webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Autor: LadyGem25
Ciudad
Terminado · 1.3M Visitas
  • 131 Caps
    Contenido
  • 4.8
    21 valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

Etiquetas
2 etiquetas
Chapter 1PROLOGUE

INTRODUCTION:

"Deretso lang pare huwag kang hihinto, Bilisan mo!" Pasigaw na sabi ng isang lalaki sa driver ng van, na aming sinasakyan. Tila ito ang tumatayong lider ng grupo. Dahil kanina pa ito ang nagmamando sa lahat. Kung titingnan isa lang itong simpleng lalaki, may manipis na bigote at balbas na akala mo hindi makagagawa ng masama. Hindi talaga nakikita sa itsura lang ang tunay na pagkatao.

Halos manginig kami sa takot! Pilit nagsusumiksik sa loob ng sasakyan. Tatlo kaming babae na kinuha ng limang kalalakihan, matapos ihold-up ang Bus kanina.

Ginawa kaming hostage upang proteksyunan ang kanilang mga sarili. Mula sa Bus na sinakyan namin kanina, hanggang sa sapilitan kaming isakay sa sasakyan.

"Iliko mo sa kanan" sabi ng lider nila.

"Malayo na tayo Boss tiyak na hindi na nila tayo mahahabol." Sabi ng lalaki sa tabi ng driver.

"Basta deretso lang.." Sabi ng ulit ng leader ng goons, nakaupo ito sa likod ng driver.

"Boss paano sila? Basta lang ba natin sila pakakawalan?" Sabi ng lalaki sa tabi ko, halos nakayakap na ito sa akin. I can't see his face broadly. But I saw a snake tattoo on his right arm.

"Ano pa ba ang dapat natin gawin? Nakita na nila tayo kaya hindi natin sila pwedeng basta pakawalan" Sabi ng kanilang boss.

"Huwag po! Hindi po kami magsusumbong pakawalan n'yo na po kami! (Sob)" Pagmamakaawa ng isa sa babaeng kasama ko, habang ang isa naman napalakas ng pag'iyak! Habang ako tahimik lang na umiiyak.

I was afraid by that time. And I don't know what to do? But like what they said "habang may buhay may pag-asa." Now I realized the true meaning of this, I tried to think how to escape all here?

"Sayang naman sila Boss, ang gaganda pa naman lalo na itong nasa tabi ko. Ang bango at ang puti pa." Said a man with snake tattoo. Then he pull me and tried to kiss my hair,down to my cheek and then my neck. I was shocked and disgust! But I know I cant do anything to protest by now.

Sa isip ko.. Mukhang puno ng pagnanasa ang gagong ito sa akin, hindi maaari!

"Gustong mo bang maging asawa na lang kita? Para ma-save ko ang buhay mo." Bulong nito sa akin.

"Ulol! Anong asawa, dalawa na ang asawa mo gusto mo pang dagdagan? Sa akin ka na lang Miss  binata pa ako." Sabi ng lalaki na kahilera namin sa gawing kanang upuan.

"Gago! Aagawan mo pa ako ng maganda ha!" Muling sabi ng lalaki sa tabi ko.

"Mga p....ng ina n'yo! Tigilan ninyo munang libog n'yo, mga gago kayo!" Sigaw ng kanilang boss.

"Boss, malapit na tayo sa kakahuyan wala ng bahayan dito ang kabila nito pa Batangas na!" Sabi ng driver.

"Sige pwede na tayong huminto na muna dito, para matapos na ito at para makalayo na rin tayo." Sabi ng Boss, habang sa isip ko.. Hindi!! Dito na ba kami hihinto, ito na ba ang magiging katapusan ng lahat?

Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba, napahawak na lang ako sa kamay ng isa sa babaeng kasama ko. Kasabay ng maikling panalangin, na sana magkaroon ng himala upang malagpasan namin ang lahat ng ito. Magkakayakap kami na tila ba hindi mapaghihiwalay. Ano man ang mangyari? Kumukuha na lang kami ng lakas ng loob sa isa't isa. Dahil tulad ko, ramdam ko rin ang panginginig ng kanilang katawan. Dahil sa takot, pangamba at kawalan ng pag-asa.

Nang muling magsalita ang pinuno.

"Sige na! Ihinto mo na.. Dito muna tayo! Ilabas n'yo na sila!" Sunod sunod na utos ng kanilang Boss.

"Sige baba na, bumaba na kayo!" Sigaw pa ng isang lalaki sa tabi ng driver, habang itinututok sa amin ang baril.

Hanggang isa isa nila kaming hinawakan at sapilitang ibinaba.

"Huwag po!huhuhu.. Maawa po kayo sa amin, Tulong! Tulungan n'yo kami, aahhh!" Ang babaeng kasama ko na kanina wala lang kibo, ngayon bigla na lang naghisterya! Umiiyak, sumisigaw habang pilit nagpupumiglas at natataranta!

Nang biglang na lang lumapit ang pinuno nila. Nagulat pa kami ng walang ano-ano, bigla na lang niya itong sinampal! Sabay sabing..

"P.....  ina! Itigil mo 'yang bunganga mo!" Sabay tutok ng baril sa mukha ng babae. "Kapag hindi ka tumigil ikaw talaga ang uunahin ko!" Galit nitong sigaw! Ang babae bigla na lang natulala at namutla dahil sa takot.

"Ikaw hawakan mo 'yang mabuti, baka kumawala pa 'yan! Ikaw ang tatamaan sa aking gago ka!" Sigaw niya sa lalaking may hawak dito.

"Opo Boss! Halika na.." Sabay hila sa babae at kinaladkad ito at nagpatiuna na sa paglakad. Marahil dahil narin sa takot sa kanilang Boss!

Ganoon na rin ang ginawa ng iba pa  pakaladkad kaming hinila papasok sa kakahuyan. Hindi ko na alam kung saang bahagi ng Pilipinas kami naroroon ngayon.

Basta ang alam ko malayong malayo na kami sa pinanggalingan namin kanina. Dahil sa haba ng byahe, hindi ko na rin alam kung anong oras na?

Narito kami ngayon sa isang ilang na lugar, tanging liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa kadiliman ng gabi. Bahagya pang nakakanlungan ang liwanag ng mga puno, tila ito isang maliit na gubat.

Tama sila wala ngang katao-tao sa lugar na iyon kami lang ang naroon..

Kahit anong iyak at sigaw ang gawin namin walang makaririnig, kung walang maliligaw sa bahaging 'yon. Malayong malayo sa kabahayan, kung iyong pagmamasdan tila tuldok lang ang mga ilaw na nagmumula sa mga ito.

Nang hindi sinasadyang madapa ang isa sa babaeng kasama ko.

"Aray ko po! Hindi ko na kaya, maawa po kayo! (Sob)" Pagmamakaawa nito na marahil pagud na pagud na, malayo-layo narin kasi ang aming nalalakad.

"Tumayo ka na! Punyeta kang tanga!" Bulyaw ng lalaking may hawak dito.

Hanggang sa muling magsalita ang pinuno..

"Sige na! Gawin n'yo na kung anong dapat n'yong gawin sa kanila! Gusto ko ng malinis na trabaho, ilibing n'yo kung kinakailangan! Bilisan n'yo na!" Utos ng pinuno.

"Hindi! Hindi! Anong gagawin ko. Diyos ko! Tulungan n'yo po kami" tulirong bulong ko sa sarili.

Pakiramdam ko nasa lalamunan ko na ang puso ko, dahil sa sobrang takot at kaba. Hindi ko namalayan na napapaurong na pala ako.

Pilit kong inabot ang isang kasama ko, na siya rin niyang ginagawa. Alam ko pareho namin gustong kumuha ng lakas ng loob sa isa't isa. Habang ang isang babaeng tinutukan ng baril kanina, nakatulala parin at umiiyak. Naaawa man ako sa kanya at gusto ko siyang lapitan para aluin, hindi ko magawa. Dahil ngayon nakatutok na rin sa amin ang baril ng isa sa grupo. Nang mapansin niya ang tangka kong pagkilos.

"Sige subukan mong tumayo ulit! At sisiguraduhin kong hindi ka na makakalakad" Sabay tutok ng baril sa aking mga paa, napasiksik na lang ako sa aking kasama.

"Boss sayang si ganda, baka pwedeng sampulan muna natin ito? Tutal mamamaalam na rin naman sila!" Muling singit na naman ng lalaking umaalalay sa akin.

"Bahala kayo! Basta siguraduhin n'yo lang na wala kayong magiging bakas dito.. Maliwanag?"

"Olrayt! Boss thank you!hahaha."

"Sa akin kana ngayon ganda, h'wag kang mag-aalala masarap akong humalik. Dadalhin kita agad sa langit." Sabi ng walanghiya, bigla akong naalarma at nataranta. Tingin ko sa kanya parang isang asong ulol na naglalaway at ano mang oras ngayon, bigla na lang akong lalapain. Nakadagdag pa sa takot ko, ang itsura niya sa dilim. Dahil para s'yang isang halimaw!

Nagulat pa ako ng bigla niya akong hawakan at hilahin palapit, hindi ko tuloy napigilan ang mapatili.

"Ahhhhh! Huwag po!!"

Hindi ko na alam kung kanino ang pinaka malakas na tili? Dahil tulad ko kung ano ano na rin ang ginagawa sa kanila ng iba pa.

"Huwag! Bitiwan mo ako, lumayo ka sa akin walanghiya ka!" Sigaw ko at pilit kumakawala at takot na takot.

"Halika na dito baby ko, h'wag ka ng lumaban wala ka rin namang magagawa! Gusto mo bang saktan pa kita?" Napatigil ako sa aking narinig. Kailangan kong kumalma, tama siya wala rin akong magagawa. Malakas siya at mukhang sanay na sila sa ganitong gawain. Hanggang sa hinila na niya ako at isinandal sa isang puno.

Naisip ko..

Kung dito man ako mamamatay, hindi ko gustong dito rin malibing. Hindi maaari, kaya kailangan kong kumalma.

Hanggang unti-unti sinanay ko, ang aking sariling tanggapin ang sitwasyon.

Ang bawat halik at paghaplos niya sa aking katawan!

Pilit kong tinanggap..

Kahit pa gusto ng bumaligtad ng sikmura ko.

Nakakadiri siya! Nakakasuka! Mga hayup sila, wala silang awa!

Habang pilit akong nag-iisip kung ano bang dapat kong gawin? Patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin. Iginala ko ang aking paningin, sa tulong ng liwanag ng buwan. Bahagya kong naaaninag ang paligid.

Sa hindi kalayuan may napansin akong maliit na sanga, na tila isang matulis na stick. Alam ko kung ikukumpara sa baril na hawak niya wala 'yong magagawa. Pero kailangan kong paganahin ang aking isip..

Kasalukuyang hinuhubad na nito ang suot na pantalon nang bigla na lang..

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.

"Bang!"

Dahilan para mapatigil ang lalaki sa harap ko, at sabay pa kaming napalingon sa pinanggalingan ng putok. Hindiiii!! Nakita ko pa kung paano unti-unting bumabagsak ang babaing kanina lang kahawakan ko ng kamay at pinaghuhugutan ng lakas. Habang ang isang babaeng kasama namin ay walang tigil sa pagsigaw at kaiiyak, dahil sa pagkabigla!

Dahil dito naalarma ang lahat..

"P..... ina! Patigilin n'yo 'yan. Kanina pa 'yan patahimikin n'yo na! Siguraduhin n'yong patay silang lahat, bago n'yo iwan. Maliwanag?" Muli utos ng kanilang pinuno na puno ng pagkairita.

Hindi!!

Ito na ang tamang pagkakataon..

Kung hindi ko gagawin matutulad din ako sa kanila.

Bulong ko sa aking sarili..

Ngayon na..

Kahit anong mangyari kailangan kong subukan..

Dagling hinanap ng aking mga mata, ang maliit na sanga na nakita ko kanina. Nang mahagip ito ng aking paningin, mabilis ko itong kinuha. May katigasan ito at may tulis sa dulo.

Nang muli kong tingnan ang lalaki sa aking harapan. Nakalingon pa rin siya sa kanyang mga kasama at tila puno ng prustrasyon. Dahil sa pagkaudlot ng kanyang ginagawa.

Ang pagkakataong sinamantala ko..

Ubod lakas ko siyang sinaksak sa kanyang tainga! Alam ko hindi ko siya napuruhan. Pero sigurado akong nasaktan ko siya. Dahilan para siya'y mapamura at mapasigaw sa sakit!

"P..... ina mong babae ka!"

Habang hawak ko pa rin ang sanga. Saglit pa akong natigilan ng makita ko ang pagsirit ng dugo sa kanyang tainga! Dahil sa tulong ng liwanag ng buwan. Nakikita ko ang bawat galaw niya.

Buti na lang hindi pa kami pansin ng kanyang mga kasama.

Hindi na ako nag-isip muli ginamit ko ang sanga. Para isaksak naman sa kanyang harapan.

Narinig ko pa ang pagkaputol nito.

Pero dahil sa ginawa ko namilipit siya sa sakit. Alam ko nasaktan ko ang kanyang pagkalalaki.

Kaya nagtatarang siya sa sakit at hindi alam ang unanng hahawakan.

Dahil dito napansin kong biglang nabitawan niya ang hawak niyang baril, At pilit niya itong kinakapa' sa dilim.

Pagkakataon na sinamantala ko ulit para naman tumakbo!

Tumakbo..

Tumakbo..

Sa bilis na hangga't kaya ko!

Narinig ko pa ang kanyang pagsigaw.

"Tulungan n'yo ako!"

"P..... ina! Yung isang babae tumatakas!"

"Habulin n'yo hwag n'yong pabayaang makatakas! Mga gago kayo

Mga huling kataga na narinig ko bago pa ako makalayo at tumakbo ng tumakbo!

Nang isang putok ang marinig ko sa kawalan. Na nasundan pa ng isa at ng isa pa.. Hanggang sa sunod sunod na putok na ang umalingaw-ngaw sa paligid.

Wala na akong pakialam, basta takbo lang ako ng takbo. Kahit masakit na ang mga paa ko at pagud na pagud na rin ako..

Ngunit kahit ano yatang bilis ng takbo ko, maabutan pa rin nila ako.

Dahil naririnig ko na ang kanilang mga yabag, palapit na sila ng palapit!

Nang bigla na lang may pumutok!

"Bang!"

Pakiramdam ko, may biglang tumulak sa aking likuran. Partikular sa aking balikat.

Nakakaramdam ako ng sakit, matinding sakit na nakapagpaliyo sa akin. Kasabay ng pagkamanhid ng aking utak, para makapag-isip pa ng dapat gawin..

Sa biglaan kong paglingon, naramdaman ko pa ang pagkadulas ng aking mga paa sa kawalan!

Pakiramdam ko nahuhulog ako..

Nahuhulog ako..

Anong gagawin ko?

Hindi!!

Ahhhhhhhhh!

Hindi pwedeng ito ang maging katapusan..

Hindi pa dito matatapos ang lahat hindii!

_______

"Mamang!"

"Nasaan ka Nay?"

"Tulungan n'yo po ako.."

* * *

By: LadyGem25

También te puede interesar
Tabla de contenidos
Volumen 1 :My Life has changed
Volumen 2 :THE FATE AND REALITY