"Ate, wala ka na sa trabaho?"
"Mhm, kakauwi ko lang."
"Ano ang plano mo bukas?" Misteryosong tanong ni Zhixin.
"Hindi ko alam, wala pa si Qin Chu sa bahay e."
"Ate, dalhin mo si Qin Chu sa bahay natin bukas."
"Bahay? Huwag na… mamamatay si Mama sa galit..." nag-aalagangan na sabi ni Huo Mian.
"Magkukrus din ang landas nila balang araw, kaya mas maganda siguro kung bibigyan natin sila ng pagkakataon na maresolba ang mga hinaing nila? Wala naman ako pasok bukas. Nagpa-off na rin ako kaya nasa bahay ako at tutulungan kita para hindi maging masyadong marahas sayo si mama… kahit na galit din siya sayo nitong mga araw, nakita ko siyang bumili ng wool kamaikailan lang. Mukhang ipaggagantsilyo ka niya ng sweater. Siguro ay ito ang regalo mo para sa kaarawan mo. Madidismaya siya kapag hindi ka umuwi."
Medyo naantig si Huo Mian sa mga sinabi ni Zhixin…
Gusto niya talagang dalhin sa bahay nila si Qin Chu pero ang nanay niya…?
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com