Pagkaalis ni Miles sa TAMBAYAN, ibinigay agad ni Daisy ang mga pics at video na kinuha nya at ng mga kasama nya kay Mel at ibinigay naman ni Mel kay Kate MyLabs nya.
"Ang ganda ng mga kuha! Magaling yang si Daisy, gawin mo na ngang regular yan dito sa TAMBAYAN!"
Sabi ni Kate.
"Bakit ako? Si AJ Dude ang bahala dyan, sya ang nag recruit dyan!"
Sagot ni Mel.
"Haaay, itong Melabs ko umiiral na naman ang pagka kuripot!"
"Syempre, may pinaghahandaan kasi ako! Hehe!"
Ang sinasabing pinaghahandaan ni Mel ay ang bahay na plano nyang bilhin sa isang subdivision sa Bulacan. Maganda kasi yung location dahil malapit sa Maynila.
At pinaghahandaan nya ito para sa future wife to be nya.
Nangiti na lang si Kate.
"Sige Melabs iwan mo na sa akin ito, ako ng bahala!"
Sabay kiss kay Mel.
Inayos lang ng konti ni Kate ang video at isinama ang mga pics para mag add ng drama effect.
Pagkatapos...
SEND.
Hindi na nilagyan ng anumang explanation ang video nilagyan lang ng title.
Title: Tililing on the Loose
Kay Daisy galing ang title.
Hindi nya ito nilagyan ng hashtag o name man lang ng mga taong involve.
'Let the video speaks for itself!'
Kaya bago nakapag post si Miles, marami ng nakapanood ng video.
Hindi ito nag viral kaya hindi ito napanood ni Miles, pero nagsisimula ng pagusapan.
Sinadya ito ni Kate dahil may iba syang plan.
Gabi na ng magpost si Miles.
Pagka post nya, iniwan na nya ang computer at natulog na. Wala na syang pakialam sa susunod na mangyayari
Ang hindi nya alam, kanina pa inaabangan ni Kate ang post nya para burahin.
Wala pang 1 minutes na nagtatagal, nabura na agad ni Kate ang post nya. Ibig sabihin hindi pa nila tapos basahin ang post nawala na agad ito at napalitan ng link ng pinost ni Kate.
Dahil si Kate ay isang magaling na hacker.
At walang kamalay malay si Miles sa nangyayari dahil mahimbing na itong natutulog.
Hindi nya alam pag gising nya kinabukasan sirang sira na ang name nya at wala na rin syang trabaho.
*****
Sa isang parte ng kamaynilaan.
"Papa, Papa!"
Humahangos na tawag ni Geraldine.
Masayang masaya ito dahil nagkaroon na sya ng pagkakataong makausap si AJ kahit na sandali lang at gusto nyang ishare ang saya nya sa ama.
"Oh, iha, Geraldine, bakit ka humahangos dyan?"
Tanong ng ama nya na sinalubong pa sya.
"Papa, sa wakas nagkaroon na po ako ng pagkakataong makausap si AJ!"
"Talaga anak? Mabuti naman kung ganun, nagpakilala ka ba sa kanya?"
Hindi po, andun po kasi si Eunice. Pero sa susunod po masososlo ko na sya!"
Masayang masaya ito dahil natupad na nya ang kahilingan ng ama.
Matagal na nawalay si Geraldine sa ama dahil inihabilin sya ng kanyang ina sa pinsan nitong walang anak, bago sya mamatay.
Nung una ay natutuwa sila kay Geraldine pero ng magkaroon na sila ng sariling anak, nawalan na sila ng amor sa kanya kaya si Geraldine lumaking kulang sa pagmamahal.
Kaya ng biglang sumulpot ang kanyang ama, laking tuwa nito at finally meron na syang pamilyang matatawag.
Excited ang Papa ni Geraldine.
"Eh, sinabi mo bang gusto ko syang mameet?"
"Opo Papa! Sinabi kong big fan ka nya!"
Nangiti naman ang Papa ni Geraldine.
'Finally, mamemeet ko na rin si AJ!'
*****
Sabado.
Masayang masaya sila Coffee at Milky pagkatapos nilang mag date.
Ayaw pa sana ni AJ na iuwi si Eunice pero late na, baka mapagalitan pa ito.
"Coffee Honey, pwede mo ba akong ihug?"
Lambing ni AJ bago bumaba ng sasakyan si Eunice.
Nakangiting inakap ni Eunice si AJ at sinuklian naman sya ng boyfriend nya akap na mahigpit na parang ayaw na nyang pakawalan dahil baka mawala.
"Mamimiss kita!"
Bulong ni AJ kay Eunice.
"Asus, bakit ka ba nagdadrama dyan e, magkikita naman tayo sa lunes?"
Tanong ni Eunice.
"Hindi ko alam pero para kasing napakatagal ng lunes!"
Sagot ni AJ.
"Kung gusto mo magsama na tayo para hindi natin mamiss ang isa't isa!"
Pabirong sabi ni Eunice.
"Magandang idea yan pero ... hindi ko pa kaya! Baka ibitin ako ng patiwarik ni Sir Edmund! Hehe!"
Pero si Eunice, ready na. Pabiro man nyang sinabi yun, ready na sya to settle down.
Ano pa bang hihilingin nya.
Binigyan nya ng halik si AJ at sinuklian naman sya nito ng isang madiin na halik. Matagal.
Parang ayaw na nyang umalis at iwan si Eunice.
Parang ayaw na nyang matapos itong araw na ito.
Pero kailangan.
"Sige na Milky, malalim na ang gabi. Magiingat ka!"
Muli nitong binigyan ng halik si AJ bago pumasok sa loob ng bahay.
Bago nya pinaandar ang sasakyan, nagtext muna si AJ sa kanya.
[Ingat sa pagda drive! Luv u]
~Coffee
[Luv you much]
Pagdating nya sa apartment nya pasipol sipol pa ito habang sinasagot ang mga message ni Eunice.
Hindi nya namalayan na may anino pa lang kanina pa nakamasid sa kanya simula ng dumating sya.
Kanina pa ito naghihintay at inaabangan ang pagdating nya.
"AJ!"
Nagulat na lang si AJ ng makilala nya kung sino ito.