webnovel

Nagsawa Na

Pagkalipas ng isang buwan, graduate na si Kate at bakasyon na naman. Plano nyang kumuha ng Psychology pero bago yun eenjoyin muna nya itong bakasyon kasama si Melabs nya at si Eunice.

Ang tindahan ni Mel ay napunta na sa parents nya at ang kariton nito ng fishball ay binili naman ni Louie.

Na inspired sya ng ikwento ni Eunice sa kanya ang mga ginawa nila nung last summer kaya ginaya nya, nagtinda din sya ng fishball.

Nung una nahihiya pa sya pero nung kumikita na sya aba ay kinareer naman. Nag eenjoy na sya kumikita pa.

Samantalang sila Eunice, Kate at Mel ay nagiisip na naman ng bagong negosyong sisimulan.

Yung negosyo na minimal lang ang atensyon at pwede nilang ipagpatuloy kahit na nasa school sila.

Hiningan nila ng advice si Nadine tungkol dito na ikinatampo naman ni Edmund.

"Magaling din naman akong magnegosyo ah, bakit si Nadine ang una nilang nilapitan?"

Tanong nya sa asawang si Nicole.

"Approachable kasi si Ate kaya sya ang una nilang nilapitan!"

"Bakit hindi ba ako approachable?"

"Well .... depende ....!"

Edmund: "????"

Ang sabi ni Nadine sa mga bata.

"Kung ako ang tatanungin, magsimula kayo ng negosyong kailangan kailangan ng tao at yung hindi masyadong kailangan ng maraming staff, kagaya ng laundry shop, car wash or water refilling station!"

Hindi masasabing simple ang mga negosyong nabanggit nya pero batid ni Nadine na dito mahahasa ang tatlong ito sa pagmamanage ng business.

"Kailangan natin pagaaralan ang 3 nabanggit ni Mommy na pwede nating umpisahan, especially the capital!"

Kaya ang ginawa nila sa first week ng vacation nila ay magaral ang after a week, naisipan nilang magsimula sa water refilling station.

"We need a six months trial para dito bago natin ipa register ang business pero paano natin gagawin yun kung pare pareho tayong minor?"

Tanong ni Mel.

"Huwag kang magaalala I'll ask my Dad!"

Proud na sabi ni Eunice. Para sa kanya, superman ang Daddy nya.

Tuwang tuwa naman si Edmund ng madinig ito. Lagi syang pasikretong nakikinig sa meeting ng 3 simula ng magbalak ang mga itong magnegosyo. Pero hindi nya pinahalata na nakikinig sya.

At dahil may bagong baby sa family, hindi na nila naisipang mag bakasyon. Sila Enzo at Nelda na lang ang nagtungo sa San Miguel.

Naaaliw kasi sila masyado sa baby girl nila Nadine at Jaime kaya kung minsan, pinupuslit ito ni Nicole at binibitbit sa bahay nila na hindi alam ni Nadine.

"Hoy Nicole, iuwi mo nga ang anak ko!"

Iritang sabi nito sa telepono.

"Ate Nadine please sandali lang naman! 15 minutes!"

At gigil na gigil na pinupog nito ng halik ang baby na tuwang tuwa sa ginagawa ng Tita nya.

"Bakit kasi hindi na lang kayo gumawang magasawa?"

Singhal ni Nadine sa kapatid.

Pero hindi sya sinagot ni Nicole, nagpatuloy lang ito sa paglalaro sa baby na nadidinig ni Nadine.

"Nicole, iuwi mo na yang anak ko! Now na!"

Sabay baba ng phone.

"Paano ba yan Baby Khim uwi na daw kita, gagalit na si Mommy mo e! Sungit pa naman nun! Next time na lang ulit pag nakatulog ang Mommy mo saka tayo mag play!"

Khimberly Jane ang ipinangalan ni Nadine sa bagong baby nya, suggestion ito ng dalawang anak nya. Khimberly ay galing kay Kate at yung Jane ay galing kay James ang panganay nila ni Jaime.

Napikon naman si Jaime kay Cornel Reyes na syang dahilan kung bakit laging may natanggap si Nadine na envelope tungkol sa mga extra curricular activities ng asawa nya.

Sa pikon ni Jaime, isiniwalat nya ang mga kalokohan ni Col. Reyes na naging dahilan ng pagkatanggal nito sa sebisyo at naging daan naman para ma promote si Jaime.

Sa ngayon, masasabing nasa ayos na ang lahat maliban kay Jeremy.

"Besh, wala ka bang balita kay Jeremy?"

"Bakit ako ang tinatanong mo, diba ikaw lagi ang minimessage nun? Never nga nyang sinasagot ang message ko puro seen lang at malaking thumbs up!"

Hindi nagtatampo si Mel kay Jeremy, nagtataka lang ito. Obvious kasi na ayaw syang kausap nito kaya si Eunice lang ang minimessage nya.

"Hindi na kasi gaanong nag se send nga message, dati everyday pero ngayon matagal ng wala!

Sinasagot ko naman lagi ang message nya pero, lagi nyang sinasabi na busy sya dami nyang ginagawa. Feel ko tuloy nakakaistorbo ako sa kanya!"

Sabi ni Eunice.

"Baka, nagsawa na. Nakalimutan na tayo!"

Sabi ni Kate.

"Kate!"

Suway ni Mel ng makitang tila nasaktan si Eunice ng madinig ang sinabi ni Kate.

"Melabs, nagsasabi lang ako ng totoo! Simula ng napunta syang America lagi nyang sinasabi sa atin na busy sya! Akala ko sa atin lang pero pati kay Eunie, busy sya?

Wala ata akong naalalang time na hindi nya dinadahilan na busy sya!"

Hindi na nagsalita pa si Eunice. Aminado syang nasasaktan sya sa sinabi ni Kate na baka nakalimutan na nga sila ... sya ni Jeremy.

Inasahan na nya ito, pero masakit pala kapag andito na at nangyayari na.

*****

Totoong busy si Jeremy. Busy sya sa party sa lakwatsa at sa bago nyang barkada.

Nung huli silang magkausap ni Kate, nasaktan ito. Masamang masama ang loob nya dahil hindi sya naintindihan ng mga iniwan nyang kaibigan. Akala nya sila ang makukunan nya ng lakas habang nasa malayo sya pero... wala pala syang maasahan kundi ang sarili nya.

Masisi ba nya ang mga kaibigan nya kung lagi nyang idinadahilan na busy sya kahit na hindi. Ayaw nya lang makausap sila Kate at Mel kaya laging dinadahilan nito na busy sya.

At si Eunice, lagi nyang bukambibig na busy sya kahit na sa totoo lang miss na miss na nya ito at inaantay ang mga message nya.

Ayaw nyang isipin ni Eunice na wala syang ginagawa, kaya lagi nyang sinasabi na busy sya kahit hindi.

Masisisi ba ni Jeremy ang mga naiwan nyang kaibigan kung sya mismo ang naglalayo sa kanila.

Kaya ng minsang may nagimbita sa kanya sa isang party, nagpunta sya. At dito magsimulang masira ang pagaaral nya.

Siguiente capítulo