webnovel

Who's Jealous?

"Uhm..." sagot ni Martina bago tumingin kay Rain at humingi ng saklolo kung paano sagutin ang mga tanong.

"I think, it's better for us to go back to the farmhouse. Then, you can do the interrogation," sagot ni Rain sa dalawa.

"Better idea!" sagot ni Khassandra na hindi pinansin ang sarcasm ni Rain. Bumaling siya kay Martina saka hinawakan sa kamay.

Masaya ang lahat ng sa wakas ay kumain sila ng tanghalian. Hindi tinigilan nina Khassandra at Kara si Martina na sige pa rin ang kwentuhan kahit kumakain.

"What will we do after eating?" tanong ni Alex, ang nakababatang kapatid ni Bhral.

"Ah... for us, we're fine here. Talking to Martina would be just fine," sagot ni Khassandra.

"Khass, don't steal her from me," sagot naman ni Rain na inulan ng kantiyaw habang si Martina ay di rin mapigilang mapangiti ng maluwang.

Malalakas ang tili nina Kara at Khassandra sa kilig habang si Jei ay napapangiti lang.

"Khassandra, tama na yan. Let's eat," sabi ni mang Liam kaya biglang kumalma at agad nag- sorry sa matanda.

"Ang ingay niyo kasi!" saad naman ni Bhral sa nobya na lumabi ng pagsabihan siya.

Bumaling naman si Khassandra kay Wonhi na nag- eenjoy sa pagkain. "Sweetheart, do you want more rice?" masuyong tanong nito sa binata. Ngumiti naman si Wonhi bago umiling.

"Just tell me if you want something, okay?" saad pa ng dalaga.

"Okay," nakangiting sagot naman ng binata.

"Alex, paabot nga ng tubig, please," sabi ni Jei sa binata. Nakangiti pa ito habang iniaabot ang pitcher ng iced water sa dalaga.

"Eto po, kamahalan," biro ni Alex.

"Che! Kung ayaw mong ibigay, sabihin mo lang," sagot ni Jei.

"Eto naman, hindi na mabiro. Ano bang nakain mo't para kang dragon ngayon?" tanong ni Alex.

"Kumain ka na lang kung ayaw mong batukan kita diyan," bulong naman ni Jei sa binata. Tumawa si Alex sa sinabi ng dalaga.

"Masusunod po, mahal kong Jei," tukso ulit ni Alex.

"Anong mahal? Kumain ka na nga diyan baka masipa kita palabas," pagalit ni Rain kay Alex.

"Tigilan mo nga yan. Ay kelan ka pa natutong magmahal?" saad naman ng kuya niya.

"Well, you two look good together," tukso din nito sa dalawa na sinang- ayunan ng lahat maliban kay Wonhi na panay ang subo ng lechon.

Nang matapos lunukin ang nginuyang karne ay nagsalita si Wonhi, "Can we go to the hidden waterfalls later?"

"Oh! That's a good idea, bro," saad ni Rain at nag- high five pa sila.

"If my son asks you to settle down, are you willing to stay here with him?" biglang tanong ni mang Liam kay Martina na halatang nabigla sa katanungan niya. Nasamid si Jei sa kabiglaan kaya panay ang kanyang ubo.

"Jei, okay ka lang?"

"Are you okay?"

Magkasabay na tanong nina Alex at Wonhi sa dalaga bukod sa sabay din nilang tinapik ang likod nito.

"Alex, t-tubig," saad ni Jei sa binata habang pasimpleng tinanggal ni Wonhi ang kamay sa likod ni Jei at hinayaan niyang si Alex umasikaso sa dalaga.

Napapasulyap lang si Wonhi sa kamay ni Alex habang hinahaplos nito ang likod ni Jei pero hindi siya nagsalita kahit na naiinis siya dahil walang siyang magawa.

"Okay ka na, anak?" tanong ni mang Liam. Tumango si Jei sa ama. "Hala tapusin na nating kumain at nang makapagpahinga kayo bago kayo humayo sa sapa."

Matapos silang kumain ay nagligpit sila ng pinagkainan. Pati sina Martina at Wonhi ay tumulong kahit pinipigilan sila.

"Lying in a hammock under the tree is the best thing to do after eating," saad ni Wonhi kay Martina. "Right, bro!"

Tumango si Rain ngunit biglang naputol ang kanilang usapan ng dumating sina Kara at Khassandra.

"Sorry, we'll take her away for a moment."

"Don't worry, cousin. We're not stealing her away from you. She's still yours."

Paalam ng dalawang dalaga bago hilain si Martina palayo. Natatawa lang ito ng makitang nakasimangot si Rain. Si Wonhi naman ay amused na nakatingin sa kaibigan.

"Hey, are you sure now?" tanong ni Wonhi kay Rain ng makaalis ang tatlo. Buntong- hininga ang isinagot ni Rain sa tanong ng kaibigan.

Maya- maya ay dumating si Bhral. "Your girlfriend is a magnet," saad nito kay Rain.

"Why?" natatawang tanong ni Wonhi sa binata.

"Kara told me to get lost when I asked her to come with me," hindi makapaniwalang sagot ni Bhral.

"Well, the Martina venom is out," nakangiting saad ni Wonhi.

"Venomous! Right, she's beautiful and charming but dangerous," parang wala sa isip na saad ni Rain. Nagkaitinginan naman ang dalawang binata na iisa ang nasa isip.

Biglang natawa sina Bhral at Wonhi ng bumaling sa kanila si Rain na kunot ang noo ng makita ang pilyo nilang ngiti.

"You're getting the wrong signal!" dipensa nito.

"Oh c'mon. We're not even saying anything," natatawang sabi ni Wonhi.

Sumang- ayon din si Bhral, "Damn! The bad boy is in love..."

"Get lost!" singhal ni Rain na tinawanan lang nila. "Saan pala si Alex?" tanong niya para i-divert ang paksa ng usapan.

"Ah... kasama si Jei sa likod," sagot ni Bhral.

"Uhm... is he really into Jei?" tanong ni Wonhi na ginawa ang lahat upang ikubli ang labis curiosity.

"Maybe," sagot ni Rain bigla namang sumimangot si Wonhi sa di inaasahang sagot ng kaibigan at lalo siyang nairita ng maabutan nilang nagtatawanan sina Jei at Alex sa likod na bahay habang hinihintay sila at ang tatlong dalaga na katatapos ding magbihis.

"Ang lakas maka-beach vibes, ha!" saad ni Jei sa kanila.

"Oh, yeah! According to Martina here, we should go in style," nakangiting saad ni Kara saka isinuot ang hawak na sunglasses.

"Ooooh! Artistahin ang lovelife ko ha. Sana pag natapilok ka sa suot mong sandals na yan, in style din," pang- aasar ni Bhral sa kasintahan. Lumabi lang si Kara.

"Jei, magpalit ka na dali at nang makapunta na tayo," saad ni Alex.

"No need. That's fine," sabi ni Wonhi. "Let's go." Saka siya naunang maglakad. Hinabol naman siya ni Khassandra at agad umabrisiyete ng maabutan niya ito.

Tahimik lang na tinanaw ni Jei ang dalawa na tila masayang nag-uusap.

"They look so cute together," komento ni Martina na sinang-ayunan nila maliban kay Jei.

"Let's go!" saad ni Bhral bago hilain si Kara sa kamay at sumunod kina Wonhi at Khassandra.

Magkasamang naglalakad sina Jei at Martina. Napalingon si Jei ng marinig ang buntong-hininga ni Martina, "Have you ever loved someone so much?"

Nabigla man si Jei sa biglaang tanong ni Martina ay napa-isip si ito. "Hmmm... now, I'm not really sure whether I really loved him or I was just caught in a fantasy bubble all those times," sagot ni Jei.

"Well, I'm not sure either. All I know is that I can't imagine my life without your brother. I mean, I've tried... but being with him can't be matched by anyone," saad naman ni Martina.

Natawa si Jei sa sinabi nito kaya nagtaka siya. "Sorry. I just can't believe that my brother is good with women," paliwanag ni Jei ng makita ang nagtatakang mukha ni Martina.

Nagtatawanan pa rin ang dalawa hanggang sa makarating sila sa may sapa. Dumiretso agad si Martina sa may tubig pagkatapos tanggalin ang kanyang maxi dress habang agad ding nagtanggal ng polo si Jei saka lumusong.

Nag-enjoy ang lahat sa paglangoy at paglalaro sa may sapa na hindi nila namalayan ang oras.

"Kuya bayaw, mahal ko na ata talaga si Jei," biro ni Alex kay Rain.

"Kung papasa ka," nakangising sagot ni Rain sa kanya. Agad napakamot ng ulo si Alex bago bumaling kay Jei.

"Jei, anong dapat kong gawin para sagutin mo na ako?" sigaw ni Alex sa dalaga na nasa kabilang panig ng sapa.

"Ewan ko sa yo!" sagot ni Jei na nakaingos dito.

"Oh shit!" biglang mura ni Rain. "Let's go! It's already 5pm," dugtong niya sabay alalay kay Martina sa pagbaba mula sa malaking bato.

Nang makabalik ang lahat sa bahay ay agad silang nagshower at nagpalit ng tuyong damit.

"Bro, can we stay here for a night? I dunno. I just wanna experience the majestic night here that you often talk about," saad ni Wonhi sa kaibigan nang mapag-isa sina Wonhi at Rain sa second floor. Napaisip si Rain bago tumango.

"Walang problema basta wala nanaman akong maririnig na kung ano- anong ginawa ang pinsan mo," bilin ni mang Liam ng magpaalam si Rain sa kanya.

"Sir, yes, sir. No worries," sagot ni Rain na nagsalute pa sa ama.

"Naku! Yan din ang sinabi mo noon pero anong nangyari, umuwing may sugat at pasa si Khassandra dahil nahulog sa sobrang kalasingan!" galit na saad ng matanda.

"Lesson learned na po, tay. Anjan din po si Martina. Baka patayin kami bago pa kami malasing," paninigurado ni Rain sa ama.

"O siya. Ikaw na ang bahala dito at ako ay kailangan ng umuwi," sabi ni mang Liam bago paharurutin ang motor.

"Guys! The party is on!" masiglang saad ni Rain sa lahat ng makapasok.

"Cheers!" sigaw ng lahat.

下一章