webnovel

MUTUAL FEELINGS

Matapos ang pagtitipon agad na s'yang tumayo, pagkaraang magpaalam ni Miss Francesca. Nagsilabasan na rin ang lahat sa loob ng function hall. Kaya nakisabay na rin s'ya sa mga ito. Pupunta s'ya ng locker room upang maghanda na sa pag-uwi. Subalit natigil s'ya sa paglalakad ng makarinig ng mga nagsasalita.

"Iba talaga kapag malakas ano?"

"Magiging masaya ka bang manalo kung alam mong hindi ka naman talaga karapat-dapat?" Kunwaring pag-uusap ng tatlong babaing dumaan sa kanyang harapan. Kahit batid naman n'yang pinariringgan talaga s'ya ng mga ito. Subalit sinikap pa rin n'yang pigilin ang matinding inis. Pero muling nagsalita ang mga ito na tila gusto talaga s'yang inisin..

"Pagmakapal ang mukha hindi na talaga nahihiya no?"

"S'yempre ang importante lang naman yung ma-impress si jowa."

"Grabe no, ano kaya ang pinakakain n'ya kay Sir J.?" Hirit pa ng isa.

Hindi na s'ya nakapagtimpi, bigla ang pagsulak ng kanyang galit. Hindi na n'ya napigilan ang sarili na komprontahin ang mga ito. Inilang hakbang lang niya ang paglapit at nasa harap na s'ya ng mga ito.

"Sandali nga! May problema ba kayo sa akin?" Mariin n'yang tanong.

"Sa tingin ko hindi kami ang may problema kundi ikaw. Dahil ikaw ang mandaraya!" Deretsong akusa nito sa kanya. Gusto sana n'ya itong sampalin, dahil sa paratang nito. Pero pinigilan pa rin n'ya ang sarili.

Nakakalungkot isipin na mga kapwa Pinoy pa naman n'ya ang mga ito. Ang buong akala n'ya sa dayuhang bansang tulad nito lahat ng kalahi mo ang kakampi mo pero hindi pala lahat.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Lumaban ako ng patas at ginawa ko lahat ng kayang kong gawin. Nang hindi ako nanghingi ng tulong ng kahit na sino. Kaya wala kang karapatang sabihan ako ng gan'yan. Kung masakit man ang loob n'yo? Dahil hindi kayo napili, problema n'yo na yun! Siguro dahil sa kasamaan ng ugali n'yo?!" Pagbwelta n'ya sa paratang ng mga ito sa kanya.

"Sinong masama ang ugali? Eh ikaw itong lumalandi masiguro mo lang na mananalo ka, hindi ba?"

"Bwisit ka!" Hindi na s'ya nakapagtimpi, naitulak n'ya itong bigla, kahit sa huli nakaramdam s'ya ng pagsisi sa nagawa. Lalo na ng muntik na itong mawalan ng balanse kung hindi nasalo ng mga kasama. Kaya ng makabawe ito gumanti rin ito sa kanya.

Biglang hinila nito ang kanyang buhok sabay tulak din nito sa kanya ng mas malakas pa.. Tumama ang braso n'ya sa gilid na bahagi ng ding ding sa pagpigil na h'wag s'yang tuluyang bumalandra. Naramdaman rin n'yang sumayad ang kamay nito pakalmot sa kanyang pisngi.

"Hey, Stoppp! What happened to both of you? Why you're fighting?" Si Allegra na kalalabas lang mula sa locker room. Pumagitan na ito sa kanila upang sila ay awatin.

"Bagay lang yan sayo punyeta ka kasi.." Sabi pa nito at tuloy-tuloy ng umalis kasunod ng mga kasama nito na bumubulong.

"Wala naman pala s'yang binatbat!" At sabay-sabay pa itong nagtawanan at tuloy-tuloy ng umalis.

Bigla s'yang natigilan.. Lumingon s'ya sa paligid, pinagtitinginan na s'ya ng mga dumaraan at nakakaramdam na rin s'ya ng pagkapahiya. Hindi n'ya alam kung bakit bigla na naman s'yang nakaramdam ng takot. Hindi s'ya bayolenteng tao at talagang natatakot s'ya kapag may nanakit sa kanya sa puntong iyon wala na s'yang nagawa.

"Are you okay? Let's go, you need to fix yourself." Tango lang ang naging sagot n'ya dito.

Sinamahan s'ya nitong ayusin ang kanyang sarili sa locker room. Nang matiyak nitong okay na s'ya nagpaalam na rin agad ito sa kanya. Nalaman din n'ya na kaya pala lagi din itong nagmamadali may anak din pala itong inaasikaso at iniiwan lang sa Day care center. Matapos n'ya itong pasalamatan s'ya na rin nagtulak rito upang mauna nang umalis. Saglit lang n'yang inayos ang mga gamit naghanda na rin s'yang umuwi.

Nang isasara na n'ya ang locker cabinet bigla s'yang natigilan napatitig s'ya sa mga tulips na maayos at maganda pa rin kahit maghapon na sa kanyang locker. Napaisip s'ya kung iuuwi ba ito o hahayaan na lang? Nasa kanya ang panghihinayang, subalit kapag naiisip niya ang taong nagbigay nito. Nakakaramdam s'ya ng pagkainis, dahil ito ang dahilan kung bakit nahihirapan s'ya ngayon at pinagdududahan.

Sa huli hinayaan na lang n'ya ito at muling ini-lock ang locker, kasunod ang isang bulong.

Mabulok ka d'yan!

Paglabas n'ya ng locker room, may naghihintay na sa kanya sa labas. Nagulat man, dere-deretso lang s'yang lumakad na parang walang nakita. Matapos ang saglit na pagsulyap at malalim na buntong hininga.

Pero bago pa s'ya tuluyang makalayo, nahatak na s'ya nito pabalik hawak ang kanyang braso. Dahilan para s'ya mapa-daing sa sakit, nahawakan kasi nito ang parte ng kanyang braso na tumama sa ding ding kanina.

Bigla tuloy itong nag-alala sa naging reaksyon n'ya.

"Ok ka lang ba, may masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito habang sinusuri ang magkabila n'yang braso. Nang mapa-dako ang tingin nito sa kanyang mukha Dagling nag-init ang ulo nito.

"Tang-ina! Sinong may gawa n'yan sa'yo?" Biglang tanong nito, nagngangalit ang mga bagang nito sa galit ng mapagmasdan nito ang kanyang mukha.

"Pwede ba bitawan mo nga ako!" Piksi n'ya, pilit binawi ang kanyang braso at lumayo dito.

"Tinatanong kita! Sabihin mo kung sinong may gawa n'yan sa'yo?" Hinawakan pa ulit nito ang kanyang mukha at bahagyang tinagilid upang higit na mapagmasdan ang kalmot sa kanyang pisngi na malapit sa kanyang tainga.

"May nanakit ba sa'yo dito? Sumagot ka!" Hiyaw na nito sa kanya, awtomatikong napatakip s'ya sa kanyang tainga. Dahil hindi n'ya ito gustong marinig. Hindi na rin n'ya napigilan ang magpaiyak. Dahil sa hindi rin mapigilang emosyon. Nang bigla na lang s'ya nitong niyakap, habang panay ang halik sa kanyang buhok. "I'm sorry hindi ko sinasadya." Sising-sisi ito sa nagawa na parang hindi malaman kung paano s'ya aaluin. Kahit paano nakaramdam naman s'ya ng kaginhawahan dahil sa ginawa nito.

Habang sa isip ni Joaquin, naroon ang takot na baka ma-istress na naman ito ng dahil sa kanya. Hindi n'ya hahayaang mangyari pa iyon ulit. May iba pa namang paraan para malaman n'ya ang nangyari kahit hindi nito sabihin.

Tumingin s'ya sa paligid upang tiyakin ang isang bagay. Tumigil ang paningin niya sa mataas na bahagi ng kisame isang CCTV ang nakita n'yang nakakabit dito. Bingo! Alam na n'ya kung anong gagawin.

Habang si Angela na biglang nahihimasmasan ng maalala ang kanilang sitwasyon. Naitulak n'ya itong bigla. Nagulat pa si Joaquin sa kanyang ginawa.

"Hey! Ano ba talagang problema mo sa'kin? Okay naman tayo hindi ba?" Sabi nito na may bahagyang pagkayamot.

"Okay? Alam mo bang sinasabi mo? Alam mong hindi tayo magiging okay kahit kailan." Mariin niyang bigkas.

"Pwede bang h'wag na tayong maglokohan? Hindi na tayo mga bata, alam kong gusto mo rin ako kahit hindi mo pa aminin ramdam ko 'yun!" He choose to be frank this time.

"Bakit mo ba ito ginagawa, seryoso ka ba talaga nang sabihin mong gusto mong maging kabit? Dahil sa kabila ng lahat na alam mong may pamilya na ako nagpapatuloy ka pa rin.. Gusto mo bang masira ang buhay mo ng dahil sa'kin?" Aniya, sa madiplomasyang salita.

Ngunit tumawa lang ito ng mapakla. Deretsong tumingin ito sa kanyang mga mata at nagtanong.

"Ikaw, nagsasabi ka ba talaga ng totoo sa akin o nagsisinungaling ka lang? Paano kung sabihin kong hindi ako naniniwala sa impormasyong ibinibigay mo sa'kin. Dahil alam ko kung ano ang totoo." Sabi nito, kahit hindi naman talaga nito batid ang tunay na relasyon n'ya sa ama nito. Isang bagay lang naman ang alam nitong sigurado.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Angela.

"Dahil alam kong hindi mo s'ya asawa at hindi mo s'ya totoong anak." Dahil ako ang kanyang ama, bulong pa nito sa sarili.

Pinangatawanan na nito ang mga sinabi kahit pa hindi naman ito sigurado. Nasimulan na kasi n'ya at hindi na ito mababawi pa.

Dahil sa sinabi nito bigla s'yang napatda at napatitig dito na puno ng sama ng loob. Bakit nga ba hindi n'ya naisip na magagawa nito ang lahat ng iyon? Gaano lang kadali para dito ang lihim s'yang pa-imbestigahan sa yaman nito at koneksyon.

Napaka-simple lang ng ganitong bagay. Hindi na rin s'ya magugulat kung alam na rin nito ang tungkol sa kanyang sakit. Pero bigla rin s'yang napaisip at naitanong sa sarili.

Alam ba talaga nito na may sakit s'ya? Kung alam nito iyon, hindi ba dapat wala na rin itong interes sa kanya? Sino ba ang magkakagusto sa isang babaing naliligaw o mas tama bang sabihing nawala sa sarili? Pero bakit interesado pa rin s'ya o baka naman naaawa lang s'ya sa'kin? Bulong ng isip n'ya.

"Kung ganu'n nagawa mo na pala akong pa-imbestigahan ng lingid sa aking kaalaman. Ano pang alam mo? Bakit hindi mo pa sabihin lahat, tutal wala na pala akong maitatago sa'yo. Saglit s'yang huminto at bumuga ng hangin at muling nagpatuloy. Bakit mo ba ito ginagawa sa'kin?" Mariin n'yang sumbat.

"I'm sorry, wala naman akong masamang intensyon. Gusto lang talaga kitang makilala 'yun lang, maniwala ka." Paliwanag pa nito.

"Makilala, sa ganyang paraan? Bakit ikaw, kilala ba kita ha? Diniinan n'ya ang bawat salita, lumapit pa s'ya sa lalaki at tinulak-tulak ng kanyang hintuturo ang gilid ng balikat nito. "H'wag mo nang tangkain na kilalanin ako. Dahil hindi mo ako kilala at kahit kailan hindi mo ako makikilala. Naiintindihan mo ba? Kaya kung pwede layuan mo na ako!" Aniya. Sabay talikod para sana iwanan na ang lalaki, subalit.

"Bakit kailangang pahirapan pa natin ang isat isa. Alam kong pareho lang naman tayo nang nararamdaman. At hindi ako ganu'n kadaling sumuko. Patutunayan ko sa'yong sa huli ako pa rin ang hahanapin mo. Dahil sa'kin ka lang magiging masaya."

"Bakit ba ang kulit mo? Hindi nga kita gusto!" Muli s'yang napabaling ng tingin dito. Napalakas na rin ang kanyang boses, dahil sa sobrang inis sa kakulitan nito.

Buti na lang wala ng dumadaan sa hallway ng mga oras na iyon. Dahil nagsi-uwian na ang ibang empleyado at busy na ang lahat para sa night shift.

"Sige lang, kung 'yan ang gusto mo! Papaniwalain mo ang sarili mo na wala kang nararamdaman sa'kin. Pero hindi mo rin ako mapipigilang gawin ang gusto ko. Tulad ngayon, halika na ihahatid na kita." Tinangka nitong hawakan ang kanyang kamay na dagli niyang iniwas.

"At sinong nagsabing gusto kong magpahatid sa'yo? Kaya kong umuwing mag-isa." Aniya.

"Alam ko, subalit gusto kong ihatid ka!" Muli nitong hinagilap ang kanyang kamay at muli naman n'yang iniiwas. Subalit mas naging mabilis ang kamay nito sa ikalawang pagkakataon.

Kahit pilit n'ya itong binabawi lalo lang humihigpit ang paghawak nito sa kanyang kamay.

"H'wag mo na kasing pilitin, sasakit lang ang kamay mo. Ihahatid lang kita promise, wala akong ibang gagawin. Gabi na rin naman hayaan mo na akong ihatid ka. Maliban kung gusto mong sa itaas na lang kita dalhin at h'wag na kitang iuwi. Ngayon mamili ka ihahatid kita o iuuwi na kita?" Tanong nito na hindi pa rin binibitiwan ang kanyang kamay.

"Bakit ba ang kulit mo talaga, kailan mo ba ako titigilan? Alam mo bang marami na ang nakakapansin sa atin, nagiging usap-usapan na tayong dalawa. Hindi ka ba nag-aalala na baka pagtawanan ka nila?" Mas pinili pa rin n'yang kausapin ito ng mahinahon. At pinigilan ang pagkainis dito.

Pero tumawa lang ito.

"Bakit naman nila ako pagtatawanan? Napakaganda ng magiging nobya ko at may posibilidad na maging magaling na pastry chef pagdating ng araw. Bukod pa sa wala naman silang pakialam sa kung sino ang gusto kong maging kahawakan ng kamay at h'wag nang bitiwan habang buhay." Sabi nito.

Muli s'yang huminga ng malalim bago muling nagsalita.

"Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"

"Bakit ba kasi kailangan mo silang isipin? Pwede bang ako na lang ang isipin mo?"

"Bakit naman kita iisipin?" Tanong pa niya.

"Dahil gwapo ako, makisig at pwede rin akong maging mabait kung magpapakabait ka? Kaya halika na uwi na tayo." Hinila na s'ya nito at iginiya palabas ng parking. Ito na rin ang nagbitbit ng kanyang gamit. Sa delivery entrance na sila dumaan para mas malapit. Wala na rin s'yang nagawa kun'di sumunod dito. Dahil hawak pa rin nito ang kanyang kamay at hindi na binitiwan.

Pagdating sa parking agad s'ya nitong ipinagbukas ng sasakyan, bago lumigid ito sa driver's seat. Nang umuusad na ang sasakyan naisipan nitong magtanong.

"Nagustuhan mo ba yun bulaklak na pinadala ko?" Tanong nito na saglit pang umikot ang paningin. Marahil hinahanap nito ang bulaklak.

"Hindi!" Pagkakaila niya ng hindi tumitingin dito. Pero dinig n'ya ang pagbuntong-hininga nito.

"Ano bang gusto mo?" Tanong pa ulit nito. Halata ang lungkot sa boses nito.

"Wala!" Maikli n'yang sagot.

"Hindi ka ba nagugutom? Kumain muna kaya tayo." Hindi pansin ang panunupla n'ya.

"Hindi ako nagugutom ihatid mo na lang ako, gusto ko nang magpahinga.

Muli itong napabuntong hininga, tumutok na ito sa pagmamaneho at hindi na nagsalita pa.

Pagdating nila sa apartment nagmadali itong bumaba at lumigid sa passenger seat. Agad din s'ya nitong ipinagbukas ng sasakyan at hinintay na makababa.

Deretso naman s'yang lumakad papasok ng apartment ng hindi ito nililingon. Ang buong akala niya susundan s'ya nito sa pagpasok. Subalit lumipas na ang ilang segundo hindi pa rin ito sumusunod.

Saglit s'yang huminto sa tapat ng pinto at pinakiramdaman pa ito. Kasabay ng pagpigil sa kanyang sarili na ito'y muling lingunin.

Hanggang sa isang ugong ng papalayong sasakyan ang biglang nagpalingon sa kanya sa kanyang likuran. Bigla s'yang napabaling, subalit wala na s'yang nagawa kun'di habulin ito ng tanaw, habang palayo ito ng palayo.

Pero bakit ganu'n, bakit ako nasasaktan? Hindi.. Hindi ko ito dapat nararamdaman. Tanggi ng kanyang isip.

Hindi na rin n'ya nagawang pigilan pa ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Alam n'ya sa kanyang sarili na kahit hindi n'ya aminin.

Nagsisimula na s'yang magmahal kaya s'ya nasasaktan..

* * *

By: LadyGem25

Siguiente capítulo