"Ouch! Yna, what's that for?!" Sapo ang mukhang wika ni Gian matapos siyang bigyan ng malakas na sampal ni Yna pagsakay nito sa kotse niya.
"For kissing my cheeks! My God, Gian! I never give you permission to do that!" Inis niyang singhal dito.
Napabuga naman sa hangin ang lalake at madilim ang mukhang tumunghay kay Yna.
"And I also never give you permission na gamitin ang pangalan ko sa personal business mo!" Balik na ani nito sa kanya.
Isang matalim na irap lamang ang isinukli ni Yna dito. Maya-maya pa ay nanlaki ang mata niya ng paglingon niya sa lalake ay halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya.
"Gian!" Gulat niyang wika saka tinakpan ng kanyang mga palad ang mukha nito. "what are you doing!" Nagpapanic na wika niya. Ngunti nagawa nitong alisin ang mga palad niya sa mukha nito at tinaas.
Mabilis ang tibok ng puso ni Yna. Madilim ang mukha ng lalake at nagtatagis ang mga bagang. Ito ang unang beses na nakita niyang ganito ang lalake.
"I am tired of this Yna." Ani ng lalake saka mariing sinakop ang kanyang maga labi.
Pilit siyang kumawala ngunit sadyang malakas ang lalake at nakuha nitong ikulong patuloy na maitaas ang kanyang mga braso habang mariing nabaon ang mga labi sa kanyang mga labi. Nang maramdaman nito na tumigil na siya sa paglalaban ay dahan-dahan na nitong pinakawalan ang kanyang mga labi.
"How dare you!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Yna na pilit inaalais ang mga kamay sa pagkakahawak ng lalake upang mabigyan niya ito na malakas na sampal dahil ito pa lang ang unang lalake na humalik sa kanya.
"Yes! Isigaw mo na sa mukha ko lahat ng gusto mong sabihin Yna pero pagod na akong magpanggap na ok ako pagkatapos ng palabas mo. I am done pretending, Yna. You're mine now. For real." Mariing wika nito saka ulit sinakop ang kanyang mga labi. Sa pagkakataong iyon ay naging marahan na ito.
Ngunit hinugot ni Yna ang kanyang buong lakas at nagawa niyang mahila ang mga braso sa mariing paghawak nito sa kanya saka niya ito itinulak ng buong lakas papalayo sa kanyang katawan.
"I hate you! I hate you!" Umiiyak na sigaw niya saka madaling bumaba sa kotse nito at patakbong bumalik sa malaking tent na pinanggalingan nila kanina. Agad siyang dumiretco sa CR upang hindi na maabutan pa ng lalake. Nagkulong siya sa isang cubicle doon at inayos ang sarili.
"How dare him doing that to me!" Ngitngit na bulong niya sa sarili saka pinahid ang mga luha sa mga mata. Matapos ayusin ang make-up ay huminga siya ng malalim saka napagpasyahang lumabas na ng CR.
Bumungad sa kanya ang saryosong si Gian na halatang namumugto din ang mga mata.
"Yna.." May langkap na pagmamakaawang bungad nito sa kanya ngunit tila wala siyang naririnig at dire-diretcho siyang naglakad.
"Yna. I'm sorry..please.." Pagpapatuloy ng lalake habang sumusunod sa kanya. Nahawakan nito ang braso niya ngunit isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito.
Napatingin tuloy ang mga tao na nasa set. Maging si Daniel na abalang inaayusan ay napakunot ang noo sa nakikitang eksena.
"We're done. Bye!" Singhal niya dito na nilaksan pa niya ang boses para marinig ng lahat ng tao.
Lumuluhang napatitig sa kanya si Gian na ang mga mata ay tila nagmamakaawa.
Inis na tinalikuran niya ito at patakbong tinahak ang baku-bakong daan. Alam niyang wala siyang masasakyan sa lugar na iyon ngunit wala siyang pakealam kung hanggang saan kaya ng mga paa niya. Maya-maya ay narinig niya ang isang papalapit na motor at bumulaga sa kanya ang isang pamilyar na sasakyan.
"Hop in." May awtoridad na utos ng lalaking naka-helmet. Wala sa sariling tinanggap niya ang paanyaya nito at mahigpit na kumapit sa bewang ng lalake ng mabilis nitong ipaharurut ang motor.