webnovel

Mukhang Ayaw Nyang Umalis

"Ibig mo bang sabihin alam mo na hindi nya mommy yung wife ng Daddy nya?"

"Yes Dad!"

"Paano mo nalaman?"

"Sinabi nya sa akin before ng makita nya kaming nag ha hug ni Mommy! Sabi nya sana andito din ang totoong Mommy nya!"

"What about her Dad?"

"She's super scared of her Dad!"

Nagisip ng matagal si Edmund kung tutulungan nya ba ang kaklase ng anak nya na nambully sa kanya o hindi.

Pero minsan lang humingi ng tulong ang Baby Eunie nya paano ba nya ito matatanggihan.

"Okey sige .... nakapag decide na ako!"

"Hahanapin ko ang Mommy nya pero...

syempre may kundisyon ako!"

Kinabahan si Eunice.

'Juskolord! Kinakabahan po ako sa kundisyon!'

'Sana huwag tungkol kay Jeremy! Please, please Lord!'

Napakagat sa labi si Eunice.

"Tutulungan ko ang classmate mo na mahanap ang totoong Mommy nya kung kung seseryosohin mo ang pagaaral ng martial arts! Gusto kong matuto ka ng self defense, para sa sarili mo!

Ang ibig sabihin nun, you will get up early in the morning ang exercise with me? Agree?"

Eunice: "Agree!"

'Ang hirap naman ng condition ni Daddy! Pero kailangan kong mag agree!'

'Subukan ko ng mga 1 month ang condition nya... pwede na siguro yun! Hehe!"

Nangiti si Edmund, kilala nya itong anak nya at alam nito ang iniisip nya.

"Teka Eunice, usapang matino ito ha!"

"Opo Dad promise!"

At nginitian nya ang Daddy ng super sweet na ngiti.

Tuwang tuwa si Edmund sa anak.

'Angkyut talaga ng anak ko, akala nya nauto nya ako!'

'Hehe!'

*****

Hindi rin naiuwi nila Mr. ang Mrs. Angheles si Alicia dahil bigla itong nanginig na parang takot na takot at pagkatapos ay nawalan ng malay kaya nilusob na nila sa ospital.

Nangyari ito matapos sabihin ng taga DSWD nasa school na ang Daddy nya at hinahanap sya.

Nang matapos nya ang problema sa school, hinarap naman nya ang problema nya sa principal.

"Pagod na ako, gusto ko ng umuwi kaya kailangan ko ng tapusin ito!"

Bungad nya kay Principal Dennis.

"Chief, kayo na po ang bahala kay acting Principal Dennis pati sa assistant nya at fun sa secretary nya na inihatid sa presinto nyo kanina!"

"Teka, teka po Ms. Ames! Hindi ko po maintindihan! Ano po ba ang nagawa kong mali? Bakit kailangan nyo akong ipahuli?"

"Hindi mo alam?"

"Nagpanggap kang Principal at pagkatapos ay nanghingi ng pera sa mga magulang!"

"Kaya sige na_kunin nyo na yan! Kailangan ko na ring umuwi!"

Pagkaalis ng mga pulis saka sumalampak ng upo si Ames.

"Okey lang po ba kayo Ms. Ames?"

"Hindi na Erica, matanda na ako! Hindi ko na kayang makipagsabayan sa inyong mas bata sa akin!"

"Pero graduating na po si Jeremy at nasa tamang edad na sya! Pwede na naman siguro nya kayong tulungan kung gugustuhin nyo!"

"Pagka graduate lilipad na si Jeremy papuntang US, upang doon magaral!"

"Kailangan po ba? Yun po ba talaga ang gusto nya?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pakiramdam ko kasi ayaw umalis ni Jeremy!"

"Sinabi ba nya sa'yo?"

"Hindi po! Pero... sana po magkausap kayo!"

Napaisip si Ames.

'Masyado na ba akong nagiging pakialamera sa pamangkin ko?'

'Nagiging diktador na ba ako?'

*****

Sa chatroom.

"Guys nakita nyo ba ang mga pulis kanina? Nakakatakot!"

"Bakit ba madaming pulis? What happened?!"

"Ewan ko! But someone saw 2 police man carrying Principal Dennis ang his assistant."

"What about those Grade 8 students? Bakit sila tinanong tapos ay pinauwi?!"

Tumahimik ang lahat hindi nakapagsalita.

"Guys tingin ko kailangan muna natin mag stop sa pambubully kay Eunice!"

"Bakit? Sa tingin mo ba may kinalalaman si Eunice sa nangyari sa Grade 8?"

"Ewan ko! Pero ayaw ko na!"

Sabay alis sa chatroom.

"Ako din!"

Umalis din ito.

"Ako din!"

At isa isa na silang nag alisan sa chatroom.

*****

Sa Chatroom nila Miles.

Pam: "May problem girls!"

Lena: "Ano yun?"

Pam: "Nagaalisan na lahat ng grupo ko sa chatroom! Ayaw na raw nila! Natakot kasi sa mga pulis na nakita nila kanina sa paligid!"

Brenda: "Anong ibig mong sabihin sa nagalisan?"

Pam: "Nag quit na sila ng tuluyan! Miles ano ng gagawin natin? Wala na ang mga tinuruan kong mga galamay.

Miles: "Kung hindi na pwedeng gamitin ang pang uuto sa grupo, gawin natin paisa isa."

Siguiente capítulo