webnovel

Tandang Mansyon

Hindi makalma ni Kate ang sarili nya. Kanina pang 4 am dinala sa ospital ng Daddy nya ang Mommy nya dahil sa sobrang sakit ng tyan, pero wala pa ring balita. Almost 9 months pa lang ang tyan ng Mommy nya. Natatakot na sya.

Kaya ng makita nya ang message ni Jeremy, kumulo agad ang dugo nya.

"Sya nga itong ngayon lang naisipan mag message tapos ngayon ... hmp!"

Hindi na rin sya pumasok sa school pero ayaw naman syang pasunurin ng Daddy nya sa ospital!

Hindi alam ni Kate ang gagawin nya. Pabalik balik lang sya sa sa sala. Ni hindi nya magawang kumain.

Gusto nyang tawagan si Mel pero alam nito mas kailangan sya ng pamilya nya ngayon at si Eunice, nasa San Roque ayaw nyang gambalain dahil baka magalala sila Ninang kapag nalaman nila magsiuwi agad.

Dati pag nakakaramdam sya ng pagiisa lumilipat lang sya sa kabila pero ngayon, saan sya pupunta?

KRIING!

"Hello? Kate? MyLabs?

Si Mel. Nagaalala sya ng mabalitaan sa ama na nilusob sa ospital ang Mommy nito.

"Melabs! Huhuhu!"

Hindi na napigilan ni Kate ang maiyak.

"Asan ka? Sabihin mo sa akin kung nasan ka at pupuntahan kita!

Natatarantang tanong ni Mel.

"Sa bahay! Ayaw ni Daddy na sumunod ako sa ospital! Hindi ko alam kung bakit! Natatakot na ako Melabs! Huhuhuhu!"

"Sige, papunta na ako dyan! Huwag mong ibababa ang phone!"

Kinuha lang nito ang bag nya at nagpaalam sa ina para puntahan si Kate dahil magisa lang sya ngayon.

Hindi nga binaba ni Kate ang phone nya. Kinausap sya ni Mel hanggang sa makarating ito ng Little Manor. At dahil hindi naman sya naka ban, madali syang nakapasok.

"Kate, MyLabs andito na ko!"

Sinalubong na ni Kate si Mel sa labas. Patakbo nya itong nilapitan at inakap ng mahigpit.

"Shhhh.... tahan na MyLabs, andito na ko!"

"Salamat, salamat! Huhuhuhu!"

Hindi matapos tapos ang pasasalamat ni Kate kay Mel hanggang sa makapasok sila ng bahay.

Hindi alam ni Mel kung paano aaluin si Kate kaya naisip na lang nyang halikan ito.

Sa lips.

*****

Samantala.

Sa San Roque.

Nagulat si Louie ng ibaba sya ng tricycle driver sa harapan ng isang napakalapad at napakataas na bakal.

"Bata, andito na tayo!"

'Ano 'to? Bakit wala akong makitang bahay dito?'

Ang nasa harap nya ay isang napakali at napakataas na bakal at pader. Sa harap naman nya ay isang bakanteng lote.

"Mamang tricycle driver, asan po yung tandang mansyon?"

"Ayan!"

"Po?!"

Wala syang makita kundi mataas na pader at bakal.

"Saan po?"

Linga dito, linga duon.

"A.Y.A.N!"

Sabay turo sa napakataas na bakal na parang parte ng pader.

"Pero Mamang tricycle driver, pader po yan! Wala naman po yan hindi po bahay! Hanggang saan po ba ang tandang mansyon baka po hindi dito yun bahay ng kaibigan ko!"

"Kumatok ka, may guardiya dyan!"

"Saan po ako banda kakatok!"

Sobrang lapad kasi ng bakal hindi nya alam kung may opening ba ito. Para kasing parte na ng pader.

"Haaay naku, itong batang ito. Taga Maynila ka ba iho? Mukhang baguhan ka dito!"

"Eh, turista po ako dito!"

"Kaya pala!"

"Ganito kasi yan iho, itong malaking pader na ito ang tinatawag na tandang mansyon. Yan ang bahay ng dating mayor ng San Roque na si Mayor Gilberto Perdigoñez!"

"PO???!!!"

Gulat na gulat si Louie.

"Bahay po yan?!"

Napakamot sa ulo si Louie.

'Saan ang bahay dito?'

"Haaay! Sino ba ang dadalawin mo dito? Yung bang apo ni Mayor?"

"Kaklase ko po!"

Lumapit si Mamang tricycle driver sa bakal at kinatok ito.

THUG! THUG! THUG!

May maliit na butas na parang bintana ang binuksan ng guard.

"Bakit Manong?"

May bisita kayo dito, hinatid ko!"

"Bata pumarine ka at ng makita kang husto ng gwardya!"

"Magandang araw po, Mamang guard! Ako po si Louie, kaibigan po ako ni Eunice!"

Tiningnan sya ng guard mula ulo hanggang paa.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?"

"Sinabi po sa akin ni Eunice, magkausap po kami kanina."

"Ano naman ang relasyon mo kay Eunice?"

"Po?! Wala pa po kaming relasyon ni Eunice! I mean ..... wala po kaming relasyon! Friends lang po kami!"

Gustong matawa ng guard sa sagot ni Louie.

"Ang ibig kong sabihin, iho, paano mo nakilala si Ms. Eunice?"

Nakaramdam ng hiya si Louie, namula ito.

"Mag.... kaklase po kami at magkaibigan po!"

Paliwanag ni Louie.

"Teka, sandali lang!"

Tinawagan ng guard ang bahay.

"Hello po, may bisita po dito na dumating, isa pong bata! Kaibigan daw po ni Ms. Eunice."

Nagulat ang sumagot. Ang matandang katiwala ng bahay, si Manang Selma.

"Teka, sasabihin ko kay Madam!"

Lumapit ito kay Nicole.

"Madam may bisita daw pong dumating, nasa labas po!"

Sa mata ni Manang Selma, si Nicole ngayon ang Madam ng bahay na ito dahil si Edmund na ang may ari nito.

"Manang Selma, please po, huwag nyo po akong tawagin Madam! Hindi po ako Madam, si Tiya Belen po yun!"

Nahihiyang sabi nya.

'Saka bata pa ko!'

"Sorry po!"

"Manang Selma, tawagin nyo na lang po ako sa pangalan ko! Pwede po ba? Saka huwag nyo na rin po akong "PO" in. Naiilang po ako!"

"Pwede bang Mam Nicole na lang itawag ko sa inyo?"

"Okey sige po! Sino po ba ang dumating?"

Binalikan ni Manang Selma ang kausap na guard.

"Sino daw yung dumating?"

Muling dumungaw ang guard sa labas.

"Bata, ano nga ulit ang name mo?"

"Louie po, Manong guard!"

"Louie daw po, Manang Selma!"

"Mam Nicole, Louie daw po, kaibigan daw at kaklase ni Eunice!"

Napataas ang kilay ni Nicole.

'Paano napunta dito ang batang yun? Ang layo nito sa San Miguel!'

"Sige po Manang Selma, papasukin nyo! Kilala ko po ang batang yun!"

Tapos ay tinawag nya ang anak.

"Eunice, bumaba ka nga dito!"

"Bakit po Mommy?"

Takot na tanong ni Eunice.

Nagmamadali itong bumaba, feeling nya may ginawa syang kasalan ng bigla syang tawagin ng ina.

Tiningnan ni Nicole ang anak na magkasalubong ang kilay at unti unti itong lumapit sa kanya.

Napalunok si Eunice.

'Juskolord, help!'

"Mom...my .... why po?"

"Anong ginagawa ni Louie dito? Paano sya napunta dito? Hmmm?!"

"Sinabi ko po... kasama daw po sya ng Kuya nya!"

"Eunice tapatin mo nga ako, nanliligaw ba si Louie sa'yo? Sagot!"

"PO???!!!"

"Ewan ko po, hindi ko po alam! Malay ko po sa kanya!"

Mangiyak ngiyak na sagot ni Eunice.

Natataranta sya sa mga tanong ng Mommy nya.

Gustong matawa ni Nicole sa reaction ng anak. Obviously tinatakot nya lang ito.

"Sige na, ayusin mo na ang sarili mo at padating na sya!"

Nagulat si Eunice.

"Si Louie po? Nasa ... labas?"

"Oo!"

Sa labas.

Binuksan ng guard ang napakalaking gate.

"Sige bata, pwede ka ng pumasok! Pero tatandaan mo 'to, huwag mong sasaktan si Ms. Eunice, kung ayaw mong matikman ang kamao ko! Maliwanag!"

Napalunok sa takot si Louie parang gusto nyang maihi sa kaba.

"O..opo, Mamang guard!"

Siguiente capítulo