Maganang kinain ni Jei ang inihain ni Wonhi para sa kanya. Wala siyang pakialam kahit may naririnig siya bulungan ng mga naiinggit na kababaihan sa kanyang paligid.
"Sino ba siya?" bulong ng isang dalaga sa kanyang likuran na ang kilay ay sintaas ng mount Everest.
"Hindi ko alam. Baka jowa! Pero gwapo din yung kasama ni girl, ha!" sagot ng kasamang babae.
"Truths! Buti pa siya, kahit hindi gaanong maganda ay may kasamang mga gwapo," naiinggit na saad ng dalaga habang nakatingin sila kay Jei.
"Oh shit! Parang mawawalan kung lumamon," maarteng bulong ng isang kasama nila.
"Ikaw ba naman ang ipagluto ni bebe Wonhi! Shit! Inggit much!" tugon ng isa.
"Sabagay... kung ako din ipagluto niya... baka pati yung sauce nainom ko na. Wala akong ititira," sagot ni miss kilay.
"Sarap papakin ang dalawang yummylicious! Fuck talaga, gurl!"
Napangisi lang si Jei sa naririnig niya. Sinadya pa niyang dumighay ng malakas na umagaw ng atensiyon ng mga kumakain. Pati sina Wonhi at Rain ay napatigil sa pagkain.
"Ewww!" nandidiring sabi ng isang customer sa di kalayuang mesa.
"Sorry po!" hinging paumanhin ni Jei. Umiling lang ang dalawang binata sa kagaguhan niya saka itinuloy ang pag- kain.
"Hey, bro. I need to take a shower later coz' I smell like beef steak," sabi ni Wonhi sa kaibigan habang hinihiwa ang karne sa kanyang plato.
"I guess you need extra clothes. I can call my friend to send us some," sagot ni Rain. Umiling si Wonhi saka ngumisi. "I know you have a stock of unused clothes from her."
"Her?" biglang tanong ni Jei habang nakatingin sa kanyang kuya na sige pa rin sa pagnguya sa karne na parang walang narinig.
"I will just use one of them," dagdag ni Wonhi. Tumango lang si Rain pero di nag- angat ng tingin.
Hindi na nag- usisa si Jei at halatang ayaw pag- usapan ng kanyang kuya ang kung sinumang 'her' na tinutukoy ni Wonhi.
"Thanks for the meal, kuya!" masiglang pasalamat ni Jei kay Wonhi ng matapos silang kumain.
"No big deal! Glad to see you crazy again," sagot naman ni Wonhi.
Huminga ng malalim ang dalaga bago magsalita, "I really appreciate what you've done for me today. Ikaw din kuya Rain. Ugh! I can't blame those bunch of jealous b*tches este ladies coz I do feel special today."
"Laki na ng utang mo sa akin, no?" nakangising sabi ni Rain sa kapatid. Tumango lang din si Wonhi bago pumasok sa banyo para maligo.
"Sagutin mo na nga yang cp mo at parang kanina pa may tumatawag," sabi ni Rain sa kanya. Gulat na tumingin si Jei sa kanyang cp at nagulat siya sa kanyang nakita.
Si Archie!
Dali niyang dinampot ang cp at pumasok sa guest room. Binalewala niya ang tawag ng kanyang kuya. Saka nanginginig ang kamay na pinindot ang answer button.
"H- hello?" ninenerbyos niyang sabi.
"Jei. Pwede ba tayong mag- usap?" mahinang tanong ni Archie.
"Sige. Kelan at saan?"
"Nasa labas ako ng bahay niyo."
"Ha? N- nasa labas kami nila kuya."
Napabuntong- hininga si Archie. "Ganun ba? Sige kahit sa ibang araw na lang," nanghihinayang na saad nito.
"Pauwi na rin kami. Mga isang oras. Pwede?" tanong ni Jei habang malalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim ng pumayag si Archie na hintayin siya nito.
Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya ang kanyang kuya na nakadekwatrong nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng Time magazine. Si Wonhi naman ay nagtutuyo ng buhok.
"Anong sinabi ni Archie?" biglang tanong ni Rain sa kapatid.
"Ha?" gulat na tanong ni Jei.
"C'mon Jei, we ain't stupid. We can guess basing on your reaction," sabi ni Wonhi bago niya guluhin ang buhok ng dalaga saka bumalik sa banyo para labhan ang pinagpalitan niyang t- shirt.
Natameme si Jei sa sinabi ng dalawa kaya lumabas siya sa may veranda. Inaliw niya ang sarili sa pag- seselfie at pag- uupdate ng kanyang instagram. Sinugurado niyang ang background niya ay ang mga dingding o anumang bagay na hindi nagpapagiwatig kung nasaan siya.
"Jei, tara na!" maya- maya ay sigaw ni Rain sa kanya.
"Andiyan na po!" sagot niya. Habang nasa biyahe ay tahimik lang si Jei hanggang sa makauwi sila.
"Salamat uli. Bye!" nagmamadali niyang sabi saka lumabas ng sasakyan. Iniwan niya ang dalawa na nagkatinginan.
"She's gonna come home later, crying!" sabi ni Rain.
"Hey, be positive! She'll be happy this time," saad naman ni Wonhi.
"Okay. I will bet 500," natatawang sabi ni Rain.
"Ara... 500," sang- ayon ni Wonhi saka sila nagfist bump.
'San ka?' text ni Jei kay Archie.
'Dito ako sa may hardin,' sagot ng binata.
Pinuntahan nito ang kaibigan habang pinapatay siya ng nerbyos. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib ng papalapit ito.
"J- jei!" mahinang sabi ni Archie ng makita ang dalaga. Nagtitigan ang dalawa. Hindi nila alam ang sasabihin o kung paano uumpisahang mag-usap.
"May sasabihin ka ba?" tanong ni Jei. Napabuntong- hininga si Archie bago magsalita.
"Gusto kong malaman kung bakit mahal mo ako," mahinang sabi nito.
Lumunok muna ang dalaga bago sabihing, "Bakit? Bakit gusto mong malaman?"
"Dahil nalilito ako sa totoo lang. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," pag- amin ng binata. Napatanga si Jei. Hindi niya alam ang sasabihin.
"Honestly, hindi ko rin alam. Nagsimula yata nung mga bata pa tayo."
Tahimik lang si Archie na panay ang paghinga ng malalim habang si Jei ay hindi maintindihan ang narardaman.
Nahigit ni Jei ang kanyang paghinga ng sa wakas ay nagsalita ang binata.
"Jei..." masuyong saad nito. Nag- angat si Jei ng mukha. "Parang... mahal din yata kita."
"Ha?" tanging nasambit ng dalaga. Hindi niya lubos mawari kung ano ang nararamdaman sa mga sandaling iyon.
"Sa tatlong araw na hindi tayo nagkita... napag- isip- isip kong di ko kayang mawala ka."
"A- archie... baka naman nalilito ka lang? Okay lang naman sa akin kung---"
"Minahal din yata kita simula ng mga bata pa tayo. Kaya siguro hindi pa ako nagkakagirlfriend dahil lagi ko silang kinunkumpara sa yo!" amin ni Archie. Natawa si Jei sa sinabi ng binata sa kanya.
"At kasalanan ko pa talaga, ganern?"
"Siyempre! Kasi... di ka naman kagandahan... di ka rin naman mabait... alam mo yun?!"
"Alam ko a! Hindi mo na kailangan sabihin at ipagsigawan, gago 'to!" inis na sabi ni Jei.
"Anong dapat na isigaw ko?" pilyong saad ng binata na tila nag- eenjoy sa reaksiyon ni Jei habang inaasar niya.
"Ewan ko sa yo!"
"Jei!"
"Ano?!"
"I love you!" sigaw ng binata. Biglang nagtakip ng mukha ang dalaga ng mapansing may mga dumadaan sa di kalayuang kalsada.
"Archie! Di mo naman kailangang isigaw," sita nito sa nakangising binata.
"Kailangan... at nang magkaalaman na," sagot ni Archie. Akmang sisigaw ulit ito ng biglang tumayo si Jei at mabilis na naglakad palayo. Mabilis na sinundan niya ito saka ihinarang ang katawan sa daanan ng dalaga habang nakangiti ng maluwag.
"Oooops! Saan ka pupunta mahal ko?"
"Mahalin mo mukha mo! Eish!"
"Di ka pwedeng umalis hangga't di mo sinasagot ang tanong ko!"
"Ano? Itanong mo na at nang makaalis ako."
Huminga ng malalim si Archie bago sabihing, "Tayo na ba?"