webnovel

First Class Betrayal

Napayakap si Wonhi sa kanyang sarili dulot ng malamig na simoy ng hangin. Lakad- takbo ang kanyang ginawa patungo sa isang maliit na cabin sa pinakadulong bahagi ng pampang. Pinagmasdan niyang maigi ang paligid. Sa harap ng bahay ay naaninag niya ang mabatong pampang kung saan humahampas ang naglalakihang alon. Sa likuran naman ay masukal na gubat. Ang tanging paraan upang makatuntong sa maliit na bahay ay ang makipot at maputik na daan na kanyang tinatahak.

"Shit!" mura nito ng muntik siyang madulas. Labis ang kabog ng kanyang dibdib habang papalapit siya sa cabin. Madilim ang paligid at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang mapusyaw na ilaw sa loob ng bahay na lumulusot sa dalawang maliliit na bintana nito.

Tagaktak ang kanyang pawis habang papalapit siya naturang bahay. Dahan- dahan siyang lumapit hanggang sa ilang dipa na lang ang layo niya mula dito. Nagulat ang binata ng biglang magvibrate ang kanyang cellphone. Dali- dali niyang binasa ang mensahe.

"Aneuro deurooda (pumasok ka)"

Huminga muna ito ng malalim saka naglalakas- loob na pihitin ang doorknob. Bumulaga sa kanya ang di kanais- nais na amoy kaya't napaatras siya saka dumuwal.

Nagdududa man ay pumasok siya sa loob ng bahay upang hanapin ang kasintahan. Ginamit niya ang kanyang panyo bilang mask para kahit papaano ay maibsan ang masamang amoy na nakulong sa naturang lugar.

"Jei!" sigaw nito habang ginagalugad ang bawat sulok ng bahay. Sa bawat sulok ng cabin ay nagkalat ang mga basura, tirang pagkain, at pati pa yata ihi. Binilisan na lamang ni Wonhi ang paghahanap upang makaalis na siya mula dito. "Jei, where are you?!"

Akmang bubuksan niya ang tanging silid na naroon ng may marinig siyang ungol mula sa loob. Dinagsa siya ng kaba kaya't may pagmamadali niyang binuksan ang pintuan. Madilim ang silid. Kung anong panghi at sangsang ng amoy sa labas ay dumoble dito.

Gamit ang flashlight ng kanyang cellphone ay hinanap nito ang switch ngunit hindi ito gumagana kaya't pinagkasya na lamang niya ang liwanag mula sa kanyang flashlight. Patong- patong na maruruming damit ang naroon at nagkalat din ang ihi at dumi ng tao. Ang kama ay nagmistulang dumpsite sa dami ng mga basurang naroon.

"Shit! Who could survive here?" saad ni Wonhi sa sarili. "But I'm sure I heard someone. Was it my imagination? If no one's here, where is Jei? Fuck!" Akmang tatalikod si Wonhi ng may marinig siyang nagsalita.

"N-nuguseyo?! (sino ka?!)" nanghihina at nanginginig na tanong nito sa binata. Bakas sa boses nito ang takot. "Je-jebal nal...nal jugyojwo! (Pakiusap, pa-patayin mo na lang ako!)" umiiyak nitong sabi. Nanindig ang kanyang balahibo sa animo'y naghihingalong boses.

Pinakinggan niyang mabuti kung saan ang pinanggagalingan ng hikbi saka siya unti-unti naglakad paikot sa kama. Napahinto si Wonhi sa kanyang kinatatayuan at di makapaniwala habang nakatingin sa isang bulto ng tao sa kanyang harapan.

"Andue! (Hindi!)" saad ng kanyang isip. Kalunos- lunos ang itsura nito at halos di makilala. Buto't balat ito at balot ng dumi at lanit ang buhok at katawan. Pati ang kanyang damit ay gutay- gutay na rin. Napansin din ng binata na bulag ito base sa nakapikit na mga mata.

Hindi alam ng binata ang gagawin. Punong- puno ng katanungan ang kanyang utak. Maraming bakit, papaano, ang nag-uumpugan sa kanyang isipan. Hindi niya kinaya kaya't kuyom ang mga kamaong tumakbo si Wonhi palabas saka nanghihinang napaluhod sa maputik na damuhan. Nagmistulang bukal ang kanyang mga matang hindi tumigil sa pag-iyak.

"Wae? Wae nahante iron iri saenggineun goji?! (bakit? bakit nangyayari sa akin to?), puno ng pait na saad ng binata habang sinusuntok ang putikan. Wala siyang pakialam kahit natatalsikan siya ng putik. "Aaaa! Shibaaaaaaaaal!"

Masakit. Masakit sa kanya. Puno ng pagsisisi ang kanyang dararamdaman. Kung di lang niya pinairal ang kanyang galit. Kung nag- isip sana siya ng lohikal. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Tinatanong niya ang sarili kung bakit di man lang niya naisip na pwedeng biktima rin ang kanyang ina? Anong klase siyang anak?!

Ring. Nanlalabo ang mga matang pinindot ni Wonhi ang answer button at malulutong na halakhak ang sumalubong sa kanyang tainga.

"How are you, Wonhi dear?" saad nito.

"Martina?!" puno ng pagtatakang tanong ng binata. Lalo siyang naguluhan.

"Ne. Nae sonmureun ottae? Chowa? (Oo. Anong masasabi mo sa regalo ko? Nagustuhan mo ba?)" parang baliw na tanong nito saka humalakhak.

"So you're part of this? You've been fooling us all along?" may pait na tanong ni Wonhi ngunit tumawa lang ang dalaga.

"Well, I guess we have some catching up to do but we don't have time. I am giving you a chance to apologize to your mom before she... you know, dies?" nanunuksong saad nito.

"If you hurt her, I'll kill you!" galit na saad ng binata.

"That is... if you survive! Palli, Wonhiya! Every second count. Tick. Tock. BOOM!" nang-aasar at humahalakhak pa ring saad ni Martina.

"Shibaaaal!" mura ni Wonhi ngunit agad tinapos ni Martina ang tawag.

Tarantang nagmamadaling pumasok si Wonhi sa loob ng bahay at dumiretso sa kinaroroonan ng ina. Wala siyang pakialam sa amoy o dumi na kanyang nadaraanan. Lumunok muna ito upang pakalmahin ang sarili saka kausapin ang naginginig sa takot na ina. Napakislot ang matanda ng hawakan ni Wonhi ang balikat nito.

"Om- omma. N-nae Wonhiya!" di mapigilang mapaluha ng binata ng makita ang pagliwanag ng kanyang mukha ng marinig ang boses ng anak saka ito humagulgol sa mga bisig nito.

"A-adeura mianhae! Jjinja mianhe!" parang nauupos na saad nito.

"Aniyo omma! Mianhaehaeya hal sarameun naya. Nan kkeumjjikan adeuriosso! (Hindi po, inay! Ako po dapat ang humihingi ng tawad dahil isa akong napakasamang anak!)" umiiyak ding sagod ng binata. Umiiyak na magkayakap ang mag-ina ng maalala ni Wonhi ang sinabi ni Martina.

"Omma yogiso nagaya haeyo! (Inay, kailangan po nating makaalis dito!)" saad ng binata saka binuhat ang patpating ina ngunit biglang napahinto ito ng mapahiyaw ito sa sakit. Lumingon si Wonhi saka napamura ng makitang nakakatali ang isa nitong paa.

Dahan- dahang inilapag ng binata ang ina sa kamang puno ng basura saka sinubukang tanggalin ang lubid sa paa nito. Ngunit sa mahigpit napagkakabuhol ay napagpasyahan niyang hilain na lamang ang lubid. Buong lakas niya itong hinatak ngunit agad ding natigilan ng marinig ang tila pamilyar na tunog. Yumuko ito saka nanlalaki ang mga matang napatingin sa pulang ilaw. Limang segundo na lang!

Mabilis na binuhat ang ina at kumaripas ng takbo si Wonhi. Tila may pakpak ang mga paa nito hanggang sa maramdaman niya ang malakas na enerhiyang nagtulak sa kanya kasabay ng nakakabinging pagsabog. Tumilapon silang mag-ina sa putikan. Napapikit na lamang siya sa sakit ng tumama ang kanyang binti sa nakausling bato habang ang kanyang ina ay napahiyaw ng sumalpok ang naghihinang katawan sa putikan. Mabuti na lamang at sa makapal na damuhan ito bumagsak.

"Omma! Gwenchana?!" puno ng pag-aalalang gumapang si Wonhi palapit sa ina. Tumango ng marahan ang matanda. Mabilis ngunit maingat nilang nilisan ang nagliliyab na bahay.

Kahit tigagal si Wonhi ay patuloy pa rin ito sa pagdadrive hanggang sa makarating sila sa isang ospital. Nagtatanong ang mga mata ng nurse at doctor na sumalubong sa kanila dahil sa kanilang itsura lalo na ng kanyang ina. Agad silang nagmask saka nila inasistehan ang dalawa.

"Ommareul dowajuseyo! (Pakiusap, tulungan niyo ang aking inay!)" nagmamakaawang saad ng binata. "Jebal uisasonsaengnim! (Pakiusap po doctor!)"

"Gokjjonghaji maseyo chwesoneul dahagetsseumnida! (Huwag kang mag-alala, gagawin namin ang aming makakaya!)" sagot ng doctor saka sinuri ang matanda.

"Jamkkanmannyo! Pak Wonhi ssi matsseumnikka? (Teka lang! Ikaw si park Wonhi?)" di makapagpigil na tanong ng nurse na umaasiste sa ina niya. Nagkatinginan sina Wonhi at ang doktor.

"Geuman hae!" pagalit ng doktor sa napahiyang nurse at agad yumuko at humingi ng tawad sa binata. Tumango lang si Wonhi saka bumaling sa ina. Hinawakan nito ang nangangamoy na kamay ng ina saka inilapat sa kanyang dibdib.

"Omma, uisa sonsaengnimi osyossoyo. Geuga nol doul goya geuroni nomu gokjjonghaji maseyo! (Inay, narito na ang doktor para tulungan ka kaya hwag kang masyadong mag-alala.)" malumanay na saad ni Wonhi. Umungol lamang ang matanda saka nila ipinasok sa emergency room upang masuri ito at magamot.

Ng makapasok na ang mga ito at siya naman ay inaasistehan ng isa pang nurse ay biglang naalala ng binata si Jei. Dulot ng kaba at takot na may masamang nangyari dito ay agad niyang tinawagan ang kaibigan.

"Hey! Are you okay? Did you find her?" sunod- sunod na tanong ni Rain. Balot ng pag-aalala ang boses nito.

"No, I am sorry," mahinang saad ni Wonhi. "She wasn't there!"

"What do you mean she wasn't there?!" kumakabog ang dibdib na tanong ni Rain. Biglang naalala ni Wonhi si Martina.

"Shit!" piping saad nito kasabay ng paghiyaw sanhi ng cotton balls na dumampi sa gasgas niya sa binti. Kitang- kita ang mga galos nito mula sa punit niya pantalon. Mabuti na lamang at hindi ang kanyang fractured bone ang tumama sa bato baka tuluyan na siyang maamputate.

"Bro, ahm... Martina... she's~"

"I know... she's here," saad ni Rain.

"Wonhi~ are you okay? Oh my god! Thank god you are alive," umiiyak na saad ng dalaga habang inaalo siya ni Rain.

"Bro, just be safe and come here, okay? Let's keep looking for my sister," buntong- hininga ni Rain. Napapikit na lamang si Wonhi. Paano niya ngayon babalaan si Rain mula kay Martina. Naririnig niya ang hikbi ng dalaga.

下一章