webnovel

My Youth Began With Him (Tagalog)

Auteur: Baby Piggie
Urbain
Actuel · 4.9M Affichage
  • 1965 Shc
    Contenu
  • 4.6
    863 audimat
  • NO.200+
    SOUTIEN
Synopsis

Seven years ago, after their breakup, he disappeared without a trace. Now, he reappeared on the eve of her wedding, sparing no means in forcing her to marry him… With a certificate of marriage, he bound her mercilessly to his side. From there, this “Cinderella” began her journey as a wife to the heir of a business empire... Mrs Huo - composed, sharp-tongued, and freakishly smart. Mr Qin - wife-spoiler to no end and a complete “slave” to their daughter. Quality love story, one on one. You are welcome to get hooked on this story with us.

Chapter 1Reunion

CHAPTER 1: Reunion

Isang pulang taxi ang huminto sa entrance ng Kempinski Hotel at may isang dalaga, na nasa kanyang early 20s, ang bumaba sa sasakyan. Siya ay nakasuot ng isang simpleng puting bistida at nakakulot ang kanyang mahabang buhok. Hindi sobra o takaw-pansin ang ayos niya; ito ay simple lang pero may ibubuga.

Kaunti lang ang makeup na inilagay niya sa kanyang mukha. May dala siyang puting handbag at ito ay ipinares niya sa itim niyang heels, kaya siya ay nagmukhang isang diyosa mula sa isang tago at mapayapang oasis.

Ang ganda niya ay hindi agad mapapansin ng karamihan, pero mukha siyang mabait at madaling matandaan. Para siyang isang malumanay na hangin para sa iba. May mga babae talaga sa mundo na hindi gaanong kagandahan pero kaakit-akit parin - at si Huo Mian ay isa sa kanila. Kaya niyang bihagin ang mga tao sa paligid niya sa pamamagitan ng kanyang kakaibang presensya.

"Sa wakas Huo Mian, andito ka na!" pagbati ng kanyang mga dating kaklaseng in charge sa pagbati ng mga bisita. "Bilisan mo umakyat sa Peony Room sa may second floor. Lahat sila ay naghihintay doon. Kapag nalaman nilang dumating ka, siguradong matutuwa sila,"nakangiting itinuro sa kanya ang daan. Tumango si Huo Mian at nginitian sila pabalik habang paakyat sa second floor.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit tila di siya mapakali at matagal na rin ng huli niya itong naranasan. Sa totoo lang, bihira siya pumunta sa mga high school reunion. Hindi dahil sa hindi siya marunong makisama o iniisip niya na mas magaling siya kaysa sa kanila. Ito ay sa kadahilanan na, sa tatlong taon niya sa high school, may nag-iwan ng malalim na marka sa kanyang puso at pagkatao kaya kahit hindi naman sinasadya ay napapaiwas na siya sa mga ganitong okasyon.

Kaya lamang siya dumalo ay dahil sa kanyang high school teacher sa Homeroom na personal siyang tinawagan at inimbitahan. Ito ay si Ms. Yao na nasa mahigit sixty years old at nagretiro na rin. Sa pagkakarinig ni Huo Mian, siya ay lumipat sa New Zealand kasama ng kanyang anak na babae noon. Ngayon, hindi lang basta umuwi si Ms. Yao, siya pa ang nagayos ng reunion na ito at si Huo Mian ay walang maisip na rason para tumanggi. Kahit di siya yung estudyante na aktibo sa klase, magaan ang loob niya kay Ms. Yao gaya ng ibang mga kaklase.

Saka yung taong yun di na mahagilap sa loob ng pitong taon, imposibleng pupunta siya sa reunion, diba? Ito ang inisip ni Huo Mian para mapakalma ang sarili.

Pagkapasok niya, may bente o higit pang katao sa loob. Pagkarinig nila sa pagbukas ng pinto, lahat sila ay tumingin sa entrance at nakita si Huo Mian na nakangiti nang may halong hiya.

"Kamusta kayo? Long time no see," bati niya.

"Andito na pala ang magandang si Miss Huo, nakakagulat na dumalo ka na sa reunion! Nilalamig na ata ang impyerno," sabi ng kanyang babaeng kaklase na may halong pang-aalaska.

Awkward na ngumiti si Huo Mian at di na sumagot. Pagkatapos, ang presidente ng klase, si Han Xu, ay tumayo at naglakad papunta sa kanya upang batiin siya. "Huo Mian. Ang tagal na din, namiss ka ng lahat! Ano na'ng ginagawa mo ngayon?"

"Okay lang naman, Class President," tumingin si Huo Mian sa paligid ngunit di niya makita ang kanilang teacher kaya di niya napigilang itanong, "Nasaan si Ms. Yao?"

 "Ah, kakatawag lang ni Ms. Yao at sinabi na naipit siya sa trapik. Malapit na din siyang dumating. Halika, maupo ka muna." Tumango si Huo Mian. Pagkahanap niya ng tahimik na lugar, siya ay umupo at nakinig sa mga malalakas na usapan ng kanyang mga kaklase.

Madaming taon na din ang lumipas simula nung gumraduate sila ng high school, at nag-iba na ang lahat. Yung iba sikat nang mga entrepreneurs, habang yung iba nagtatrabaho para sa gobyerno, at may ibang nag-aral sa abroad. Bale kung ikukumpara ang isang babae na binansagang henyo na may IQ na 130 sa mga taong ito, siya ay isang ordinaryong tao na lamang.

Noong gumraduate siya ng high school, tinanggihan niya ang mga paaralan sa capital city at ginulat ang lahat nang pumasok siya sa nursing school sa kanilang lugar. Nang gumraduate siya, dumiretso siya sa isang ospital sa probinsiya para maging isang nursing intern at pumirma ng tatlong taong kontrata.

Ngayon, mayroon na siyang stable na relasyon sa isang intern ng Ophthalmology Department sa ospital kung saan siya nagtatrabaho. Kahit ang pamilya nito ay ordinaryo lamang, siya ay may maayos na kinabukasan. Pakiramdam ni Huo Mian, wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya. Ang tanging hiling niya ay panatag na loob at seguridad, hindi pera o yaman.

Bigla na lamang may kumalabit sa likod niya. Sa gulat, siya ay biglang napalingon.

Vous aimerez aussi

The CEO's Substitute Wife

Sampung taong gulang siya noon nang ipadala siya ng mga magulang niya sa US at doon pinatira sa lolo't lola niya. Madaming dahilan kung bakit siya inilayo ng mga ito. At isa na doon ang pagtago sa kanya sa mga Sandoval. She was sad that time because she knew that her parents never liked her. Kaya nga pinadala ito siya ng mga ito sa ibang bansa. She tried to beg but they never give her a chance. She was abandoned by her own family. But her grandparents never let her feel that way. Thay kept her,  loved her, and let her feel secured and happy.. But 13 years pass when her gradparents died. Her parents never showed up instead they just send her a money for her grandparents funeral. Ilang araw din pagkatapos ng libing ng mga ito ay pinauwi din siya ng mga magulang niya sa Pilipinas. She was forced to go back because of her sister. Nawawala daw ito bago ang kasal nito sa lalaking mahal niya. Yes. Her sister will supposed to marry the man that she loved 13 years ago until now. The man that she abandoned 13 years ago without noticing it and saying goodbye. Mahal ito ng kapatid niya at suportado din ito ng mga magulang nila. Kaya nga pinadala siya sa ibang bansa sa araw ng operasyon nito. Sa araw na dapat ay kasama siya nitong lumalaban. Pero wala nang halaga yun. Dahil ang lalaking mahal niya ay may mahal nang iba. At yun ang kakambal niya. He don't know anything and she don't have any intentions to say or speak about that matter anymore. Ayaw niyang sirain ang pagmamahalang meron sila. Ayaw niyang maging kontrabida sa isang love story na ang main characters ay ang taong mahal niya at ang kapatid niya. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil pinagkasundo siya ng mga magulang niya na gawing pamalit sa kakambal niya. She need to marry him as a substitute to her twin sister. She can't even protest about it. Time passed and they are now husband and wife. But that's only in a piece of paper that they've signed. Isang taon din ang lumipas hanggang sa bumalik ang kakambal niya. Pero sa isang taong yun ay may namuo kayang pag-ibig na maaaring magbago sa kanilang tadhana o tutuldukan na nito ang lahat nang meron sila? Let's all find it out!

Mixxy_18 · Urbain
Pas assez d’évaluations
31 Chs
Table des matières
Volume 1
Volume 2
Volume 3
Volume 4
Volume 5