Hawak ni Yna ang newspaper at pilit sinisilip ang lalakeng nakasuot ng hood na naglalakad palabas sa isang maliit na shop. Hindi sinasadyang nabunggo ito ng isang payat ng binatilyo.
"Hey! Wala ka bang mata?!" Galit sa singhal ni Daniel sa nakabunggo sa kaniyang binatilyo.
"Sorry, Sir. Ikaw po kasi ang dire-diretchong naglalakad." Tila takot na sabi ng binatilyo.
Napabuga naman sa hangin si Daniel na pilit hinahamig ang sarili.
"At ako pa pala ha?!" Inis na sabi niya sabay hawak sa batok ng lalake sabay suntok ng malakas sa sikmura nito. Dahil sa ginawa niya ay naalis ang pagkakalagay ng hood sa jacket niya. Lalo siyang nainis at muli pang sinuntok ang binata na napaluhod na.
Sunud-sunod na tunog ng flash ang narinig ni Daniel na nagpahinto sa akma pa sana niyang pagsipa sa binata. Inis na isinuot niya muli ang hood ng jacket at inikot ang paningin sa paligid na pilit hinahanap ang pinanggalingan ng tunog.
"Shit?!" Inis na sabi niya sa sarili at iniwan ang binatilyo na nakalugmok sa daan. Nagmadali siyang umalis at tinahak ang parking lot na kinaroroonan ng kanyang kotse. Pagsakay doon ay agad siyang nagdial sa cellphone.
"Hello, Felice. I think I met a 'paparazzi' here." Galit na sabi niya sa kausap sa kabilang linya.
"There's nothing wrong about it as long as you are not doing anything…"
"I met this @!@@ guy and I punched him. Then I heard the camera flashed!" Putol niya sa iba pang sasabihin ng babae sa kabilang linya.
"Oh my god! You should find that paparazzi before na mapublish ang kung anumang article na isusulat niya about you!" Nagpa-panic na sabi ng babae. Napamura naman si Daniel. Muli siyang bumalik sa pinangyarihan ng pambubugbog niya kanina, inukutan pa niya ang paligid ngunit wala siyang nakitang ni isang bakas ng paparazzi.
Pagod na isinandal niya ang likod sa malambot na sofa at binuksan ang TV ng makarating sa condo niya. Dahan-dahan siyang tumayo at binuksan ang ref at kinuha ang pitsel ng tubig at nagsalin sa baso.
"Daniel Dhanes, naaktuhang nambubugbog sa Kern Hills. Ibalita mo, Jessie Ulandez!"
Naibuga ni Daniel ang iniinom na malamig na tubig. Tila siya nasabugan ng bomba sa nasasaksihan ngayong balita sa telebisyon. Kitang-kita kung paano nga niya pinagsusuntok ang lalake. Kuhang-kuha ang kanyang mukha dahil sa pagkatanggal ng hood ng kanyang jacket habang sinusuntok niya ang lalake.
"Kita ko na po siyang paparating. Hindi na po ako nakaiwas dahil mabilis po ang paglalakad niya. Nag-sorry naman po ako sa kanya pero pinagsusuntok pa rin po niya ako." Umiiyak na sabi ng binatilyo sa harap ng camera habang nasa pagamutan.
"Sinungaling! Ikaw na nga ang nangbunggo!" Halos basagin na niya ang screen ng TV sa galit saka niya ito pinatay. Itinapon niya ang hawak ng remote at nanlulumong naupo sa sofa.
Maya-maya pa'y tumunog ang kanyang cellphone.
"Daniel, you need to see me now." Galit na sabi ni Herman sa kanya sa kabilang linya.
Inis na dinampot niya ang susi ng kotse sa mesa at nagmadaling umalis.