webnovel

Paparazzi Mode

"I'm sorry honey kung di kita mae-entertain ng maayos. Ok lang ba talaga sayo na iwan muna kita dito?" Nag-aalalang sabi ni Gian ng samahan siya nito sa tent malapit sa area ng pagshu-shootingan ni Daniel.

"Yeah. It's ok. Don't worry about me." Nakangiti niyang sabi kay Gian. Ngumiti ang lalake saka siya kinintalan ng maliit na halik sa noo. Matapos itong magpaalam sa kanya ay dumiretcho na ito sa isa pang tent na pinaghihimpilan ng mga kasama nito sa video editing.

Inikot niya ang paningin sa mga abalang members ng set. Kinuha niya ang shades sa aknyang bag saka ito isinuot. Maya-maya pa ay narinig niya na ang director na pinaghahanda na ang lahat dahil dumating na si Daniel.

Napangisi siya ng makita ang pagbaba ng lalake sa kotse nito. Agad siyang naupo sa monoblock chair na matatanaw niya ang kinaroroonan ng lalake. Kita niya na abala ito sa pagbabasa ng script. Maya-maya ay sumenyas ito sa isang utility man na tila may inutos. Umali sang intusang tao, at bumalik ito ng may dalang isang tasa ng kape. Ngunit sa pagmamadali ay naibuhos niya ito sa lalake.

"Shit! Ouch!" Galit na singhal ni Daniel sa lalakeng nagbuhos ng kape sa kanya. Buti na lamang ay sa pantalon niya iyo tumapon kaya hindi ganoong nanot ang init nito sa kanyang balat.

"Naku sir, pasensya na po talaga. Pasensiya na po." Pagmamakaawa nito. Galit na pinaghahampas ito ni Daniel ng hawak niyang script saka pinagbabatukan.

Nagkagulo sa set. Sinamantala naman ito ni Yna upang makakuha ng magandang anggulo ng shots sa hawak niyang camera. Matapos makakuha ng magnadang mga shots ay dali-dali na siyang pumara ng jeep.

"Nasaan ka na, honey? I'm looking for you dito sa set kanina pa." Tanong ni Gian sa kabilang linya. Kasalukuyan na siyang nasa opisina at tina-type ang report na ipapa-air mamayang gabi sa ABM News Network.

"I'm sorry, Gian kung hindi na ako nakapagpaalam. Pinawatag kasi ako sa head office namin. I'll call you again 'pag di na ako busy. Bye." Paalam niya dito.

"Wait Yna..May-" Pintol na nia ang iba pang sasabihin ng lalaki. Pinatay na rin niya mna ang kanyang cellphone para hindi na ito makapangulit. Pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya pagta-type.

"I'm sure magwawala ka na naman sa inis mamaya Daniel Dhanes." Napangisi siya habang pinagmamamasdan ang mga larawan ni Daniel habang sinasapak ang utility man sa set nito na inattach niya at pagkatapos ay pinindot na niya ang 'SEND' sa kaniyang email account.

下一章