Chapter 1322: Malaking Bagay sa New Year (3)
"Pero… bayaw ko siya…" Seryosong sumagot si Mr. Qin, at wala nang nasabi pa si Huo Mian.
"Bayaw, halika rito. May pasalubong ako sayo!" sumigaw si Zhixin mula sa sala, kaya naman nagkaroon ng pagkakataon na tumakbo papunta sa sala, at makalayo mula sa pagtatanong ng kanyang asawa.
Naglabas si Zhixing ng maliit na kahon mula sa kanyang maleta. "Para sayo 'to."
"Salamat." Kinuha ni Qin Chu ang regalo at dahan-dahan itong binuksan.
Dahil gustong malaman ni Huo Mian ang laman nito, lumapit siya at nalimutan na nagtago ng impormasyon ang kanyang asawa sa kanya.
Isang lighter na napakasinsin ang pagkakagawa ang nasa loob ng kahon…
Isa itong brand mula sa New Zealand. Napakaganda nang pagkakagawa nito, kulay pilak ito at gawa ito sa bakal.
Mayroon imahe ng isang pares ng pakpak sa lighter… mayroon din itong English logo sa likuran.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com