"Good! Now we know our goal, let's start!"
Sabi ni Eunice na may pagka bossy.
"Brix bumalik ka kay Berna. Kailangan natin malaman ang totoong gustong mangyari ni Tito Raymond kay Ate Caren. I mean, inalis sya sa pwesto nya as president pero feeling ko hindi naman talaga sya totally tinatanggal sa company, yung pagiging presidente lang ang tinanggal sa kanya!"
"Okey!"
Sagot ni Brix
"Ate Kate, kailangan natin malaman ang financial status ng company ni Tito Raymond at ang buong medical history nya! We need to know kung ano na ang progress ng health nya at ng body nya!"
"Okey, eh ikaw anong gagawin mo?"
Tanong ni Kate.
"Pupuntahan ko si Daddy. Kailangan kong mabili ang 15% shares ng NicEd Corp sa Tulip Company!
Kung hindi ako nagkakamali, ang hihihinging kapalit ni Berna sa lahat ng tulong na ginagawa nya para kay Tito Raymond ay ang 10% na shares nya sa NicEd Corp at pagiging director dito, ayokong malagay sa alanganin ang company ko!"
Sagot ni Eunice.
"Sa tingin mo ibibigay ito ni Tito Ninong sa'yo?"
"Yung 15% na share ng NicEd sa Tulip ay para kay Earl kaya kakausapin ko si Mommy na bilhin nya ang shares para kay Earl!"
Paliwanag ni Eunice.
Syempre aware sila na hindi makakatanggi si Edmund sa asawa nya.
"Nice!"
Nangiti na lang si Kate.
"Teka teka, teka! Naguguluhan ako! Ang ibig nyo bang sabihin ang gustong gantihan ni Berna ay ang NicEd Corp.?"
Nalilitong tanong ni Brix
"Hindi yun ang intensyon ni Berna. Ang gusto nyang mangyari gagamitin nya ang NicEd Corp sa paghihiganti nya sa mga umapi sa kanya!"
Sagot ni Kate.
*****
Sa Hacienda Remedios.
"Jose, balita ko may dumating at kinausap ka! Sino yun at tungkol saan?"
Usisa ni Leon sa kanya.
"Si Fidel po, Don Leon, kasama ang abogado nya!"
Sagot ni Jose.
Hindi nya binanggit ang tungkol sa pakikipagkita ni AJ sa kanya at wala syang planong banggitin iyon kahit na malaman ni Leon ay itatanggi nya.
'Na kay Don Aaron pa rin ang loyalty ko, hindi ang trying hard na feeling DON na 'to!'
"Si Fidel? Yung ampon ni Aaron na kriminal? Hindi ba nakakulong yun?"
May pagka irita sa boses ni Leon.
"Syanga po Don Leon at nakalaya na po sya!"
"Bakit nila pinalaya ang ganung klaseng tao? Isa yung kriminal kaya dapat nasa kulungan lang sya!"
Naiirita sya pero halatang kinakabahan.
"Natapos na raw po nya ang sentensya sa kanya kaya laya na raw po sya!"
Simpleng sagot ni Jose pero ikinatutuwa nya ang reaksyon ni Leon.
"At ano naman ang pakay nya, bakit sya nag punta dito sa hacienda ko?!"
Napataas ang kilay ni Jose ng madinig ang 'hacienda ko'.
'Kelan pa naging kanya ito?'
Matagal na nyang sinubukang tanggalin ang Remedios at palitan ng LEON pero sa tuwing nangyayari iyon ay may dumarating na mga nagtatanggal ng 'Leon' kaya sa huli Hacienda na lang ang natira.
Si Fidel ang may gawa nito at batid ni Leon iyon.
Kaya ngayong nakalaya na ito, hindi nya maiwasang hindi kabahan. Kahit na nung nasa kulungan sya nagagawa nyang hadlanga ang mga plano nya sa Hacienda Remedios ngayon pa kaya?
"Don Leon, gusto lang nyang makuha ang minana nyang lupain kay Don Aaron."
"Ano? Bakit nya kukunin yun? Hindi na kanya yun! Ipinamigay ko na iyon!
Nakulong sya kaya anong karapatan nya sa manang iyon?"
Inis na sabi ni Leon.
'Kung ako nga walang minana tapos sya meron! Hmp!'
"Don Leon, sa kanya po ang lupain na yun, na iniregalo nyo sa inaanak nyo sa kasal. Ipinamana po sa kanya ni Don Aaron ang lupang iyon at matagal na pong nailipat sa pangalan nya. Saka, sya na din po ang nagbubuwis, kaya wala po kayong magagawa kung kunin nya ito, may karapatan po syang gawin iyon. Sa ngayon po ay papunta na sila sa mga pulis para maghain ng reklamo."
Sabi ni Jose na lihim na nangingiti.
At hindi pa nga sila natatapos mag usap ng may humahangos na dumating.
"Don Leon ang inaanak nyo po sa kasal na si Domeng ay narito at gusto po kayong makausap!"
Sabi ng isang tauhan nya.
"Ninong, Ninong!"
Humahangos ang isang lalaki at hindi na nakapaghintay kaya sumunod na sa loob.
"Ano ba yun Domeng at humahangos ka dyan? Ano ba ang problema?"
May pagkainis ito dahil dirediretso sa taas, hindi man lang inantay na papasukin sya.
"Pasensya na po Ninong, pero may dumating po sa bahay na isang lalaki, Fidel daw po ang pangalan nya. May kasama po syang mga pulis at sinabi sa amin na umalis daw kami sa lupaing iyon dahil kanya raw iyon! May papeles daw sya na nagpapatunay na kanya ang lupain iyon! Binibigyan nya po kami ng 3 araw para lisanin ang lupain!"
Sabi ni Domeng na kinakabahan
"Huwag kang maniwala sa kanya! Sa akin ang lupaing iyon at ako ang nagbigay sa inyo nun, kaya huwag kayong basta basta aalis duon!"
"Pero wala daw kayong papeles na magpapatunay na sa inyo ito dahil kinamkam nyo lang daw po ito! Ninong, ano pong gagawin namin?"
Natatarantang tanong ni Domeng
Hindi nya magagawang basta iwan ang bahay nila dahil silang magasawa ang nagpatayo nuon.
Pero hindi nya alam ang buong kwento ang tanging alam lang nya ay napunta kay Leon ang Hacienda Remedios pero hindi nya alam kung paano napunta sa kanya.
"Hindi, hindi ako papayag na basta na lang nya kunin ang pagaari ko! Lalabanan ko sya!"
"Mawalang galang na po, pero Domeng mas makakabuti kung kausapin mo si Fidel baka maintindihan ka nun kung sasabihin mo ang problema!"
Sabi ni Jose.
Nasabi iyon ni Jose dahil mabait ang asawa ni Domeng na si Adele.
"At bakit ako makikinig sa'yo? Sino ka ba? Isa ka lang katiwala dito sa hacienda ng Ninong ko kaya anong karapatan mong sumabat dyan! Manahimik ka na nga lang! Wala ka namang alam, masyado kang nagmamarunong!"
Iritadong sabi ni Domeng.
Sasabihin na sana ni Jose ang totoo kay Domeng pero pinigilan sya ni Leon.
"Ehem, Jose sige na makakaalis ka na!"
Hindi na ito umimik at tumalikod na lang, ni hindi nagpaalam sa kanila.
"Ninong, bakit nyo ho ba hinahayaang manatili yang matandang yan dito sa hacienda? Masyadong pakialamero eh, tanggalin nyo na kaya!"
"Hindi ko sya pwedeng tanggalin dahil sya lang ang maasahan ko dito sa hacienda."
'Saka, hahanap pa ba ako eh hindi ko naman pinapasweldo yan?'
Hindi nya masabing hindi nya ito kayang tanggalin dahil wala syang karapatan.
*****
Samantala.
Paalis na si Eunice kasma ang Mommy nya mula TAMBAYAN restaurant para magtungo sa NicEd.
Napatigil ito ng muling maramdmaan na may nagmamatyag sa kanya.
Ilang araw din nyang hindi ito naramdaman simula ng bumalik si AJ sa farm.
Hindi nya ito pinapansin nung una dahil wala naman ginagawa sa kanya kung sino man ang nagmamasid na iyon pero iba ang pakiramdam nya ngayon.
Kinabahan sya.
Pinagmasdan nya ang paligid pero wala syang kakaiba maliban sa matandang taong grasa na may hawak ng dyaryo na tila may binabasa.
Hindi maintindihan ni Eunice pero parang itong taong grasa ang nagmamatyag sa kanya.
"Eunice, bakit?"
Tanong ni Nichole ng mapansing napatigil ito.
"May problema ba?"
Dugtong ng nanay nya.
"Wala po Mommy! Tara na po!"
At sumakay na ito ng sasakyan.
Nagmamadali na sila papuntang NicEd para kausapin si Edmund.
Hindi nila napansin na pagkaalis nila ay ibinaba ng taong grasa ang dyaryo na hawak nya.
Matalim ang tingin nito sa sasakyang umalis habang hawak hawak ang dyaryo kung saan naroon ang balita tungkol sa pagkakahuli kay Conrado.