webnovel

C-123: CLOSER TO MY BEST FRIEND'S AGAIN

Bago sila bumalik ng Maynila dumaan muna sila sa food shop na ngayon ay napansin niyang ginawa ng "Angela's Bakers" food shop na ang trade name nito.

Gusto niyang matuwa dahil kahit paano naroon pa rin ang alaala niya sa lugar na iyon.

Kahit na hindi naman talaga siya ang tunay na Angela.

May mga naiwan pa rin pala siyang mga kakilala at kaibigan sa food shop na iyon. Kasama na rin sila Alyana at Diane ang akala kasi niyang bago na ang lahat.

Puro bagong mukha kasi ang nakikita niyang naroroon. Pero alam naman niya na si Alyana at Diane ang iniwanan niyang namamahala sa food shop.

Napakasaya niya ng magkita-kita sila ulit. Na-miss talaga niya ang mga ito. Ang tagal rin niyang nawala at umalis pa siya ng walang paalam.

Kahit pa nakakaramdam siya ng bahagyang pagkailang noong una at hindi niya alam kung tulad pa rin ba ng dati ang magiging pakikitungo ng mga ito sa kanya?

Kayà naman ang sarap sa pakiramdam na welcome pa rin siya sa lugar na iyon at tulad pa rin noon.

Bakit ba kasi napaka negatibo niyang mag-isip? Palibhasa kasi guilty siya at alam niyang siya ang nagkamali. Kaya ganu'n na lang ang kanyang pakiramdam.

Ngunit agad rin namang napawi ang ano mang alalahanin sa kanyang isip ng makita at makausap na niya ang dating mga kasama.

Ngunit isa pang sorpresa ang bigla na lang dumating ng oras ding iyon.

"Ehem! Bakit kayo nagtitipon dito anong meron?" Nakangiting bungad nito ng tuloy tuloy itong lumapit sa counter ng makita ang  pagkulumpon nila malapit dito.

Mabuti na lang wala pang gaanong pila sa gawing iyon may counter rin kasi sa kabila at dito mas pumipila ang mga cotumers.

Kaya sabay sabay rin silang napalingon sa pinagmulan ng tinig nito.

"Huh' Dorin?"

"A-Angela?!"

"Dorina i-ikaw ba talaga 'yan?!"

Nagulat man ngunit masaya pa rin niyang bulalas.

"Angela... Ako nga ito Best at wala nang iba pa na kasing ganda ko no?!" Tila maiiyak na ring saad nito na nilangkapan pa ng pagbibiro.

Napabilis rin ang paglapit nito sa kanya at gayun din ang kanyang ginawa.

In split second, magkayakap na sila at parehong nag-iiyakan.

"Kumusta ka na, ano ba kasing nangyari sa'yo bruha ka? Hindi ka man lang nagpaalam basta ka na lang umalis, nakakainis ka!"

"Sorry, sorry talaga! Ikaw kumusta ka na ha'? Magulo lang talaga ang isip ko noon at hindi na ko nakapag-isip. Gulong-gulo ang isip ko at hindi ko rin alam kung ano bang gagawin ko!" Umiiyak niyang paliwanag.

"Ikaw talaga, ano ka ba bakit hindi ka lumapit sa'kin? Halika nga dito... Excuse us please!" Hinila muna siya nito sa stock room sa dati nilang opisina.

Si Joaquin na napakamot na lang sa ulo nito sabay bulong...

"Pambihira..."

"Hayaan n'yo na Sir, mukha bang ngayon lang din ulit sila nagkita ni Ate Angela?"

"Nagkita rin ang magbestfriend." Nakangiting komento naman ni Alyana.

"Oo lahat naman tayo na-miss siya talaga kung kailan lang rin kami nagkita ng Ma'am n'yo. Nasa London siya 3 years ago. Kung kailan lang siya umuwi ng Pilipinas sobrang bilis lang talaga ng pangyayari. Kaya nga ayaw ko na siyang pakawalan pa at baka layasan na naman ako?" Walang gatol na saad ni Joaquin.

"Tama Sir, huwag n'yo siyang pakawalan. Ang tagal n'yo na rin namang naghintay." Susug pa ni Alyana.

"Hindi naman gaanong halata no?" Saad nito na sinabayan pa ng pagtawa na ikinatawa rin ng dalawa.

"Buti pa Sir tikman n'yo 'yung bago naming product."

"Oh' masarap ba 'yan?"

"S'yempre naman Sir!"

"Okay, sige nga tikman natin! Ipatikim n'yo rin sa Ma'am Angela n'yo ha'."

"S'yempre naman, mag-uwi rin po kayo sa Manila Sir para may madala kayong pasalubong!"

"Sige ba... Aba mukhang may nilalantakan na ang mga bata ko ah'?"

Nakita ni Joaquin na masayang kumakain na ang tatlong bata sa okupado nilang lamesa.

"Ah' pinakain na po sila ni Chef Monti kanina."

"Ah' ganu'n ba! Maganang kumain ang mga Anak ko kaya hindi kayo mapapahiya."

"Mabuti nga iyon, ang cute po talaga nila Sir! Kamukhang kamukha n'yo Sir kapag gan'yan daw p'wede pang dagdagan ng marami."

"Hahaha, salamat 'yan ang gusto kong sabihin n'yo sa Ma'am n'yo!" Sinundan pa nito ang sinabi ng malakas na pagtawa.

____

Habang sa stock room patuloy na nag-uusap ang dalawa sila Dorin at Amanda.

"Bakit ka ba kasi umalis ng walang paalam. Alam mo bang nagulat na lang kaming lahat sa'yo. Ang daya daya mo naman talaga bigla ka na lang nawala na parang bula. Saan ka ba nagtago ng tatlong taon ha'?" Kunwaring nakasimangot nitong tanong.

"Nasa London ako for the past 3 years, mula sa Iloilo at Cebu nagpunta na ako ng London at doon na ako nanatili sa loob ng tatlong taon. Akala ko nga hindi na rin ako magkakaroon ng chance na bumalik pa dito.

'Pero isang araw bigla na lang kinailangan ko ring bumalik. Dahil sa matagal ng problema ng pamilya namin. Kaya kailangan kong bumalik agad!" Paliwanag ni Amanda.

"Ibig sabihin ba niyan talagang bumalik na ang alaala mo noon pa mang umalis ka dito?"

"Oo at noong bago ako umalis sa Ospital ang gulo na nang isip ko. Ang daming pumapasok sa isip ko na hindi ko pa maintindihan noong una. Pero isa lang ang tumimo sa utak ko noon...

'Kailangan kong makita ulit ang pamilya ko at gustong gusto ko silang makita ng araw na iyon. Kahit hindi ko alam kung sino ang unang lalapitan ko.

'Magulong magulo rin ang isip ko noon at natatakot ako kaya tumakas ako noon sa Ospital.

'Dahil hindi ko alam kung ano ba ang totoo sa mga pumapasok sa isip ko. Kung alin ba doon ang dapat kong paniwalaan, kung ano ang totoong nangyari o kung nasa isip ko lang ba ang lahat?

'Kaya mas pinili ko na, umalis na lang at iwanan ang lahat ng ito. Kasi naisip ko, mas makakabuti na hanapin ko muna ang sarili ko. Dahil hindi ko masasagot ang mga tanong sa isip ko. Hangga't hindi ko nakikilala ang tunay na ako at isa lang ang alam kong paraan  upang malaman ko ang lahat.

'Iyon ay ang bumalik ako sa aking pinagmulan. Kasama na rin doon ang hanapin ang aking pamilya.

'Dahil sila lang ang makasasagot sa akin, gustong gusto ko ring makita noon ang Mamang ko at si Amara.

'Pero nabigo ako dahil nalaman ko na matagal na rin pa lang wala ang Mamang ko at si Amara narito na rin siya sa Maynila.

'Noon ko rin nakumpirma sa isip ko na si Mandy ay walang iba kun'di si Amara." Saglit pa siyang napasigok ng maalala niya ang kanyang Ina at kapatid.

Niyakap naman siya ni Dorin upang payapain.

"Naikwento na rin 'yan sa amin ni Amara noong hinahanap ka namin. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyong Ina at ganu'n rin sa nangyari kay Tito Darius."

"Kung ganu'n alam n'yo na rin ang ugnayan ng pamilya natin. Ang Papang ang hinahanap na kapatid ng Daddy mo. Marahil alam n'yo na at nasabi na sa inyo ni Amara ang lahat.

'Masaya akong malaman na kayo rin pala ang hinahanap ko noon. Matagal ko na rin pala kayong natagpuan, kung hindi lang ako nawalan ng alaala noon. Matagal ko na rin sana kayong nakilala."

"Tama ka kung nalaman lang rin namin agad sana natulungan pa namin kayo noon. Sana hindi iyon nangyari kay Tito Darius!"

"Ang taong iyon ang pumatay sa Papang siya ang may kasalanan ng lahat. Napakasama niya wala siyang kasing samà! Alam mo bang tinangka ko siyang patayin noong nasa Iloilo ako."

"A-ano? Hindi mo 'yun dapat ginawa." Sagot nito.

"Pero hindi ko naman talaga nagawa. Dahil nabigo akong gawin iyon. Hindi ko man lang siya nagawang kantiin kahit na konti.

'Dapat sana napatay ko na siya kung hindi lang may pumigil sa akin na gawin 'yun at dahil sa nalaman ko rin na..." Hindi na nito pinatapos pa ang dapat na sasabihin niya agad na itong nagsalita.

Sasabihin pa sana niya na ang pagbubuntis niya ang pumigil sa kanya na gawin iyon.

"Naiintindihan naman kita, alam ko na mahirap sa sitwasyon mo na gawin 'yun! Dahil hindi rin tama na gawin mo iyon sa kanya.

'Hayaan mo na lang na ang batas ang gumawa nu'n sa kanya para sa'yo at para sa ating lahat. Sana na nga lang makita na siya at makulong. Pasensya na pero galit rin talaga ako sa taong iyon.

'Pero alam ko naman na kahit gaano pa ang kagustuhan mo na makapaghiganti at kahit gaano pa siya kasama. Hindi mo pa rin maitatanggi ang totoo na hindi mo siya maaaring patayin.

'Dahil siya pa rin ang tunay mong..." Ngunit hindi na nito naituloy pa ang sasabihin.

Dahil nabaling ang buo nilang atensyon sa may pinto.

"TOK, TOK!"

"Hey girls, p'wede ba kayong maabala?" Si Joaquin na bigla na lang sumulpot. Ngunit kumatok muna ito at sumilip sa may pinto.

Hindi na tuloy nagawang ituloy pa ni Dorin ang dapat sanang sasabihin nito. Dahil pareho lang silang napalingon kay Joaquin. Nakuha kasi nitong bigla ang kanilang atensyon.

"Bakit?!" Nagkasabay pa nilang tugon.

"Wow! Magbestfriend nga kayo." Pabirong saad nito na sinabayan pa ng pagtawa.

Kaya naman tuluyan na nilang naisantabi ang kanilang naputol na pag-uusap.

"Tumawag kasi si Nanay Sol doon daw tayo kumain ng lunch. Nagpahanda daw kasi siya ng pananghalian bago tayo umuwi ng Manila.

'Kaya maya maya balik na tayo sa bahay doon n'yo na ituloy ang kwentuhan. Saluhan mo na kami Dorin, nasaan nga pala si Aaron at si Hazel?"

"Si Hazel kinuha ng mga biyenan ko na-miss ng mga Lola, si Aaron may hearing pa mamaya pa ang uwi nu'n saka namin susunduin si Hazel. Bibili nga lang sana ako ng dadalhin sa mga biyenan ko. Pero dahil narito kayo dito na lang muna ako at sasama na rin ako sa inyo wala rin akong kasama sa bahay eh'."

"Tamang tama pala..."

"Okay mabuti kung ganu'n tayo na, pero sayang hindi ko pa tuloy makikita si Hazel pabalik na rin kasi kami ng Manila!" Tugon niya na may panghihinayang.

"Problema ba 'yun eh' di minsan dadalawin na lang namin kayo sa Manila. Pabalik na rin kasi kami doon nagbakasyon lang talaga kami dito babalik na rin kami ng Maynila sa susunod na araw."

"Wow talaga, sige aasahan ko 'yang pagpunta n'yo ibigay mo rin pala sa'kin ang cellphone number mo mamaya ha'."

Muli silang bumalik malapit sa counter kung nasaan ang mga bata.

"Okay, teka sandali sinong... Sino ang mga batang ito?" Nanlaki ang mga mata ni Dorin pagkakita sa kambal. Ngayon lang kasi nito napansin ang mga bata sabay tutop nito ng kamay sa bibig.

"Hindi ba halata?" Nakangiting tanong ni Joaquin.

"Mga kapatid ko po sila Tita Dorin kamukha ko rin po sila di ba?"

"Oo nga, kamukhang kamukha mo sila Anak at ang cute naman nila manang mana kay Kuya VJ!"

"S'yempre naman po Tita!hihihi."

Tuwang-tuwa sagot pa ni VJ.

"Nanganak ka pala ng kambal pero sandali, ibig sabihin ba nito. Hindi pa rin alam ni Tito Lian ang tungkol sa kanila?" Tila nababahala namang tanong ni Dorin.

"Gusto lang muna naming i-settle ang lahat bago namin sabihin." Salo naman ni Joaquin.

"Kapag naka-settled na saka n'yo kami iimbitahin ganu'n ba? Saka n'yo lang sasabihin kay Tito na okay na kayo magpapakasal na kayo dahil may Anak na kayo ganu'n!" Disgustong pahayag nito.

"Hindi naman sa ganu'n kaya lang kasi maraming nangyari nitong mga nakaraang araw.

'Nabalitaan n'yo naman siguro 'yung nangyari kay Chloe nitong nakaraan hindi ba?" 

"Oo pero ano naman ang kinalalaman nu'n sa pagsasabi n'yo kay Tito?" Napatingin si Dorin kay Joaquin na nagtataka.

"Bago kasi 'yung nangyari kay Chloe nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan namin ni Chloe."

"Kayo nagtalo ni Chloe?" Takang tanong nito.

"Ang totoo hindi sila, kami ni Chloe ang nag-away bago may nangyari sa kanya. Nakikita mo ba itong buhok ko kaya maiksi na itong buhok ko." Napakunot naman ang noo nito ng dahil sa sinabi niya hindi nito kasi iyon maintindihan.

"Ayaw ko na sanang pag-usapan pa iyon dahil wala naman na siya dito. Pero hindi pa rin talaga yata maiiwasan.

'Ang totoo bago may nangyari sa kanya nag-away kaming dalawa sa opisina ni Joaquin.

'Pinagtulungan kasi nila ako pilit niyang pinagupit ang buhok ko sa mga tao doon. Hindi ko rin alam na aabot kami sa ganu'n.

'Tapos isang araw lang ang lumipas ng may mangyari sa kanyang masama. Natagpuan na siyang patay kasama ng isang lalaki sa Hotel.

'Noong una hindi nila tukoy ang totoong suspect. Kaya..." Hindi na nito pinatapos ang sasabihin pa ni Amanda.

"Kaya kayo ang unang nilang napagbintangan na gumawa ng krimen? Grabe, ganu'n na pala ang nangyari pero wala man lang kaming kamalay-malay, wala isa man sa amin ang nasa tabi n'yo.

'Paano na lang kung hindi nila napatunayan kung sino talaga ang suspect?

'Ibig bang sabihin maaaring kayo ang nakulong dahil kayo ang may motibo?" Dismayadong saad nito.

"Kaya nga maraming nangyari hindi na rin namin naisip na abalahin ang sino man sa inyo. Nagkataon kasi na ang layo n'yo pa." Paliwanag ulit ni Amanda.

"Kahit na sino bang maaabala, paano na lang kung talagang nakulong kayo ng walang kasalanan?"

"S'yempre hindi rin naman namin hahayaan na ganu'n ang mangyari. S'yempre rin hihingi at hihingi kami ng tulong sa kahit kanino sa inyo! Kung sakaling hindi na namin kayang gawan ng paraan." Saad naman ni Joaquin.

"Dapat lang na sinabi n'yo kung ganu'n na ang sitwasyon. Para nagawa natin kung ano man ang dapat gawin. Hindi talaga ako makapaniwala na nasangkot pa pala kayo sa kasong 'yun!

'Siguradong hindi rin ito ikatutuwa ni Tito Lian. Bakit kasi hindi man lang kayo nagpasabi." Reklamo pa nito na may bahagyang sama ng loob.

"Pasensya na, pero ang mahalaga naman nakalagpas na kami sa sitwasyong iyon at ngayon mas makapagfocus na kami sa ibang bagay." Tugon naman ni Amanda.

"Salamat na nga lang at ganu'n ang nangyari. Kaya pala ang akala ko nagbago ka lang ng look pero bumagay naman sa'yo."

Nakangiti nang saad ni Dorin sabay haplos pa nito sa kanyang buhok.

"Salamat sa pang-unawa!"

"Hmmm, pero nagtatampo pa rin ako sa'yo ako ang Best friend mo! Pero hindi ako ang una mong naisip lapitan noon..."

"Hmmm, bakit nga ba? Sandali parang nakalimutan ko yata...

'Hala! May amnesia na naman yata ako?"

"Sira... Wala ka nang amnesia baliw ka lang talaga!"

"Kaya nga Best friend kita di ba?"

"SIRA!" Sabay pa silang tumawa ng muli silang bumaling ng tingin sa isa't-isa.

"Pero curious pa rin ako paano n'yo alam n'yo na, ano ba ang nangyari du'n? Ang huling balita ko nakatakas daw ang suspect at hindi pa rin nila natatagpuan, hanggang ngayon." Muli pang tanong ni Dorin.

"May mga tumulong naman sa amin isa na doon si Dustin ang kapatid ni Angela." Paliwanag ulit ni Joaquin.

"Oh' talaga? Ah' oo nga pala magkasama sila noon at siya rin 'yung lalaking sinabi ni Chloe noon na sinamahan ni Angela at pinakasalan."

"Siya nga, pero ngayon malinaw na sa akin na gawa-gawa lang ni Chloe ang lahat ng iyon." Tugon ni Joaquin.

"Ang ibig sabihin si Chloe talaga ang nagsabi sa inyo ng lahat ng iyon? Pero alam naman ni Chloe na hindi iyon totoo.

'Dahil alam niyang Asawa ng pinsan niya si Dustin. Kayà paanong mangyayari na ikinasal kami?" Aniya.

"Ewan ko ba sa babaing iyon pero ngayon nalinawan ko na. Sabagay tama ka wala na rin naman siya. Ano man ang naging pagkakamali niya noon wala na iyon." Tugon naman ulit ni Dorin.

"Mabuti pa sa bahay n'yo na ulit ituloy ang pag-uusap n'yo mukha bang kukulangin pa sa inyo ang maghapon eh'.

'But now let's go na muna tapos na ring kumain ang mga bata. Malamang hinihintay na rin tayo ni Nanay Sol sa bahay."

"Okay wait muna magpapabalot lang pala ako, pasalubong sa mga biyenan ko." Pabulong pang saad ulit ni Dorin.

"Nanunuyo ka na ah'?"

"Kailangan eh'."

Matapos itong bumili ng kailangang pasalubong sumunod na nga ito sa kanila. May dala rin kasi itong sariling sasakyan.

Pagdating sa bahay ng mga Alquiza masaya silang kumain ng pananghalian. Dahil Boodle Fight ang ipinahanda ni Nanay Sol kaya lalong natuwa ang mga bata.

Lalo na ang kambal na tinuruan pa ang mga ito ng kanilang Kuya na magkamay. Ngayon pa lang kasi naranasan ng kambal ang ganitong pagsasalo. Lalo na ang kumain ng nakakamay.

Inanyayahan rin kasi ni Nanay Sol ang ilang mga tauhan at datihan ng mga katiwala sa farm at sa Resort. Mga dati na niyang nakasama noong narito pa siya sa Batangas.

Matapos ang munting salo-salo at saglit na pakikipagkwentuhan sa mga bisita. Agad na rin ang mga itong nagpaalam upang muling bumalik sa kani-kanilang trabaho.

Alam rin kasi ng mga ito na ngayon rin mismo ang balik nila ng Maynila. Kaya nagpaalam na rin ang mga ito upang may oras pa daw silang maghanda sa pag-uwi ng Manila.

Ipinagdala pa sila ng mga ito ng mga kakanin at mga prutas na mula sa Farm. Kaya naman mas marami pa silang dala-dalahan pauwi kaysa kahapon ng dumating sila.

Pero hindi pa rin dito nagtapos ang masayang kwentuhan ng dalawang magkaibigan. Tila ba hindi sila mapaghiwalay sa dami ng gustong sabihin sa isa't-isa.

Tama si Joaquin mukhang kukulangin pa sa kanila ang maghapon para masulit nila ang muli nilang pagkikita.

Upang maibsan ang pagka-miss nila sa isa't-isa.

Hinayaan lang sila ni Joaquin sa masayang pagkukwentuhan at hindi na inabala pa.

Ngunit bigla itong natigilan ng bigla na lang may maalala!

"Huh' paano kung..."

*****

By: LadyGem25

     (08-19-21)

Hello Guys,

Kumusta kayo? Dahil nabitin tayo sa nakaraan kaya nmn narito na ulit ang bagong update. Sana magustuhan n'yo ulit ito.

Maraming salamat sa inyong mga votes at comments.

Nakakatuwa dahil patuloy n'yong bino-votes ang story. Kaya nmn nakaka-inspire na tayo ay magpatuloy pa...

Salamat rin na patuloy n'yo itong binabasa kahit mabagal ang updating. Pero sinisikap nmn natin na pagandahin pa ang story hanggang sa huli...

AGAIN THANK YOU & GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

MG'25 (08-20-21)

LadyGem25creators' thoughts
Siguiente capítulo