webnovel

Time To Change

Lunes.

Unang araw ni Nicole bilang acting principal.

Aligaga na ang lahat sa admin building. Lahat sila natataranta ng mabalitaan nilang tuluyan ng natanggal sa posisyon nya si Principal Dennis at may bago ng papalit at magsisimula na sya ngayon.

"Ano ba yan? Totoo ba yang balitang yan?"

"Oo! Kay Mr. Castro ko nadinig, yung head ng HR! Padating na raw ang bagong acting principal!"

"Sino kaya yun, at saan naman kaya nila napulot yun?"

"Ang dinig ko sa Main daw? Pero kahit si Mr. Castro hindi sya kilala!"

"Kahit na sa Main pa nanggaling yan, ang tanong, qualified naman ba?"

"Ewan natin!"

"Bakit ba kasi tinanggal nila si Sir Dennis? Okey naman ang pamalakad nya ah!"

"Dami kasing nagmamagaling dito sa school, hindi ba nila alam na kung hindi dahil kay Sir Dennis hindi gaganda at hindi lalaki ang school!"

Saktong papasok si Secretary Kim ng madaan sya sa mga naguusap.

Nag re ready ang lahat, inaayos ang paligid pati ang sarili nila gustong mag pa impress sa bagong principal.

"Hmp! Bakit ba nandito na naman yan?"

"Oonga kala mo kung sinong umasta sipsip naman!"

"Si Ms. Ames daw ang nagpabalik sabi ni Mr. Castro!"

"Pagkatapos ng ginawa nya, may mukha pa syang ihaharap!"

Nangingiti lang si Secretary Kim sa mga nasa paligid na lalong kinainis nila.

"Hmp! Nakakagigil!"

"Shhhh! Hinaan mo ang boses mo at baka isumbong tayo nyan!"

Walang pakialam si Secretary Kim sa mga naririnig na kahit sya pa ang pinaguusapan.

'Mga mangmang!'

'Putak ng putak nag fe feeling may alam!'

May mga kakunchaba pa kasi si Principal Dennis na staff dito at sila ang dahilan kung bakit sya napaalis. At ang mga putak ng putak, ang mga chismosong uto uto na naniniwala sa kahit na anong sabihin sa kanila.

Nang bilhin kasi ni Ames ang school kay Mr. Abellardo, isa ito sa hiniling nyang kasunduan. Kaya masasabing walang tao dito si Ames lahat loyal sa dating may ari, maliban kay Secretary Kim. Kahit mga bagong pasok ay si Mr. Castro din ang nasusunod at hinayaan ito ni Ames bilang pag galang sa dating may ari.

Pero....

Ang hindi maintindihan ni Ames, hindi naman ito ang binili nya kay Mr. Abellardo, kundi ang school na katabi nito. Ang Abellardo Elementary School. Kaya bakit pati itong High School, Abellardo pa din ang tawag nila?

'Akala ba nila Abellardo pa din ang may ari nito?'

Nakangisi lang sa kanila si Secretary Kim.

Nung bilhin ni Ames ang Abellardo elementary, isa pa lang ang building nito at hanggang Grade 4 lang. Pinagsikapan nya itong palakihin para makilala sa buong San Miguel.

Tapos ay nabili naman ni Issay ang limang ektaryang lupang katabi nito, para patayuan sana ng negosyo, pero sa huli nagbago ang isip niya.

Nakakita ng pagkakataon si Ames kaya nabuo ang AMES ACADEMY.

Kaya anong sinasabi ng mga chismoso at chismosa na dahil kay Principal Dennis kaya lumaki at gumanda ang school?

"Mukhang panahon na sa pagbabago!"

At yan ang dahilan kaya ipinasok ni Ames si Nicole sa school.

*****

Paghinto ni Nicole ng sasakyan nya sa school ni Earl, hindi muna nito pinababa ang bata.

"Wait Earl, may sasabihin muna si Mommy sa inyo dalawa ng Ate mo?"

"What Mom?"

Sabay na sabi ng dalawa.

Nakatingin ang mga ito, nagaantay sa sasabihin nya.

Kanina pa syang umaga hindi mapakali dahil hindi nya pa nasasabi sa mga anak nya na magstart na sya ng work sa Ames Academy.

"Uhm! Kasi mga anak .... magstart na si Mommy na mag work!"

"Dati na naman po kayong may work ah!"

"Yes, pero different ngayon kasi need na akong more time sa work na yun!"

"Pero temporary lang naman to e! Ilang months lang!"

"Okey po!"

'Okey lang ang reaksyon nila? Kanina pa ako kinakabahan na baka hindi sila pumayag tapos .... okey lang?'

"Saan po kayo mag wo work?"

"Sa school mo Eunice! Ako ang magiging bagong acting principal!"

Nanlaki ang mata ni Eunice, hindi sya makapaniwala na makikita nya ang Mommy nya parati sa school.

"Kaya pala ganyang ang ayos mo Mom! Your so beautiful!"

'Uhhh... grabe 'tong anak kong maka beautiful, daig pa ang tatay nya!'

"Well goodluck Mom! But can you promise me na pag Grade 7 na ako sa ibang school mo ako I eenrol? Please!"

"Bakit naman anak, ayaw mo bang maging principal si Mommy?"

"Mom look at Ate?"

Tumingin sya kay Eunice at shock pa rin ito. Nakamulaga ang mata at nakanganga!

"Now Mom, do you understand na po?"

Sabay kiss sa Mommy nya at binuksan na ang pinto pero bago umalis isinara muna ang bibig ng ate nya.

"Baka pasukan ng langaw!"

Siguiente capítulo