webnovel

C-89: THE ACT OF VENGEANCE

Kanina pa namimitig ang mga binti niya sa pagkakatayo.

Hindi rin siya mapakali, habang tumatagal kasi napupuno rin siya ng tensyon.

Ngunit handa niyang tiisin ang lahat, maisakatuparan lang niya ang binabalak.

Narito na siya ngayon kaya't wala nang atrasan ito! Hindi dapat na masira ang kanyang plano.

Hindi p'wede, kahit pa sa kabila ng presensya ng lalaking estranghero. Hindi naman siguro siya makikilala ng hinayupak na ito. Bulong pa niya sa sarili.

Dahil bukod sa pandong na gamit niya suot din niya ang isang malaking sobrero na yari sa buli. Kagaya rin nang suot ng iba pang naroon.

Kung bakit kailangan pa niyang magkunwaring nakikinig upang mas maging kapani-paniwala na isa s'ya sa trabahador.

Napansin din niyang nakatingin sa kanya ang Gavin na iyon. Kaya't hindi siya maaaring magpahalata. Dahil masisira talaga ang plano niya. Alam rin niyang hindi siya sasantuhin ng mga tauhan ni Anselmo.

Baka mauna pa siyang ilabas ng bangkay dito. Yun ang hindi niya hahayaang mangyari.

Kung sakali mang mamamatay siya rito sisiguraduhin niyang mauuna muna si Anselmo!

Ngayon rin niya napatunayan na talagang ganid ang walanghiya. Kanina pa ito nagsasalita pero puro lang pabor at para lang sa kabutihan nito ang mga sinasabi.

Hindi man lang binigyan ang mga tao na makapagsalita at maghain ng reklamo. Gayung maraming mga hinaing ang mga trabahador.

Buwisit talaga ang sama ng ugali niya dapat na talagang wakasan ang kasamaan niya! Ito ang labis na isinisigaw ng isip niya ng mga sandaling iyon.

Hanggang sa.....

"Nagkakaintindihan na ba tayong lahat, mayroon pa ba kayong mga tanong?"

Sa wakas mukhang may oras na itong makinig bulong ng isip niya. Ngunit dumaan ang ilang saglit na walang ibig magsalita.

Tila takot ang bawat isa na magkamali ng sasabihin. Kaya't tila nagpapakiramdaman lang...

Kaya't inihanda na niya ang sarili saglit na kinapa ang dalang punyal na inihanda na niya sa bulsa ng kanyang suot na Jacket.

Pilit niyang iwinawaksi ang kaba sa kanyang dibdib habang lumalakad papunta sa unahan ng mga trabahador. Kung saan malapit at abot tanaw na niya si Anselmo.

Malaki na rin ang ipinagbago ng itsura nito kumpara noong makita niya. Sabagay matagal na panahon na rin naman ang lumipas.

Magmula ng umalis sila ng Sta. Barbara at magpalipat lipat ng tirahan.

Huli niya itong nakita ng mamamatay ang kanyang Papang. Hinding-hindi niya ito makakalimutan, kahit pa saglit lang niya itong nakita noon.

Dahil hindi niya malilimutan na ito ang dahilan ng kamatayan ng kanyang Papang. Ito ang may gawa sa napaka-miserableng kalagayan ng kanyang Papang noon.

Unti-unti namulat sa kanyang alaala ang itsura noon ng kanyang Papang. Ang duguan nitong mukha at puro pasa. Ang nanginginig nitong mga kamay na halos hindi nito maigalaw at ang katawan nito na lugmok na sa lupa.

Dahil hindi na nito magawa pang makabangon. Dahil sa alaalang iyon lalong nag-umigting ang galit sa kanyang dibdib.

Bigla siyang nabuhayan ng loob at muling inihanda ang sarili sa pag-atake palapit kay Anselmo...

Ngayon na, mamamatay ka rin sa aking mga kamay Anselmo! Bulong niya sa kanyang isip kasabay ng kanyang pagsugod.

Subalit.....

"Walanghiya ka Anselmo, hayup ka papatayiiin kitaaa!!"

Bigla siyang natigilan at napatda sa nakikita, tila may nauna sa kanya...

Isang galit na galit na trabahador ang bigla na lang sumugod palapit kay Anselmo. Habang hawak nito sa isang kamay ang isang itak.

Biglang nagflashback na naman sa kanyang balintataw ang isang pangyayari noon. Ganitong ganito rin ang eksenang nakikita niya sa isip na nangyari na rin noon.

Sinabihan siya noon ng kanyang Mamang na umalis tumakbo palabas ng Hacienda at isama niya si Amara.

Ngunit dahil hirap siya noon na kalungin si Amara kaya naantala ang kanilang pag-alis.

Kaya't tamang nasulyapan pa niya ang aktong tinangka rin ng kanyang Lolo Damian na tagain si Anselmo.

Ngunit hindi rin ito nagtagumpay tulad din ngayon ng ginawa nila sa trabahador. Dahil tulad ng kanyang Lolo sinalo nito ang mga bala ng baril ng mga tauhan ni Anselmo.

Tinangka pa nga niya noong lapitan ang kanyang Lolo subalit may isang batang humarang sa kanya. Isang matangkad na bata na matanda lang sa kanya ng ilang taon.

Pinilit siya nitong ilayo, ito rin ang tumulong sa kanila na makalabas ng Hacienda.

Pinasan pa nito sa likod si Amara para lang mas mapabilis ang kanilang pagtakbo, palabas ng Hacienda. Alam niya sa isip na kilala niya ang batang iyon pero hindi niya ito maalala.

Dahil sa sunod sunod na putok muling nagising ang kanyang diwa. Naging napakabilis ng mga pangyayari duguan na ang matandang lalaking trabahador ng bumagsak sa lupa. Tulad rin ng nangyari sa kanyang Lolo noon.

"Nakita n'yo naman hindi ba wala akong kasalanan. Dahil ipinagtanggol lang ako ng mga tao ko. Kaawa-awang nilalang hindi niya alam ang kanyang ginawa! Tsk, tsk, tsk. Sinayang niya ang kanyang buhay!" Saad nito habang iniikutan ang isang nag-aagaw buhay na trabahador.

"Pedring Asawaaa koo!" Palahaw ng asawa nito.

"Tulungan n'yo kami... Tay!"

"Hayup ka Anselmo wala kang kasiiing samaaa!" Sigaw ng isa pang kaanak at nilapitan si Anselmo. Ngunit agad din itong nabigwasan ng tao ni Anselmo at deretsong napasubsob sa lupa.

Nakaalerto ang lahat ng tauhan ni Anselmo 'yun ang naobserbahan niya. Ngunit hindi 'yun naging dahilan para siya mapaurong.

Dahil lalo lang siyang nanggigil ngayon, hindi na siya p'wedeng umatras at kailangan niyang magtagumpay.

Kahit pa maging kapalit ng sarili niyang buhay. Para matapos na ang kasamaan nito at hindi siya maaaring mabigo.

Kailangang mapatay niya si Anselmo sa mabilis na paraan at isa lang ang alam niyang paraan.

Kailangang tamaan niya ito sa parteng agad itong mamamatay. Gusto sana niyang sirain ang buong mukha nito, gaya ng ginawa nito sa kanyang ama.

Ngunit sa mga oras na iyon ang kamatayan lang nito ay sapat na, para sa kanilang lahat.

Ito na ang kanyang pagkakataon, mahigpit niyang hinawakan ang punyal. Saglit na ikinubli pa niya ito sa suot niyang Jacket.

Pilit siyang sumingit sa nagkakagulong trabahador. Dahil nakatuon ang lahat sa nangyari kaya sinamantala niya ang pagkakataon.

Upang makalapit pa ng husto kay Anselmo, nang sa tingin niya ay isang hakbang na lang.....

Tamang-tama naman na nakatalikod ito sa kanyang direksyon.

Eksaktong itinaas na niya ang kanyang kamay, hawak ang punyal at handa na sana niyang itarak sa.....

Nang bigla na lang niyang maramdaman na may pumalipit sa kanyang kamay. Dahil sa sakit kaya't agad niya itong nabitiwan.

Isa sa tauhan ni Anselmo ang humarang sa kanya at pumigil sa kanyang kamay. Pinilipit nito ang kanyang kamay para mabitiwan niya ang hawak na punyal.

Gulat siyang napatitig dito, hindi niya ito napaghandaan kung kaya't saglit siyang natigilan at hindi alam ang gagawin.

Bigla siyang nalito, lalo na nang bigla na lang sumulpot si Gavin sa kanyang harapan at walang salita siya nitong sinampal.

Pagkabigla ang unang rumehistro sa kanyang mukha at bahagya na lang niyang naramdaman ang sakit

Sobrang bilis ng pangyayari, dahil hinila siya nito palayo sa kasama. Naramdaman na lang niya na pumulupot ang braso nito sa kanyang leeg kaya't hindi siya makagalaw.

Magsasalita sana siya ng bigla na lang sakupin ng kamay nito ang kanyang bibig. Tinangka niyang magpumiglas ngunit hindi niya magawa.

Kakagatin niya sana ang kamay nito, ngunit pakiramdam niya tila humihigpit ang hawak nito sa kanyang bibig.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng may malanghap na kakaibang amoy ang kanyang ilong na unti-unting umagaw sa kanyang kamalayan.

Unti-unti siyang nakaramdam ng pagkaliyo. Bago pa siya tuluyang nawalan ng malay, naulinigan pa niya ang pag-uusap ng mga ito.

"Sasaksakin niya si Amo, buti na lang nahuli ko siya!"

"Alam ko naunahan mo lang ako kanina ko pa siya tinitingnan at tama pala ang hinala ko sa kanya kanina pa! Marahil kamag-anak rin siya ng trabahador kaya gusto rin niyang patayin si Amo!"

"Huh' bakit parang nawalan siya ng malay?"

"Hindi ko alam napalakas yata ang sampal ko? Pero mabuti nga 'yun, para maialis natin siya agad dito."

"Ha' hindi ba dapat ipaalam natin sa kanila?"

"H'wag na, akong bahala basta sumunod ka na lang sa'kin, halika na habang nagkakagulo pa sila...."

"Pero....?" Saglit lang itong nag-isip ngunit sa huli sumunod din naman ito kay Gavin.

Nailayo nila si Amanda ng hindi man lang nakahalata ang iba.

"Sandali saan ba talaga natin siya dadalhin?"

"Sa tabing ilog halika na, bago pa siya magkamalay!"

"Ha' pero bakit doon?" Takang tanong pa nito.

"Simple lang, hindi ka ba nagagandahan sa kanya, tingnan mo ang ganda niya hindi ba?"

Inalis na nito nang tuluyan ang pandong na tumatakip sa mukha ni Amanda.

"Napaka-ganda nga pala ng babaing iyan! Pero paanong....?"

"Sabi ko naman sa'yo eh' alam mo bang kanina ko pa siya pinagmamasdan. Noong isang araw ko pa siya nakita at saka sinundan ko pa nga siya. Pero ngayon ko lang nalaman na dito rin pala siya nagtatrabaho. Siguro dahil laging nakatakip ang mukha ng trabahador dito. Kaya hindi lang natin siya napapansin dito."

"Tama ka, ang ganda ganda talaga niya!" Hindi maalis ang tingin nito kay Amanda.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Sinabayan pa nito ng ngisi ang pagsasalita. "Balak ko talaga siyang puntahan ulit pero hindi na pala kailangan. Dahil siya na mismo ang kusang lumapit sa atin. Palalagpasin pa ba natin ang swerteng ito?" Sinundan pa nito ng malakas halakhak ang tanong na iyon sa kasamang mukhang sabik rin sa babae.

Napangisi itong bigla sa tanong na iyon ni Gavin. Tila nasakyan nito agad ang ibig ipahiwatig ng binata.

Habang walang kamalay-malay si Amanda sa masamang plano ng mga ito sa kanya. Dahil sa sandaling iyon, tuluyan na itong nawalan ng malay.

"Nakakahiya mang aminin pero alam mo bang matagal na akong hindi nakakatikim ng babae, mag-iisang buwan na!"

Sinabayan pa nito ng pagtawa na ikinatawa rin ng kasama. Kung tutuusin sa porma at itsura nito. Hindi nito kailangang mamwersa ng babae.

Dahil sa kabila ng kulay tsokolate nitong balat. Mababakas pa rin ang taglay nitong kakisigan. Pero makikita nga ba sa porma, kulay at itsura ng isang tao ang tunay na pagkatao nito?

"Alam mo naman ang trabaho natin kay Amo. Naisip ko, sayang naman kung basta na lang siya mamamatay tulad ni Mang Pedring hindi ba? Gayung p'wede namang pakinabangan muna natin siya bago natin patayin. Gusto ko na siya noong una ko pa lang siyang makita...." Dugtong pa nito.

Binasa pa nito ang labi gamit ang sariling nitong dila. Kasabay ng nakakalokong pagngisi.

Na lalo namang ikinahalakhak ng kasama nito. Ito pa naman ang kahinaan ng lalaking kasama nito.

Mahilig ito sa babae at alam rin niya na madalas na kumukuha ito ng babae at dinadala sa loob ng kanilang Barracks at doon ito pinagsasamantalahan.

Hindi lang siya nakakasama sa mga ito. Dahil gusto ni Anselmo na palagi siya nitong kasama. Pero alam lahat ni Gavin ang lahat ng nangyayari sa kanilang Barracks.

Dahil isa si Gavin sa matinik at pinagkakatiwalaang tauhan ni Anselmo.

_____

Samantala sa Barrio ng mga sandaling iyon.....

Kanina pa palakad-lakad si Nicanor sa loob ng kanilang bahay at hindi mapakali.

Mabuti na lang wala ang asawa nitong si Salvacion. Kung hindi marahil ay natataranta na ito sa ginagawa niya.

Sobrang nag-aalala na kasi ito kay Amanda. Halos papadilim na kasi at hindi pa bumabalik ang dalaga mula pa kanina ng umalis ito ng bahay.

Alam ni Nicanor na may binabalak ang dalaga kahit hindi pa nito sabihin at nag-aalala siya sa bagay na iyon. Hindi niya gusto ang nakikita niyang galit sa mga mata nito.

Kahit ano pang paalala nila rito kanina ay hindi sila nito pinakinggan. Nagpatuloy pa rin ito sa pag-alis.

Punong puno ito ng galit at hinagpis. Dahil sa nalaman nito ang pagkamatay ng ina. Marahil iyon ang nagtutulak dito upang paghigantihan si Anselmo.

Hindi niya alam kung tama ba na sa kanya bibig manggaling? Ang pagsasabi ng isang lihim na matagal na itinago ng pamilya nito. Upang mabatid ng dalaga ang isang katotohanan na dapat na rin at karapatan din nitong malaman.

Dahil sa kanyang palagay hindi pa nagkaroon ng maayos na pag-uusap ang magkapatid.

Kung nawalan nga ito ng alaala sa mahabang panahon. Marahil iyon din ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ni Amara ng hindi pagkakaunawaan.

Ngunit hindi ako sigurado kung magagawa bang sabihin ni Amara sa kapatid niya ang tungkol sa katotohanang iyon.

Kanina ay gustong gusto na niyang sabihin dito ang totoo. Pero natitigilan siya dahil ayaw na muna niyang madagdagan pa ang sakit at hinagpis nito.

Ngunit sa pagbabalik nito kung iyon na lang ang tanging paraan para matigil na ito sa ginagawa na maaaring ikapahamak nito. Handa na siyang sabihin dito ang katotohanang iyon.

Ilang sandali pa ang lumipas.....

"Mang Kanor, Mang Kanor! Alam n'yo na po ba?" Sigaw ng isa sa kanilang kapitbahay na lalaki.

"Oh' Lito ikaw pala pumarine ka nga, bakit ka sumisigaw riyan?" Pasigaw na tanong rin niya dito.

"Alam n'yo na po ba ang nangyari kay Mang Pedring?"

"Ha' bakit anong nangyari kay pareng Pedring?"

"Wala na ho siya, patay na ho si Mang Pedring hindi na po siya umabot sa Ospital."

"Ha' bakit paanong, a-anong nangyari?" Bigla siyang napalapit dito at muling nag-usisa.

"Ang sabi nila nabaril po siya ng mga tauhan ni Anselmo. Dahil sa tinangka nitong patayin si Anselmo."

"A-ano ang walanghiya iyon isang buhay na naman ang nawala. Dahil sa hayup na iyon!"

"Nagkakagulo nga po ngayon sa Hacienda. Ang sino mang may masamang balak may katapat na parusa." Dagdag pa nito.

"A-ano pa may iba ka pa bang alam na nangyari bukod doon?"

Nang bigla nitong maisip ang kalagayan ni Amanda. Hindi naman nito magawang itanong dito si Amanda. Dahil hanggang ngayon lihim pa rin sa lahat ang pagbabalik sa Barrio ng dalaga.

"Ho' ah' yung anak ni Mang Pedring nasa Ospital din. Dahil binugbog siya ng mga tao ni Anselmo dahil ipinagtanggol niya ang kanyang Ama. May ilang mga trabahador din daw ang nasaktan. Pero nasa Ospital na rin sila ngayon. Ang iba naman ay wala na ring nagawa."

"Darating ang araw na magbabayad rin siya sa lahat ng kanyang kawalanghiyaan!" Pigil ang galit na wika nito.

"Kailan pa kaya mangyayari 'yun Mang Kanor? Matagal na tayong nagtitiis sa kawalanghiyaan niya! Palibhasa alam niyang halos ang lahat ng tagarito ay umaasa sa kita sa Hacienda. Kung meron nga lang kaming malilipatang iba matagal na kaming umalis dito."

"Konting tiis pa pasasaan ba at may katapusan din ang lahat. Magbabayad rin ang taong iyon sa lahat ng mga ginawa niya!"

"Sana nga Mang Kanor. Mabuti pa noong buhay pa si Darius, kahit paano marami siyang natutulungan dito. Pinalalakas niya ang loob ng lahat, siya lang kasi ang malakas ang loob at hindi nagpatinag kay Anselmo. Kahit pa naging kapalit din ng buhay niya ang lahat. Subalit namatay siya ng hindi kailan man yumuko kay Anselmo. Bilib rin naman ako sa taong iyon! Pero nasaan na kaya ngayon ang kanyang mga anak, buhay pa kaya sila?"

"Siguro?" Tipid nitong sagot.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang isa niyang Anak ay tunay pa lang Anak ni Anselmo. Hindi man lang siya nakitaan ng kahit konting pag-aalinlangan. Nagawa niyang alagaan at mahalin ang anak ng kanyang kaaway."

"Tunay na anak niya si Amanda dahil sa kanya ito lumaki. Dahil ganu'n ang pagmamahal ng isang magulang. Hindi naman dapat nasusukat lang sa dugo o sa kahit ano pa man. Dapat kung paano at hanggang saan ang kakayahan nating magmahal. Dahil ganu'n din ang pagmamahal sa atin ng ating Ama sa langit. Hindi niya kailanman sinusukat o inuuri ang sino man sa atin. Minamahal niya tayo ng buo kahit pa tayo ay makasalanan."

"Tama po kayo Mang Kanor!"

"Mabuti pa samahan mo ako malapit sa Hacienda. Subukan nating makibalita pa ng mga nangyari doon. Baka p'wedeng makausap natin ang mga trabahador sa Hacienda."

"Sige po tayo na!"

Mabuti na lang nasa bahay na nang isa nilang Anak ang asawa niyang si Salvacion. Sinundo ito ng isa nilang Anak na nakatira sa kabilang Bayan kanina pa nang umalis si Amanda.

Kaya't malayang nakaalis si Kanor kasama si Lito. Hindi niya masabi dito ngunit balak niyang hanapin si Amanda. Kailangan na niya itong makita bago pa dumilim.

"Ano ba kasi ang nangyari sa batang iyon?" Bulong pa niya sa sarili na tila bahagya pa yatang napalakas.

"Ano po Mang Kanor may sinasabi po ba kayo?" Tanong tuloy ni Lito.

"Ha' ah' w-wala!"

"Ah' akala ko po may sinasabi kayo?"

"Mabuti pa halika na!" Sumakay na ito sa Jeep na dala ni Lito at tuloy tuloy na silang umalis.

_____

"Narito na tayo, okay na siguro dito, wala nang makakakita at makakarinig sa atin dito. Kahit ano pang gawin natin sa babaing 'yan!"

"Bakit kasi hindi na lang natin siya sa Barracks dinala mas safe pa tayo dun?" Mungkahi pa nito.

"Mas safe nga pero marami naman tayong kaagaw. Mas gusto mo ba ang ganu'n? Yung dadaan muna sa kanilang lahat bago sa'yo o pinagsawaan na nila pagdating sa'yo? Mahilig ka yata sa tira tira eh'?"

"Sabagay tama ka nga d'yan, lalo na kung ganito kaganda sa tingin ko parang hindi mo na gustong ipamigay sa iba. Kaya sa'yo ko eh' sa palagay ko magkakasundo tayo nito!hehehe." Tuwang tuwa wika pa nito.

"HAHAHAHa sa palagay ko nga, gusto mo ikaw na mauna? Okay lang naman kung ikaw lang dahil kung hindi naman dahil sa'yo hindi ko rin s'ya makukuha."

"Talaga, sigurado ka?"

"Oo naman, tutal magdidilim na bilisan na natin. Ako muna ang magbabantay, basta bilisan mo lang ha' nasasabik na rin ako sa kanya. Galingan mo na rin ha' para masiyahan naman ako sa panonood."

"HAHAHAHa... Ako pa, manood ka ipakikita ko sa'yo kung gaano ako kagaling!" Pagmamalaki pa nito sa sarili habang nakangisi.

Sinimulan na nitong lapitan si Amanda na nakahiga at nakasandal sa isang malaking puno na malapit lang sa ilog.

Ngunit hindi sila mapapansin sa gawing iyon kung hindi rin lang sila sasadyain. Malayo kasi ito sa daanan ng tao papuntang ilog.

Lalo ngayong papadilim na...

Dahil sa mga anasang naulinigan ni Amanda, unti-unti na itong nagkakamalay.

Nararamdaman niya na parang may humahaplos sa kanyang binti, naging hudyat iyon para lalong magising ang kanyang diwa.

At para magulat ng husto sa unang nabungaran ng paningin...

"Huh' sino ka, a-anong ginagawa mo?" Awtomatikong napaurong siya at biglang nagsumiksik sa malaking puno.

Parang bumabalik lang ang nakaraan, pahapyaw na muling sumagi sa isip niya ang nangyari noon...

More than 5 years ago!

Hindi!

"H'wag kang lalapit, walanghiya ka anong gagawin mo sa'kin?"

Mabilis namang na-recall ng kanyang utak kung sino ang kaharap. Ito 'yung lalaking humarang sa kanya kanina at pumilipit sa kanyang kamay.

Kaya't nabigo siya sa kanyang plano. Ang walanghiya, ngayon narito ito at gusto siyang halayin.

Hanggang sa nahagip ng kanyang paningin ang isang taong hindi niya inasahan na wala rin pa lang kasing sama. Ang hayup, sa oras na makatakas ako dito humanda kayong lahat sa'kin!

Nakangisi pa ito habang nakatingin sa kanya at hawak nito ang isang de kalibreng baril.

"Hayup ka, mga walanghiya kayo anong gagawin n'yo sa'kin? H'wag kayong lalapit."

Ngunit tila mga bingi ito at walang narinig. Dahil sabay na tumawa lang ang mga ito.

"Gusto mo bang masaktan pa, h'wag kang mag-alala Miss mag-iinjoy kang tiyak sa'kin. Kaya halika na gwapo naman ako hindi ba? HAHAHAHa"

Tila bumibingi na sa kanyang pandinig ang bawat malakas na pagtawa ng mga ito. Kaya't lalong nagpapabangon ng kaba sa kanyang dibdib at hindi siya makapag-isip.

"Maawa kayo sa'kin h'wag kang lalapit!" Nanginginig na naman ang kanyang kalamnan.

"H'wag ka na kasing pumalag pagbigyan mo na si pogi. Kanina pa kasi kami nasasabik sa'yo! H'wag kang mag-alala hindi ka namin sasaktan, mababait kaya kami...." Napalingon siya kay Gavin na papalapit na rin sa kanila.

"Tama!" Sagot pa ng lalaking nasa harap niya at muli pa itong tumawa na sinabayan rin ng tawa ni Gavin...

Hanggang sa hindi na yata nakatiis ang lalaking nasa kanyang harapan.

Bigla na lang siya nitong hinatak sa dalawang paa. Kasunod nito ang pagyakap sa kanya at walang pakundangan siyang sinibasib ng halik.

Wala siyang nagawa kun'di malakas na napatili.....

"Hwaaag aaahhhh!"

_______

"Mang Kanor wala na ho pa lang mga trabahador sa Hacienda. Nagsiuwi na daw ang lahat. Kung gusto n'yo doon na lang tayo pumunta kila Mang Ador doon na lang ho tayo makibalita."

"Hindi na siguro, gabi na rin baka nagpapahinga na sila. Mabuti pa ihatid mo na lang ako sa may ilog. May titingnan lang ako doon, iwanan mo na ako doon at maglalakad na lang ako pauwi." Wika ni Nicanor.

Ang totoo gusto niya lang magbakasakali na baka dito ulit nagpunta si Amanda.

Nitong huli kasi madalas na dito niya inaabutang tumatambay ang dalaga. Matapos na ito ay magmanman sa paligid ng Hacienda.

Ilang sandali lang naman ang lumipas nasa ilog na sila...

"Sigurado po ba kayo na magpapaiwan na kayo dito? P'wede ko naman ho kayong samahan."

"Naku h'wag na at baka hinahanap ka na sa inyo. H'wag kang mag-alala kabisado ko naman ang lugar na ito."

"Eh' sige po basta mag-ingat na lang po kayo at umuwi rin agad kasi papadilim na!"

"Oo sige na, salamat ha'!"

Nasa ganoon silang akto ng bigla na lang silang makarinig ng malakas na pagtili ng isang babae at tila nasa malapit lang...

"Hwaaag aaahhhh!"

Kasunod nito ang malakas na pagputok ng baril....

"BAANNGG!"

Bigla ang pagbangon ng matinding kaba sa dibdib ni Nicanor. Hindi siya maaaring magkamali parang boses iyon ni Amanda.

"A-Amanda!"

"Mang Kanor, sandali ho saan kayo pupunta? Mang Nicanor!"

Gulat at bigla itong napasunod na lang kay Nicanor papunta sa lugar na pinanggalingan ng narinig nilang putok at tili ng isang babae.

Kung gaano kabilis ang lakad ni Nicanor? Ganu'n din kabilis ang naging paglakad nito.

******

By: LadyGem25

Hello Buddies,

Kumusta kayo? Again, sana muli n'yong nagustuhan ang bago nating update.

Dahil ginanahang magsulat ang Lola n'yo kaya napabilis ng konti ang update. Konti lang... HAHAHAHa.

Dahil napansin ko na masipag din kayong magvotes.

Sana all! HAHAHAHa

Muli nagpapasalamat ako sa inyong suporta sa ating story.

And again, again....

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS! PLEASE...

KEEP SAFE EVERYONE AND GOD BLESS PO SA ATING LAHAT...

KEEP IN TOUCH!!

MG'25 (01-09-21)

LadyGem25creators' thoughts
Siguiente capítulo