webnovel

C-129: THE DECEPTION

_

ALABANG, PHILIPPINES

After a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.

Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina.

Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin.

Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.

Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?

Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.

Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya.

Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong nag-alala sa kanya noong araw na iyon.

Ngayong maayos na sila balik na ulit sa normal ang lahat. Kaya naman ito ang masigasig ngayon na sumusuporta sa kanya tulad pa rin ng dati.

Nangunguna ito sa pagtulong sa kanya sa pag-aasikaso sa kasal nila ni Joaquin. Tila ba gusto talaga nitong bumawe sa kanya sa isip-isip niya.

Bumalik na rin kasi sa trabaho si Joaquin kaya naman malaking bagay na natutulungan siya ng mga kaibigan.

Sumasama na lang ito sa kanila kapag may importante talaga na kailangan ang presensya nito.

Naiintindihan naman niya na kailangan talaga ni Joaquin na tumutok sa trabaho at bumawi sa mga natambak nitong trabaho sa opisina. Kaya naman madalas na hindi ito ang kasama niya.

Ngunit dahil sa tulong ng mga kaibigan tila mapapadali pa nga yata ang kasal nila.

Hindi pa man bumababa ang marriage license nila. Naiayos at naihanda na nila ang lahat ng kakailanganin sa kasal.

Nauna pa ngang ma-schedule ang food tasting at pagsusukat nila ng gown kaysa sa seminar at pag-attend ng family planning.

Para daw kasi sunod-sunod na kapag dumating na ang marriage license nila. Bukas na rin kasi ang araw ng pagdating nito.

May na-contact na rin sila para sa pre-nuptial photoshoot. Kung tutuusin halos preparado na ang lahat. Dahil wala naman na, silang kailangan isipin at isa pa umaayon ang lahat sa plano nila.

Kasal na lang naman ang kulang sa kanila para maging ganap na opisyal at legal ang kanilang pagsasama bilang isang pamilya. Dahil kung tutuusin buo na sila at isa na ring ganap na pamilya.

Kaya naman tuluyan na ring nawala ang ano mang alalahanin at pangamba sa kanyang isipan.

Kagaya ng pangako ni Joaquin at ng kanyang Kuya Dustin.

Sisiguraduhin ng mga ito na magiging maayos at maganda ang kasal nila ni Joaquin. Kaya wala siyang dapat na ipag-alala.

Ngunit wala na nga ba talaga siyang dapat ipangamba? Lalo na nga at palapit na ng palapit ang araw ng kasal...

Dahil two weeks from now, nakatakda na talaga silang ikasal.

____

FRANCE

"Hello!" Ang sagot ni Anselmo sa lalaking kausap nito sa cellphone na hawak nito.

Nakatanggap ito ng long-distance call mula sa Pilipinas galing sa isa nitong tauhan na si Gido.

Isa ito sa pinagkakatiwalaan niyang tauhan na nanatiling tapat pa rin sa kanya.

"Hello Boss, buti na lang na-contact ko kayo!" Tugon naman nito mula sa kabilang linya.

"Bakit ano bang problema mo? Siguro naman may maganda ka nang ibabalita sa'kin kaya mo ako tinawagan." Sagot at tanong naman ni Anselmo sa lalaki.

"Pasensya na Boss wala pa akong magandang balita pero mayroon akong importanteng sasabihin at ipapakita sa'yo na siguradong magiging interesado ka Boss!" Saad ni Gido sa makahulugang salita.

"Siguraduhin mo na magiging interesado talaga ako diyan sa sasabihin mo. Dahil kung hindi..." Hindi na nito nagawang ituloy pa ang sasabihin dahil sa biglang pagsasalita muli ni Gido.

"May dapat kang malaman sa tunay mong Anak Boss, kay Ma'am Amanda!" Agaw na salita nito.

"Ano bang kalokohan 'yan Gido? Kaya nga ako narito hindi ba, para hanapin ang Anak ko na si Amanda." Saad ni Anselmo kahit pa batid nito na alam ni Gido ang kanyang pagtakas.

Kung kaya't kinailangan talaga nitong umalis agad ng Pilipinas.

"Boss nagkamali ka ng dapat hanapin, wala diyan ang tunay na Amanda!" Dagdag pang salita nito.

"Bugok ka ba Gido, ano bang sinasabi mo? Narito si Amanda at nakita ko na siya. Hindi ko lang siya nalapitan agad. Dahil bukod doon sa lalaking iyon na lagi niyang kasama. May iba pa na nagbabantay rin sa kanya sa paligid. Kaya naman nahihirapan akong makalapit sa kanya."

Halata ang kalungkutan sa boses ni Anselmo ng tugunin si Gido.

"Boss matagal ka na nilang niloloko, hindi siya ang tunay na Amanda. Dahil siya ang tunay na si Amara Boss at siya rin ang taong nagtraydor sa iyo!" Tuloy-tuloy na pagsisiwalat nito.

"Ano bang sinasabi mong gago ka, niloloko mo ba ako?!" Galit nang sigaw ni Anselmo.

Hindi ito makapaniwala sa mga naririnig na sinasabi ni Gido ng mga oras na iyon. 

"Hindi po Boss maniwala ka, nagsasabi talaga ako ng totoo. Narito ang totoong Amanda Boss, hindi ang Amanda na kinikilala mong Anak.

'Magmula ng umalis ka dito Boss nagpalipat-lipat na ako ng lugar. Hanggang sa isang kakilala ang nagpatuloy sa akin sa Batangas. Kung saan ko unang nakita ang totoong Amanda Boss.

'Pero narito ako ngayon sa Maynila. Hindi rin ako maaaring magtagal dito Boss, alam mo na pinapahunting rin ako ng hayup na Alikabok na iyon."

"Ano bang ibig mong sabihin, sinasabi mo bang may ibang Amanda?"

"Ganu'n na nga Boss, hindi kasi sinasadya na nakita ko ang isa sa tauhan ni Alikabok dito. Hindi ako maaaring magkamali siya nga ang nakita ko, kaya ko siya sinundan.

'Kasama niya si Amara, 'yung babaing iniutos n'yong ipapatay sa mga tauhan natin Boss.

'Dahil sa palihim ko silang sinundan dito sa Maynila at nagtanong tanong na rin ako. Hanggang sa makakuha ako ng impormasyon tungkol sa kanila.

'Alam mo ba kung ano ang mga natuklasan ko Boss?"

"Gago ka talaga! Paano ko naman malalaman at saka kung nakita n'yo pala ang babaing iyon. Bakit hindi n'yo pa siya tinuluyan mga gago?!" Galit nang sigaw dito ni Anselmo.

"Boss paano ko naman tutuluyan ang tunay mong Anak?!"

"Gago! Huwag mo akong niloloko Gido, sinasabi ko sa'yo! Ngayon mismo uuwi ako ng Pilipinas para gilitan lang iyang leeg mo."

Kabado man ito sa banta ni Anselmo ngunit lakas loob na nagpatuloy pa rin ito.

"Alam ko naman iyon Boss, kaya bakit kita lolokohin? Matagal ka nang nililinlang ni Amara Boss. Hindi siya ang totoong Amanda, dahil siya talaga si Amara.

'Isipin mo, bakit siya ang nasa poder ng mga Ramirez? Wala naman sanang problema doon Boss. Dahil minahal at itinuring rin Anak ni Darius si Ma'am Amanda.

'Pero si Alikabok Boss, paano natin ipaliliwanag ang pagiging malapit niya sa babaing iyon?

'At hindi lang basta malapit Boss,  pinoprotektahan niya ang babae. Saka may nagsabi na magkapatid daw sila Boss. Maniniwala ka ba na okay lang sa kanya na hindi inaalala si Ma'am Amanda diyan.

'Habang protektado niya si Amara dito sa Pilipinas? Hindi kaya talagang nilinlang ka lang nila Boss. Para mapalayo ka ng tuluyan sa tunay mong Anak."

"Mga hayup sila, pero paano mo patutunayan na siya nga ang Anak ko?!"

"Sa ngayon wala pa akong matibay na pruweba pero ikaw Boss p'wede mo namang alamin ang totoo."

"Bwisit! Kapag napatunayan kong totoo nga ang sinabi mo. Humanda silang lahat sa'kiiin mga hayup sila!" Gigil na banta ni Anselmo.

"Boss gusto mo bang makita ang picture niya? Baka sakaling alam mo na... Ise-send ko sa'yo Boss!"

Hindi na nito hinintay pa na sumagot si Anselmo. Agad na nitong pinindot pindot ang cellphone na hawak at nagsend ng mga pictures sa Amo.

Agad naman itong natanggap ni Anselmo kaya ng buksan niya ang link sa kanyang cellphone.

Nakita nito agad ang mga pictures na ipinadala ni Gido ang iba't-ibang larawan ni Amanda.

Ang isa masayang kaakbay nito si Dustin, ang sumunod ay may  kasamang mga bata, habang ang isa pa ay kasama naman nito si Joaquin at ang huli ang solo at close up picture nito.

Biglang natahimik si Anselmo at pinaka titigan rin nito ang huling larawan.

Huh'?

Hindi siya maaaring magkamali! Ang batang iyon, siya ang nasa larawan. Bulong pa nito sa sarili.

Bigla na lang nabalik sa isip niya ang isang alaala ng nakaraan...

__

FLASHBACK!

"Ano Annabelle, nagsisi ka na ba ngayon na hindi ako ang pinili mo?" Malakas na sigaw niya noon habang nakasabunot ang kamay niya kay Annabelle.

Subalit tulalang nakatingin lang ito kay Darius na parang wala itong naririnig at patuloy lang sa pag-iyak. Tila wala ito sa sarili ng mga oras na iyon.

Ngunit ng biglang magpakita ang isang batang babae na marahil ay nasa idad walo o siyam na taong gulang pa lamang ng mga panahong iyon...

Saka lang tila ba nagkaroon ng buhay at expression sa mga mata ni Annabelle. Lalo na ng marinig nito ang pagtawag ng batang babae.

"Papang... Mamang! Ano po ang nangyayari, sino sila Mamang?!"

"Amanda, anak lumayo ka dito!"

Sigaw ni Darius ng makitang palapit ang anak napuno rin ito ng kaba. Bigla ring natauhan si Annabelle pagkakita sa anak.

Ngunit...

"Amanda... Hindi! Hindi mo siya makukuha sa'kin... Hindi ko siya ibibigay sa'yo, hindi!" Histerical ang naging sigaw ni Annabelle matapos itong pilit kumawala sa kamay ni Anselmo at patakbo ring nilapitan ang anak.

"Nasisiraan na yata siya ng bait Boss?" Komento pa ng isa sa mga tauhan niya.

Tila nagising at nabuhayan nang loob si Annabelle ng makita nito ang batang babae.   

"Amanda, anak makinig ka... Kunin mo ang kapatid mo kailangan n'yo nang umalis dito tumakbo kayo ng mabilis palabas ng Hacienda. Naiintindihan mo ba ako anak?" Pabulong ngunit may katatagang utos nito.

Nakita rin ni Anselmo kung paano binulungan nito ang batang babae. Bago pa man ito mabilis na tumalima.

"O-opo Nay!" Sagot ng bata.

"Napakaganda niyang bata kamukhang-kamukha mo siya Annabelle." Komento pa niya noon ng mapagmasdan niya ang bata.

Ngunit...

"Hayup ka Anselmo, h'wag kang lalapit sa anak ko!" Galit na sigaw ni Darius sa kanya habang pilit na kumakawala ito sa mga kamay ng kanyang mga tauhan.   

"Darius, Darius! Ano bang magagawa mo ha? Kung gusto ko man siyang lapitan." 

Unti-unti nga siyang humakbang palapit sa bata...

"Hayup ka! Hanggang d'yan ka na lang Anselmo. Hinding-hindi mo malalapitan ang anak ko. Hangga't nabubuhay ako hindi ka makalalapit sa anak ko... Hayup!"

Malakas at matatag na sigaw ni Annabelle na may kasamang pagbabanta.

"Sige na anak takbo na, bilisan mo! Susunod rin kami ng Papang mo" Pagtataboy nito sa anak na saglit pang natigilan.

Tila ba ingat na ingat ang mga ito at tila rin takot na lapitan talaga niya ang bata.

"Opo Mamang!" At mabilis na nga itong tumakbo palayo.

Ngunit bago pa man ito tuluyang tumalikod nahuli pa niya ang galit at matalim na tingin nito sa kanya. Maging ang tila saglit na pagkabisa pa nito sa kanyang mukha.

"H'wag kayong mag-alala wala akong intensyon na lapitan ang batang 'yon! Kayo ang may atraso sa akin kaya kayo lang ang gusto kong magbayad." Ang tugon niya sa mga ito.

Habang wala naman siyang kamalay-malay na anak pala niya ang bata. Nang panahong iyon hindi pa niya alam ang buong katotohanan.

____

Tama!

Siya nga ang batang iyon kamukhang kamukha siya ni Annabelle. Bulong nito sa sarili sa muling pagbalik ng isip nito sa kasalukuyan.

Bakit ba ngayon lang niya naisip ang mga bagay na nakalipas na?

Ang mga walanghiyang iyon, paano nila nagawang maitago sa kanya ang totoo niyang Anak?

Mga hayup silang lahat... Nagawa nila siyang linlangin at itago sa kanya ang katotohanan.

Pare-pareho lang silang mga walanghiya, humanda kayo sa'kin! Bulong nito sa sarili.

Ito rin ang mga katagang isinisigaw ng isip nito ng mga oras na iyon at hindi na rin napigilan ni Anselmo ang muling pagbangon ng galit.

Ngayong batid na nito ang totoo hindi na nito kailangan pa ng pruweba upang magsilbing patunay sa lahat. Para saan pa tanong nito sa isip?

Sapat na ang mga nalaman niya at ang mga nabuong palaisipan ng mga pangyayari sa nakaraan.

Dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang ginawang panlilinlang ng mga ito sa kanya.

Ang ilihim at itago sa kanya ang katotohanan tungkol sa Anak niyang si Amanda!

Sinadya nilang inilayo sa kanya ang tunay niyang Anak! Iyon ang katotohanang nabuo sa kanyang isip.

Ang una ay si Darius ng akuin nito at pakasalan si Annabelle. Dahil inagaw nito sa kanya ang karapatang maging Ama sa sarili niyang Anak!

Pagkatapos ay si Annabelle nang palabasin nitong si Amara ang Anak niya! Para iligaw siya at itago sa kanya ang totoo.

Maging ang hudas na Alikabok na iyon, kahit kailan talaga hindi niya ito maituturing na Anak. Dahil isa itong traydor at walang kwenta. Hindi man lang nito nakuha ang kahit ano sa ugali niya.

Nahingahan na siya ng hayup na Darius na iyon. Dahil magkaugali at parehong pareho lang sila.  

Kinakalaban talaga siya ng mga ito! Kung bakit ba naman kasi hindi pa natuluyan talaga ang walanghiyang iyon?! Sana wala na siyang pino-problema ngayon.

Ang mga walanghiyang iyon pinagkaisahan siya ng mga ito.

Humanda kayong dalawa ni Amara sa akin! Bulong na banta pa niya sa isip.

Kapag nakaharap na niya ulit ang babaing iyon pipilipitin niya ang leeg nito, walanghiya siya!

Kaya pala kahit kailan hindi talaga ito naging malapit sa kanya sa kabila ng mga pabor na lagi niyang ibinibigay dito mula pa noon.

Matagal na pala siya nitong niloloko, nang walanghiyang babaing 'yun!

"Buwisit, b'wisit mga punyeta!"

Hindi na nito napigilan ang galit ng mga sandaling iyon. Panay ang sipa at balibag nito ng mga bagay na nahahawakan.

Iyon rin ang sandaling inabutan ni Brad ng dumating na ito ng bahay.

"Papa, may problema ba?" Tanong agad nito na may kalakip na pag-aalala. Subalit...

"Isa ka pa, lumayo layo ka nga sa'kin at baka mapatay pa kita! Pare-pareho kayong mga b'wisit sa buhay ko. Kaya umalis ka na sa harap ko!"

"Papa, huminahon lang po kayo! Kung nahihirapan po kayo na makausap siya. P'wede pa rin naman sa ibang pagkakataon.

'Madali n'yo na po siyang makakausap ulit ngayon. Dahil alam ko na po kung saan talaga sila nakatira." Tuloy-tuloy na saad ni Brad kay Anselmo upang saglit na pakalmahin ito.

Dahil ang buong akala ni Bradley, na kaya nagkakaganu'n si Anselmo ay dahil bigo pa rin ito na makausap ang isa pa nitong Anak.

Marahil talagang nasasabik na ito na makita ang kapatid niya sa loob loob niya.

Dahil ito naman talaga ang dahilan kung bakit narito si Anselmo sa France. Iyon ay para pala hanapin ang babaing iyon.

Kung hindi nga lang sana siya binantaan nito. Baka siya na ang lumapit at kumausap sa kapatid. Tutal naman batid na niya ang katotohanan na magkapatid sila.

Magmula kasi ng sabihin ng Ama na kapatid niya ang babaing hinahanap nito. Tila lumambot rin ang puso niya sa babae.

Para bang napawing bigla ang galit niya sa babaing iyon, na inakala niyang umaagaw ng buong atensyon ng kanyang Ama.

Ngayon para bang nais rin niyang makilala pa ito at mapalapit rin dito.

Pakiramdam rin kasi niya may dapat pa siyang malaman at kailangang alamin sa babae.

Lalo na ngayong nalaman niya na may kaugnayan rin pala ito kay Dr. Amadeus Ramirez.

Pero paano naman niya iyon gagawin, kung hindi pa man may banta na si Anselmo sa kanya?

Tila wala yatang pagkakataon na mapalapit siya sa babae. Dahil ayaw ng kanyang Ama na lapitan niya ito.

Pero bakit ganu'n, anong dahilan ng kanilang Ama para paglayuin sila...

Ano nga ba at bakit?!

*****

By: LadyGem25

(10-19-21)

Hi to all of you,

Kumusta na kau? Medyo tumatagal ang update kaya pasensya na talaga.

Medyo bc na kc tau sa ibang gawain lalo ngayon na medyo lumuluwag na. Kaya nid na natin ang ibang work para kumita!

Pero hindi nmn natin kalilimutan ang pagsusulat. Malapit nmn na tau matapos. Siguro mga tatlo hanggang limang chapters na lang...

Tapos na ang kay Joaquin at Angela, pero balak ko pong ituloy ang story ng ibang character. Bilang another series ng story na ito.

THANK YOU, GUYS

#SUPPORT

LadyGem25creators' thoughts
Siguiente capítulo