"I now pronounce you, husband and wife." Ani ng pari na nasa kanilang harapan. Tanging ang mga magulang lamang ni Daniel at ang kanyang ina na panay ang punas ng luha sa mga mata ang tumatayo nayong saksi sa kanilang simpleng kasal.
"You may kiss the bride." Baling nito kay Daniel. Lumuluhang tinitigan siya ng lalake saka pinunasan ang luhang masagang dumadaloy pababa sa kanyang pisngi. Pagkatapos ay ibinaon na nito ang labi sa kanyang labi.
Malalakas na palakpakan ang pumuno sa loob ng sala ng mansion ng lola ni Daniel na ina ng ama nito.
"Anak, ngayon na lang ulit tayo nagkita at eto…kasal mo na?" Nakangiting ani ng ina ni Yna na namumugto pa rin ang mata dahil sa kakaiyak habang ginagawa ang seremonya ng kanyang kasal. Naiwan kasi ito sa probinsya mula ng magtrabaho siya sa Manila. Alam niyang nabibigla pa ito sa pangyayari tulad niya ngunit kita niya ang saya sa mga mata nito.
"Tita…" Nakangiting bati ni Daniel habang papalapit ito sa kanila. Binigyan nito ng mahigpit na yakap ang ina ng dalaga.
"Don't worry po, I'll take care of your daughter at hinding-hindi ko po siya paiiyakain." Nakangiting ani nito.
"Haay, Diyos ko! Napakagwapo mo talagang bata ka. Hindi ko tuloy magsisi ang anak ko kung bakit pumayag siyang magpakasal sa'yo." Bulalas ng ina ni Yna habang pinagmamasdan ang lalake.
"Ma, naman.." Natatawang ani ni Yna habang ipinupulupot ang mga braso kay Daniel.
"But seriously speaking, Daniel…wag na wag mong sasaktan ang anak ko." Pagpapatuloy ng ina ni Yna. Nakangiti namang tumango si Daniel.
"I promise, tita. I will never ever do that." Matigas na pangako nito.
Matapos ang selebrasyon ay isa-isa ng nag-uwian ang mga magulang ng dalaw.
"So, I'll go to bed na mga apo. Napaayos ko na rin ang kwardo ni Daniel so you'll both be comfortable." Paalam ng matanda na may kakaibang mga ngiti sa labi saka sila iniwang dalawa.
Kinuha ni Daniel ang remote ng speaker at nagpatugtog ng isang banayad na musika.
"Can you dance with me, Mrs. Crisostomo?" Nakangiting wika nito sabay lahat ng palad. Steve Daniel Crisostomo kasi ang tunay na pangalan ng lalake.
Agad naman niyang tinnaggap ang palad nito saka ipinulupot ang braso sa leeg nito. Hinapit naman ng lalake ang kanyang katawan at ipinulupot ang braso sa kanyng bewang. Rinig niya ang malalim nitong pagbuntong-hininga.
"I can't believe your are now my husband, Daniel Dhanes." Pabirong bulong niya dito. Kita niya ang pagpormal ng mukha nito na tila ba may malalim na iniisip.
"I have to do this to stop you for stalking me, Miss Paparazzi." Bulong din nito sa puno ng tenga niya saka siya kinintalan ng maliit na halik sa leeg. Napatawa naman siya sa tinuran nito.
"Paano kaya kung hindi pala kita ini-stalk? Malamang Felice is now in my place." Mapait niyang ani ng maalala ang nasaksihang niyang halikan ng dalawa sa pool.
"Felice is my childhood friend, but that's all." Sagot naman nito habang sinasabayan pa rin nila ng indak ang tugtog.
"So you're kissing your childhood friend?" Sarkastikong ani niya.
"Ok. I admit, may nangyayari sa amin before but it's nothing to me." Pag-amin naman nito. Tila nawalan naman ng gana si Yna sa pagsasayaw ng marinig ito. Agad siyang kumalas sa lalake at nagmadaling lumabas ng mansion upang makasagap ng hangin. Kinig niya ang pagtawag ni Daniel ngunit hindi niya ito pinansin.
"Yna! Yna, wait!" Mabilis na nahila ng lalake ang kaliwa niyang braso saka siya iniharap dito.
"Look, honey..Felice is just part of my past. You are now my present and my future. I have never loved her. It's you who is the love of my life and my wife." Pagsusumamo nito saka nito saka hinapit ang katawan niya papalapit dito.
"Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayari sa atin Yna. But the fact na you agree to be my wife, I'm pretty sure that you feel the same feeling that I have for you right now." Seryosong ani nito saka tuluyang sinakop ang kanyang mga labi.