webnovel

Dead Na Dead

May konting tama na ng alak si Jaime kaya madali ng uminit ang ulo nito.

Napipikon sya sa sinasabi ni Edmund na para bang ipinapakita sa kanya na wala syang kwenta.

Sa inis nya tinawagan nya si Jeremy. Gusto nyang inisin din si Edmund para makaganti dito. Lagi na lang kasi syang talo sa usapan nila.

"Sinong tinawagan mo?"

Tanong ni Edmund.

"Makikilala mo sya pagdating!"

Sagot naman ni Jaime.

Tumayo si Edmund.

"Ops, Pare saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos uminom!"

"Meron ka na palang makakasama e, pwede na siguro akong umalis!"

Walang plano si Edmund na makipagusap ng matagal sa taong ito. Baka mahawa sya sa paguugali.

"Wagka ngang umalis dyan at hindi pa tayo tapos magusap! Saka hindi naman ako ang kailangan nung tao, ikaw!"

Napataas ang kilay ni Edmund.

'Sino ang tinutukoy nito?'

"Pare, maupo ka muna at may itatanong ako!"

Muling naupo si Edmund.

"Tapatin mo nga ako Pareng Edmund, ano sa palagay mo ang dahilan bakit ayaw na sa akin ng pamilya ko?"

"Jaime, bakit ako ang tinatanong mo, bakit hindi ang pamilya mo?"

"Akala ko Pre naintindihan nila ako, akala ko mahal nila ako!"

"Jaime, mahal ka ng pamilya mo, pero ikaw, mahal mo ba ang pamilya mo?"

"Nuon pa man wala ka na sa piling ng asawa at mga anak mo, nung ipanganak sila!"

"Bininyagan, graduation, birthday Christmas etc etc. wala ka sa tabi nila! Ni hindi mo man lang nga napalitan ng diaper ang anak mo o napag hele man lang!"

"Lagi kang wala lalo na sa espesyal na araw ng pamilya mo! Mas gusto mo pang makasama ang mission mo!"

"Minsan tinanong ako ni Kate nung five years old sya:

Ninong bat ganun, si Tito Erwin na kasama ni Daddy nagawang makauwi nung birthday ng anak nya, ba't ang Daddy ko laging may dahilan?!"

"Pare sundalo ako, may responsibilad ako!"

"May responsibilad ka rin sa pamilya mo! Bakit ka pa nagasawa at nag pamilya kung gagawin mo lang naman silang dekorasyon!"

Naiirita na si Jaime.

"Pare kung magsalita ka parang napaka galing mo!"

"Bakit nasasaktan ang pride mo? Pasensya na Jaime, pero di ako tulad ng mga subordinates mo na takot sa'yo! Wala akong pakialam kung nasasaktan ang pride mo!"

Tatayo na sana ito ng biglang dumating si Jeremy.

"Sir Edmund, Tito Jaime, magandang gabi po!"

"Anong ginagawa mo dito!"

Tanong agad ni Edmund.

"Hehe! Good! Ayos at andito ka na! Upo, upo!"

Sabi ni Jaime.

"Siya ang tinawagan mo?"

Tanong ni Edmund kay Jaime

"Pinakiuasapan nya ako para tulungan syang kausapin ka at kumbinsihin na payagan si Eunice na maging date nya! Hehe!"

"Sir, pasensya na po! Gusto ko lang naman po kayong makausap tungkol kay Eunice!"

"Ayan, sige nga Edmund,

since napakagaling mo naman, bakit hindi mo pagbigyan ang bata! Sige nga pagbigyan mo nga sila! Ano bang masama sa isang date lang! Aalis na naman si Jeremy diba!"

"Pumayag ka ng mag date sila!"

Pangungulit ni Jaime.

"Jaime, hindi ako uto uto na porket hinahamon mo ako ay papayag na agad!"

"Sir, pwede ko po bang malaman kung bakit po ba ayaw nyo akong payagan na makadate ang anak nyo?"

"Gusto mong malaman? Bakit hindi mo pa ba alam?"

"Alam ko pong bata pa si Eunice kaya ayaw nyo syang payagan!"

"Tama! Pero alam mo ba ang iba pang dahilan?"

Napalunok si Jeremy sa kaba. Para syang nag te take ng oral exam.

'May iba pang dahilan?!'

"Sir ano pa po ang iba pang dahilan? Pwede ko po bang malaman?"

"I-K-A-W!"

"Po?!"

"Grabe ka naman Pareng Edmund! Mabait naman itong si Jeremy at responsable pa!"

"Bano kasi yan, saka walang backbone!"

Nakaramdam ng hiya si Jeremy.

"Pre naman, magdahan dahan ka naman sa bata!"

"Ikaw Ang dahilan kaya nabu bully ang anak ko at anong ginagawa mo para pigilan ito? Wala!"

"Nung JS, nagawa mo bang protektahan si Kate? Hindi!"

"Ngayon sabihin mo, paano ko ipagkakatiwala sayo ang anak ko?!"

"Sir, hindi ko naman po kasalanan ang nangyari!"

"Oonga naman Pre, yung Miles ang may kagagawan nun!"

"Hindi?! Sigurado ka?!"

"???"

"Kitam! Hindi ka rin sigurado! Alam mo kung bakit?..... Kasi, nagkaganun si Miles dahil sa'yo!"

"Ilang taon syang nabuhay sa kasinungalingan na may relasyon kayo? Lima?.... Anim?!"

Duon sa haba ng panahon na yun, masasabi mo bang hindi mo nadinig ang chismis tungkol sa inyo?"

Hindi makapagsalita si Jeremy.

"Bakit sa tagal ng panahon na iyon hindi mo man lang itinama, ha? Anong dahilan mo? Trying to be a gentleman?!"

(rolled eyes)

"Kaya hindi mo sya ma correct dahil deep inside, gusto mo rin! Gusto mo yung pakiramdam n dead na dead sya sa'yo!"

Siguiente capítulo