webnovel

He's Back

Si Nicole na ang bagong head and CEO ng Ames Academy sa buong Luzon.

After ibigay ni Ames ang posisyon kay Nicole, nagpunta ito sa Australia para sa anak nya at apo.

Ito ang una nyang apo kaya excited syang magalaga.

Bago sya umalis kinausap nya ang kapatid at buong pamilya nito na magingat kay Lemuel. May kutob sya na may pinaplano ang ama at malamang kikilos lang ito pagalis nya.

"Ate Ames, huwag kang masyadong mag alala magiingat kami. Pangako pag may problem sasabihin ko agad sa'yo!"

Pangako ni Jericho sa Ate Ames nya.

"Hindi ako gaanong magaalala kung nasa bahay ko kayo, pero ngayon na lumipat na kayo ... kinakabahan ako baka matunton nya kayo!"

Sabi ni Ames.

Nang maging maayos ang kalusugan ni Elsa at pwede ng bumyahe, isinasama na nya ito sa shop.

Napansin ito ng may ari ng nirerentahan nyang shop kaya naisipan nitong ibenta sa kanya ang buong bahay kasama ang shop.

Nagkasakit kasi ang asawa nito kaya naisipan nyang iuwi sa probinsya ang asawa para makalanghap ng sariwang hangin.

At simula ng mabili nila ang property sa tulong ni Ames, duon na sila tumirang mag anak.

"Ate Ames hindi man ako kasing tapang mo pero ... kailangan kong harapin ang takot ko. Hindi pwedeng lagi na lang akong aasa sa'yo. I need to be brave for my family!"

Kinakabahan man si Ames, kailangan nyang hayaan ang kapatid.

'My little brother is growing up!'

Pero kinakabahan pa rin sya, kinausap nya ang masasabing pinakamatapang sa kanila, si Elaine.

"Elaine, ipangako mo sa akin, the moment na makita o mabalitaan mo na lumapit ang Lolo mo sa isa sa inyo, call me, Okey!"

"Promise po Tita Ames."

Pero ..... iba pala ang pakiramdam ngayon kaharap na nila ang matanda.

Pare pareho silang hindi nakakilos sa kinatatayuan nila at feeling ni Jericho, nanghihina ang mga tuhod nya habang kumakabog naman ng mabilis ang tibok ng puso nya.

Ngunit ng makita nya ang asawa na hirap na hirap na ngang maglakad, may dala dala pang tray ng tsaa at meryenda para sa matanda! Nawala ang pangangatog ng tuhod nya.

"ELSA!"

"MAMA!"

Natakot din ang dalawang anak nila.

Agad nilang nilapitan si Elsa para tulungan.

Kinuha ni Jeremy ang dalang tray ni Elsa at binuhat naman agad ni Jericho ang asawa habang kumuha naman ng unan si Elaine at inayos ang uupuan ng ina.

Hindi kasi nila maiupo si Elsa sa espesyal na upuan na ginawa ni Jericho para sa kanya dahil dun nakaupo ngayon si Lemuel.

Si Lemuel, tahimik na nakaupo at kahit hindi sa kanila nakatingin, pasimple niyang nakikiramdam sa mga kilos nila.

Galit na galit si Jericho. Tyak na sinadya ito ng ama para pahirapan ang asawa.

Tok! Tok! Tok!

Tinuktok ni Lemuel ang dala nyang baston para makuha ang atensyon nila.

Tok! Tok! Tok!

Tinuktok ni Lemuel ang tungkod nya para makuha nito ang atensyon nila.

Napipikon na sya dahil hindi man lang sya binati ng mga ito.

"Anong po bang kailangan nyo sa amin Papang?"

"Ganyan na ba ang natutunan NYO, ang mawalan ng MODO? Kanina pa ako dito ah!"

Kinabahan si Elaine kaya pasimple syang nag message kay Tita Ames nya gaya ng bilin nito.

"Papang, hindi nyo na po ako mapapabalik sa mansyon lalo na sa kompanya nyo!"

"Sinong may sabi sa'yo na kailangan kita at ikaw ang ipinunta ko dito? Hindi ko kailangan ang isang walang silbing katulad mo! Andito ako para kunin ang apo ko!"

Dumadagundong ang puso ni Jeremy, pakiramdam nya aatakihin sya sa puso. Alam nya na ang tinutukoy ng lolo nyang apo ay .... SIYA!

"At ano naman po ang karapatan nyong kunin ang anak ko? Nasa edad na ang mga anak ko! May karapatan na silang magdesisyon sa buhay nila! Huwag nyo silang kontrolin gaya ng ginawa nyo sa akin!"

"Huuh huuhh huhuhu!"

Umiiyak na si Elsa. Natatakot sya na baka kung anong gawin ni Jericho kapag sapilitang kinuha ng father in law nya ang isa sa mga anak nya.

"Shhhh.... Shhhh... huwag kang mag alala, okey!"

Inakap ni Jericho ng mahigpit ang asawa.

"Papang, sa nakikita nyo, hindi mabuti ang kalagayan ng asawa ko kaya pwede ba umalis na po kayo!"

"Inaalala mo ang asawa mo pero akong ama mo, ni hindi mo man lang inisip kung anong kalagayan!

Wala kang utang na loob!"

"Papang, buong buhay ko wala na akong ginawa kundi ang magbayad sa inyo ng utang na loob! Kahit kung tutuusin hindi naman ako sa inyo may utang na loob kundi kay Ate Ames!"

Hindi alam ni Jericho kung saan nanggagaling ang lakas ng loob nyang ito. Nagaapoy sa galit ang puso nya sa mga oras na yon.

"Andami mong sinasabi! Jeremy, halika na, aalis na tayo!"

Singhal nya kay Jeremy na ikinatakot nito.

Hindi sya nakakilos sa takot. Tiningnan nya ang Papa nya at Mama nya, nanghihingi ng saklolo.

'Jusko Tita Ames, please do something!'

Mangiyak ngiyak na dasal ni Elaine

Hindi! Hindi ako papayag na kunin mo ang anak ko!"

Inakap ni Jericho anak na nasa likod ng ina.

Tiningnan ni Lemuel ang dalawang alalay nito na parang posteng kanina pa nakatayo.

Lumapit sila kay Jeremy para sapilitang kunin.

"Huwag! Huwag kayong lalapit!"

Suway nya sa dalawa.

"Itigil nyo yan!"

Napalingon ang lahat sa nagsalita. Mga tauhan ni Ames.

"At sinong may sabi sa inyong makilaalam kayo? Ha!"

"Ituloy nyo yan bitbitin nyo na si Jeremy! Dali!"

"Sorry pare, pero sumusunod lang kami sa utos!"

Sabi ng mga may bitbit kay Jeremy.

"Sumusunod? Baka nakakalimutan nyong si Madam Ames ang boss nyo at nagpapasweldo sa inyo! Sa kanya nanggaling ang utos na itigil nyo yan! Bitiwan nyo si Jeremy at magmula ngayon sisante na kayo sa trabaho at tanggal na rin kayo sa serbisyo!"

Sabi ng pinaka leader ng grupong dumating.

Nagulat ang dalawa.

"Pero ... sumunod lang kami sa utos, bakit kami matatanggal?"

"Dahil hindi nyo alam kung nakanino ang loyalty nyo! Bago umalis si Madam Ames isa lang ang bilin nya sa inyo. Bantayan nyo sya, pero hindi nya sinabi na susundin nyo lahat ang gusto nya!Sige na bitbitin nyo ang dalawang yan!"

Pagkatapos nya sa dalawa si Lemuel naman ang hinarap nya.

"Sir, pasensya na pero kailangan nyo ng bumalik sa San Miguel."

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko kasama ang apo ko!"

"S-S-Sorry po Lolo p-p-pero hi-hindi po ako sasamama sa inyo!"

Nauutal na sabi ni Jeremy.

"Jeremy apo, ito ang gusto mo na buhay? Mas maganda at maayos ang buhay mo sa mansyon! Sumama ka na sa akin at akong bahala sa'yo!"

"S-S-Sorry po pero, kailangan po ako ni Papa at ni Mama dito!"

"Sir, hindi nyo po pwedeng pilitin si Jeremy, at ibinin po sa akin ni Madam Ames na kapag pinilit nyo sya, ipasasara nya ang kompanya nyo!"

Walang nagawa si Lemuel kundi sumuko.

"Well, okey aalis ako pero huwag kayong magalala babalik ulit ako!"

Siguiente capítulo