Nakayuko si Jing Zhixin at mabagal niyang sinabi, "Pumunta ang nanay ni Qin Chu sa bahay natin at may sinabi kay mama. Sobrang sumama ang loob ni Mama kaya nagsimula silang magsagutan. Pagkatapos, natumaba si mama nung tinulak siya ng bodyguard ni Mrs. Qin."
"Ano?" nagsalubong ang mga kilay ni Huo Mian. Habang padami ng padami ang naririnig niya, mas lalong nadudurog ang puso niya.
Ang nanay na naman ni Qin Chu ulit…
Ang nanay ni Qin Chu ay ginawa na ito pitong taon na ang nakakalipas at ngayon, may lakas pa rin siya ng loob na gawin ito pagkatapos ng pitong taon? Sa tingin niya ba ay ganun lang kadaling hamakin ang pamilya ni Huo Mian?
"Zhixin, ikaw ba mismo ang nakakita ng mga ito?" Gustong kumpirmahin ni Huo Mian.
"Hindi, wala ako sa bahay. Si Auntie Wu ang nasa bahay kaya tinawagan niya ako at sinabi ang mga nangyari. Pagkatapos, dumiretso ako sa ospital galing sa eskwelahan."
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com