webnovel

Ang Ugat

"Mom, I think there's something wrong po with Ate Eunice?"

Ito ang salubong agad ni Earl sa Mommy nyang si Nicole pagdating nya.

"Bakit Earl, anong nangyari sa Ate Eunice mo?"

Kinakabahan tanong ni Nicole sa bunso nyang anak.

"I don't know po Mom! Paguwi nya po nag ka cry sya tapos she went straight upstairs to her room! Hindi na po sya lumabas ng room after that!"

"Baka naman may pinagawayan na naman kayong dalawa?"

Dudang tanong ni Nicole.

"No po Mom! Hindi nya nga po ako pinansin when I call her! Dirediretso lang po syang umakyat!"

"Anong nangyari dun?"

Nagkibit balikat si Earl.

Hindi man sabihin ni Earl pero obvious na nagaalala ito sa Ate nya.

Pinuntahan ni Nicole ang anak sa silid nya. Nagtaka sya.

Madilim ang silid, nakapatay ang lahat ng ilaw, tahimik at aakalin mong walang tao.

6 pm na kaya makulimlim na sa labas. Hindi sya sanay na walang ilaw dito sa silid ng anak. Lagi itong nagiiwan ng isang ilaw na nakabukas.

Binuksan nya ang ilaw at saka nilapitan ang anak.

"Eunice, anak, what's wrong?"

Pero hindi ito kumibo. Nakatalukbong lang ng kumot.

Dahan dahan nyang tinanggal ang nakatalukbong na kumot at nakita nya ang namamaga nitong mga mata dahil sa walang tigil na pagiyak.

Biglang tumalikod si Eunice.

"Mom please po I wanna be alone!"

Malat na ang boses nito.

'Malamang kanina pa sya umiiyak!'

"Anak, ano bang problema? Huh? Pwede bang pagusapan natin?"

"Wala po Mom! Sorry po pero gusto ko pong mapagisa!"

Nalilito si Nicole, hindi nya alam ang gagawin.

'Wala daw pero iyak naman ng iyak!'

Magtatanong sana ulit ito pero nagtalukbong na ng kumot si Eunice.

Napipikon sya pero anong magagawa nya kung ayaw makipagusap ng anak! Kahit itaktak nya ito hindi ito magsasalita!

Pilit na pinakalma ni Nicole ang sarili.

"Okey sige, I'll leave you alone, pero kung gusto mo ng kausap just call me, okey!"

"Opo!"

At bumaba na ito upang magluto ng hapunan nila.

Pero hindi rin bumaba si Eunice ng hapunan. First time ito kaya naalarma ang magasawa.

Samantala, sa kabilang bahay kila Nadine, natataranta rin ito sa anak.

Naka lock ang pinto ng silid nito at ayaw magpapasok ng kahit na sino!

May lock sa room ni Kate na sya mismo ang nagkabit kaya walang pwedeng makapasok dito kung ayaw nyang magpapasok.

Kaya naisipan ni Nadine na magtungo kila Nicole para tanungin si Eunice, pero naabutan nya ang magasawang nagdidiskusyon tungkol kay Eunice.

"Bakit anong nangyari kay Eunice?"

Nagulat ang dalawa sa biglang pagsulpot ni Nadine.

"Nasa taas kasi Ate, ayaw bumaba at kumain! Kanina pa sya dun simula ng umuwi!"

Sila Reah at JR ang nagpaliwanag sa kanila sa nangyari.

****

Kanina pa tumunog ang cellphone ni Eunice pero mukhang wala itong planong sumagot.

Si Mel ang tumatawag sa kanya.

Kanina, humahagulgol na umalis si Kate at iniwan sila. Gusto syang habulin ni Mel para magpaliwanag pero mas minabuti nyang huwag na lang. Ramdam nya ang sakit ng kalooban ni Kate sa bawat salitang binitiwan nya kay Mel. Pero batid ni Mel na hindi talaga para sa kanya ang mga salitang iyon.

Nangangamba syang baka mas lalo lang syang makadagdag sa pait at sakit na nadarama ni Kate.

Dahil hindi naman si Mel ang nagdudulot ng matinding sakit kay Kate kundi ang Daddy nya.

Ang ginawa ng Daddy nya ang ugat at pinagmulan ng nararamdaman ni Kate ngayon kaya kahit anong paliwanag na gawin ni Mel, malamang hindi sya nito pakikinggan.

Kailangan munang mawala ang ugat ng pinagmumulan ng sakit.

Kaya naintindihan ni Mel ang naging reaksyon ni Kate.

At si Eunice.

Sya na best friend nito simula ng dumating sya dito sa San Miguel. Tinuring sya nitong kapatid at lagi silang nagdadamayan sa lahat ng oras at alam nila ang mga sikreto nila sa isa't isa.

Nang umalis si Jeremy kamakailan, batid nya kung gaano nasaktan si Eunice, medyo pumayat nga sya dahil dun.

Tapos ngayon, pagkatapos ng isang buwan, pagkaalis ni Jeremy, heto naman sya, iiwan din pala nya si Eunice kagaya ng ginawa ni Jeremy sa kanya.

"Sino na ang makakasama ko pag nawala ka?"

Mga salita ni Eunice na paulit ulit na nag re replay sa isip ni Mel.

Kanina pa pinagmamasdan ni Carla ang anak na pabalik balik at panay ang dial sa phone pero wala namang makontak sa mga tinatawagan nya.

"Anak, mas mabuti siguro kung puntahan mo na lang sila bukas sa bahay nila para personal na makausap!"

"Mama, galit din po ba kayo sa naging desisyon ko?"

"Yung totoo? Oo naiinis ako at nanghihinayang pero hindi ako galit!

Kung tuluyang kang hihinto sa pagaaral, malamang magagalit ako sa'yo!"

"Kahit hindi ko gusto ang desisyon mo ngayon, susuportahan pa rin kita! Pero aaminin kong nanghihinayang ako!"

Bilang star section, 75% lang ng tuition ang binabayaran ni Carla kay Mel, medyo may kalakihan pa rin pero kasama na naman duon ang books at mga school supplies na gagamitin nila.

"Pero Ma, hindi pa po natin bayad ang bahay! Paano kung kunin sa atin ito pag hindi natin nabayaran?"

"Aba, problema ng tatay mo 'to! Bakit ikaw ang mamomroblema ng problema ng tatay mo? Hayaan mo ang tatay mo ang magisip kung anong plano nyang gawin sa bahay nyang ito, Tutal lagi naman nyang pinagduduldulan sa atin na nakikitira lang tayo dito!"

Siguiente capítulo