Tumango si Huo Mian bilang pagsagot sa bati ni Wang Tingting.
"Ano ang nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" Pormal na tinanong ni Huo Mian ang Thai patient.
"Hindi na masama pero minsan, mabigat ang dibdib ko. May magagawa ka ba para rito?"
"Siguro, ito ay dahil nasa kwarto ka lang lagi at hindi maganda ang ventilation nito kaya nirerekomenda ko na magpatulong ka sa kaibigan mo na ilakad ka sa hardin sa likod. Maganda rin ang ehersisyo para sa paggaling mo."
"Okay, salamat, Head Nurse." Magalang ang Thai na pasyente; maliban sa katotohanan na medyo bastos siya.
Tumingin din si Huo Mian kay Tingting at pinaalalahanan ito, "May diabetes siya kaya siguraduhin mo na kokontrolin mo ang kinakain niya. Huwag mo siyang hayaan na kumain ng madaming matatamis na prutas."
"Alam ko yan, hindi mo na kailangan ipaalala sa akin. Ako ang girlfriend niya at syempre, mas kilala ko siya."
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com