Chapter 1821: Ang Dominanteng Magkapatid (2)
"Pwede mo bang puntahan si President Su…"
Hindi sumagot si Huo Mian.
"Simula noong bumalik ang asawa niyo, hindi maganda ang mood ni President Su. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa office… Tingin ko masyado siyang na-shock. Tinuring niyang pamilya kayo ng kambal sa mga nakaraang taon at ngayon, umalis kayong lahat… Nag-aalala lang ako na baka hindi niya kayanin at hindi siya maka-recover…"
"Ako bahala. 'Wag ka mag-alala. Hindi ko siya iiwanan sa ere."
Kahit walang sinabi si An, hindi pababayaan ni Huo Mian si Su Yu, kahit ginawa na niyang klaro noong isang araw.
Pero, alam ni Huo Mian na naiintindihan ni Su Yu ang dahilan, tulad ng lahat ng iba, pero hindi madaling bitawan ang nadarama niya nang parang walang nangyari.
Kasama ni Huo Mian si An sa nakaraang tatlong taon, at matatag at malalim ang relasyon nila.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com