webnovel

My Boyfriend

"Miss Yna Reyes?" Hindi makapaniwalang ani ng babae na nasa kanyang harapan ng tumayo na sila pagkatapos ng ginagawang eksena ni Daniel. Napakagat-labi naman si Yna dahil hindi niya akalain na kilala siya ng babaeng kanina pa niya sinusubaybayan.

"Yes. I am. I am just visiting my friend, Gian." Ani niya sabay turo sa camera man. Tumango-tango naman si Felice.

"Kaibigan mo pala si Gian. What a small world, huh?" Maarteng wika nito saka bumaling sa ksamang bakla.

"Herman, this is Miss Yna Reyes…from ABM News." Pagpapakilala nito sa kanya sa kasama. "Miss Reyes, this is Herman, manager ni Daniel." Masiglang ani nito. Nag bakla naman ay pilit na ngumiti at nakipagkilala sa kanya.

"So the paparazzi is here!" Tinig mula sa di kalayuan ngunit alam na ni Yna kung saan nagmula iyon. Tila mabigat ang katawang bumaling siya kay Daniel na nakangising papalapit sa kinaroroonan nila.

"She's visiting our camera man daw.." May langkap na pagdududang wika ni Felice na ikinakunot ng noo ni Daniel. Bumaling naman ang atensyon ni Daniel kay Gian na abala sa camera nito.

"He's my boyfriend." Sangat ni Yna saka tila hinabol ang paghinga at napalunok.

Kitang-kita niya ang pagkawala ng mga ngiti ni Daniel at madilim ang mukhang napatitig sa kanya.

"Boyfriend?" Pag-uulit ng lalake at pilit ang ngiting tumunghay sa kanya.

"Wow! Small world. I think everything will be ok with us most especially your boyfriend is working with us. We assure you Miss Reyes that we will take care of him." Nakangiting ani ni Herman.

"Ang totoo, crush na crush ni Herman 'yang si Gian kaya hindi siya naha-highblood ngayon dito sa set!" Natatawang wika ni Felice.

"Ay Truelala! Mawserte ka 'te!" Maarte namang wika ng bakla na hindi pansin ang nabubuong tensyon sa pagitan ni Daniel at Yna na ang mga mata ay matalim na napukol sa isa't-isa.

"Gian! Come here!" Nakangiting tawag ng bading sa lalake na halos patakbo namang nagtungo sa kinaroroonan nila.

"Hoy, lalake ka. May girlfriend ka na pala…hindi mo sinasabi sa akin!" Pabirong wika ng bading na bahagya pang kinurot ang tagiliran ni Gian.

"Girlfriend?" Nagtatakang namang tanong ng lalake.

"Miss Reyes told us na ikaw pala ang boyfriend niya & he's visiting you right now!" Ani ni Felice.

Napatitig naman si Gian kay Yna pilit ang ngiti na tila binabasa ang gusto nitong mangyari. Lihim naman siyang nasiyahan sa narinig. Alam niyang pasasaan ba at magiging katotohanan na rin ang panggamit nito sa kanya.

"Yes, ofcourse po. My beautiful girlfriend." Pagsakay naman ni Gian saka nilapitan si Yna ay inakbayan at binigyan ng maliit na halik sa pisngi.

"Well, I should leave you now guys. I need to rest." Paalam naman ni Daniel saka mabilis silang tinalikuran.

"Wait! Honey, wait!" maarteng sigaw naman ni Felice saka ito hinabol.

Inis na sinundan ng tingin ni Yna ang babae na muling ipinulupot ang mga braso sa bewang ng lalake.

下一章