Sa di inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Jei at Wonhi. Ang akala ni Jei na paghanga sa idolong gwapong modelo ay unti- unting lumalalim. Ngunit... may mahal na siyang iba!
Mahimbing na natutulog si Jei sa bus na kasalukuyang naglalakbay sa paliko- likong kalsada patungo sa kanyang bayan ng Myan Ji na nasa sa Timog ng bansang Khal Hiji.
"Aray! Shit," sigaw ng dalaga habang minamasahe ang noong nauntog sa bintana ng umalog ito dulot ng mabatong kalsada. Minasdan niya ang kanyang relo. Alas- kwatro ng madaling araw.
Mula sa kanyang bintana, natatanaw niya ang mga nagkikislapang ilaw mula sa mga mumunting mga bahay na pinaglayo ng malalawak na bukirin at mga mayayabong na puno.
"Wow! Nakakamiss din palang umuwi," bulong niya sa sarili saka tipid na ngumiti.
'Kumusta na kaya ang mga kababata ko? Si Archie, ano na kayang nangyari doon?'
Maglilimang taon na siyang hindi umuuwi dahil sa kanyang pag- aaral. Genetic Engineering ang kanyang napiling kurso kaya kailangan niyang lumuwas ng Pryssia, isa sa mga mega cities ng bansa. Sa Pryssia din matatagpuan ang mga dekalidad na unibersidad ng Genetic Engineering at Medicine.
Nagising siya sa kanyang pagmumuni- muni ng biglang may tumapik sa kanyang balikat.
"Hey! Crazy?!" sita sa kanya ng katabing lalaki sa pandalawahang upuan ng bus. Bakas ang inis sa boses nito kaya agad tumikwas ang kilay ng dalaga.
"Who? Me?" takang tanong ni Jei sa kanya.
"Cold!" sambit lang nito bago magtalukbong gamit ang kanyang itim na leather jacket. Isinara muna ni Jei ang bintana bago minasdan ang lalaki. Base sa damit nito ay halatang hindi siya taga Miyan Ji.
"May dalawang oras pa," sabi niya sa sarili bago umayos ng upo at naidlip.
"Hey, miss!" sambit ng lalaki habang inaalog ang nakayungyong na ulo ni Jei sa kanyang balikat.
"Anu ba?!" inis niyang sagot. 'Ang aga-aga, may pa good morning na bwisit!' ani ng kanyang isip habang kinukusot ang kanyang mga mata.
"Hey! Wake up!" inis ding sabi ng lalaki saka niya ito binatukan kaya napilitan siyang magmulat ng mata at umayos ng upo.
"What the f*ck!" malakas na sabi nito ng makita ang bakas ng tumulong laway ni Jei sa kanyang t- shirt.
"Sorry. Shit! I am really sorry," aniyang pulang- pula sa kahihiyan habang tarantang pinunasan ang kanyang mukhang may bakas pa ng natuyong laway.
Tiningnan lang siya ng lalaki na halatang nandidiri. Akmang pupunasan ni Jei ang t-shirt ng binata nang agad nitong tinabig ang kamay ng dalaga saka tumayo para kunin ang kanyang backpack. Naiwan si Jei na shocked pa rin sa takbo ng mga pangyayari.
"Punyeta! Bakit pa kasi ako naidlip," kanyang sambit habang inaayos ang sarili bago bumaba ng bus. "Sana lang hindi kami magkita."
Myan Ji ay isa sa mga hindi gaanong kilalang bayan na matatagpuan sa timog ng Khal Hiji. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, ito ay tinaguriang 'Hidden Jewel of the South' ng bansa dahil sa angking likas na yaman--- mga matatarik na bundok na animo'y bughaw pag tinignan sa malayo at sinasakop ng birheng kagubatang mayaman sa likas na hayop at halaman.
Dito rin matatagpuan ang 'Waterfalls of the gods' o 'Yin Yang waterfalls' na binubuo ng dalawang waterfalls na halos magkasing- taas, mahigit kumulang 1000 ft, at magkasing- lakas na kung saan ang isa ay mula sa natural spring na nanatiling malamig kahit tag- araw at ang isa naman ay galing sa pinagsama- samang hotsprings mula sa di kalayuang bulkan.
Hindi man ito modernong gaya ng Pryssia, Mevious at Kladh, hindi naman ito masasabing mahirap na bayan. Sa katunayan ay kumpleto din ito sa mga pasilidad tulad ng mga de kalibreng ospital at paaralan. Kaya lang hindi ito madaling puntahan dahil sa matarik na kalsada bukod pa sa malayo sa kapital na Pryssia.
Kaya naman ay malimit itong puntahan ng mga taong naghahanap ng payapang pamumuhay.
"Fuck! This is unbelievable!" ani ni Wonhi habang pinagmamasdan ang magandang tanawin mula sa view deck na malapit sa bus station.
Ang mga hamog sa dahon ng mga halamang ligaw at damo sa malawak na parang ay kumikinang na parang mga diyamante habang sinisinagan ng araw.
"Uhm... excuse me. Are you Park Wonhi?" sabi ng isang magandang babae sa kanya. Kumunot ang kanyang noo dahil akala niya ay hindi siya makikilala sa kanyang suot na damit--- itim na bull cap, dark Rey Ban sunglasses, itim ding t- shirt at leather jacket, ripped jeans at puting rubber shoes. Nagkasuot din siya ng itim na face mask. Tinitigan lang niya ito.
"Sorry... I thought you were someone I adore very much! I am a huge fan and you look a lot like him, so I got excited when I saw you standing here. Sorry," sabi nito bago siya iniwan. Tumango lang si Wonhi ngunit di siya nagsalita.
"Shit!" bulong niya sa sarili saka niya tinignan ang kanyang relo. Mag- aalas siyete na.
"Where the hell are you?" inis niyang sabi. Sakto namang pumarada ang isang Land Rover sa tapat niya.
"Mian hae. Nae dongsaengi yeogi e itseupnida," sabi ni Rain kay Wonhi habang bumababa sa sasakyan. Nagyakap ang dalawa saka kinuha ni Rain ang mga bagahe ni Wonhi at ipinasok sa trunk ng sasakyan.
"Oh? Your sister is here?" takang tanong ni Wonhi sa kanya na tinanguhan lamang niya bilang pagsang- ayon.
"Yep. That's why I'm late coz' I had to drive her home first. I was thinking about giving both of you a ride, but she has loads of stuff so you two wouldn't fit in," paliwanag nito.
"Arasso. Ga ja! Na neun swigo sipda," saad niya nang sa wakas ay makaupo sa passenger's seat. Tumawa si Rain sa kanyang sinabi. Alam niyang pagod ito dahil hindi siya sanay sa mahabang biyahe, idagdag mo pa ang mabatong kalsada.
"Anyway... what are you planning to do here?" tanong ni Rain sa nakapikit na si Wonhi.
"Dunno. Maybe, I'll stay for the summer," sagot nito.
"Care to tell me what made you decide to suddenly come here?" tanong uli Rain.
"How far is your house?" biglang tanong ni Wonhi.
"We're almost there--- 500 meters more," sagot ni Rain.
"Okay. So just drive. Your questions can wait," saad nito.
"Yes, your majesty!" tumatawang sabi ni Rain.
Makalipas ang halos limang minuto, pumasok sila sa isang bahay na gawa sa basalt, pine woods at fiber glass.
"This will be your room," saad ni Rain kay Wonhi habang binubuksan ang pintuan ng kanyang kwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
"Hmmm.... nice place, bro" sabi ni Wonhi sa kanya habang inilalapag ang kanyang back pack at luggage sa sahig.
"This isn't as big and comfortable as your room in Seoul, but I hope you'll like it," nakangiting sambit ni Rain sa kaibigan.
"Oh c' mon... this is perfect!" sagot ni Wonhi.
"Okay. I'll leave you to rest and I still have some work to finish," paalam ni Rain.
Tumango at nagpasalamat naman si Wonhi sa kanya bago ito naidlip habang nakadapa sa kanyang kama.
Hindi niya alam kung ilang oras siyang tulog pero nagising siya sa malalakas na katok mula sa kanyang pintuan.
"Come in!" sigaw niya. Pumasok si Rain na halatang bagong ligo.
"Sorry to disturb your beauty rest, but dad is asking you to go down and join us for lunch," sabi nito kay Wonhi na nakapikit pa rin ang mata.
"Already lunch time?!" sambit nito na biglang nagdilat ng mata at bumalikwas ng bangon.
"Yep. So, get your ass up and let's go," ani nito sa kaibigan.
Agad nagt- shirt si Wonhi saka sila sabay bumaba sa dining room.
"Bro, I want you to meet my dad, Liam. Dad, kaibigan ko po, si Wonhi Park," pakilala ni Rain sa dalawa na agad namang handshake.
"So... welcome to our place, Mr. Park," masiglang bati ni mang Liam. "My son said you're a celebrity in Korea!"
Nahihiya namang tumango ang binata. "Uhm... I work as a model like Rain. By the way, thank you for allowing me to stay here," saad nito sa nakangiting matanda.
"No worries! You're always welcome here," ani ni mang Liam saka nag-gesture na magdasal muna sila bago kumain.
"Whoah! These are delicious, sir!" saad ni Wonhi na itinuturo ang mga putaheng inihanda para sa kanilang tanghalian.
"Well... I am glad you like it. But please, call me tito," nakangiting sabi ni mang Liam.
Agad namang bumaling si Wonhi sa kaibigan. Halatang nagtatanong ang mga mata kung ano ang ibig sabihin ng "tito".
"Means uncle," saad ni Rain habang nagsasalin ng tubig sa kanyang baso. Nakangiti namang tumango si Wonhi saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Saan si Jei?" tanong ng kanyang ama.
"Mamaya daw po siya kakain," sagot naman niya.
Maganang kumain ang tatlo habang nagkukwentuhan tungkol sa mga lugar na pwedeng pasyalan. Pagkatapos kumain ay nagligpit sina Wonhi at Rain.
"You fix the table. I'll wash the dishes," sabi ni Wonhi kay Rain.
"Sure. Know what, the press will go nuts if they see you washing your dishes. I can imagine their headlines: Supermodel Park Wonhi still looking sexy while washing dishes," natatawang saad ni Rain sa kanya.
"Shut up, Rain!" nakangiting saad ni Wonhi saka niya binato ang kaibigan ng basang wash cloth.