webnovel

Lost Memory

"Is she alright, ma?" Naririnig ni Yna na tanong ng isang pamilyar na tinig. Ramdam niya ang pag-aalala sa tinig nito.

"She will be alright, iho. Iwan na muna kita para makapagpahinga ka." Ani ng ina saka siya iniwan sa silid. Napaawang lamang ang bibig niya dahil tila nakalimutan ng ina na may pasyente pa silang nakahiga sa mismong higaan niya.

Napasulyap siya sa babaeng wala pa rin malay. Dahan-dahan siyang lumapit upang mas mamalas pa ang maganda nitong mukha. Hindi niya malaman kung bakit may pananabik siyang matunghayan ito. Nang magsalubong ang kanilang mga mata kanina ay pakiramdam niya'y nahipnotismo siya sa nangungusap nitong mga mata. May naramdaman syang kirot ng marinig ang pangalan nito at maging sampal sa kanyang mukha ang atraksyon sa babaeng isa pala niyang kamag-anak.

Napabuntong-hininga siya saka ini-lock ang kanyang silid at nagtungo sa banyo upang mag-shower.

Rinig ni Yna ang malakas na lagaslas ng tubig sa shower. Iginala niya ang mata sa pamilyar na silid ng lalake. Nagkunwari siyang nakapikit ng marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Iminulat niya ng kaunti ang mga mata. Nakatapis lamang ang pang-ibabang bahagi ng katawan ng lalake ng lumabas ito at bahagyang tumutulo pa ang tubis sa buhok. Wala pa ring ipinagbago ang ka-gwapuhan ng lalake. Napaiktad si Yna dahil sa nakatitig na pala ito sa kanya at kitang-kitang pinag-aaralan niya ang katawan nito.

"Are you done looking at my body?" Natatawa nitong tanong habang pin[atuyo ng towel ang buhok.

"I just miss you." Halos wala ng boses na kumawala sa lalamunan ni Yna dahil sa panunuyo nito.

Kita niyang tila hindi nakapagsalita ang lalake at napatitig sa kanya.

"Are you really my relative?" Kunot ang noong tanong nito sa kanya habang nagsusuot ng T-Shirt.

"What if I say no?" Seryosong balik niyang tanong saka naupo sa gilid ng higaan nito at pinanood ito habang nagbibihis.

Tumitig sa kanya ang lalake at hindi inalis ang tingin sa kanyang mukha.

"Then, if not..what is it?" Tanong nito saka humiha ng malalim at humarap sa kanya.

Tumayo naman siya at nagbuntong-hininga.

"I'm just joking. I am a Crisostomo." Pag-uulit niya at pilit ngumiti at lumapit dito. Napalawak ang kanyang ngiti ng makitang napahakbang paurong ang lalake ng isang dangkal na lang ang lalo nila sa isa't-isa.

"You've been in the US for almost a year so I really miss you. Can I give you a hug?" Pagsusumamo niya dito. Napalunok ang lalake at napatitig sa kanya.

"O-ok." Tila napipilitan namang sabi nito.

Ngumiti siya saka tuluyang niyakap ang lalake. Kinig niya ang mabiis na pintig ng puso ng lalake ng lumapat ang kanyang pisngi sa malapad nitong dibdib.

"I miss you so much, honey. I hope you remember me soon." Bulong ni Yna sa sarili. Hingpitan pa niya lalao ang yakap dito.

"H-hey!" Natatawang saway ng lalake sa kanya na pilit ng inilalayo ang katawan sa kanya.

"Why, you don't like it?" Panunudyo niya na muling ipinulupot ang mga braso sa leeg ng lalake.

"What's with this woman?!" Bulong ni Danile sa sarili. Ang humahalimuyak nitong amoy ay tila nakapagpapawala sa kanyang sarili.

"She's a Crisostomo!" Saway niya sa sarili.

Wala na siyang nasabing salita dahil tuluyan na siyang iniwan ng babae sa silid. Mabilis siyang nagbihis dahil gusto niyang makausap pa ang babae. Parang marami itong alam tungkol sa kanya..parang malaki ang naging papel nito sa kaniyang nakaraang nawala na sa kanyang alaala.

Naabutan niyang seryosong nag-uusap ang mga magulang niya, si Yna at ang fiance niya na si Carol. Napakunot ang noo niya ng makitang umiiyak si Carol at patakbong tinungo ang pinto palabas ng bahay at agad niyang hinabol ito.

"Babe, what happened?" Nag-aalala niyang pagtawag dito. Agad niyang nahawakan ang braso nito. Luhaan ang matang hinarap siya nito na pilit ang ngiti.

"I'll leave you now and I don't want to see you anymore. We're over." Deklarasyon nito saka siya tuluyang iniwan at sumakay sa kotse nito's pinaharurot.

"Carol, wait!" Tawag niya sa babe. Nasabunot niya ang ulo at galit na puamsok sa bahay.

"What did you say to her?!" Galit na tanong ng lalake sa mga magulang ng pumasok ito. Nagtataka siya kung bakit kasama pa ng mga ito si Yna.

"Iho, iyan ang mas makakabuti para sa iyo." Sagot ng ama.

"Ang paghiwalayan kami ng girlfriend ko?!" Singhal ng lalake dito. Napasulyap siya kay Yna na natakpan ang bibig dahil sa sinabi niya habang niyakap ito ng kanyang ina. Napapikit siya dahil hindi niya naiintindihan ang nangyayari. Kanina ay masaya lamang sila kasama ang fiance ngunit ng dumating si Yna ay nagbago ang lahat.

"What's with you Yna Crisostomo?!" Galit na baling niya sa ngayo'y umiiyak ng babae. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit umiiyak ito at ngayo'y masama ang tingin sa kanya ng mga magulang dahil sa pag-iyak ng babae.

"Remember, iho..You just came back here in the Philippines & you are still in the process of coming back in Showbiz so you have to focus first in your career. Herman, your manager, will be here later." Paliwanag pa ng ama.

Galit na iniwan niya ang mga ito at nagkulong sa kaniyang kwarto.

下一章