"Ma… alam kong galit ka sa akin. Pwede mo akong sigawan o hampasin, pakiusap, ilabas mo lang lahat."
"Nagbibiro ka ba? Anong magagawa ng pagsigaw at paghampas ko sayo? Mapipigilan ba nito ang pagsama mo sa batang iyon na galing sa Qin Family? Hindi ako makapaniwala na binalewala mo lang ang lahat ng paalala ko… Huo Mian… Pinalaki kita ng higit sa 20 na taon, nagpalaki ba ako ng isang hangal?"
Malayo sa karakter nito, hindi pinagalitan ni Yang Meirong si Huo Mian pero, ang mga kalmadong salita nito ay mas masakit para kay Huo Mian.
"Hindi, ma, Si Qin Chu at ako, kami ay..."
"Ayoko ng makinig sayo. Malaki ka na at hindi na kita kayang kontrolin. Hindi lang ako makapaniwala na kasama mo ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng Uncle Jing mo. Nakakatawa ito."
Lumingon sa ibang direksyon si Huo Mian habang sinasabi niya ito ng walang emosyon, iniiwasan niya ng tingin si Huo Mian.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com