webnovel

C-40: Behind the Truth and Lies

Mariella's Fashions Boutique Hotel near in Alabang Town Center. Kung saan isang Fashion show event ang kasalukuyang nagaganap nang gabing iyon.

Eksaktong ika-pito na ng gabi ng pasimulan ang programa. Dinaluhan ito ng mga kilalang tao mula sa alta sosyedad.

Kagaya na lang ng mga kilalang celebrities, politicians at mga negosyante. Mula sa middle class, hanggang sa upper class community.

Halos hindi na magkamayaw ang pagkislapan ng mga kamera sa paligid. Gamit ng mga kilalang magagaling na photographer. Sinusundan nila ang bawat galaw at pagrampa ng mga modelo. Habang lumalakad ang mga ito sa pahabang entablado, kasabay ng nakakaindak na tugtugin na sadyang ibinagay sa naturang okasyon.

Every model has their full participations to be part of the parades of different types of clothing. From casual wear to different types of gown and suit. Lalo na at Millennials ang tema ng  konsepto.

Ang lahat ay kakikitaan ng paghanga at pagkamangha sa nakikitang husay at galing ng debuho at likha ng nag-iisang couturier ng naturang okasyon.

Isa na namang tagumpay ang gabing ito para kay Madz Soliven. Para sa isang kagaya niyang kasalukuyang nakikilala sa loob at labas ng Pilipinas.

Parang kailan nga lang noong panahong  nagsisimula pa lamang siya. Naaalala pa niya kung paano s'ya nagsimula? Noong silang dalawa pa lang ni Mandy ang magkatuwang sa lahat. Ang buong akala nga niya makakasabay niya ito patungo sa tagumpay.

Siya bilang isang Fashion designer at ito naman bilang isang mahusay na make-up artist.

Sino ba ang mag-aakala na sa idad nitong labing walo noon,  kakikitaan na ito ng husay at galing sa pagmemake-up.

Kayang kaya na nga nitong gumawa ng make up transformation at iba't-ibang istilo ng pagmemake-up.

Hindi rin maikakaila ang husay nito pagdating sa artwork, kaya naman hindi kataka-taka na Architecture ang nagustuhan nitong kurso sa kolehiyo. Katulad rin daw ng pinapangarap ng ama nito noon na hindi natupad.

Ito sana ang tutupad ng pangarap ng ama kung hindi lang ito tumakas noon ng hindi niya alam. Huli na ng malaman niya ang nangyari dito. Dahil pala ito sa maaga nitong pagbubuntis.

Kung nagpatuloy lang ito siguro baka Arkitekto na ito ngayon? Plano pa sana niya itong irekomenda kay Joseph kung nakapagtapos lang sana ito. Pero bigla na lang itong nawala.

Nalaman na lang niya isang araw na nabuntis ito at nanganak. At ngayon nga ng muli itong magpakita at bumalik sa kanya. Ang buong akala pa naman n'ya makakasama na niya ito ulit, subalit hindi pa rin pala.

Dahil matapos nitong ipagbilin sa kanya ang anak at ang Yaya nito, umalis na naman ito ulit. Para itong paru-paro na walang ginawa kun'di lumipad.

Kahit nahihiwagaan pa siya sa mga ikinikilos nito, hindi naman niya ito magawang tanungin. Pero may tiwala naman siya sa dalaga, alam niyang hindi ito gagawa ng ikasisira nito. Lalo na ngayong meron na itong napaka gandang anak.

Bigla niyang naalala ang oras, saglit pa siyang sumulyap sa suot na relong pambisig.

'Nasaan na ba kasi ang babaing iyon? Bakit wala pa siya.. Tinawagan na n'ya ito kanina at nangako itong pupunta. Pero bakit hanggang ngayon wala pa rin ito?' Bulong ni Madi sa sarili.

Gusto sana niyang makita nito ang mga pinaghirapan niya. Lalo na ang pinaka main event at ang hinihintay rin ng lahat ang Grand Finale ng programa.

Ang pagrampa ng mga models habang suot ang iba't-ibang klase at estilo ng wedding gowns at Barong na dinisenyo niya. At sa pagtatapos naman ng programa kasama na siyang maglalakad ng kanyang mga modelo sa gitna ng entablado para gawin ang final bow.

Gusto sana n'yang narito si Mandy sa una at huli ng show.

Pero mukha bang matatapos na ang buong programa na wala pa rin ang dalaga. Habang sa isip niya, ano ba kasing nangyari du'n? Kasalukuyan pa rin siyang nakaupo sa isang stool at nasa loob ng dressing room. Habang saglit na binigyan ng break ang mga models.

Ilang sandali pa nga ang lumipas kinailangan na siyang bumalik sa backstage. Dahil malapit na ang pagtatapos ng programa.

Pero kahit sa kabila ng nadaramang lungkot at bahagyang sama ng loob kay Mandy. Nagawa pa rin niyang lumakad sa gitna ng entablado nang may ngiti sa labi. Sabi nga nila 'the show must go on'

Dahil na rin sa tagumpay at magandang komento at mainit na pagtanggap sa kanya ng lahat. Matamis pa rin siyang ngumiti at humarap sa lahat naroroon.

Matapos ang bahagyang pagyuko sa gitna ng stage na kasabay ng kanyang mga modelo. Malakas at nakabibinging palakpakan ang sumunod niyang narinig.

Malakas ang hiyawan at palakpakan ng lahat. Subalit isang sigaw ang nangibabaw sa kanyang pandinig at biglang nagpalingon sa kanya upang hanapin ito sa karamihan. Dahil ang boses nito ay hindi niya maipagkakamali kanino man.

Nang matagpuan ito ng kangyang mga mata. Biglang napuno ng kaligayahan ang kanyang puso. Kasama nito ngayon ang mga pinsan habang sabay-sabay na pumapalakpak at sumisigaw.

"Wooooo... Bravo, ang galing!"

"Madz ang galing mo!"

"Congrats Tita Madi!"

Kaya naman makalipas lang ang ilang sandali nagmadali na siya sa pagbaba upang salubungin ang pagbati ng mga ito. Ngunit saglit din siyang nabalam dahil sa mga pagbati ng mga kakilala at mga kaibigang sumasalubong din sa kanya at upang bumabati.

Mabuti na lamang natanawan na niya ang magpipinsan na sumunod rin pala sa kanya mula sa backstage. Pasimple at patakas siyang nagpaalam sa mga guests upang lapitan ang magpipinsan.

Bahala na ang kanyang mga staff sa iba niyang mga guests. Alam naman na nang mga ito ang gagawin.

"Joseph, darling! Mabuti at nakarating kayo?" Walang pagsidlan ang kanyang tuwa ng salubungin ito.

"Hello? Tita ang galing mo ah, ang ganda ng concept." Magiliw s'yang sinalubong ng binata kasama ang dalawa pa nitong pinsan na sina Joshua at Arvin.

Walang pag-aalinlangan siyang sinalubong ng mga ito ng yakap at halik sa pisngi at masuyo ring naglambing sa kanya. Kahit pa batid ng mga ito ang tunay na siya.

Dahil kahit nakadamit siya ngayon ng pambabae at may mahabang buhok, makinis at maputing balat sa idad niyang apatnaput-walo. Hindi pa rin maikakaila ang katotohanan na isa pa rin siyang transwoman.

Naroon pa rin ang alaala na minsan sa buhay niya, naging macho at gwapo rin s'ya tulad ng mga binatang ito na kaharap n'ya ngayon. Hindi rin iilang babae ang nahumaling sa kanya noon, saglit pa s'yang napangiti ng sumagi ito sa kanyang isip.

Kaya lang naging mas malakas ang tawag ng katotohanan sa kanyang pagkatao. Dahil ang mga tulad n'yang lalaking may pusong babae, iisa lang ang hangarin. Ang maging totoo sa sarili, tanggapin at maging lubos na malaya.

Dahil kung ano man ang mga pinagdaanan niya noon? Bago pa man n'ya mapagtagumpayan ang lahat. Wala isa man sa mga ito ang nakakaalam ng kanyang pinakatatagong lihim.

Ang lihim na nais rin niyang baunin hanggang kamatayan kung kinakailangan.

Ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao, kahit pa sa kabila ng kanyang tagumpay at katanyagan. Mas makabubuti kung mananatili na lang itong lihim sa lahat.

Kung bakit may mga bagay na hindi niya maaaring sabihin kanino man. Ang lahat ng mga pangyayari sa kanyang nakaraan. Hangga't maaari nais na lang niya itong kalimutan na nang tuluyan.

Isang bagay lang naman ang hindi niya pinagsisihan na nangyari sa kanya. Ito rin ang pinaka-magandang pangyayari sa buhay niya na hinding-hindi niya kalilimutan kailanman sa kanyang buhay. Ang siyang dahilan kung bakit gusto niyang maging marangal at irespeto ng lahat.

Marami siyang nais patunayan sa lahat, maging sa kanyang sarili na ang mga tulad niya na sa kabila ng tunay nilang pagkatao. Karapat-dapat pa rin silang makatanggap ng tunay na respeto at maging ng karangalan.

"Hey! Tita bakit natulala ka na naman d'yan? Alam kong gwapo ako pero h'wag kang gan'yan hindi ako sanay." Sabi ni Joseph na sinabayan pa ng pagtawa. Habang naakbay pa ito sa kanya.

"Hmmm, tumigil nga kayo! Natutuwa lang ako na narito kayo ngayon at sinusuportahan ako." Aniya. Kung alam lang nito ang sayang nararamdaman niya ngayon. Dulot ng presensya ng binata sa mahalagang araw na ito sa buhay niya.

"Hala! Hindi ito libre Tita ah may bayad kaya 'to. Sira na kasi itong Smart watch ko para bang nanghihingi na ng kapalit oh." Si Joshua na ipinakita pa ang suot na relo habang naglalambing sa kanya.

"Oo na sige na! Ibibili na kita ng bago." Kahit alam niyang naglalambing lang talaga ito. Dahil alam n'yang marami naman itong pambili kahit pa ilang relo.

"Yes! Sabi na hindi mo rin ako matitiis eh."

"Hmmm, kayong dalawa wala ba kayong gusto?" Baling niya kay Joseph at Arvin.

"Naku! Tita h'wag mo na kaming intindihin hindi pa naman sira itong sapatos ko pwede pa naman ito hindi ba?" Halos sabay-sabay pa silang napasunod ng tingin sa sapatos nito. Saka sabay-sabay ring nagtawanan.

Sa ganoon silang tagpo inabutan ni Mandy. Nagulat pa ito at tila biglang namutla, saglit rin siyang nalito at hindi niya malaman ang unang dapat gawin. Hindi niya inasahan na makikita niya sa oras na iyon. Ang mga taong hindi pa niya gustong makita sa ngayon.

Dapat ba siyang umurong o magpatuloy? Pero narito na siya at hindi na siya maaaring umurong pa...

Bakit ba hindi niya naisip agad na posibleng ngang imbitado rin ang mga ito. Anong gagawin niya ngayon? Kulang na lang na hilingin niya na sana lumubog na lang siya sa kinatatayuan. 

Sinubukan pa sana niyang mag-iba ng direksyon, subalit huli na.

"Where do you think you're going? At bakit ngayon ka lang?" Malakas at may diin sa boses na tanong ni Madi nang mahuli siya nito ng tingin sa hindi kalayuan. Nahalata rin niya na nagtatampo ito sa kanya. 

Hindi siya dapat mawalan ng composure. Bahala na! Bulong niya sa sarili...

Unti-unti siyang bumiling paharap at itinaas pa ang dalawa niyang daliri. Nagsign peace, kasabay ng pinatamis niyang ngiti pagharap niya sa mga ito.

Dahil mahigit isang metro pa ang layo niya sa mga ito. Kaya naman dahan-dahan pa siyang lumakad palapit with matching poise and confidently.

Hindi lang iilang pagsipol ang narinig niya mula pa kaninang lumabas siya ng dressing room. May ilang photographer pa nga na kinuhanan siya ng litrato.

May mga narinig pa siyang nagbubulungan at nagtatanong kung isa ba siya sa modelo na nahuli lang ng dating.

Napapangiti na lang siya sa mga naririnig. Bakit nga ba hindi siya mapagkakamalan?

Now she's wearing a sexy gradient mint green altered evening gown.

Bukod pa sa backless ang tabas nito may mahabang slit din ito sa side. Dahilan para maexposed hindi lang ang kanyang likod pati na rin ang kanyang mahabang biyas.

Ngayon alam na niya kung bakit ito ang sadyang ipinasuot sa kanya ni Madi. Mukha bang sinubukan nga siya nitong gawing modelo ng hindi halata. Dangan nga lang at nahuli siya ng dating.

Pero hindi naman siya nagsisisi, kahit pa naabala siya kanina. Maganda naman ang naging purpose nito. Dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na mapalapit kay Joaquin kanina. Hindi man siya sigurado kung naakit ba ito sa kanya o hindi? Sigurado naman siyang nagawa n'yang pagselosin ang babaing 'yun! Kitang-kita sa mga mata nito ang panibugho at insecurities. Umpisa pa lang ito Angela! Bulong n'ya sa isip.

Ang takaw kasi, matakaw na siya kahit noon pa... Mabuti nga sa kanya at sana lalo pa siyang tumaba!

"Oh! Ow.. Grabe ang ganda niya!"

"Twwwit.. twiiit!"

"Sino s'ya Tita Madi?" Hindi napigilang tanong ni Joseph.

Mababakas sa mga mata ni Joseph ang natural na paghanga sa babaing naglalakad patungo sa kanilang direksyon. Bukod pa sa kakaibang pakiramdam na ngayon lang n'ya naramdaman.

Ano ba itong nangyayari sa kanya? Hindi niya ito dapat nararamdaman. Mali ito! Sigaw ng isip niya...

"Uy! Bakit s'ya nagtatanong? Huh! Teka si ate Angela ba 'yun?" Si Joshua na kunwari'y may tiningnan sa malayo.

Bigla namang napasunod ng tingin dito si Joseph. Kasabay ng bigla ring pagbabago nito ng expression, from fondness to anxious. Nang ma-realized niya ang kanyang naging reaksyon. Nagtatawanan na ang mga kasama. Nakakainis!

Malapit na rin sa kanila ang babae kaya lalong hindi na s'ya nakahuma.

"Hello everyone, sorry I'm late!" Saka siya humalik at tumingin kay Madi nang nagpapaunawa.

"Hmmm, ano ba kasi ang nangyari sa'yo ha?" Magiliw nang sagot nito.

"Pasensya na talaga nagkaroon lang ng konting problema sa byahe." Pagdadahilan n'ya.

"Hah! Bakit anong nangyari?"

"Naku wala 'yun, konting problema lang nandito naman na ako kaya h'wag ka ng mag-alala, okay?" Sabi na lang n'ya.

"Ehemm!" Si Arvin.

"Ah! S'yanga pala darling, natatandaan mo pa ba sila noon?" Tanong ni Madi ng maalala ang mga binatang kasama.

"Ha? Sorry.." kunwari'y naguguluhan niyang tanong. Kahit pa alam n'ya ang ibig sabihin nito. Paano nga ba n'ya makakalimutan ang mga ito?

"Siguro nga baka nakalimutan mo na? Anyway, it was 3 years ago noong nasa poder pa kita. Sila 'yung mga pamangkin ko na paminsan-minsan na dumadalaw sa akin sa bahay kung sakaling matatandaan mo pa? Itong si Joseph ang gumawa ng desenyo ng bahay ko, remember?" Tukoy nito kay Joseph.

"Don't tell me Tita na nasa poder mo s'ya noong ginagawa namin ang bahay mo?" Nagtatakang tanong ni Joseph.

"Yup! S'ya si Mandy 'yun bang istudyanteng pinag-aaral ko dati na lagi kong kasama."

"Oh' talaga ba? Kung ganu'n s'ya 'yun mataas na babaing payat na matangkad." Si Joseph.

"Si Miss Ting-ting!" Nagkasabay pang bigkas ni Joshua at Arvin. Sabay bumaling at hinagod ulit s'ya ng tingin. Nasa mga mata ng mga ito ang paghanga at hindi mapigilang pagkamangha.

Hindi tuloy n'ya alam kung matatawa s'ya o maiinis sa itsura ng mga ito ngayon. Ang sarap bang pag-untugin. Ipaalala ba naman ng mga ito ang bagay na iyon.

Pero hindi naman na kinailangan pa dahil ginawa na ni Joseph ang iniisip n'ya lang...

Dahil nahuli pa n'ya nang sabay nitong pinadaplisan ng kamay ang magkabilang tenga ng dalawang pinsan. 

"Ano ba naman kayo? Hindi na kayo nahiya sa kanya umayos nga kayo!" Paalala ni Joseph.

"Weh, style mo bulok! H'wag kang padadala sa pacute niya may girlfriend na 'yan! Ako 💯 talagang wala pa... Maaari ko bang malaman ang number mo?" Pasimpleng hirit ni Joshua

"Mas bulok ka pala Bro! Bakit hindi na lang FB account, Viber o kaya What's app?" Pabirong hirit naman ni Arvin.

"Hay! Naku, tumigil na nga kayo. Mabuti pa magdinner na lang tayo gutom lang 'yan!"

"Tama!"

"Okay tayo na! Gutom na rin ako kanina pa. Sumunod lang kayo sa amin guys ha?"

"Dito lang kami Tita mas maganda nga ang view dito sa likod!" Si Joshua habang umaandar na naman ang kalokohan. Pabiro nitong pinagmamasdan ang likod ni Mandy.

"Sira-ulo ka talaga umayos ka!"

"Selos ka naman, ayan oh hindi na ako nakatingin."

"Tumahimik kayo, I'm warning you, guys!" Saad ni Madi na saglit na lumingon sa likod. "H'wag kang mag-alala darling mababait naman sila. Takot lang ng mga 'yan sa'kin!"

Maya-maya may naramdaman s'yang tumakip sa kanyang likuran. Si Joseph!

"Mas okay siguro kung gamitin mo na lang muna ito. Para hindi ka mailang, hindi kasi maiiwasan na maraming unggoy sa likuran." Mungkahi ni Joseph habang inilalagay sa kanyang likuran ang suot nitong coat.

"Salamat, pero okay lang naman ako!" Saad naman ni Mandy.

"No, it's okay gamitin mo na 'yan, malamig din kasi baka sipunin ka pa!"

"Whoa! Mga unggoy pala?"

"Hanep ang da moves mo Bro, Two points!"

"Tumigil na kayo guys! Okay maupo na tayo." Suhestyon nito at iginiya na sila sa mesang sadyang pina-reserved nito.

Tamang-tama naman na konti na lang ang mga guests na naroon. Hindi tulad kanina na halos mapuno ang buong Venue. Marahil nagsi-uwi na pagkatapos kumain o umuwi na matapos ang event.

Pagkaupo nila agad rin silang nilapitan ng mga staff upang i-serve ang kanilang pagkain.

Pagkaalis ng mga Hotel staff na nagserve sa kanila ng pagkain. Nagsimula na silang kumain kasabay ng pagkukwentuhan tungkol sa naganap na event. 

Nang mapansin ni Madi na tahimik lang siya habang kumakain, hindi na ito nakatiis na hindi magkwento ng mga bagay na siguradong makakarelate sa kanya.

Ngunit sadyang hindi n'ya ito inaasahan...

"Ah! Mandy darling, alam mo bang, nakakatuwa na si Kisha. Sobrang at home na rin siya sa bahay, nakikipagkulitan na." Masayang saad ni Madi.

Subalit ang hindi nito alam, daig pa n'ya ang binuhusan ng malamig na tubig. Bigla kasi siyang gininaw at dahil sa sinabi nito nahigit rin n'ya ang kanyang paghinga.

Bigla s'yang nakaramdam ng kaba at pagkalito.

Hindi naman niya gustong itago si Kisha at lalong hindi n'ya gustong itanggi o ikaila ito kahit kailan. Pero sana hindi pa ngayon. Dahil hindi pa s'ya handang ipakilala ito sa kahit kanino sa kanila. Lalong hindi niya gustong madamay ito sa mga plano n'ya.

"Sino si Kisha?" Curious namang tanong ni Joseph.

Dapat na ba niyang ipakilala dito ang kangyang anak?

*  *  *

By: LadyGem25

 

Hello everyone,

Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa kahit medyo natatagalan. Pinipilit ko po talagang pabilisin.

Kaya lang may mga bagay na kailangan muna nating unahing gawin. Sana hindi kayo magsawa sa paghihintay.

Hinahabaan ko na lang ang bawat chapters para kahit paano sulit naman ang inyong pagbabasa.

Salamat ulit sa suporta ❤️ votes, comments and paki-rates na rin po ng story!?

Again, sana all? HAHAHAHa

❤️❤️❤️ SALAMUCH ❤️❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts
Siguiente capítulo