"Matapos ang napabalitang pambubugbog ni Daniel Dhanes sa Fern Hills, panibagong kaso na naman ng physical injury ang naka-file ngayon sa aktor dahil di umano sa pananapak nito sa isang utility man sa set ng kanyang ginagawang pelikula. Para sa detalye, Gina Alarcon- ibalita mo."
Natigilan si Daniel sa ginagawang paglagok ng alak sa kanyang kopita ng bumngad ang balita sa flat screen ng TV na nasa salas. Mula sa kanyang mini-bar ar dinig na dinig niya ang balita.
Nagtagis ang kanyang bagang at kulang na lamang ay mabasag ang kopita na kanyang hawak dahil sa mariing paghawak niya dito. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa at nag-dial.
"Hindi ko pa napanuod ang balita pero tinawagan na rin ako ni Herman. Andun naman daw siya sa set at nakita naman ng lahat ang nangyari. You are just becoming out of control. Agad umiinit ang ulo mo, Daniel." Ani ng babae sa kabilang linya.
"Tumawag ako hindi para sermunan mo Felice. I'm asking kung nakuha mo na ba ng pangalan ng writer ng ABM News?" Madilim ang anyong tanong niya dito. Napabuntong-hininga naman ang bababe sa kabilang linya.
"Yes. Hawak ko na ang file na. Puntahan kita jan sa condo." Sagot ng babae.
Halos maubos na ni Daniel and bote ng wine na iniinom. Alam niyang halos wala namang epekto ito sa kanya ngnit naramdaman niya ang pagkirot ng ulo. Maya-maya pa ay narining na niya ang door bell. Iniluwa ng pinto Felice na may hawak ng folder.
Napabuga sa hangin si Daniel habang pinagmamasdan ang larawang ng isang babaeng nakatoga na nasasabitan ng maraming medalya sa leeg at may hawak ng sertipiko.
"She's Yna Issabela Reyes. Magna cum laude ng St. Matthew University. Last month lang siya nagstart sa ABM station pero nilagay na siya agad na OIC in Entertainment." Paliwanag ni Felice habang nagsasalin ng wine sa kopitang hawak.
Napatango naman si Daniel habang pinag-aaralan ang magandang ngiti sa labi ng babaeng nasa litrato.
"According to my informant, siya ang source ng ABM News sa mga entertainment stories. In fact, unang week pa lang daw niya as OIC ay ikaw agad ang subject nya." Ani ni Felice sabay lagok s kopita niya at naupo sa tabi ni Daniel na seryosong nakatunghay sa babaeng nasa larawan.
"I am just wondering, hindi kaya siya isa sa mga babaeng pinaglaruan mo before?" Tanong ni Felice na tila nanunudyo.
Napatawa naman si Daniel at pilit inaalala ang mukha ng babae.
"She looks familiar but I cant recall anymore kung paano kami nagkakilala. But one thing I am sure about is never ako papatol sa mga babaeng ganyan- nerdy at mukhang puro pag-aaral lang inaatupag." Paliwanag niya dito ngunit tila may bahagi ng isip niya ang hindi sumasang-ayon lalo na't nakakabighani ang inosente nitong itsura, ang mga malalamlam na mata na tila nangungusap.
"Well, ano kaya dahilan niya sa pagsunud-sunod sayo? A professional journalist turning into a paparazzi?" Patuloy na tanong ni Felice.
"Fame or pwede rin na pera? Wait lang Felice, hindi ba dapat na trabaho niyo ni Herman na patigilin na ang babaeng 'yun sa pamemerwisyo niya sa buhay ko?!" Singhal niya dito saka dire-diretchong nilagok ang natitirang alak sa kanyang kopita.
"I know, my dear, pero inaalam ko lang kung may history kayo ng babaeng iyan para alam namin ni Herman paano namin siya paamuin . But don't worry, Daniel, everything will be fine." Aniya saka dinampian ng halik sa labi si Daniel.