"Ayos… lang naman ito," kahit na ayaw tanggapin ni Deputy Director Guo ang mapait na katotohanan, hindi niya kayang magsinungaling sa harap ng maraming eksperto.
"Salamat, Deputy Director." Ngumiti si Huo Mian sa kanya.
Kumaway si Director Wu. "Maupo ka, Huo Mian."
Tumango si Huo Mian at naupo…
Maraming idinagdag si Director Wu sa diskusyon bago tapusin ang meeting pagkatapos ng isang oras.
Papalabas na sana si Huo Mian, nang pinigalan siya ng assistant ni Director Wu, "Sandali, Huo Mian, gusto ka kausapin ng director."
Ang mga tao sa meeting room ay unti-unting umalis at sa huli, sila Huo Mian at Director Wu nalang ang natira sa kwarto.
"Huo Mian, magaling ang ginawa mo ngayon."
"Hindi, nagsasabi lang naman ako ng totoo." Medyo nahihiya si Huo Mian.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com