanong maputi Sabi nila makapal daw ang labi ko at dahil dito maraming nagsasabi na hindi daw ako maganda. Pero wala akong pakialam sa sabi nila dahil ang sabi ng Lola ko, ang tunay na kagandahan daw ay kung paano mo tingnan ang sarili mo dahil kung maganda raw ang tingin ko sa sarili ko gaganda rin ang tingin ng nasa paligid ko!

Chapter 1Marry Me Jeremy!

"Gusto ko pong sabihin na may gusto po ako kay Jeremy Alvarez!"

"I love you Jeremy ko!"

Tumitiling sigaw ni Eunice sa gitna ng stage sa harapan ng buong estudyante ng "AMES Academy".

Isa si Eunice sa contestant sa singing contest ng skuwelahan nila at nasa itaas sya ngayon ng stage para kumanta.

Pero bago kumanta, tinanong muna sya ng teacher host na si Teacher Anne, kung ano ang mensahe nya sa mga katunggali nya. Ito kasi ang unang beses na sasali si Eunice sa singing contest kaya naisip ni Teacher Anne na kinakabahan ito.

Pero hindi akalain ni Teacher Anne, pati na ng buong school, na ito ang sasabihin ng bata.

Speechless ang lahat ng madinig ang sinabi ni Eunice at sabay sabay na napatingin sila sa direksyon ni Jeremy.

Iba't ibang reaksyon ang makikita sa paligid. May natutuwa, may naiinis may napanganga at may gusto lang makapanood ng magandang show.

Pati ang principal na halatang sadyang nabigla sa ginawa ng bata ay napahinto sa kanyang paglalaro ng snake sa cellphone, hindi rin nakapagsalita. Hindi nya maubos maisip kung bakit ang lakas ng loob ng estudyanteng itong gawin at sabihin ang bagay na iyon.

"Uhmm... Salamat Ms. Eunice sa mensahe mo."

Inagaw na ni Teacher Anne ang nagiisang mikropono sa kanya at baka may masabi pa itong iba.

Sabay pasimpleng bulong kay Eunice.

"Sa susunod na ibigay ko sa iyo ang mic pwede ba, kumanta ka na lang at huwag ng magsalita pa ng kung anu ano! Maliwanag!"

Sinuklian lang sya ng ngiti ni Eunice.

At saka sya ipinakilala.

"Ladies and Gentlemen to sing, "BUWAN" please welcome contestant number one, EUNICE!"

"WOOHOO!"

Dumadagundong at nakakabingi ang sigawan ng lahat na hindi mo alam kung natutuwa o kinukutya sya. Lalo na ng magsimula itong kumanta.

"Ako sa'yo, ikaw ay akin,

Ganda mo sa paningin.....

Maganda talaga ang boses ni Eunice, namana nya ito sa kanyang ama.

"Ako ngayo'y nagiisa

Sana ay tabihan na.

At maganda ang pagkakanta nya dahil may halong lambing.

Pero hindi mo ito halos madidinig dahil natatabunan ng ingay at hiyawan sa paligid.

Sinasabayan pa nya kasi ng pag indayog ng chubby nitong katawan ang musika na tila inaakit ang kinakantahan.

Si Jeremy.

"Sa Ilalim ng puting ilaw...

Sa dilaw na buwan

Pakinggan mo ang aking sigaw

Sa dilaw na buwan.

At kahit na dumadagundong ang hiyawan at pangungutya sa kanya, tuloy pa rin ito sa pagkanta na tila, wala itong nadidinig.

Naka focus lang ang tingin nya kay Jeremy na parang sila lang dalawa ang naroon at background lang ang lahat ng nasa paligid.

Wala syang pakialam kahit na pagtawanan pa sya ng lahat, ang mahalaga ay maparating nya kay Jeremy ang nararamdaman ng puso nya.

"Ikaw ang mahal

Ikaw lang ang mamahalin

"Pakinggan ang puso't damdamin

Damdamin, aking damdamin.

Lahat tuloy ng teacher hindi alam ang gagawin kung paano sasawayin ang mga estudyanteng nagtatayuan na at nageenjoy sa ginagawang pangungutya kay Eunice.

Sinasabayan pa nga ng ibang estudyante ang pagindayog nito sa stage habang pumapalahaw sa pagtawa.

Pagkatapos ng kanta hindi pa ibinalik ni Eunice ang mic sa host na si Teacher Anne.

Humupa naman agad ang mga hiyawan sa paligid ng mapansing hindi na ito kumakanta at lahat ng tingin ay na kay Eunice ... nagaaabang sa susunod na gagawin o sasabihin nito.

At muling nagsalita si Eunice.

"MARRY ME, JEREMY!!!!"

Sigaw ni Eunice na dinig na dinig sa buong eskwelahan.

"WOOOOT, WOOOOT!!!"

Nabuhay muli ang dumadagundong na hiyawan at tuksuhan sa paligid.

Nilapitan na sya ni teacher Anne at inagaw muli ang mic sa kanya.

Kanina pa kasi masama ang tingin ng principal sa kanya.

"Thank you Eunice for that very, very wonderful performance!"

Pero hindi pa rin ito agad umalis ng stage, nag flying kiss pa muna sya kay Jeremy.

Eunice: (Kinikilig) (Hanggang tenga ang ngiti)

Nauubusan na ng pasensya si Teacher Anne sa batang ito.

"Ehem!"

"Eunice, go back to your seat!"

Sabay turo nito sa baba ng stage.

'Jusko, mapapaanak ako kahit hindi ako buntis sa pinag gagawa ng batang ito!'

At buong ngiting kumaway si Eunice kay Jeremy habang bumababa ng stage at bumalik sa upuan na tila walang pakialam kung mananalo sya o hindi sa contest na sinalihan.

Basta feeling nya nagwagi na sya.

At si Jeremy.

Namula ito sa simula pa lang na mabanggit ni Eunice ang pangalan nya.

Hindi nya alam kung ano ang gagawin, parang gusto na nyang maglaho sa mga oras na iyon dahil lahat ay nakatingin sa kanya.

At habang kumakanta si Eunice, pinagpapawisan sya ng butil butil lalo na sa tuwing dumadapo ang tingin nito sa kanya.

Gusto nya ang boses ni Eunice, lagi nya itong nadidinig sa tuwing nadadaan sya sa bahay nila. Maganda talaga kasi ang boses nito, masarap pakinggan.

Pero ang hindi nya gusto ang mga mapanuksong mata ng mga kaeskwela nya pati na ang lahat ng naroon na nakatingin sa kanya ngayon.

Nahihiya sya at nanliliit pa!

Kung pwede nga lang umalis na sa kinauupuan, ginawa na nya! Pero batid nyang hindi sya papayagan ng adviser nila kaya nanatili na lang sya at nagdasal na sana matapos na agad ang programa.

At ng matapos na ang kanta at madinig ang isinigaw ni Eunice .... namutla ito na tila naubos lahat ng kulay sa mukha nya.

Isiniksik nya ang sarili sa upuan at tinakpan ng tuwalya ang mukha matapos makitang nag flying kiss si Eunice sa kanya.

Pagkatapos ng programa, sinubukan ni Eunice na lapitan si Jeremy para kausapin. Hindi naman mahalaga sa kanya kung manalo sya o hindi pero nagpapasalamat pa rin sya at naging 2nd place sya. At least may ipapakita sya sa Mommy nya mamaya pag uwi.

Pero hindi na nya nasundan pa si Jeremy dahil nakakailang hakbang pa lang sya ng may humarang na sa kanyang apat na estudyante.

"Ang KAPAL naman ng mukha mong mag propose kay Jeremy!"

Boses iyon ng nasa gitna at nasa unahan na tila pinaka leader ng grupo nila. Si Miles.

"Feeling nya kasi papatulan sya ni Jeremy!"

Sabi ng nasa kanan na ni Miles na si Lena

"Hahaha!"

Napaurong si Eunice. Ayaw nya ng gulo. Mapapagalitan sya at baka mapalo pa ng Mommy nya kapag nasangkot sya sa gulo. Kaya sinubukan nyang umiwas.

Tumalikod sya para umalis pero hinabol sya at hinarang ng dalawang kasama pa ni Miles, hindi nya namalayan na napapalibutan na pala sya ng apat na babae.

'Nakupo, lagot na! Anong gagawin ko ngayon?'

También te puede interesar

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Adolescente
4.7
303 Chs
Tabla de contenidos
Volumen 1 :Puppy Love
Volumen 2 :First Love
Volumen 3 :True Love