webnovel

Meeting His Family

Napangiwi si Yna sa sakit ng katawan ng dahan-dahan siyang bumangon mula sa higaan. Ang nakasisilaw na liwanag ng silid na kanyang kinaroroonan ang nagpagisig sa kanya.

"Isa lang 'tong panaginip." Bulong niya sa sarili ng magising sa hindi pamilyar na silid.

"Panaginip lang 'to!?" Muling niyang bulong sa sarili ng maramdaman na wala siyang saplot sa katawan.

"I am glad your awake." Nakangiting bati sa kanya ni Daniel na hubad na lumabas mula sa CR na nasa loob din ng kwarto na kanyang kinaroroonan. Nakatapis lamang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito.

Napatili ng malakas si Yna saka nagtalukbong.

"What did you do to me!!!!" Nagpapanic niyang sigaw habang pinag-aaralan ang sarili kung ano ang maaring ginawa ng lalake sa kanya.

"So far, wala pa naman akong ginagawa. If I did that to you, dapat hindi ka na makakabangon." Panunudyo nito sa kanya.

Inis na inalis ni Yna ang kumot sa mukha. Nakapantalon na ito ngunit wala pa ring damit pang-itaas.

"Sobra ka nalasing kagabi. Sinukahan mo pati 'yung dress mo kaya napilitan akong alisin ang damit mo." Tila balewala nitong paliwanag.

"Wh-what??!!!" Nanlalaki ang matang ani ni Yna.

"Hi, Yna. I am glad you're awake. The breakfast is ready." Masiglang bati sa kanya ng isang ginang na pumasok sa kwarto.

Napatitig lamang siya dito dahil hindi pa rin niya matanggap ang sinabi ni Daniel na ito ang naghubad sa kanya.

"Don't listen to my son. I know how obsessed he was to you last night but of course a mother, I would not allow it to happen." Pag-uumpisang paliwanag ng babae.

"Ma, naman.." Pagangil ng lalake habang isinusuot ang T-shirt nito.

"Look, bakit dito ka pa nagbibihis sa harap ni Yna. My God naman , anak!" Inis na sabi ng ginang na halos pagtulakan ang lalake palabas ng silid.

"Ma, naman, Kwarto ko 'to." Tila batang wika nito.

"Sige na, mauna ka na sa baba." Utos ng ginang sa lalake.

"Don't worry, Yna. Ako ang naghubad ng damit mo. Punung-puno ka kasi ng suka ng dalhin ka ng anak ko dito sa bahay. Here, napalaba ko na kagabi ang mga damit ko. Baba ka na lang if you're ready na." Nakangiting wika nito na hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. Agad na itong lumabas at naiwan na siya sa silid.

Tila nabunutan naman siya ng tinik sa dibdib ng malamang ang ina nito ang naghubad sa kanya.

Inabutan niya si Daniel sa mesa kasama ang mga magulang nito. Ang ina nito ay maaliwalas pa rin ang mukha tulad ng una nitong makita. Ang ama naman nito, na kamukha talaga ng lalake ay nakangiti ring tumunghay sa kanya sa harap ng napagarang mesa na puno ng kung anu-anong pagkain at prutas.

"Oh, iha. Join us here. Don't think na we're eating like this, It's my birthday kasi." Paliwanag ng ama nito.

"Oh, naku sorry po..Happy birthday po." Nahihiya niyang bati.

Tumayo nman si Daniel ay lumapit sa kanya at sinamahan siya paupo sa upuang katabi nito.

"Well, this is my happiest birthday dahil kasama ko ang napakabait kong anak." Pagsisumula ng ama nito.

"Dad…" Angal naman ni Daniel habang nilalagyan siya ng pagkain sa pinggan.

"And ofcourse for meeting my soon-to-be daughter-in-law." Pagpapatuloy nito.

Napatitig naman siya dito kasabay ng pag-awang ng kanyang bibig.

"We're still in the process of knowing each other pa." Sagot naman ni Daniel na ikinakunot ng noo niya.

"I'm sorry po pero we are just friends." Sangat naman niya na ikinatawa ng ama nito.

"Friends don't sleep in one bed together." Ani ng ama nito na lalo niyang ikinakaba.

"One bed together?!" Nanlalaki ang matang ani niya habang nakatitig kay Daniel na tila binalewala ang talim ng kanyang mga tingin.

"Dad is just joking, iha. Daniel slept in our room last night. Dad! Don't be rude to Yna." Pagsalo naman sa kanya ng ina ni Daniel. Lalong napahalakhak ang ama nito.

"He slept with us for a minute. I woke up and he's not with us." Nakangiting pagpapatuloy ng ama nito na lalong ikinapula ng mukha ni Yna.

"Daniel?!" Kinakabahang tanong niya dito ngunit abala lang ang lalake sa pagsubo. Lumagok muna ito ng juice saka huminga ng malalim.

"I need someone to keep me warm, ma." Imbis na sulyapan siya ay sa ina nito bumaling ang lalake.

"What?!" Sabay pa silang nagsalita ng ina nito.

"Oh my God..what have you done to me?" Mangiyak-ngiyak na wika ni Yna habang pinag-aaralan ang sarili.

"I am just joking, Yna." Natatawang ani ni Daniel sa pagitan ng pagsubo.

Hindi niya alam kung maniniwala sa lalake o hindi. Malalakas na tawanan ang pumuno sa silid na kanilang kinaroroonan. Napabuntong-hininga na lamang si Yna saka nagsimula na ring kumain habang sinusulyapan ang kanina pang tahimik na si Daniel na tila may malalim na iniisip.

下一章