webnovel

At Hindi Ko Pinagsisihan Iyon!

"For your information Bernadette, para naman hindi ka magmukhang tanga dyan, ipapakilala ko sa'yo si Nichole. Sya lang naman ang ISA SA MAY ARI NG NicEd Corp. at ... sya rin ang ASAWA NI EDMUND!"

Sabi ni Nadine kay Ms. Ruiz na halatang nangiinis.

"... and just like Edmund, she also owns 30% of shares!"

Dugtong pa ni Nadine.

"... and Nichole darling, this is Bernadette Ruiz, representative ni Director Raymond Franco!"

Ganun lang sya ipinakilala ni Nadine.

Ang ibig sabihin ni Nadine, sya ang wala sa lugar at nagfefeeling director pa kahit hindi naman.

"Ahh, sya pala ang bagong kinababaliwan ni Raymond."

Sabi ni Nichole na may halong pangungutya.

Nagpupuyos sa inis si Ms. Ruiz.

'Kanina pa ako pinahihiya ng mga ito, para silang nanadya!'

Nanggagalaiti sya sa galit pero sya rin naman ang dahilan kaya sya napapahiya.

Pinilit ayusin ni Ms. Ruiz ang sarili.

"Ohh, I didn't know!

I'm sorry... Nichole right?"

Sabi ni Ms. Ruiz pero halatang hindi sincere ang pag so sorry nya.

"That's Director Perdigoñez to you, Ms. Ruiz! Hindi ako nagpapatawag ng first name sa hindi ko ka close!"

Sabi ni Nichole na may katarayan.

"... and Edmund Honey, pwede bang palitan mo ng password yung elevator para hindi nagagamit ng kung sino sino lang at pakisabi linisin mabuti at dumarami ang surot sa paligid!"

Sabi nya kay Edmund.

Nasamid sila sa sinabi ni Nichole. Gusto nilang tumawa pero pinigilan nila.

"Yes Honey! Ehem ... now let's proceed!"

Sagot ni Edmund sabay hawak ng kamay ni Nichole.

Masaya syang ngayong nandito ang asawa sa tabi nya.

Natapos ang meeting na puro DENIED lahat ang suggestion ni Ms. Ruiz kaya galit na galit ito, mas lalo syang nanggagalaiti sa galit ng inannounce ni Edmund na magiging part na ng Board of Directors si Eunice kahit labag sa kalooban ni Eunice.

Ginawa ito Edmund bilang paghahanda kay Eunice bilang papalit sa kanya.

'Panahon na para turuan ko si Eunice!'

*****

Samantala.

May hindi inaasahang bisita si AJ.

"Sino po kayo at ano po ang kailangan nyo sa akin?"

Tanong nito sa lalaking naghahanap sa kanya.

Hindi nya ito kilala at ngayon lang din nya nakita.

"Ako si Rico, Atty. Enrico de Jesus, at narito ako dahil merong gustong makipagusap sa'yo!"

Sagot ng lalaki.

"Sino po?"

Nagtatakang tanong ni AJ.

"Si Fidel Franco ang pinsan ni Jaja, na ama mo!"

'Pinsan ng Papa?'

"Nasaan po sya, bakit nya ako gustong makausap at bakit kailangan kayo pa po ang magpunta at hindi sya ang personal na nagpunta dito?"

Tanong ni AJ.

"Dahil nakakulong sya ngayon!"

Sagot ni Atty. Rico.

Nagulat si AJ. Wala syang alam tungkol sa pamilya ng ama nyang si Jaja.

"AJ, panahon na para magkausap kayo ni Fidel!"

***

Dahil sa sinabi ni Atty. Rico, na curious si AJ.

First time nyang makakakilala ng kamaganak ng father nya. Ang alam nya namatay silang lahat sa sunog kaya sino itong Fidel Franco na 'to?

Sumama sya sa kulungan para ma meet si Fidel Franco.

"Atty. Paano nga po pala sila naging magpinsan ng Papa?"

Tanong ni AJ habang hinihintay si Fidel.

"Anak sya ng kapatid ng mother ni Jaja, kaya magpinsan silang buo.

Namatay ng maaga ang mga magulang at kapatid ni Fidel dahil sa lindol, nagkataong nasa school sya kaya sya nakaligtas.

Simula nuon ay kinupkop na sya ng lolo at lola mo kaya lumaki silang magkasama ng father mo!"

Naintindihan na ngayon ni AJ.

"Ikaw si AJ, Right? Hehehehe!"

Nakangiting sabi ni Fidel pagkapasok pa lang sa visiting room.

"Sa wakas, nagbalik na ang anak ni Jaja!"

Kitang kita ang kasiyahan sa mukha nya.

"Sir Fidel, papaano nyo po nasiguro na ako nga ang anak ni Jaja?"

Tanong ni AJ.

"May hawig ka sa kanya! Pareho kayo kung tumingin parang malalim ang iniisip at pati tindig at mannerism nya mukhang nakuha mo rin! Parang muling nabuhay si Insan sa'yo!"

Nangingilid ang mga luha sa mata ni Fidel.

"Pero, hindi ko naman po kamukha ang Papa!"

Sabi ni AJ

Nakita na nya ang mga pictures ng ama pero hindi nga nya makita na magkamukha sila, although may resemblance.

"Anong hindi, kahawig mo kaya ang Papa mo nung bata pa sya mas maamo nga lang ang mga mata mo. Nakuha mo kasi ang mata ng Mama mo. Hehe!"

Sabi ni Fidel.

"Sir Fidel?"

"Kanina ka pa Sir ng Sir dyan! Tawagin mo akong Uncle Fidel."

"Uncle Fidel ... hindi ko po kasi maintindihan, bakit nyo po ako gustong makausap? May kailangan po ba kayo sa akin?"

"Nabalitaan ko kasing may bumili ng winery ni Jaja at ng paimbestigahan ko, ikaw ang tinutukoy nila."

"Pinaimbestigahan nyo po ako? Bakit po?"

"Dahil hindi pwedeng mapunta sa iba ang farm at winery na yun. Ang anak lang ni Jaja ang may karapatan sa farm at winery na yun, at IKAW yun AJ!"

"Ang winery po ba ang dahilan kaya nyo ako pinatawag?"

"Hindi lang ang winery AJ, pati ang Hacienda Remedios! Panahon na para ang lahat ng iyon ay maibalik sa tunay na Raquiñon! Kaya gusto kitang makausap dahil gusto kitang tulungan, uunahin natin ang farm at winery tapos ang Hacienda Remedios!"

"Tutulungan nyo po ako?"

"Oo iho! Alam kong malaki ang problema sa farm ngayon matapos pigain ni Conrado ang yaman nito. At alam ko ring lubog sa utang ang farm!"

Totoo ang lahat ng sinabi ni Fidel, lubog talaga sa utang ang farm lalo na at hindi yata nagbabayad ng mga bills at buwis si Conrado.

Para nga raw sya kumuha ng bato na ipupokpok sa ulo nya.

Sa ngayon ang inaasahan nya lang ay ang sweldo nya at ang parte nya sa TAMBAYAN restaurant kaya unti unti na nyang nababayaran ang gabundok na bills.

At ang kinikita ng farm ngayon ang ginagamit naman nilang pangaraw araw na gastusin.

Alam nyang mahirap, pero hindi nya pwedeng ideny, nasisiyahan sya sa ginagawa nya.

So far, dalawang branches na ang TAMBAYAN at may plan silang magtayo ng isa pa sa Cebu kung saan malapit ang farm ni Jaja. Plus, inistart na nya ang TAMBAYAN Herb's and Spice na personal condiments recipé ni AJ.

Kaya siguro malakas ang loob nya, alam nyang kahit anong mangyari sa farm, hindi sya basta magugutom.

"Paano nyo po ako matutulungan?"

Tanong ni AJ kay Fidel.

"Attorney!"

Inilabas ni Atty Rico ang bank book, hindi lang isang bank book kundi anim na bank book!

"Ito ang bank book ni Jaja, ito naman ang sa Mama mo at sa kapatid mo. At ito ang bank book ng lolo mo saka ito naman ang sa'yo! Itinago ko lahat yan para ibigay ko sa pagbalik mo!"

Nagulat si AJ.

Bakit nyo po ito ibinibigay sa akin?"

Hindi makapaniwala si AJ.

"Dahil sa'yo lahat yan! Mas marami pa sana yan kung hindi sana ako nakulong agad! Humihingi ako ng tawad at hindi ko sya nagawang ingatan lahat!"

Malungkot na sabi ni Fidel.

Nakaramdam din si AJ ng lungkot ng makita ang lungkot ni Fidel.

"Uncle Fidel, pasensya na po kung itatanong ko pero, pwede ko po bang malaman kung bakit po kayo nakulong?"

"Dahil ako ang pumatay sa taong pumatay sa mga magulang mo at hindi ko pinagsisihan iyon!"

Siguiente capítulo