webnovel

C-51: THE KISS

Halos sabay silang napalingon at gulat na nagtanong ng marinig ang sinabi ni VJ.

"What?"

"Ano?"

Subalit matunog na pagtawa lang ang naging tugon nito. Habang nakatakip pa ng kamay ang bibig at humahagigik ng tawa. Tila ba tuwang-tuwa ito at nakakahawa ang kasiyahan nito ng umagang iyon.

Parang nagdadalawang isip pa tuloy s'ya kung ito ay pagagalitan nakakatuwa ang kasiyahan nito ngayon.

"Hmmm, you're bad! Bakit ka ba tawa ng tawa, anak?"

"Masaya lang ang anak natin sweetheart, hayaan mo na!" Bigla s'yang napabaling dito ng tingin.

Hindi sa pagsaway nito s'ya nagulat kun'di sa endearment na tinawag nito sa kanya. To think na sa harap pa mismo ni VJ. Ano 'yun feeling safe lang dahil sila lang ang narito sa bahay?

"Anong sabi mo?" Hindi niya natiis na itanong.

"Ang sabi ko masaya lang ang ating anak." Sagot nito na nangingiti at sinabayan pa ng pagkindat kay VJ na lalo naman bumungisngis ng tawa. Yumakap pa ito sa hita ng ama at ginulo naman nito ang buhok ng anak.

Napangiti na lang s'ya sa ginawa ng mag-ama at hindi na nangulit pa...

Kay sarap sa pakiramdam na pagmasdan ang mag-ama niya sa ganitong pagkakataon.

Jeez! Mag-ama niya, tama nga bang sabihin niya iyon? Pero aminin man n'ya o hindi napupuno ng tuwa ang puso niya ng mga sandaling iyon.

"Mukhang nagkakasundo na kayo sa kalokohan ah?"

Nagtinginan pa ang mag-ama bago muling nagsalita. Bagay na ikinagulat niya mukhang nagkakasundo na nga ang dalawang ito ah? Pagkumpirma ng kanyang isip.

"Mama, galit ka ba sa'kin kasi bad ako?"

"Hindi anak, nagtataka lang ako kasi ang saya-saya mo ngayon at saka... Bakit ka nga ba tawa ng tawa?"

"Wala po Mama, natutuwa lang po ako kay Daddy. Kasi gusto ka niya ulit i-kiss pero nahuli ko s'ya!" Muli itong humagikgik ng tawa pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang iyon.

Tila ba sa isip ng bata isa lamang itong nakakatuwang pangyayari na walang dapat ipag-alala. And it's not a big deal, that can be a cause of a big problems to us...

But how did a little boy knows about it, after all? Ang sarap sigurong maging bata na lang...

"Hmmmp!" Napaungol na lang s'ya bilang tugon dito, kasunod nito...

Napukol niya ng tingin si Joaquin na nagsasabing 'nakita mo na?'

Bigla namang napataas ang kilay ng binata sa narinig na sinabi ng anak. Subalit nananatili pa ring tikom ang bibig nito. 

"Mama, sabi kasi ni Daddy ni-kiss ka n'ya kagabi. Tapos napagalitan s'ya ni Lolo kaya siya sad. Kaya n'ya inaway 'yun pader, kaya nasugatan tuloy ang kamay n'ya!"

"Anak h'wag masyado madaldal ha, bad 'yun!" Napapahiyang salo naman ng binata. Sabay akbay sa anak at muling ginulo ang buhok nito.

Napatingin naman si Angela sa kamay ni Joaquin na may sugat. Pagtaas n'ya ng kanyang mukha nasalubong niya ang tingin nito. Pero nauna naman ang binatang umiwas ng tingin. Agad naman siyang nakaunawa sa sitwasyon.

Hindi nila namalayan na kanina pa palipat-lipat ang tingin ni VJ sa kanilang dalawa... Tila ba pinag-aaralan nito ang mga kilos nila.

"Mama, h'wag ka na kasi magalit kay Daddy kaya ka lang naman niya ni-kiss kasi love ka daw n'ya!"

"Huh! Kung ano-anong sinasabi mo sa bata?" Tiningnan n'ya ang binata ng matalim.

Napakamot na lang sa batok si Joaquin na sinabayan ng ngiting alanganin. 

"Mama, hindi ko naman po s'ya isusumbong kay Lolo eh' secret lang natin 'yun!" Nakangiti pa nitong saad.

"Anong secret, alam mo bang bad ang mag-lie?" Dumako ulit ang tingin niya kay Joaquin na tila naka-plaster na yata ang ngiti. "Nakita mo na kung ano ang naituturo mo sa anak mo?"

"Mama, alam ko po na bad ang mag-lie. Pero hindi naman po bad ang love di ba?"

Hindi s'ya nakaimik sa sinabi nito. Pagpukol niya ulit ng tingin kay Joaquin nakangisi na ito habang taas, baba ang kilay.

Gusto mang umusok ng ilong niya sa inis wala naman s'yang masabi dito.

"Tama anak hindi bad ang love, pero bad pa rin ang mag-lie ka okay?"

"Opo Daddy, sorry po Mama! Pero hindi ko rin naman sinumbong si Mama kay Tito Joseph eh' kaya hindi rin kita isusumbong Daddy. Ayoko kasing magalit sila sa inyo ni Mama!"

"Ha! Sandali bakit mo naman ako isusumbong sa Tito Joseph mo, may nagawa ba akong mali?"

Ngumiti muna ito bago nagsalita.

"Mama, alam ko po na love mo si Tito Joseph. Pero mas love mo pa rin si Daddy ko. Kasi lagi mong kini-kiss ang picture ni Papa. Pero hindi ka naman nagki-kiss kay Tito Joseph. Mama, diba sabi mo kapag nag-kiss ka love mo rin?"

"Hah?" Biglang naumid ang kanyang dila dahil sa sinabi nito.

Kulang na lang hilingin niya na lumubog na lang sa kinatatayuan ng mga oras na iyon.

Her pinkish face turn to red, like to swallow a hot pepper. She didn't know how to escape on it? And she never know what she can do next...

Until she heard Joaquin's laugh out loud in front of her. What a funny face of love capturing her heart at the moment. But she didn't mention it as happiness. Except the feelings of heart indeed.

Hindi na nito napigilan ang pagtawa ng malakas. Dahil sa pagkumpirma ng anak sa tunay na nilalaman ng kanyang puso.

"Anak, parang ang sarap ng ice cream. Halika, kain tayo ng ice cream. Tapos kwentuhan mo ako ulit ha?" Baling nito sa anak at pilit kinalma ang sarili sa hindi mapigil na tuwa.

"Hindi natin isasama si Mama, Daddy?" Inosenteng tanong nito.

"Itanong mo sa Mama mo kung gusto n'ya ng ice cream."

"Ayoko ng ice cream at saka hindi mo pwedeng isama si VJ. Pupunta nga pala kami sa farm ngayon, baka hinihintay na tayo ng Lolo mo anong oras na ba?"

Sunod-sunod at nalilito niyang saad ng makabawi at naisip ang pagpunta nila sa farm. Saglit na kinalimutan muna niya ang nangyari sa kanila ilang minuto lang ang nakalipas.

Dahil siguradong naghihintay na si Liandro at sigurado ring magtataka ito kapag hindi sila nakarating doon ngayon.

"Halika na anak paliliguan na kita!" Hahawakan na sana niya ang kamay nito ngunit inunahan s'ya ni Joaquin.

"Ako na, ako na lang ang bahalang magpaligo kay VJ. Para makapag-ayos ka na rin ng sarili mo at ako na rin ang maghahatid sa inyo sa farm. Anak mamaya na lang tayo kumain ng ice cream ha! Pagkagaling n'yo sa farm, okay?"

"Opo Daddy, pero p'wede bang sumama ka na lang po sa amin sa farm? Sige na Daddy!" Hinawakan pa nito ang kamay ng ama at pilit kinukumbinsi.

Tumingin naman ito sa kanya na tila sa kanya makakakuha ng sagot. Tinanguan na lang n'ya ito bilang pagsang-ayon.

"Okay, basta promise mo h'wag mo akong isusumbong kay Lolo ha? At ipagtatanggol mo ako!"

"Promise po Daddy, basta ikaw din ang bahala kay Mama?" Humagikgik pa ito pagkasabi niyon.

"Promise ako bahala kay Mama mo!" Itinaas pa nito ang kamay na tila nanunumpa. Kumindat pa ito pagtingin sa kanya.

Bigla na naman tuloy nag-init ang kanyang mukha at bago pa ito muling mamula. Bigla na s'yang tumalikod at nagpaalam.

"Sige na, mauuna na akong maligo!" Subalit bago pa s'ya tuluyang makaalis...

"Anak sabihin mo sa Mama mo I love you!" Malakas nitong saad na sadyang ipinarinig sa kanya.

"Mama I love you daw, sabi ni Papa!"

"Heeeh... Tumigil nga kayo d'yan!" Saad niya at mabilis ng pumasok sa kwarto at isinara ang pinto.

Subalit saglit na nanatili pa rin s'yang nakasandal sa nakapinid na pinto. Kaya dinig na dinig pa n'ya ang matunog at masayang tawanan ng kanyang mag-ama.

Hindi na n'ya kokotrahin pa ang nais ibulong ng kanyang puso. Dahil talaga namang iyon ang pakiramdam n'ya sa kanyang mag-ama. Ang kanyang mag-ama ang buhay niya simula ngayon.

Magmula ngayon susubukan niyang magtiwala. Bahala na ang tadhana kung talagang sila ang para sa isa't-isa.

Makalipas lang ang sampung minuto tapos na s'yang maligo. Pinaka-mabilis na pagligo na kanyang ginawa.

Ngunit paglabas niya ng banyo nakita na niya ang mag-ama na nasa loob na ng kanilang kwarto. Naunahan pa s'ya ng mga ito at mukhang inaayos na lang ni Joaquin ang buhok ni VJ.

Saglit naman s'yang nalito ng maisip ang itsura niya. Hindi niya malaman kung uurong pa ba s'ya o susulong?

Unang naisip n'ya ang tumalikod subalit bago pa n'ya ito nagawa. Nasalubong na n'ya ang tingin ni Joaquin ng maramdaman nito ang kanyang presensya.

Bigla tuloy napahigpit ang paghawak niya sa sugpungan ng twalyang tanging pinambalot n'ya sa katawan. 

Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang paghagod nito ng tingin sa kanyang kabuoan. Lalo na ang pagkunot ng noo nito at ang pilyong pagngiti sa kanya nang muling magtama ang kanilang paningin.

Hindi naman s'ya nagpatalo dito, itinaas niya ang kanyang noo. At kunwari pabalewalang inayos n'ya ang pagkakatayo kahit pa nanginginig ang kanyang tuhod. 

Tiningnan n'ya ito ng matiim at tinaasan ng kanyang kilay. 

"Baka pwedeng ako naman ang magbihis? Tapos naman na yata kayo di'ba? Kaya labas muna kayo magbibihis ako." Nilakasan niya ang kanyang loob upang itaboy ang mga ito. Kahit naroon pa rin ang pagkailang.

"Mama, tapos ka na agad maligo ang bilis ah?" Nagtatakang saad nito.

"Oo kaya anak baka kasi naiinip na ang Lolo kakahintay sa atin. Kaya bilisan na natin, okay?"

"Okay na anak, magkamukha na tayo. Tayo na sa labas para makapagbihis na ang Mama mo. Hintayin na lang natin s'ya sa labas, okay?"

"Okay po! Mama bilisan mo ah!"

"Opo!"

Nagpatiuna na ito sa pagtakbo sa labas kaya naiwan pa si Joaquin sa loob. Napansin niya na tila yata sadyang binabagalan nito ang paglabas.

Pagtapat nito sa kanya, ayun na naman ang pilyo nitong ngiti. Napakunot na lang ang kanyang noo...

Ngunit ang hindi niya inasahan ang biglang paghalik nito sa kanya. Hindi na nga s'ya nakatutol, napapikit pa s'ya ng maramdaman niya ang pagsayad ng mainit na labi nito sa kanyang sariling labi.

Gusto man niyang magprotesta subalit pagdilat niya wala na rin ito sa harap n'ya, kay bilis nitong nakaalis. Naiwan tuloy s'yang natutulala.

What a kiss it is a smacked kiss, right? Tanong ng nabigla niyang puso. Napakabilis lang pero bakit ganu'n ramdam niya pati ang init na hatid nito.

Awtomatikong nasalat pa ng kanyang mga daliri ang kanyang labi. Ang pakiramdam n'ya para bang nabitin pa s'ya sa halik na iyon.

Hay! Ano ka ba Angela? Umayos ka nga, ang halay mo nang mag-isip, hindi bagay sa'yo ang pangalan mo! Bulong n'ya sa isip.

Hindi na tuloy n'ya namalayan ang unti-unting pagkalaglag ng t'walyang kanina lang ay mahigpit n'yang hawak.

Nalaman na lang n'ya ng pagharap niya sa salamin ng tokador nakaburles na pala s'ya. 

"Oh! May..."

Agad n'ya itong pinulot at muling ibinalot sa katawan. Sabay tingin sa kanan, sa kaliwa at higit sa lahat sa kanyang likuran. Laking pasasalamat n'ya na nakapinid na ang pinto. Nakahinga s'ya ng maluwag at tuluyan ng nagbihis.

Si Joaquin na nakangiting nakasandal sa pinto habang nakapikit para itong nanaginip.

"Papa, nanaginip ka ba, bakit ka ngingiti d'yan?"

Bigla itong napadilat dahil sa tanong ng anak.

"Oo anak, nanaginip ako!" Nakangiti niyang saad.

"Hmmm, iniisip mo lang si Mama eh' kasi hindi ka naman tulog. Si Daddy talaga!" Saka ito tumawa ng matunog.

Natawa na lang din si Joaquin sa sinabi ng kanyang anak. Nahalikan pa n'ya ito sa kamay bago muling ginulo ang buhok.

Saka ito binuhat at deretso na silang bumaba. Siya na yata ang pinaka masayang ama sa araw na ito at iyon ay dahil sa kanyang mag-ina.

________

Kasalukuyan nagdadrive ng sasakyan si Mandy ng mga oras na iyon. Muli na naman n'yang iniwan ang kanyang anak.

Masakit man sa kanyang kalooban na gawin ito. Subalit tinatatagan na lang n'ya ang kanyang loob. Ang laging iniisip na lang n'ya para din naman ito sa kabutihan nilang mag-ina.

Handa naman niyang gawin ang lahat masiguro lang na ligtas ang kanyang anak. Nais niyang hindi ito matutunton ni Anselmo kahit kailan.

Dahil hindi niya hahayaan na malagay ito sa alanganin ng dahil sa kanya.

Hindi rin n'ya hahayaan na mabuhay ang kanyang anak na katulad ng buhay niya. Ginagawa niya ang lahat ng ito para rin sa katahimikan at kalayaan nilang mag-ina.

Kapag nagtagumpay na ang lahat ng plano niya magiging malaya na silang mag-ina. Mabubuhay na nang masaya ang kanyang anak wala nang gugulo pa dito.

Handa s'yang magsakripisyo para kay Kisha masiguro lang niya na magkakaroon ito ng malaya, tahimik at masayang buhay. Kahit pa maging kapalit nito ay ang mismong buhay niya.

Kampante pa s'yang nagmamaneho ng sasakyan ng mga oras na iyon. Dahil sa sobrang abala ang isip n'ya sa mga bagay-bagay at pangyayari sa kanyang buhay. Kaya hindi na n'ya alintana ang nangyayari sa paligid.

Ngunit nananatili pa rin ang atensyon n'ya sa maingat na pagmamaneho.

Paglagpas niya ng South Express way saka lang n'ya naramdaman na tila parang may sumusunod sa kanya.

Bahagya n'yang binagalan ang pagpapatakbo upang masiguro na s'ya nga ang sinusundan ng mga ito.

Hanggang sa unti-unti n'yang binibilisan ang pagpapatakbo ng hindi halata. Sinikap n'yang manatiling kalmado upang maayos na makapag-isip. Dahil kailangan n'yang malusutan ito kagaya ng dati.

Pagdating n'ya ng Cabuyao Laguna imbes na magtungo s'ya ng Batangas dumeretso s'ya ng Calamba.

Kailangan muna n'yang mailigaw ang mga hinayupak na sunod ng sunod sa kanya. Lalo na at hindi lang pala isa kun'di dalawang sasakyan na ang sumusunod sa kanya ngayon.

Mukhang tinodo na talaga ang pagsunod sa kanya. Marahil sinisiguro na nang mga ito na hindi na s'ya makakalusot pa?

Pero sisiguraduhin n'yang mahihirapan muna ang mga ito bago pa s'ya abutan. Mabuti na lang kahit paano kabisado na niya ang mga pasikot-sikot sa CALABARZON.

Bukod pa sa maaari rin naman s'yang gumamit ng Waze or Google map kung sakali. Kaya hindi s'ya nag-aalala na maligaw ng daan. Ang inaalala niya baka malansi o maisahan s'ya ng mga ito sa daan.

Hindi 'yun maaaring mangyari! Dapat s'ya ang unang makalansi sa mga ito. Kaya inihanda na n'ya ang sarili sa mas mabilis na pag-arangkada.

Mariin n'yang hinawakan ang manibela at binilisan na ang takbo ng sasakyan. 

Ngunit tila nakaramdam rin ang mga sasakyan na sumusunod sa kanya pinabilis din nang mga ito ang takbo.

Hindi s'ya hinihiwalayan sa pagsunod. Tila wala na rin itong pakialam kahit malaman niya na sinusundan s'ya ng mga ito.

Malayo na ang nararating niya hindi na nga niya alam kung nasaang lugar s'ya ngayon ng Laguna. Nag-overtake na s'ya sa ibang mga sasakyan sa kalsada.

Mabuti na lang sinigurado n'ya kanina na nakakondisyon ang makina ng kanyang sasakyan at nagpafull tank na rin s'ya kanina.

Dahil expected na niya ang mahabang b'yahe ngunit hindi ganito. Hanggang sa madaan s'ya sa isang intersection bigla s'yang lumiko pakanan.

The desperate way that she ever done and not to think she did a wrong turn...

Hindi na rin niya naisip na maaaring sabana ang kanyang daraanan sa lugar na iyon. Kaya Nawalan na rin s'ya ng choice kailangan n'yang magpatuloy.

Lalo pa n'yang binibilisan ang pagpapatakbo dahil ito na lang ang nakikita n'yang paraan para matakasan ang mga walanghiya!

Ngunit sadya yatang minamalas s'ya ngayon. Dahil nakikita na n'ya na kailangan na n'yang sumuko...

Tulad rin ng nakikita n'yang tinatahak ng kanyang sasakyan.

Dead end na!

Ngunit hindi pa ito ang huli n'yang alas bahala na!

Bago pa s'ya makarating sa dulo, paikot n'yang ibinuwelta ang kanyang sasakyan. Paharap na s'ya ngayon sa mga humahabol sa kanya.

Bahagya pa s'yang umurong upang bum'welo at paghandaan ang muling pag-arangkada. At saka mabilis n'yang pinasibat ang sasakyan ng hindi na s'ya nag-isip pa...

"Oh' shit! Anong binabalak n'ya?"

"Putang-ina! Anong gagawin n'ya?"

"Iliko mo, iliko mooo!'

Desperadong lumihis ang mga ito...

Bigla s'yang nagpreno paglagpas ng kanyang sasakyan. Saglit na tumingin pa s'ya sa side mirror at saka ngumiti. Bago muli na n'yang pinaandar ng mabilis ang  sasakyan...

Ngunit kung kailan naman inakala n'yang nakalayo na s'ya saka naman may humarang sa kanyang isa pang sasakyan...

"Oh' shit!" Biglang sumirit ang kanyang sasakyan. Lumangitngit pa ang gulong nito.

Mabuti na lang nagawa pa n'yang  agad na makapagpreno.

"Bwisit!" Sabay pukpok n'ya sa manibela at saka pinatunog niya ng malakas ang busina. Lumikha ito ng nakabibinging ingay.

Subalit hindi man lang natinag ang sino mang sakay ng naturang sasakyan. Lalo naman n'yang inilakas ang busina ng palapit na ang sasakyan ng mga humahabol sa kanya.

Hanggang sa huminto ang mga ito sa magkabilang gilid niya at isa, isang bumaba ng sasakyan ang mga sakay nito. Pinaligiran ng mga ito ang sasakyan niya at saka kinatok ang side ng driver seat. Senyales na pinababa s'ya ng mga ito. 

Mag-aalas singko na nang hapon kaya halos papalubog na ang araw at wala ring kahit isang sasakyan ang dumaraan sa bahaging iyon ng daan. Maliban lang sa kanila.

Hindi pa rin tumitinag ang sasakyan na humarang sa kanya. Kung kaya't naunawaan na n'ya ngayon na kasama rin ito ng mga humahabol sa kanya. Kung bakit hindi n'ya ito napaghandaan. Wala na rin s'yang nagawa pa kun'di ang magpasyang bumaba.

Mabilis na inayos muna niya ang kanyang buhok at sinugurong maayos ang kanyang make-up. Nakasanayan na rin niya ang maglagay palagi ng matingkad na make up kahit na mas nagiging matured s'yang tingnan. Pero bumabagay naman sa maganda niyang mukha. Nagsuot na rin s'ya ng sunglasses kahit pa hindi na gaanong mainit.

Huminga muna s'ya ng malalim saka binuksan ang pintuan sa driver seat at tuluyan na s'yang lumabas.

Pagbaba niya, tinangka pa s'yang hawakan ng lalaking nasa gilid n'ya subalit... 

"Don't you ever touch me, kung ayaw mong masaktan!"

Bulyaw niya dito agad naman itong napaurong.

"Sorry po ma'am!"

Narinig n'ya ang pagbukas ng pintuan ng kotseng humarang sa kanya kanina. Kung kaya't agad nabaling dito ang kanyang atensyon. Tila hinihintay lang talaga nito na mauna s'yang bumaba.

Bumaba dito ang isang may idad na ring lalaki, subalit nanatiling matikas pa rin ang katawan.

Maayos pa rin itong manamit sa kabila ng idad nito na limangpu't tatlo. Nakasuot ito ng polo shirt na stripes na white and blue at mukhang kagagaling lang nitong maglaro ng golf.

  

"Kumusta na ang aking mahal? Mukhang pinagod mo na naman ang mga tao ko. Ibang klase ka talaga Iha, napakahusay! Bilib na talaga ako sa'yo kaya nga gustong gusto kita. Kaya lang mukhang mas magaling pa rin ako sa'yo, kasi nahuli rin kita!" Sabi nito saka ito ngumisi sa kanya.

Ngising aso!

"Bakit kailangan mo akong pasundan?" Protesta niya ng makalapit na ito sa kanya.

"Dahil hindi ka naman sasama sa'kin ng kusa, lalo namang hindi mo ako kusang pupuntahan Iha. Hanggang kailan mo ba kasi ako titikisin ng ganito? S'yempre nami-miss din naman kita. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak na nagmana pa sa akin. Halika nga dito, hindi mo man lang ba ako yayakapin, anak ko?"

Hinawakan s'ya nito sa balikat at nagulat s'ya ng bigla na lang s'ya nitong hinalikan sa noo. Halik na kailanman hindi n'ya gustong matikman.

Ang pinaka nakasusukang halik na naranasan n'ya! Kung p'wede lang sana n'ya itong duraan?

Gagawin niya!

Pero hindi pa ngayon! Bulong ng isip niya.

Hindi pa ngayon...

"ANSELMO?!"

*  *  *

By: LadyGem25

Hello everyone,

Salamat ulit sa inyong suporta at pagsubaybay. Sana na-enjoyed n'yo ulit ang chapter na ito.

And again don't hesitate to votes, comments and review my story, if you like it? ❤️ Samahan n'yo na rin ng rates? hehehe... Thank you!

UNTIL NEXT CHAPTERS...

STAY HOME AND KEEP SAFE GUYS!

GOD BLESS! ❤️

SALAMUCH!❤️❤️❤️

Like it ? Add to library!

LadyGem25creators' thoughts
Siguiente capítulo