webnovel

C-41: The Brothers

"Hey... Bro! Nandito ka lang pala, bakit ka ba nagkukulong?"

Bigla siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig upang tingnan ito. Si Joshua at kasama nito si Arvin ang dalawang nakababata niyang pinsan, habang lumalakad ang mga ito palapit sa kinaroroonan niya. 

Kasalukuyan pa rin kasi siyang nakaharap sa computer ng oras na iyon. May mga idinadagdag pa siya sa format ng susunod nilang project. Pinili niyang sa Condo na lang ito gawin.

Malaking tulong din ang modern technology para sa kanilang trabaho. Dahil dito maaari na silang magconduct ng task gamit ang computer.

Kasalukuyan niyang ginagawa ang construction plan at sinusubukan niyang gawan ito ng rendition gamit ang computer.

Nasa Condo siya ngayon na pag-aari ni Joaquin at dahil hindi na dito tumutuloy ang binata kaya naman mag-isa lang siya dito. Kung nandito lang si Maru' kahit paano may kasama sana siya ngayon. Hindi pa rin kasi ito bumabalik hanggang ngayon.

Matagal na ring hindi dito tumutuloy si Joaquin kahit pa sa pagkakaalam niya maaaring nasa Manila rin ito ngayon.

Dahil sa nangyari dito at kay Liscel 5 years ago hindi na ito muli pang tumuloy dito sa Condo. Ang hindi lang niya alam kung bakit hindi pa rin nito naiisipang ibenta itong Condo.

Gusto pa naman sana niyang sabihin sa kapatid na sa kanya na lang ito ipagbili. Kung bakit kasi medyo nagkakahiyaan pa silang mag-usap nitong huli.

But he hopes everything between them will gonna be alright again.

Ang totoo nalulungkot siyang isipin at hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang may nabago sa pakikitungo nila sa isa't-isa. Hindi naman sila ganito dati, sobrang malapit sila sa isa't-isa. Lalo na noong mga bata pa sila. Pero parang ang lahat nabago sa isang iglap lang...

Mula lang nang umalis ito at bumalik sa Pilipinas after 5 years sa tingin niya may nag-iba na dito. May time kasi na ang tahimik nito at mahirap basahin ang iniisip. Kung minsan naman parang ang lalim ng iniisip nito.

Lalo pa tuloy silang nagkahiyaan nang last time na nagkasagutan silang magkapatid. Lalo pa itong naging malayo sa kanya at pakiramdam niya parang lagi na lang itong umiiwas sa kanya nitong huli. Kaya tuloy wala silang matinong pag-uusap. Ang gusto sana niya bumalik sila sa dati.

Just like of old times, we are a typical brothers that's always care to each other, sharing one thought, problems, happiness and even their love to someone. Like the brothers in one soul.

Palagi silang ganito noon...

Sobrang nami-miss na niya ito. Kahit na matagal na rin silang magkasama mula ng bumalik ito sa Pilipinas. Pero parang ang layo-layo pa rin nila sa isa't-isa.

"Hey! What's up Bro, okay ka lang ba?" Tanong ulit ni Joshua nang mapansin nitong natutulala na naman siya.

"Sobrang dedicated niya sa work dude! Malapit na kasi siyang magpropose kay ate Angela remember? Hay sa wakas mababawasan na ang karibal ko sa kagwapuhan!" Bulalas ni Arvin habang nakakalokong ngumisi sa kanila.

"Dude! Hindi mababawasan ang karibal mo. Dahil hindi ka naman kabilang du'n!" Bulalas ni Joshua habang tumatawa.

Napasimangot naman ang binatang sinabihan ngunit hindi man lang nakabawas sa taglay nitong kagwapuhan. Sadya lang talagang madali itong mainis.

"Tumahimik nga kayo, ang iingay n'yo ba!"

Bulalas ni Joseph sa dalawang pinsan na kahit pa alam niyang madalas magkapikunan hindi naman mapaghiwalay. Parang ganito rin sila ni Joaquin noon.

Napabuntong hininga na lang siya sa isiping iyon.

"Ang lalim naman ng hugot ng hininga mo Bro! May problema ba?" Tanong ulit ni Joshua.

"Wala naman akong problema... Pero sa tingin ko ngayon pa lang magkakaroon. Ano pa lang ginagawa n'yo dito." Tanong niya

"Pambihira naman dude, ngayon ang araw ng show ni Tita Madz nakalimutan mo ba?" Paalala ni Joshua.

Napaisip siyang bigla at natigilan awtomatiko ring naghagilap ang kanyang mga kamay sa drawer sa kanyang harapan. Hanggang sa matagpuan niya ang kanyang hinahanap. Nakalagay dito ang oras at araw pati na rin ang Venue kung saan gaganapin ang Fashion show. Isang imbitasyon ito na nagmula sa isang espesyal na tao sa buhay nila.

Not to be mentioned about his or her personality... Kung ano man ang pagkatao nito? Kung bakit malapit din ito sa puso niya, hindi niya alam? Basta ang alam lang niya matalik na kaibigan o kapatid ito ng kanyang Papa at ni Dr. Darren Ramirez.

They always say... They are the brothers in one soul, one heart.

Nakamulatan na nila ito na lagi itong pumupunta sa bahay nila. Kahit anong okasyon, social gathering, get together even their reunions and birthdays lagi itong present sa kanila. Kaya naman nasanay na siya sa presensya nito.

Bukod pa sa pagkakaalam nila na anak-anakan din ito ng kanilang Lolo Joanico at Lola Margarita. Kahit pa noong mga bata sila hanggang ngayon wala silang hiniling dito na hindi nito ibinigay.

Kahit pa madalas sinasabi ng mga pinsan niya na siya ang pinaka paborito nito. Hindi pa rin niya makita na iba ang trato nito sa iba. Dahil ang totoo lahat sila ini-spoiled nito.

Palibhasa wala naman silang alam na pamilya nito maliban sa kanila. Kaya marahil sa kanila lang naka-focus ang buong atensyon nito. Sila lang ang itinuturing nitong pamilya.

Bukod pa sa tunay na kapatid rin ang turing dito ng kanilang Papa. Kahit kailan hindi niya nakita at naramdaman na ikinahiya nito ang lalaki. Kahit pa noong simple pa lang ito at mababakas pa ang pagiging lalaki.

Hanggang ngayon na tuluyan na nga nitong binago ang sarili. Nanatiling suportado pa rin ito ng kanilang Papa at Tito Darren. Pero may mga tanong na nanatili pa rin sa kanyang isipan na hindi niya mabigyang sagot.

Hindi naman siya judgemental na tao o gustong idis-criminated ito. Hindi lang talaga niya mapigilang itanong sa sarili kung bakit sa kabila ng katauhan nito super close pa rin ito sa kanyang Papa.  

Sabagay hindi na rin talaga bago sa angkan ang pag-aampon. Mula pa man noon hanggang ngayon at ang huli ay si Angela. O baka masundan pa ito ni Maru' who knows and who can say, after all? Kaya hindi na nakapagtataka?

Sabi nga ng kanyang Papa ang pagmamahal hindi lang dapat binabase sa dugo. Dapat kung ano ang nanggagaling sa iyong puso at kung hanggang saan ba ang kakayahan mong magmahal. Dapat magmahal ka lang...

"Ngayon nga pala ang araw ng fashion show ni Tita Madz. Muntik ko nang makalimutan." Aniya.

"Kung hindi pa pala kami pumunta dito hindi mo maaalala, Bro? Maghapon ka lang nandito, hindi ka ba nainip?" Tanong ni Joshua.

"Hindi naman... Marami akong ginagawa kaya hindi ko na namalayan ang oras." Hindi naman talaga siya nakaramdam ng inip kasi kanina lang kausap niya si Miss A sa messenger chat. Kaya hindi na niya namalayan ang pag-usad ng oras.

Kung hindi nga lang kinailangan na nitong magpaalam. Maaaring magkausap pa rin sila hanggang ngayon. Ngayon rin niya nasiguro na hindi nga ito si Angela hindi katulad ng hinala niya noong una. Dahil sa maraming bagay at pagkakaiba ng dalawang babae.

Ang totoo maraming bagay silang napag-usapan nitong huli. Kung paano marami rin silang napagkakasunduan ni Miss A. siguro dahil marami rin silang pagkakatulad nito.

Ngayon lang din siya nagtiwala sa isang taong hindi niya nakikita at nakakausap lang... Kusa na lang napalagay ang loob niya dito. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit nagagawa na niyang magtiwala sa babae.

Nagagawa na nga niyang sabihin dito ang mga hang-ups n'ya at pati na rin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya at ganu'n din naman ito sa kanya.

Nagagawa niyang magsabi dito ng walang inaalala kahit pa batid niyang istranghero pa rin ito sa kanya... Istranghero rin naman siya sa babae? Saka ano ba ang magagawa nito sa kanya? Tanong niya sa isip.

"Ano pupunta ba tayo o busy ka talaga? Para ka kasing wala sa sarili kanina pa parang ang lalim ng iniisip mo ah?" Obserbasyon ni Joshua sa kanya.

"Oo naman... Bakit naman hindi tayo pupunta? Gusto n'yo bang magtampo sa atin si Tita Madz kung hindi tayo pupunta du'n? Okay lang makapaghihintay pa naman itong trabaho. Bukas ko na lang ulit ito itutuloy." Aniya.

Matapos siyang maligo at magbihis naghanda na silang umalis...

"Okay let's go!"

"Yeah!"

"Alright Dude let's go!"

_______

Alquiza's Resident

Pagdating ni Angela at VJ sa bahay pagkagaling nila sa Resort. Saglit lang siyang nagpahinga at naghanda na siya para magluto nang hapunan sa tulong ni Nanay Sol. Habang si VJ kasama ng abuelo nito habang nanonood ng Tv sa Salas.

Matapos ang insidente kanina maayos naman silang umalis ng Resort. Kahit nag-insist pa si Joaquin na ihatid sila mas pinili pa rin niyang sa driver nilang si Anton na lang sumakay pauwi.

Magkaagapay na umalis ang kanilang sinasakyan paalis ng Resort. Kung kaya't alam niyang nakauwi na rin ang binata. Pero kung nasaang bahagi man ng bahay ito ngayon, hindi na niya inalam pa...

Mula pa kanina sa Resort hindi na niya mapigilan ang sarili na h'wag mainis sa lalaki. Lalo na nang makita niyang kasama nito si Mandy. Ang babaing iyon, bakit ba sa tuwing magtatagpo sila ng landas parang iba ang kanyang pakiramdam sa mga ikinikilos nito?

Parang pareho rin nilang hindi gusto ang isa't-isa. Matagal na kaya silang magkakilala ni Joaquin? Bigla naitanong niya sa isip...

Kaya pakiramdam niya lalo lang siyang nakaramdam ng inis. Lalo na nang mag-flashback sa isip niya kung paano dumikit ang babae sa binata.

"Ang sarap niyang hilahin at sabunutan... Hmmmp!" Bulong niya na hindi na namalayang  napalakas na pala.

"May sinasabi ka ba anak?" Nagtatakang tanong ni Nanay Sol. Hindi na niya naisip na naroon din nga pala ito sa kusina at katulong niyang naghahanda ng hapunan.

"Ho? Ah' wala po... Hindi naman po ako nagsasalita ah." Kaila pa niyang saad, kinailangan pa tuloy siyang gumawa ng isang pekeng ngiti upang mapaniwala ito.

Mabuti na lang at nakayuko ito kanina pa at sobrang abala sa ginagawa kaya madali niya itong napaniwala.

"Ang akala ko kasi may sinasabi ka iha?" Muli saad nito.

"Naku, wala po Nay!" Naging sunod-sunod rin ang kanyang pag-iling bilang sagot dito.

Nakahinga naman siya agad ng maluwag ng hindi na ito muli pang nagtanong at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Ngunit saglit lang ang lumipas muli na naman itong nagsalita.

"Mabuti pa Iha, umpisahan mo nang gawin ang dessert natin... Ako na ang bahala dito sige na para maaga tayong makakain ng hapunan." Mungkahi na nito.

"Sigurado po ba kayo, kaya n'yo na dito?" Alanganin pa niyang tanong. Kahit alam niyang kaya naman talaga nito kahit wala siya.

"Kaya ko na ito, sige na!"

"Okay sige po!" Nakangiti niyang saad... Naisip rin niya na mas mabuti na ito kaysa mapansin pa nito ulit ang pagkainis niya.

Pero kahit paano gumaan rin ang kanyang pakiramdam. Dahil naisip niya ang kabaitan nito at ang malaking tulong nito sa kanya. 

"Oh' siya sige na ako na ang bahala dito Iha, gawin mo na ang gagawin mo. Narito naman si Dolor siya na ang bahalang umasiste sa akin anak."

Nakangiting tukoy nito sa isa pa nilang kasambahay na kasama rin nito.

Matapos lang niyang ayusin ang ginagawa at bilinan ito at si Dolor ng mga dapat pang gawin. Agad na siyang nagpaalam at tumungo na siya sa kabilang bahagi ng dining. 

Dito kasi nakapwesto ang mga gamit niya sa pagbi-bake kasama na ang kanyang oven. Sadyang pinalagyan lang ito ng devider ng kanilang Papa Liandro upang kahit paano magkaroon daw siya ng privacy kapag nagbi-bake siya ng cake o gumagawa ng dessert.

Dahil nagawa naman niya ang dough at isasalang na lang ito sa Oven. Kaya naman hindi na siya nag-aalala sa oras. Dahil sandali na lang naman tapos na niya ito.

Konting proseso na lang naman matatapos na niya ang paborito ng kanyang anak. Ang Japanese cheese cake na gustong-gusto nito. Noong isang araw pa nito nire-request ang naturang cake.

Minsan naitatanong niya sa sarili kung bakit imbes na chocolate cake, ang paborito nito ay cheese cake. Mahilig kasi ito sa cheese pero kumakain rin naman ito ng chocolate, iba lang ang hilig nito sa cheese.

Bagay na napansin rin niya kay Joaquin. Madalas rin na nahuhuli niya itong namamapak ng cheese sa ref, kaya minsan naiisip niya na mag-ama nga ito. Nasanay na rin siya na kapag naubos ang natitira niyang cheese sa ref ang mag-ama ang may sala.

Dahil nga sa advance celebration ito para kay VJ kaya cheese cake ang naisip niyang gawin. Dahil maaga pa naman kaya naisipan na rin niyang gumawa ng special na yema tart.

Siguradong magugustuhan rin ito ng kanyang anak. Sinimulan na niyang ihanda ang mga kailangan habang hinihintay na maluto ang ginawa niyang cake.

Lumipas pa ang ilang sandali... Natapos na rin niya ang paggawa ng yema tarts kailangan na lang itong isalang sa Oven.

Tamang-tama naman na kailangan na rin niyang hanguin ang ginawa niyang cake. Kailangan na lang niya itong lagyan ng karagdagan pang sangkap at dressing.

Upang higit pang lumutang ang masarap nitong lasa.

Pagkahango niya sa cake... Saglit pa niya itong inamoy at napangiti. Makikita sa kanyang mukha ang lubos na kasiyahan dahil sa eksakto niyang pagkakagawa.

Pagkatapos niya itong hanguin sunod naman niyang inilagay ang  ginawa niyang yema tarts. Dahil sa kaabalahan hindi na niya alintana ang paligid maging ang kanyang awra.

Ang hindi niya alam kanina pa may nanonood sa kanyang ginagawa. Sinusundan nito ang kanyang bawat galaw at tila natuwa rin ito ng makita ang kasiyahan sa kanyang mukha.

Magkasalikop ang mga braso nito at prenteng nakasandal sa pader sa hindi kalayuan at paharap sa kanyang direksyon. Hindi niya alam na kanina pa ito nag-eenjoy sa panonood sa kanya. Habang abala naman siya sa ginagawa.

Si Joaquin...

Kanina naisip nitong pumunta sa kusina dahil sa bahagyang pagkalam ng sikmura. Balak lang sana niyang uminom ng fresh milk sa ref upang kahit paano maibsan ang kanyang gutom.

Hindi kasi siya gaanong nakakain kanina habang si Mandy ang kasama niya. Totoong nag-enjoy siya sa company nito subalit hindi naman nakisama ang kanyang appetite sa pagkain.

Kahit pa nagrerebelde ang isip niya hindi naman naging dahilan iyon para mawala sa isip niya si Angela at VJ. Ang mga ito sana ang gusto niyang makasama sa buong maghapon. Subalit hindi siya pinagbigyan ng magandang pagkakataon.

Pabalik na sana siya matapos makainom ng gatas ng bigla siyang matigilan. Nakaamoy siya ng isang masarap na dessert.

Alam niyang nagmumula ang amoy sa kabilang bahagi ng dining. Kahit pa natatakpan ito ng devider mababanaag pa rin ang paggalaw ng sino man sa kabila nito. At kahit hindi pa niya alamin, sigurado siyang si Angela ang nasa kabila niyon.

Dahan-dahan siyang lumakad patungo rito at hindi nga siya nagkamali. Si Angela habang masaya at may kasiglahan na gumagawa ng dessert. Hindi na tuloy niya napigilan ang sarili na panoorin ito sa ginagawa.

Tila nasisiyahan siyang makita ang bawat paggalaw nito habang ginagawa ang mga bagay na iyon. Ngayon niya lang ito nakita na ganito kasaya.

Kaysarap nitong pagmasdan na tila sarili nito ang mundo. Tama ang kanyang Papa narito ang buhay ng dalaga.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pananabik na mayakap ito. Bakit ba bigla na lang niya itong na-miss?

Gusto niya itong yakapin at halikan... Kahit sandali lang gusto niya itong mayakap pero paano ba niya iyon gagawin? Tanong niya sa sarili.

Tila ba may nagtutulak sa kanya na mas lumapit pa sa dalaga at hindi na rin niya nagawang pigilan ang sarili na gawin iyon.

Kaya naman dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga mula sa likuran at walang kilatis na tila ingat na ingat na magambala niya ito. Gusto lang naman niya itong lapitan at kahit paano maramdaman niya ito.

Sobrang abala naman ito sa ginagawa kaya naman hindi siya nito napapansin. Hanggang sa makalapit siya sa likuran nito, wala pa ring kamalay-malay ang dalaga na naroon lang siya.

Nalalanghap na niya ang mabangong amoy ng ginagawa nitong Japanese cheese cake. Kaya para bang bigla siyang nag-craved sa ginagawa nitong cake. Habang patuloy lang ito sa ginagawa at hindi alintana ang paligid.

Umandar naman ang kalokohan sa isip ni Joaquin. Mas higit pa niyang inilapit ang sarili sa dalaga. Habang sa isip wala na siyang pakialam kahit malaman pa nito na naroon siya.

Dahil ang tanging nasa isip lang niya ng oras na iyon ay ang maramdaman at mahagkan kahit ang buhok man lang nito. Bigla na lang kasi niyang naramdaman ang pananabik sa dalaga.

Pagkatapos niyang magtiis sa bawat araw na sinikap talaga niyang dumistansya sa babae. Pero ngayon napatunayan niya na hindi pala niya kaya...

Mahal na mahal niya ang dalaga at hindi pala niya kayang tuluyang mapalayo at hindi maiparamdam dito ang pagmamahal na iyon. Tuluyang nang gumuho ang kanina lang ay paghihinampo niya at pagrerebelde sa dalaga. 

Ngayon wala nang makakapigil pa sa kanya na mahalin ito. Saglit siyang pumikit at dahan-dahan inilapit ang mukha sa likurang bahagi ng ulo ng dalaga.

Handa na sana niya itong hagkan sa buhok ng bigla na lang...

"Joaquin?!" Ang kanyang Papa.

Isang malakas at tila galit na tinig ang bigla na lang niyang narinig na tumawag sa kanyang pangalan.

Halos magkasabay pa silang napalingon ni Angela sa pinanggalingan ng boses nito.

"Papa" Gulat at tigagal niyang na-isatinig

Pagkabigla, pagtataka, galit at disappointment ang mababakas naman sa mukha ni Liandro.

Habang si Angela ay kalituhan at pagkabigla sa sitwasyon nila ngayon ang unang rumehistro sa mukha nito. Napabiling siyang bigla paharap sa binata.

Nagpalipat-lipat rin ang kanyang tingin sa mag-ama. Kung paano siya napunta sa sitwasyong iyon? Hindi niya alam... Ang tanging alam niya napakalapit ni Joaquin sa kanya ngayon. Parang naririnig na nga niya ang malakas na kabog ng dibdib nito.

Pero nang maisip niyang muli ang sitwasyon nila. Bigla na lang siyang kinabahan, nasa malapit lang din ang kanilang Papa at nakikita sila nito.

Dahil sa kalituhan huli na nang maisip niya na nasa likuran lang niya ang lamesa. Pero una pa rin niyang naisip ang ginawa niyang cake na maaaring masira at sa kagustuhan niya itong iwasan nawalan tuloy siya ng balanse.

Subalit bago pa siya tuluyang mabuwal, maagap na siyang nakabig ng binata. Siniguro rin nito na hindi siya babagsak.

Mahigpit siya nitong hawak sa kanyang baywang at alalay rin nito ang kanyang likod. Kaya halos nakayakap na ito sa kanya at gahibla na lang ang layo nila sa isa't-isa. 

Pakiramdam niya biglang huminto ang paligid. Dahil wala siyang ibang marinig kun'di ang malakas na pagtibok sa loob ng kanyang dibdib.

Bakit ngayon pa? Tanong ng kanyang isip... Bakit ngayon pa siya nakaramdam ng pananabik sa binata.

Gustong gusto niyang haplusin ang mukha nito at ipadama dito ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

Subalit hindi pwede...

Hindi niya maaaring aminin dito ang tunay niyang nararamdaman lalo na sa harap ng kanilang Papa. Hindi pwede!

Labis mang nasasaktan ang kanyang kalooban, nagawa naman niyang pigilan ang sarili sa gusto nitong gawin.

Subalit hindi ang mga luhang nag-unahan na sa pagpatak mula sa kanyang mga mata.

*****

By: LadyGem25

 

Hi❤️

Medyo nakakaistress po ang paglipas ng bawat araw ngayon. Dahil sa mga nangyayari ating paligid.

Pero sinisikap ko pa rin na makapagsulat medyo natatagalan lang po ang pag-updated.

Kaya sana na-enjoyed nin'yo pa rin ang pagbasa. Salamat ulit sa suporta!

KEEP SAFE EVERYONE AND GOD BLESS ? PO SA ATING LAHAT! ❤️

SALAMUCH ❤️

LadyGem25creators' thoughts
Siguiente capítulo