webnovel

Upgraded

"Ano daw, upgraded?"

"Anong upgraded?"

Nalilito ang lahat lalo na si Patricia.

"Anong pinagsasabi ni Sir na upgraded? Pwede ba yun?!"

Tanong ni Tena kay Patricia.

Muling tumayo si Patricia.

"Sir, what do you mean po sa upgraded si Eunice?"

Tanong nyang hindi na makapagpigil.

"As you know, these few days si Eunice na ang tumayong teacher nyo.

The truth, nagawa na rin nya ang lahat ng lessons plan ng nga teacher hanggang finals pati lesson for your next semester natapos na nya din.

Kung kaya binigyan sya ng special exam para ma accelerate sya, nag take na sya ng exam hanggang finals pati 2nd sem na take na rin nya kaya upgraded na sya for 2nd year!"

Hindi makapaniwala ang lahat!

"Pwede ba yun ganun?!"

Bulalas na malakas ni Patricia.

"Yes Ms. Roldan, pwede yun kung kaya ng students na makapasa why not!"

Si Prof. John ang nagpursigi na kumuha si Eunice ng special exam para ma accelerate sya. Alam ni Prof. John ang kakayahan ni Eunice at alam nyang napagaralan na nya ang lahat ng tinuturo ng teacher nya since Grade 9.

Eto ang alam ni Prof John na way para itama ang lahat and all of them agree including Dean Vernal.

Saka kailangan magpabango ni Dean Vernal kay Madam Chairman dahil baka matanggal sya sa posisyon nya at matsugi pa sya sa university.

Pero after the exam, they found out that Eunice is more than qualified!

"Gosh she is really good!"

"Malayo ang mararating ng batang ito sa mura nyang edad!"

Sabi ng karamihan.

"Yeah, the truth, mas magaling pa sya sa atin lahat combine but the problem is hindi ambisyosa si Eunice! She wants a simple life kaya hindi natin sya pwedeng pilitin sa gusto nya!"

Napabuntung hininga na lamang si Prof. Alex pagnaalala ang sinabi ni Prof. John, nanghihinayang talaga sya sa galing ni Eunice pero mas maganda ngang huwag pilitin ang bata. Eighteen pa lang sya, malay mo in the future baka magbago isip nya tutal bata pa naman sya kaya hayaan munang mag enjoy sa pagkabata.

"Pero Sir .... that's not fair! Bakit si Eunice lang ang binigyan nyo ng ganung opportunity hindi lang naman sya ang qualified sa ganung special exam?"

Ang tinutukoy ni Patricia ay ang sarili nya, naniniwala syang kung kaya ni Eunice, kaya din nya. Pero hindi sya binibigyan ng pagkakataon ipakita ang galing nya.

'Unfair talaga at bias ang mga professor ko! Hmp!'

"Well Ms. Roldan, it's not my call. Hindi ako ang nagdecide, ang board! Pero isa lang ang masasabi ko sa pagkaka upgraded ni Eunice, she deserves it 100 percent!"

Dismayado si Patricia, akala nya mabibigyan sya ng pagkakataon.

"Deserve? What about us Sir? What about me, hindi ko po ba deserve ang ganung opportunity?"

"Hindi Ms. Roldan!"

Deretsahang sagot ni Prof. Alex.

'Aray!'

Nasaktan talaga ng husto si Patricia sa sinabi ni Prof Alex.

"I don't deserve it? Can I ask why?"

Nararamdaman na nya na namumuo na ang luha sa mata nya pero pinipigilan nyang pumatak.

"Because Ms. Patricia Roldan hindi kayo magka level ni Ms. Eunice Perdigoñez! Kung ikaw nasa level 1 sya nasa level 10 na, kaya huwag ka ng umasang magagawa mo ang kaya nyang gawin!"

"Pero Sir, hindi nyo pa naman po ako na ta try, how can you say na hindi ko kaya? Diba parang iniinsulto nyo naman po ako nyan?"

Tumutulo na ang luha ni Patricia at galit na sya.

"Are you accusing me of something Ms. Roldan?"

"Hindi naman po sa ganun Sir, pero lagi na lang kasing si Eunice ang pinapaboran nyo, lagi na lang sya ang binibigyan nyo ng opportunity kaya masisisi nyo po ba ako!"

Napipikon na si Prof. Alex sa attitude ni Ms. Patricia.

"Okey Ms. Roldan, you want opportunity ...."

Kinuha nya ang marker at sumulat sa white board.

"Itong question na ito ay galing sa test paper ni Eunice. Now come here and answer this!"

May pagka iritang sabi ni Prof. Alex.

Lumapit si Patricia sa board at tiningnan ang tanong, hindi nya naintindihan pero hindi nya ipinahalata.

Sinubukan nyang isolve ang question pero hindi nya alam kung saan magsisimula.

After 5 minutes.

"Ano Ms. Roldan, hindi ka pa rin ba sumusuko? Tell me, naintindihan mo ba ang tanong?"

Pero hindi sumuko si Patricia, sinosolve pa rin nito ang tanong.

"Sir!"

"Bakit Freddie?"

"Pwede ko rin po bang I try?"

"Okey, dun ka sa kabilang side."

Masayang tumayo si Freddie. Kanina pa nya pinagaaralan ang question at mukhang na ge gets na nya. Madalas kasi syang binibigyan ng ganitong tanong ni Eunice, yung tipong hindi mo alam kung papaano mo umpisahan isolve.

Kinopya ni Freddie ang tanong at masaya niyong sinagot ang tanong pero nakaramdam ng pressure si Patricia.

'Kailangan maunahan ko sya sa pag solve!'

Sinimulan ni Freddie na sagutan ang tanong at sinilip naman ni Patricia ang ginagawa nya pero kahit nakikita na nya kung paano sinosolve ni Freddie ang tanong hindi pa rin nya maintindihan.

"Sir, tapos na po!"

"Hmmm... mukhang nakikinig ka sa tinuturo ni Eunice! Good!"

"What about you Ms. Roldan? Pwede bang maupo ka na dahil kahit anong gawin mo hindi mo maiintindihan ang tanong dahil hindi ka naman nakikinig kapag nag discuss si Eunice!

Ang binigay ko sa inyo ay ang pinaka madaling question sa exam ni Eunice, kung yan hindi ninyo masagutan, paano pa kaya ang mas mahirap dyan?

Tandaan nyo, magkaiba ang highschool at college level, kaya kung hanggang ngayon nasa highschool level pa rin ang utak nyo, huwag na kayong umasa sa level ng utak ni Eunice na pang masteral na at malapit na!"

Napahiya si Patricia. Kinuha nito ang mga gamit nya at nag walk out. Hindi na nya nakaya ang panlalait na natanggap nya mula sa professor nya.

Pero wala ni isang pumigil sa kanya.

Samantala.

Kung sa dating class ni Eunice hindi sila makapaniwala iba naman sa klase na pinasukan nya ngayon.

Walang pakialam ang mga taong dinatnan nya kung sino sya at saan sya nagmula.

'Hmmm, mukhang magtatagal ako ng konti dito! Mas peaceful ang ambiance!'

Nakangiting nagtungo si Eunice sa upuang itinalaga sa kanya.

Siguiente capítulo