webnovel

Wala Daw Alam

Cong Mendes sabi nyo dadalhin nyo ako sa apo kong si Allan? Nananabik na kasi ako eh!"

Tanong ni Lemuel na parang isang maamong tupa.

Hindi pa nya alam ang tungkol sa interview ni Leon dahil online ito at hindi naman sya mahilig mag online.

"Huwag kang mainip Mang Lemuel, magkikita rin kayo ng apo mo. Sa ngayon ang sabi sa akin ng kaibigan ko wala daw ang apo nyong si Allan dun sa Hacienda Remedios, nasa farm daw nya sa Cebu."

Nagulat si Lemuel, hindi nya akalaing ganito kayaman si AJ, may Hacienda Remedios na sa Norte may farm pa sa Cebu. Hindi nito napigilan ang mangiti

Tiba tiba sya pagnagkataon.

Bagay na hindi nakalagpas sa mapagmasid na mga mata ni Cong. Mendes.

'May pagka gahaman itong matandang ito, kahit anong gawin nyang tago hindi kayang ideny ng mga mata nya!'

Paano ba naman sya maloloko ni Lemuel eh pareho silang gahaman magisip.

'Pero kung inaakala nyang may mapapakinabangan sya sa yaman ng mga Raquiñon, nagkakamali sya!'

'Gagamitin lang kita para sirain ang magaling mong apo tapos ididispatsa ko na rin sya!'

'Tyak ko namang walang hahanap sa kanya dahil isa pinaghahanap sya ng batas!'

Napaimbestigahan na nya si Lemuel at lumabas nga ang kaso nitong kidnapping.

'Hindi naman ako tanga na kukupkupin ko sya tapos hindi ko papakinabangan! Hehe!'

"Uhm, syanga pala Mang Lemuel, nabalitaan kong may gaganpin daw na welcome party sa Hacienda Remedios para sa apo nyong si Allan.

Gusto nyo bang umattend ng welcome party para makita nyo ang apo nyo?"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Lemuel sa tuwa.

"OO! Syempre Oo! Gusto ko na kasing makita ang apo ko!"

Pero ang totoong dahilan ni Lemuel ay gusto nyang makita kung gaano kalaki ang Hacienda Remedios gaya ng nababalitaan nya.

Hindi nya maiwasang mangarap.

'Malapit ng dumating ang panahon na magiging 'DON' din ako!'

'Hindi ko akalaing ang apo ko pang si Allan ang tutulong sa akin para matupad ang pangarap ko!'

Kahit kailan hindi nya pinagsisihan ang ginawa nya kay Allan.

'Maganda ang buhay ni Allan ngayon kaya bakit ako magsisisi? Kung hindi ko sya ginawang pambayad utang mapupunta ba sya sa mga Raquiñon at magiging ganito ba kaganda ang buhay nya ngayon?'

Sa isip nya, mas napabuti pa nga ang lagay ni Allan dahil sa ginawa nya.

Ano kayang gagawin nya pag nalaman nya ang totoong nangyari sa apo nya?

*****

Dahil sa tindi ng training na ibinibigay ni Edmund kay Eunice, nagamit nya ito para mabilis na mag bloom ang Tulip Gaming Company nya lalo na ng ma feature ito sa isang business magazine.

Maraming hindi makapaniwala dahil alam nilang si Edmund ang nasa likod ng success ng Tulip. Wala pa rin nakakaalam na wala ng shares ang NicEd sa Tulip nabili na ito lahat ni Nichole.

At ang akala ng karamihan, front lang si Eunice pero ang totoong gumagalaw ay si Edmund.

Nagkakamali sila.

Dahil sa mga oras na ito halos wala ng ginagawa si Edmund at lahat ng desisyon ay inaasa na nya sa anak.

"Daddy nakakahalata na po ako sa inyo, hindi na naman po ako nag wo work dito sa NicEd bakit ako ang tinatanong nyo dyan?"

"Anak, part 'to ng training. Sige na pagaralan mo na yang proposal at sabihin mo sa akin kung anong dapat gawin!"

Lagi ganito ang dahilan ni Edmund kay Eunice. Hindi naman makatanggi si Eunice dahil lately napapansin nyang lalong gumagwapo ang Daddy nya.

Nabawasan kasi ang stress ni Edmund simula ng itraining nya ang anak at lagi pa nyang inaayang magdate si Nichole. Saka everyday pa silang mag lunch mag asawa, kaya hindi nawawala ang smile ni Daddy.

"Pero Daddy naman, bawasan nyo naman po ang training ko, paano na po ang love life ko nyan?"

"Iha, maganda nga yan at bata ka pa marami ka ng itinatanim para pag tanda mo puro harvest na lang ang gagawin mo!"

'Etong Daddy ko naadik na rin ata sa games, pati advice pang games! Planting and harvest!

'Magandang games yun, ma try nga!'

"Oh, sige na anak maiwan na kita dito at inaantay na ako ng Mommy mong mag lunch. Pag may problem ikaw ng bahalang gumawa ng paraan!"

"Daddy naman, NicEd Corp po ito bakit po ako ang bahala, hindi naman po problema yan?"

"Because I trust your judgement anak!"

Sabay halik kay Eunice.

Wala tuloy nagawa si Eunice.

"Sige lang po Daddy mag enjoy lang po kayo, damihan nyo pa po! Pero, magawa nyo pa po kaya yan pag si Earl na ang itraining nyo?"

Nangiti si Eunice.

"Ikaw talaga, huwag mo akong istressin at kailangan kong maging gwapo sa Mommy mo!"

Sabay pingot sa ilong ni Eunice.

*****

Dahil sa pag bloom ng Tulip Gaming Company ni Eunice, na nominate sya bilang best Entrepreneur of the year.

Syempre hindi lahat gusto ito

maraming nagprotesta pati mga taga NicEd hindi rin naniniwala sa kakayahan nya.

"Secretary Janice, gusto kong makausap ang CEO, may emergency!"

Sabi ni President Reyes sa kanya.

"Wala po ang CEO, pero si Ms. E nasa loob po, teka po tatawagan ko!"

"Bakit sya ang tatawagan mo, ang CEO ang kailangan ko! Dali hanapin mo sya!"

Utos ni President Reyes.

"President Reyes, kay Ms. E po ibinilin ng CEO ang NicEd kaya dapat lang pong sabihin ko sa kanya!"

"At anong magagawa ng isang batang walang alam? Hindi laro ang problemang dala ko?"

Galit na sabi ni President Reyes.

Nadinig ni Eunice ang ingay sa labas kaya tinawagan nito si Janice.

"Ano bang nangyayari dyan?"

"Ms. E. andito po si President Reyes gustong kausapin ang CEO, emergency daw po!"

"Sige papasukin mo!"

"President Reyes, pumasok na daw po kayo sabi ni Ms. E!"

"Huwag na! Ako na lang ang gagawa ng paraan para mahanap ang CEO!"

Sabi ni President Reyes na nadinig ni Eunice. Hindi pa kasi naibaba ni Janice ang phone.

Hindi na nagtaka si Eunice sa aroganteng paguugali ni President Reyes. Ganito talaga sya tingnan ng mga tao dito, mahina at walang alam at umaasa lang sa tatay nya.

Muling tinawagan ni Eunice si Janice para pumasok sa office.

"Tungkol ba saan ang problema?"

"Hindi po nasabi ni President Reyes, Ms. E.!"

"Magagawa mo bang alamin?"

"Yes Ms. E.!"

Siguradong sagot ni Janice.

"Sige alamin mo!"

After a few calls nalaman nyang nagkaroon ng problem sa isang branches ng NicEd na hawak ni President Reyes.

"Ms. E., nagkaroon daw po ng shutdown sa system ng buong branches ng NicEd sa Pampanga!"

"Bakit daw?"

"Hindi pa raw nila alam dahil hindi gumagana ang system!"

"Okey! Let's go samahan mo ko!"

Sabay tayo ni Eunice.

Sumunod naman agad si Janice.

"Saan tayo pupunta Ms. E.?"

"Sa pampanga branch! Dun ang problema diba?"

Nangiti si Janice. Nakaramdam sya ng excitement.

Kasi, panahon na para ipakita ni Eunice sa mga aroganteng, presidente na yun ang kakayahan nya.

Kaya habang busy si President Reyes sa paghahanap kay CEO Edmund, busy naman si Eunice sa paglutas ng problema nya.

Siguiente capítulo