Muhing-muhi si Yna sa isang sikat na celebrity na si Daniel Dhanes nang magkrus ang landas nila ng lalake isang gabi at bastusin siya nito. Kaya naman ng matupad ang kanyang pangarap bilang isang journalist ay hindi niya pinaglagpas ang sandaling masundan ang nasabing artista upang maungkat niya ang baho nito sa publiko. Nagtagumpay man siya na sirain ang pangalan ni Daniel ngunit mas nagwagi ang lalake dahil nakuha na nito ang kanyang puso. *********************************************** Basahin ang kapanapanabik, nakakatuwa at kakaibang love story nina Ynah at Daniel sa nobelang pinamagatang "My Paparazzi" ni B.M. Cervantes. "My Paparazzi" Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved, 2019
Napapikit siya kasabay ang pagdama sa malamig na simoy ng hangin. Natitiyak niyang ito ang gusto niya. Sa paghakbang ng kanyang mga paa sa pasilyo ng unibersidad, alam niyang ito'y para sa kanya.
"Yna!!! Ito na talaga!!!" Nag-uumapaw sa kaligayahan na ani ng kaibigang niyang si Jane.
Lumawak ang kanyang ngiti. Inikot niya ang mga mata sa paligid kasabay ang pagbilis ng pintig ng kanyang puso.
"Yes, Jane. This is it!!!" Tili niya sa kaibigan sabay ang paghila niya sa kamay nito. Patakbo nilang tinahak ang malaking bulwagang pagdarausan ng orientation para sa kanilang mga freshmen.
Libo-libong tulad nila ang naroon ngayon- nag-aasam na maabot ang mga pangarap sa buhay.
"Ito ang mahirap 'pag nahuhuli Jane. Wala na tayong maupan!" Bulong niya dito habang naghahanap ng mapepwestuhan.
"Kasalanan ko bang ma-traffic?! Wala namang ganyan, friend!" Ani nito habang sinusundan siya.
"Haaay! Gusto ko sana dun sa harap, no choice, we're here." Nagmamaktol niyang sabi sa kaibigan ng maupo na sila sa bandang likuran.
"Ok. Ikaw na talaga ang journalist of the year." Tila inis na sabi nito na pinagdiinan pa ang huling salita nito.
Napatawa naman siya at binaling na ang atensyon sa nagsasalita sa harap.
"Yna, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Bulong ni Jane sa kanya habang nakapukol ang atensyon sa lalakeng tila naghahanap ng upuan. Maganda and tikas nito, makinis andg kutis, halatang anak mayaman.
"Lalake na naman yan ha." May pagbabanta na sabi niya. Ilang beses na kasi niyang nasaksihan ang pagkabigo ng kaibigan sa mga lalake.
"Crush lang. Yna naman…" Parang bata na sabi nito.
Bumuntong-hininga na lamang siya at muling ibinaling ang atensyon sa lalakeng nagsasalita sa stage.
"Welcome again freshmen. We hope you enjoy your days here in the university. Always have faith in the Almighty as you face the challenges in college life. I know you can do it."
Malakas na palakpakan ang maririnig matapos ang talumpati nito. Niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan.