"Honey, listen to me...please don't leave me…" Masagang luha ang tumutulo ngayon sa mga mata ni Yna at nanginginig ang kanyang buong katawan ng maabutang napakaraming nakasaksak na aparato sa katawan ni Daniel at humihinga na lamang ganit ang isa pang machine na nakalagay dito.
Matapos niya kasing dumiretcho sa presinto ng pulis sa nangyaring paghabol sa kanya ng isang lalake at magpasama sa mga pulis sa condo pabalik at nakatanggap siya ng tawag mula sa ina ni Daniel at ibinalitang naaksidente ito. Matapos magpalit ng damit ay madali na siyang sumugod sa ospital. Hindi niya matanggap ang sinapit ng asawa. Kasama niyang nag-iiyak ang ina ng lalake na yumakap din sa kanya.
"Kailangan po muna kayong lumabas. We need to further observe him." Ani ng doktor na kasama nila. Wala namn silang nagawa kundi ang lumabas.
Maya-maya pa ay humahangos na dumating sina Felice at Herman. Ang ama ni Daniel ang humarap sa mga ito. Tanaw niya ang seryosong mukha ng mga ito. Napukaw din ang atensyon niya sa police line na nakalagay sa hindi kalayuan kung saan nakakumpol ang mga media at panay ang pag-flash ng mga camera habang pinipigilan ng mga police.
"Yna, listen to me honey..we need to bring him to the US. Daniel's mom & I will keep in touch with you & tell you how's going. Everything will be ok." Paliwanag ng ama ng lalake dahil halos dalawang linggo ng comatose ang lalake sa ospital at wala pang nagyayaring improvement. Malala kasi ang tinamo nitong head injury at muntik ng maputol ang kanang kamay.
Dahil wala naman siyang US visa ay wala siyang choice kundi ipaubaya sa mga magulang nito ang pagpapagamot ng lalake. Ang hindi niya inaasahan na aabutin ng mahigit isang taon ang pagpapagamot nito dahil ayon sa ina nito'y nagkaroon ng amnesia ang lalake at sa loob ng matagal na panahon ay hindi na niya narinig pa ang boses ng lalake.
"Ang cute cute naman ng inaanak ko, come to ninang." Tuwang-tuwang ani ni Shine saka kinuha sa pagkakalong niya ang sanggol na napagwapo. Masaya niyang sinundan ang babae habang inililibot nito sa opisina ang bata.
Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone niya.
"We're back, iha. Would you mind coming to the house? But please..don't bring Sean muna..." Tukoy nito sa sanggol na kalong ni Shine. Labis naman ang bilis ng pintig ng kanyang puso. Matapos na bilinan si Shine at ihabilin ang bata dito ay bumalik siya ng condo at nag-ayos sa sarili.
Sinalubong siya sa malaking bahay ng mga Crisostomo ng ina ni Daniel. Wala pa ring pagbabago sa itsura nito kahit mahigit isang taon niya itong hindi nakita dahil ito ang nagbabantay kay Daniel habang nagpapagamot ito. Mahigpit siya nitong niyakap na tila ayaw na siyang pakawalan.
"I miss you so much, iha." Umiiyak nitong ani na may lungkot ang mga mata.
"Daniel looks ok..but there are a lot of things he can't remember and doesn't want to remember anymore. I tried my best iha…but.."Humahagulgol nitong wika. Malalim ang paghingang niyakap naman niya ito at tinulungang makapasok sa loob ng bahay.
"What happened, mom?" Pagsalubong ni Daniel sa kanila. Nag-aalala nitong niyakap ang ina at napatingin sa kanya.
"Daniel!" Sigaw ng kaniyang utak. Nagsimulang mangilid ang luha sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang kaharap na lalake. Gusto niya ngayong sugurin ng yakap at halik ang asawa.
"Honey, is your mom alright?" Maarteng wika ng isang seksing mestisang babae na lumapit sa kanila.
"No, no..Carol..go back inside." Utos ng ina ni Daniel na tila iniiwas na makilala niya.
"And who's she?" Kunot-noong tanong ni Daniel sa ina na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Ramdam niya ang tila pagsabog ng kanyang puso at ang tila napakalalim na talim na tumusok sa kanyang puso.
"Yna Crisostomo." Pagpapakilala niya dito sabay lahad ng palad sa lalake kahit tuluyan ng pumatak ang kanyang luha. Mabilis niya iyng pinahid at pilit na ngumiti.
"Crisostomo? Our relative, ma?" Baling ng lalake sa lumuluha pa ring ina na malungkot na nakatunghay kay Yna. Tumango lamang ito.
"Oh, hi. I'm Daniel and here's my fiance- Carol." Pakilala nito sa babaeng katabi.
"Fiance?!!" Sigaw ng utak ni Yna. Pakiramdam niya ay tuluyan ng nanghina ang kanyang katawan. Bago pa man tuluyang magdilim ang kaniyang paligid at bumagsak ang katawan sa sahig ay sinalo siya ng malalakas na bisig ni Daniel.